You are on page 1of 12

Philippine Normal University

The National Center for Teacher Education


INSTITUTE OF TEACHING & LEARNING
Manila

School Philippine Normal University – Institute Grade Level 10


of Teaching and Learning
Teacher April Mae. L. Bravo Learning Area Araling Panlipunan
DAILY LESSON PLAN
Banghay-Aralin Teaching Dates and November 11, 2019 (Dalcroze) Quarter Second Quarter
Time 12:30-1:30pm
November 14, 2019 (Chomsky)
10:30-11:30am

I. OBJECTIVES (Layunin)

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang perspektibo na may kaugnayan as
A. Content Standards samu’t saring isyu sa gender
(Pamantayang
Pangnilalaman)

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng
B. Performance Standards kasarian at sekswalidad
(Pamantayan sa
Pagganap)

C. Learning Competencies Natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian(gender roles) sa iba’t bang larangan at institusyong panlipunan (trabaho, edukasyon,
(Pamantayan sa pamilya, pamahalaan, at relihiyon). - P10IKP-IIId-8
Pagkatuto)
D. Specific Learning 1. Naipapaliwanag ang mga konseptong may kaugnayan sa Gender Roles
Objectives (Tiyak na 2. Nakapagbibigay ng saloobin o opinyon tungkol sa Gender Roles
Layuning Pagkatuto) 3. Makakagawa ng isang sanaysay (essay) tungkol sa Gender Roles

II. CONTENT (Nilalaman) Gender and Sexuality – Gender Roles

Page 1 of 12
III. LEARNING RESOURCES
(Kagamitan sa Pagkatuto)

A. References
(Sanggunian)
1. Textbook (Batayang Antonio, E., et.al. (2017). Kayamanan: mga Kontemporaryong Isyu. Manila: Rex Book Store, Inc. pp. 227-239.
Aklat)
B. Other Learning PowerPoint Presentation
Resources (Iba Pang
Sanggunian) Imahe ng We Can Do It Poster
http://nahswipeleft.com/wp-content/uploads/2017/02/NSL-2.15-pic.png
Imahe ng Poster
https://imgix.bustle.com/uploads/image/2018/1/18/ad8703ed-ba2d-43ce-8c36-a16fb577d81d-untitled-collage-16.jpg
https://coxrare.files.wordpress.com/2018/01/1-18-18-sexist-ad.jpg
Patriarchy
https://i.pinimg.com/originals/a4/e4/25/a4e4255cc953a0f5cffb96dccc8356b1.jpg
http://mediad.publicbroadcasting.net/p/shared/npr/styles/x_large/nprshared/201805/459829055.jpg
Matriarchy
http://www.heliotricity.com/images/matriarchies/heliotricity%20303x400.jpg
Gender Socialization
https://s.marketwatch.com/public/resources/images/MW-FU637_kids_0_ZH_20170919211249.jpg
http://media-gender-identity.weebly.com/uploads/3/8/7/4/38740351/5358109_orig.jpg
https://ironastrolabe.files.wordpress.com/2018/10/gender-stereotypes.jpg?w=640
https://blog.udemy.com/wp-content/uploads/2014/05/shutterstock_134875040.jpg
https://legalinsurrection.com/wp-content/uploads/2015/03/meghan-trainor-floor-620x425.png

IV. PROCEDURES Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


(Pamamaraan)

A. Reviewing previous A. Mga Panimulang Gawain


lesson or presenting the 1. Pag-aayos ng silid aralan
new lesson Maaari bang ayusin ang inyong upuan, iligpit ang mga kalat, at
(Pagbabalik-aral at/o itago ang mga kaggamitan na hindi kakailanganin sa Araling
Pagganyak) Panlipunan?
Opo.
2. Pagbati
Magsitayo ang lahat para sa pagbati.

Page 2 of 12
Magandang umaga/hapon po, mga guro!
Magandang umaga/hapon, grade 10!
Magsiupo na ang lahat.

3. Pagtatala ng liban
May liban ba ngayong araw na ‘to?
Wala/meron po.

B. Pagbabalik-aral
(para sa Dalcroze lamang)
Noong nakaraang Linggo ay ating tinalakay ang Konsepto ng Sex at
Gender at mga Kasarian sa Iba’t-ibang Lipunan. Kayo ay inatasan kong
magsagawa ng Video Interview tungkol sa sexual orientation sa inyong
barangay o munisipalidad. Maaari ba ninyong ibahagi ang inyong
experience sa inyong pag-iinterview? Magtaas ng kamay kung nais
magbahagi.
Maam, sa pagsasagawa ng interview na ito ay na-realize ko
na mahalaga ang pag-respeto sa ibang tao na makapamili ng
kasarian nila dahil ito ay isa sa mga karapatan nila bilang tao.

Maganda ang iyong kasagutan! Bilang isang tao, dapat nating igalang ang
desisyon ng iba sa pagpili ng kanilang kasarian sapagkat ito ay kanila ring
karapatan bilang isang tao. Meron pa bang nais magbahagi ng kanilang
experience? Maam, dahil sa paggawa ng interview na ito, na-realize ko na
dapat maging proud tayo kung ano man tayo, dahil meron pa
ring mga taong tatanggap sa atin kahit ano pa man ang ating
kasarian.

Tama yan! Dapat maging proud tayo sa kung ano tayo lalo na pag wala
naman tayong inaapakang ibang tao. Matatanggp pa rin tayo ng iba lalo na
ng ating pamilya at mga kaibigan.

Ngayon naman ay magbalik-aral tayo sa pamamagitan ng SOGIE Spectrum


na nasa pisara. Punan ito sa pamamagitan ng mga salitang nasa pisara.
Magtaas ng kamay kung nais sumagot at pumunta sa harap para idikit ang
sagot.

Page 3 of 12
Female Masculine Intersex Male Heterosexual
Asexual Woman (cis) Gender-queer Transgender
Man (cis) Feminine Androgynous Gender-neutral
Bisexual Homosexual

(para sa Chomsky lamang)


Noong nakaraang Linggo ay ating tinalakay ang Konsepto ng Sex at
Gender at mga Kasarian sa Iba’t-ibang Lipunan. Maaari ba ninyong sabihin
ang kaibahan ng sex at gender? Maam, ang sex po o sekswalidad ay base sa natural o
biyolohikal na katangian bilang lalake o babae. Ang gender
naman po ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos,
at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki.

Tama! Ang sex o sekswalidad ay tumutukoy sa kasarian noong ikaw ay


pinanganak– kung lalaki, babae, o intersex. Ang gender o kasarian ay
tumutukoy sa aspektong kultural na natutuhan hinggil sa sekswalidad, na
natutunan natin mula sa ating lipunang ginagalawan.

Ano naman ang sexual orientation at gender identity?


Maam, ang sexual orientation po ay base sa atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, o sekswal na nararamdaman ng
Page 4 of 12
isang tao sa kapwa nya, ito man ay kapareho nya ng kasarian
o hindi. Ang gender identity naman po ay kinikilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sekswalidad niya nang siya’y ipanganak.
Tama! Ang sexual orientation ay ang atraksyion na nararamdaman ng isang
tao at ang gender identity naman ay ang personal feeling na kasarian ng
isang tao.

Ngayong malinaw na ang konsepto ng sex at gender at iba’t-ibang kasarian


sa lipunan, magtungo naman tayo sa bago nating paksa, ang Gender
Roles.
B. Establishing a purpose Maaari bang pakibasa ang mga layunin ng ating leksyon ngayong araw.
for the lesson
(Transisyon ng Mga Layunin:
Pagbabalik-aral/ 1. Naipapaliwanag ang mga konseptong may kaugnayan sa
Pagganyak sa Gender Roles
Pagtatalakay) 2. Nakapagbibigay ng saloobin o opinyon tungkol sa Gender
Roles
3. Makakagawa ng isang sanaysay (essay) tungkol sa
Gender Roles
Maraming salamat!
C. Introduction to the new Bilang panimula sa ating paksa, mayroon akong mga tanong sa pisara at
lesson ibigay ang inyong opinyon kung sino ba dapat ang gumagawa nito, babae o
(Pagpapakilala sa lalake? Ipaliwanag ang inyong sagot.
bagong paksa)
1. Sino ba ang dapat nagtatrabaho sa bahay?
Maam, dapat mga babae po kasi mas malinis at maingat po
2. Sino ang dapat na tumutulong sa kusina? sila sa kagamitan. Magaling po sila sa mga gawaing bahay.

3. Sino ang dapat bumubuhay sa pamilya? Maam, mga babae po kasi madalas mas magaling sila
magluto at maghanda ng mga pagkain.

Maam, mga lalake po dapat kasi po mas malakas sila at


nakakapagtatrabaho po sila.
Salamat sa inyong mga kasagutan! Ngayon ay ating aalamin kung bakit
kaya idinidikta ng lipunan na ang mga ganitong gampanin ay para sa mga
ganitong kasarian.

Page 5 of 12
D. Discussing new Ano ba ng Gender Role?
concepts and practicing Gender Role
new skills #1 Ang gender role o sex role ay ang itinakdang mga
(Pagtatalakay #1) pamantayan na tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng
pagiging babae o lalaki. Ito ay batay sa panlipunan o
interpersonal na ugnayan.

Salamat. Ito ay ang mga gampanin at tungkulin ng kalalakihan at


kababaihan sa lipunan. May mga tinitignan na batayan o pamantayan ang
lipunan sa kung ano ang nararapat na tungkulin ng bawat kasarian.
Nakadepende sa kultura at kapaligiran ang mga tungkulin na
ginagampanan ng babae at lalaki, ngunit may pagkakataong hindi nagiging
pantay ang pagtrato sa pareho. Ang terminong ito ay unang ginamit ni John
Money at mga kasamahan nya noong 1954, sa panahon ng kanyang pag-
aaral sa mga indibidwal na intersex.

Ngayon ay suriin nyo ang larawan na ito. Ang nasa kaliwang larawan ay
isang ad noong 1940s ng isang food chain na Hardee’s. Ang nasa kanan
naman ay gawa ng isang Lebanese artist na si Eli Rezkallah. Ano ang
inyong mga napansin? Maam, yung ad noong 1940s po, may nakalagay na ‘Women
don’t ‘leave the kitchen!’, May nakasulat din po na ‘We all
know a woman’s place is in the home’. Makikita po sa larawan
na yung nanay ay naiwan sa kusina habang yung asawa
nyang lalake at anak ay nasa labas. Sa kabilang larawan
naman po ay kabaliktaran na ang nangyari.

Tama! Naisipan ni Eli Rezkallah noong 2018 na i-recreate ang ad na ito


dahil daw sa komentong sexist ng tito nya na ang mga babae raw ay dapat
nagluluto na lamang at nag-aalaga ng anak.

Page 6 of 12
“Last Thanksgiving, I overheard my uncles talk about how women are better
off cooking, taking care of the kitchen, and fulfilling “their womanly duties”.
Although I know that not all men like my uncles think that way I was
surprised to learn that some still do, so I went on to imagine a parallel
universe, where roles are inverted and men are given a taste of their own
sexist poison.”
— Eli Rezkallah (http://www.elirezkallah.com/inaparalleluniverse)

Ngayon ay ating talakayin ang mga ilang teorya at batayan tungkol sa


gender roles.

Una ay ang Patriarchy. Ano ba ang Patriarchy?

Patriarchy
Ito ay isang sistemang panlipunan kung saan ang mga
kalalakihan ay may hawak na pangunahing kapangyarihan at
namamayani sa mga tungkulin ng pamunuang pampulitika,
awtoridad sa moralidad, pribilehiyo sa lipunan at kontrol ng
pag-aari.

Salamat. Ano ang uyong pagakaintindi sa iyong nabasa? Maam, pag sinabi pong patriarchy, lalake po ang namumuno
sa lahat.

Tama. Dagdag pa dito, ito ay galing sa salitang Latin na “PATRIARKES” na


ang ibig sabihin ay “AMANG NAMUMUNO”. Ang kalakarang ito ay
nagsasanay sa bawat lalaki na maging pinuno sa bawat aspekto ng
buhay;sa larangan ng trabaho, politika, pamilya at relihiyon.

Ano naman ang Matriarchy?

Matriarchy
Ito ay isang sistemang panlipunan kung saan ang mga
kababaihan ay naghahawak ng pangunahing posisyon sa
kapangyarihan sa mga tungkulin ng pamunuang pampulitika,
awtoridad sa moralidad, pribilehiyo sa lipunan at kontrol ng
mga ari-arian.
Page 7 of 12
Salamat. Ang Matriarchy ay babae naman ang namamalakad sa lahat ng
aspeto ng buhay sa lipunang ito. Ang lahat ng desisyon ay nasa kamay ng
babae sa iba’t- ibang larangan; mapa-pamilya, politika o sa trabaho. Batay
sa kasaysayan, ang Timog- Silangang Asya noong panahon bago ang
kolonyalismo ay pinamumunuan ng mga kababaihan. Halimbawa sa
Pilipinas, ang mga babae noon ang namumuno sa aspektong panrelihiyon
at pampolitka, tulad ng mga babaylan.

Ngayon ay tignan ninyo ang mga larawan. Ano ang inyong napansin?

Page 8 of 12
Maam, yung mga laruan ng mga batang babae ay manika at
prinsesa. Samataang sa aake ay toy car at mga gamit sa
pakikipaglaban.

Tama! Sino ba ang namimili o nagbibigay sa mga bata ng mga laruan nila?

Tama. Karaninwan ay mga magulang ang namimili ng ibibigay na laruan Maam, mga magulang po nila.
para sa mga anak nila. Halimbawa, karaniwan na ang barbie ay para sa
babae at ang mga laruang kotse o robot ay para sa lalake naman.

Kaugnay nito, mayroon tayong tinatawag na Gender Socialization. Ano ba


ito? Pakibasa.

Gender Socialization
Ito ay ang proseso kung saan natutunan ng mga bata ang
tungkol sa mga social expectations, saloobin at pag-uugali na
Maraming salamat. Ang Gender Socialization nag nagsisimula pag ang nauugnay sa kasarian ng isang tao.
bata ay nasa edad na tatlong taong gulang. Habang nakamit ng mga bata
ang kanilang sariling pagkakakilanlan sa kasarian (Alam kung sila ay isang
batang babae o lalaki), binibigyan nila ng pansin ang impormasyon na may
kaugnayan sa kasarian, at lalo na sa mga modelo ng parehong kasarian.
Dahil dito, nagsisimula ang mga bata na bumuo ng kanilang sariling mga
paniniwala tungkol sa kasarian at sa huli ay nagkakaroon na sila ng
kanilang sariling pagkakakilanlan sa kasarian (gender identity). Ang mga
taong nakakaimpluwensiya sa prosesong ito ay ang mga magulang, guro,
paaralan, at mass media. Sa paanong paraan sila nakakaimpluwensya?

Page 9 of 12
Tama! Dahil dito, Bata pa lang tayo, nalalaman na natin kung ano ang Maam, tulad po ng nasabi kanina, ang mga magulang ay
pambabae at panlalake. Pati sa kulay, pag pink, babae. Pag blue, lalake. nagbibigay ng laruan sa mga anak nila, either pambabae o
Paano naman nakaimpluwensya ang mga guro at paaralan sa prosesong panlalake po.
Gender Socialization?

Tama! Simula noong kindergarten tayo, pinapipila na tayo sa eskwelahan


base sa sekswalidad natin. Pati nga pag nakikipaglaro tayo, ginu-grupo Maam, halimbawa po ay pag pinapipila po. Madalas hiwalay
natin ang sarili natin, babae sa babae, lalake sa lalake. Paano naman ang babae sa lalake.
nakaimpluwensiya ang mass media?

Tama! Pati sa mga commercials o advertisements na may kaugnayan sa Maam, halimbawa po sa mga palabas sa TV, ang karaniwang
gawaing bahay at pampaganda, madalas babae ang makikita natin. Pati sa role ng babae ay asawa at nanay. Pag lalake naman po, sila
mga kanta ay atin ring maririnig o makikita ang ideya ng gender roles. ang nagtatrabaho at bumubuhay sa pamilya.
Halimbawa nito ay ang kantang Dear Future Husband ni Meghan Trainor,
na ang asawang lalake ay dapat nagbibigay ng regalo at nagta-trabaho ng
9-5pm, samantalang ang asawang babae ay gumagawa ng mga gawaing
bahay.

‘Take me on a date
I deserve it, babe
And don't forget the flowers every anniversary
'Cause if you treat me right
I'll be the perfect wife
Buying groceries
Buy-buying what you need’

Page 10 of 12
E. Discussing new NA
concepts and practicing
new skills #2
(Pagtatalakay #2)
F. Finding practical Ngayon naman ay, ibigay ang inyong opinyon sa mga sumusunod na
applications of concepts pangungusap. Ikaw ba ay sang-ayon o hindi sang-ayon dito?
and skills in daily living
(Paglalapat) 1. ‘Hindi umiiyak ang totoong lalake.’ Maam, hindi po ako sang-ayon kasi lahat naman ng tao ay
may damdamin. Hindi po tama na isipin natin na pag umiyak
ang lalake, hindi sya tunay na lalake.
2. ’Huwag ka na mag-trabaho. Doon ka na lang sa bahay kasi babae ka.’
Hindi po ako sang-ayon, kasi po madami pong kayang gawin
ang babae maliban sa paglilinis ng bahay at pag-aalaga ng
mga anak.
Maraming salamat sa inyong mga sagot at opinyon. Ngayon ay naunawaan
na natin ang Gender Role at ilang mga teorya ukol dito. Sa kasalukuyang
panahon naman ay onti-onti na ring nagbabago sa pagtingin natin sa
gender roles. Nakikita natin na ang mga babae ay nagtatrabaho na rin kahit
sila ay may asawa at mga anak na at tumutulong na rin mga gastusin.
Nakikita na rin natin ang pagsuporta ng mga kalalakihan dito.

Page 11 of 12
G. Making generalizations Ano nga uli ang Gender Role?
and abstractions about Ito ay ang mga gampanin at tungkulin ng kalalakihan at
the lesson (Paglalahat) kababaihan sa lipunan
Tama! Ito ay ang mga gampanin o tungkulin na pambabae at panlalake
batay sa itinakda ng lipunang ating ginagalawan.

Ano-ano ang ilan sa mga teoryang batay sa Gender Roles?


Maam, Patriarchal po kung saan ang mnamumuno ay ang
lalake. At Matriarchal po kung saan ang namumuno ay babae.
Tama! Karagdagan dito ay ang Gender Socialization na proseso kung saan
natututunan ng mga bata ang tungkol sa mga social expectations, saloobin
at pag-uugali na nauugnay sa kasarian ng isang tao simula sa edad na
tatlo.
H. Evaluating learning Ngayon ay magkakaron tayo ng individual activity, isuat ang sagot sa sagutang papel. sagutin ang tanong:
(Pagtataya)
Sa iyong palagay, kaya bang gawin ng isang babae ang gawain ng isang lalaki at kaya bang gawin ng isang lalaki ang gawain ng isang
babae? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Ang inyong kasagutan ay mamarkahan batay sa rubric:

I. Additional activities for NA


application or
remediation (Iba pang
gawain sa pagpapalawig
o pagpapalalim)
NA
V. REMARKS (Mga Tala)

Page 12 of 12

You might also like