You are on page 1of 2

Ang Tigre at ang Matalinong Lobo

Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin
nang bigla itong magsalita at tumutol.

"Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!"

"Bakit?" tanong ng tigre.

"Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari
ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang
sa akin . Parurusahan ka Niya."

Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw
sa buong kagubatan!"

"Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa iyo!"

Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang bahagi ng
kagubatang may mga iba't ibang uri ng hayop.

Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga iyon at lumisan
nanag takot na takot.

Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka ngang
katakutan!"

Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya
totoong natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino.
Ang Tigre at ang Matalinong Lobo
Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin nang bigla
itong magsalita at tumutol.

"Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!"

"Bakit?" tanong ng tigre.

"Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari ng mga
halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang sa akin .
Parurusahan ka Niya."

Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw sa buong
kagubatan!"

"Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa iyo!"

Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang bahagi ng kagubatang may
mga iba't ibang uri ng hayop.

Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga iyon at lumisan nanag
takot na takot.

Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka ngang katakutan!"

Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya totoong
natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino.

You might also like