You are on page 1of 4

TAPOS NA

-BRIAN VEE
(REVERSE POETRY)

TAPOS NA.
HINDI MO NA KAILANGAN PANG LUMABAN
DAHIL SA TOTOO LANG
HULI NA ANG LAHAT
KAPATID, NAGKAKAMALI KA KUNG INIISIP MONG
MAY PAG-ASA
SA PUSONG MONG
NILIKHA NG PAGDUDUDA
HUWAG MO NANG HAYAANG MANAIG ANG
PAGIBIG, DAHIL KASINUNGALINGAN LAMANG YUN
HIGIT ANG KASAMAAN KAYSA SA KABUTIHAN NG
PUSO. KAYAT IBASURA MO NA ANG PANINIWALANG
ANG DIYOS AY MAY
PLANO PARA SA MUNDO, DAHIL ALAM NATING
IKAW ANG ISA SA KANYANG PINAKAMATINDING
PAGKAKAMALI
NA ANG MGA PANLALAIT NG KAAWAY AY
TUNAY
NA MAS DAPAT PAKINGGAN
TANDAANG ANG MGA SINABI NG DIYOS AY ANG BALITA
NA PURO LAMANG KABULAANAN
HUWAG KANG MANIWALA SA SALITA
DAHIL ANG MUNDO AY MAY IBANG MENSAHE
TOTOO ANG SINASABI NILA
HINDI
KA NIYA
MAHAL
MANIWAL KA
SA MUNDO
HUWAG MONG HAYAANG MABULAG KA
SA KASINUNGALINGAN
KAIBIGAN, HINDI KA NABUBUHAY
DAHIL SA PAG-IBIG
ANG LAHAT NG MAYROON KA NGAYON AY
BUNGA LAMANG NG IYONG MGA DESISYON
HINDI TOTOONG ANG TAGUMPAY MO AY
DAHIL SA MGA SAKRIPISYO NIYA
DAHIL SA MGA SUGAT NIYA
DAHIL SA PAGHIHIRAP NIYA
TAPOS NA ANG USAPAN
HUWAG NA NATING LOKOHIN ANG MGA SARILI NATIN
ITO ANG MGA PINAGLALABAN KO DATI PERO
BIGLANG BUMALIGTAD ANG LAHAT
NANG MAITINDIHAN KO ITO

NAMATAY AT NABUHAY SIYA


PARA SAKIN.
TAGPUAN
-BRIAN VEE

Minsan, nagkita tayo sa dating tagpuan


Sa ilalim ng karagatan ng mga bituin.
Ramdam ng damo sa ating likuran
ang kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin.
Ang pulso ng mga damdamin.
Mga kwentong gustong kumawala sa mga pusong
matagal na nilang gustong lisanin.
Noong gabing yon walang kibo ang mga kuliglig
Tumigil sa pagkumpas ang mga sanga,
pinatahimik ko ang buong kalawakan para making sayo.

At noon, nakilala kita.


Kinwento mo saakin ang mga sikreto ng iyong nakaraan.
Sinagot ang mga PAANO, KAILAN at mga SINO at SAAN
ang pinakamasaya at pinakamalulungkot mong karanasan.
Di ko malilimutan ang gabing yon.
Nang ipatong mo ang iyong daliri sa
labi mong nagkukulay ube na sa lamig.
At sa sandaling ibinukas mo ang iyong bibig,
nagmistulang entablado ang hinihigaang sahig.
Nagsimula kang umawit.
Pinakinggan ko ang Tugtug Tugtug Tugtug,
tibok ng puso mo sa ilalim ng tinig mong banabaybayang
mga salita at tono ng kantang familiar na sinulat nating dalawa.
Pinakinggan ko ang bawat salita,
ang bawat paghinga,
ang bawat pagtaas at pagbaba.
Pinakinggan kita sa bawat pagbulong at pagsigaw.
Sinabayan ka ng ingay ng mundo pero
pinakinggan ko’y ikaw dahil alam ko,
nung gabing iyon na ang kailangan mo ay hindi mga pangako,
hindi mga regalo, hindi mo kailangan
ng mga puring magpapanalo,
hindi mo kailanagan ng mga rosas na
galing sa bibig o mga salitang nakakakilig.

Alam ko na ang kailangan mo ay mga


tengang makikinig kaya’t nakinig ako,
habang kinekwento mo ang tungkol
sa mga paborito mong laruan nung bata ka pa,
nung isang beses na naiyak ka sa singing contest dahil sa kaba,
yung tungkol sa unang lalaking nagpatibok ng puso mo,
nakinig ako sayo.
Nakinig ako sayo dahil mahal kita,
kung hindi mo iyan narinig nung
unang beses na nagpakilala ako sayo,
inuulit ko sa ngayon MAHAL KITA at
hindi yung “MAHAL KITA”na naririnig mo sa mundo,
ito yung “MAHAL KITA” na pinakatotoo,
MAHAL KITA na makikinig sayo.

Kaya’t ikwento mo sakin ngayon


kung paano mo natuklasan ang pag-ibig
at ikekwento ko sayo kung paano ko ito nilikha.
ikwento mo sakin kung paano ka nila sinaktan
at ikekwento ko sayo kung paano nila ako pinahiya
at kung paano nila ako binugbog,
at kung paano nila ako pinako at kung paano
ako pumayag alang alang sa pangako.
Ipaalala mo sa akin kung ilang beses kang naligaw
at ipaalala ko sayo kung ilang beses kitang hinanap.
Ipaalala mo sa akin kung ilang beses kang nabigo
at ipaalala ko sayo kung ilang beses kitang niyakap.
Ipakita mo, na handa ka ng magtiwala,
na handa ka ng magmahal
at ipapakita ko sayo kung paano magdasal
wag kang matakot magkwento,
makikinig ako sayo naiintindihan kita,
dahil alam ko din ang pakiramdam ng hindi pinakinggan.

Minsan, nakita kita sa dating tagpuan,


sa ilalim ng karagatan ng mga bituin,
ramdam ng damo sa iyong likuran
at ng kumot ng ulap na sumasayaw sa hangin,
ang pulso ng damdamin.
Mga kwentong gustong gustong kumawala sa
pusong matagla na nilang gustong lisanin.
Pero nung gabing iyon,
nung gabing iyon galit nag alit ang mga kuliglig,
walang tigil sa pagkumpas ang mga sanga,
nag iingay ang buong kalawakan!
Para sayo at noon niyakap kita pero hindi
na ako naramdaman ng manhid mong katawan.
Sinabi ko sayo mahal kita pero hindi mo ako pinakinggan.
Ang pinakinggan mo ay ang mundo, n
na nagsasabing handa ka ng magmahal,
Kung handa ka ng masaktan.
Pero lagi mo sanang tatandaan na hindi lahat
ng sugatan ay tama ang pinaglaban.
Ngayon, may nangyayaring rebolusiyon sa puso mo,
ikwento mo sakin at makikinig ako.

You might also like