You are on page 1of 1

ELIZABETH SETON SCHOOL

High School Division


Kagawaran ng Araling Panlipunan
Taong Panuruan: 2019 – 2020

Bilang sa Klase: _________ Petsa:_____________________


Pangalan: ___________________________________________ Guro: Sir Jhoew
Baitang/Pangkat:__________________ Lagda ng magulang:__________
Ikalawang Termino

Handout #1
KAISIPANG ASYANO

 MIDDLE KINGDOM
 Ang pinakatradisyunal na pangalan ng Tsina ay Zhonggou o Middle Kingdom.
 MANDATE OF HEAVEN
 Isang mahalagang kaisipang nagmula pa sa Dinastiyang Zhou.
 Ginamit ito ng dinastiya, upang bigyang dahilan ang pagbagsak ng naunang dinastiya.
 Ayon sa Mandate of Heaven,pinipili ang isang emperador depende sa kagustuhan ng
langit.
 Itinuturing na “anak ng langit” ang isang emperador.
 Maaaring mawala sa emperador ang basbas ng langit kapag nagkaroon ng pag-aalsa
mula sa mga mamamayan.
 Ang isang magsasaka ay maaaring basbasan ng langit upang magsimula ng pag-aalsa.
 DIVINE ORIGIN NG JAPAN
 Batay sa Kojiki (Records of Ancient Matter) at Nihon Shoki (Chronicles of Japan)
 Ang emperador at ang kanyang mga kaanak ay direktang kamag anak ni Amaterasu.
 Ang ganitong mito, ay nagbigay ng pagpapahalaga upang palakakasin ang Emperador
sa sinaunang Japan.
 Mula sa ganitong paniniwala, itinuturing ng mga Hapon ang kanilang mga emperador
bilang diyos
 DIVINE ORIGIN NG KOREA
 Banal din ang turing ng mga Koreano sa pinagmulan ng kanilang emperador
 Isang nagngangalang Hwanung ang bumaba sa lupa sa kabundukan ng Taebak at
itinatag ang City of gods (Taebak)na tinawag na SINSI
 Sinasabing pinasimulan ni Dangun ang sinaunang kaharian ng Gojoseon sa Korea
noong 2333 BCE
 Si Sunjong ang huling emperador ng bansang Korea
 DEVARAJA NG INDIA
 Ang Devaraja ay tumutukoy sa paniniwalang diyos din ang mga hari.
 Hango ang kataga sa Sanskrit na deva na nangangahulugang “diyos” at raja na “hari”
 Ang Chakravartin ay isang terminong Indian na tumutukoy sa isang kahanga-hanga at
mabuting pinuno.
 ANG MGA CALIPH SA KANLURANG ASYA
 Ang mga Caliph ay mga ispiritwal na pinuno na humalili kay Muhammad
 Ang salitang Khalifah naman ay tumutukoy o nangangahulugang “ang sumunod” o
successor na sumunod kay Muhammad.
 Sa panahon ng Caliphate na si Abu Bakr nakamit ng relihiyong Islam ang rurok ng
kadakilaan ng kanilang imperyo.
 Ang salitang Rashidun ay katagang ginamit ng mga Sunni Muslim sa mga sumunod na caliph na
humalili kay Mohammad na nangangahulugang “tamang ginabayan” o rightly guided.

You might also like