You are on page 1of 4

Mag-Amang Palaka

Isang araw ay humahangos na umuwi ang magkapatid na palaka.


Palaka: "Itay, itay, nakakita po kami ni kuya ng higanteng bakulaw sa
palayan. May matutulis na sungay at mahabang buntot. At ang itim ng
kulay, nakakatakot! po!" sigaw ng batang palaka.
Amang Palaka: "Ha ha ha! Kalabaw ang nakita ninyo at hindi higanteng
bakulaw," natatawang sagot ng amang palaka.
Palaka: "Eh, bakit po ang laki-laki niya?" tanong ng batang palaka.
Amang Palaka: "Wala yun! Tingnan nyo ako, kaya ko rin palakihin ang
katawan ko, " pagmamayabang ng amang palaka.
(Huminga siya ng malalim at pinalaki ang kanyang tiyan.)
Palaka: "Mas malaki pa po siya sa inyo,"
Amang Palaka: "Ganun?"
(Suminghot pa ng malalim ang amang palaka at lalung pinalaki ang
kanyang tiyan.)
Amang Palaka: "Ganito ba kalaki?"
Palaka: "Mas malaki pa rin diyan!"
(Ibinuhos ng amang palaka ang kanyang lakas at suminghot ng suminghot
ng napakalalim hanggang sa naging napakalaki na ng kanyang tiyan.Mayamaya pa ay bigla silang nakaring ng malakas na "Pop!". Yun pala ay
sumabog ang tiyan na siyang ikinamatay ng ng amang palaka.)

Mga aral ng pabula: Alamin ang hangganan ng iyong kakayahan. Ang


kayabangan ay kadalasang nauuwi sa sariling kapahamakan.

Ang Tigre at Ang Lobo


Isang araw ay nahuli ng Tigre ang isang Lobo sa kasukalan. Kakainin na
sana ng mabangis na Tigre ang kaniyang huli nang itaas ng Lobo ang
kaniyang leeg at nagwikang,
Lobo: Teka, teka. Alam mo bang kaproproklama lamang ng mga Bathala
na ako na raw ngayon ang Hari ng Kagubatan?
Tigre: Ikaw? Hari ng mga Hayop? hindi makapaniwalang sabi ng Tigre.
Lobo: Kung hindi ka naniniwala ay sumama ka at maglakad tayo sa buong
kagubatan. Tingnan mo lang kung hindi matakot ang lahat makita lang
ako!
Ang Tigre at ang Lobo Hindi malaman ng Tigre kung paniniwalaan ba o
hindi ang tinuran ng Lobo. Mayabang na lumakad sa harapan ng Tigre ang
Lobo. Nang ayain ng Lobo ang Tigreng umikot sa kagubatan ay napasunod
ito. Malayo pa lamang sa mga Usa ay kumaway-kaway na ang Lobo sa
mga hayop na may mahahabang sungay. Takot na napatakbong papalayo
ang mga Usa. Ganoon din ang naging reaksiyon ng mga Kambing, ng mga
Kuneho at ng mga Tsonggo. Takot ding nagsilayo ang mga Baboydamo at
mga Kabayo. Takang-taka ang Tigre. Nang magtakbuhan sa sobrang takot
ang mga hayop ay mayabang na nagsalita ang Lobo,
Lobo: Kaibigan, naniniwala ka na bang ako na nga ang Hari ng
Kagubatan?
Napansin ng Tigre na kapag lumalapit na silang dalawa sa mga hayop ay
lagi at laging nasa likod niya ang tusong Lobo. Napag-isip-isip niyang hindi
sa Lobo takot ang Usa, ang Kambing at Kuneho. Hindi rin dahil dito kaya
kumaripas ng takbo ang Tsonggo, ang Baboyramo at Kabayo. Nang

manlisik na ang mga mata ng Tigre at magsitayo na ang mga balahibo nito
sa galit ay mabilis pa sa alaskwatrong nagtatakbong papalayo ang takut na
takot na Lobo.
Aral: Dapat na maging mapanuri upang malaman ang layunin ng mga
taong nakapaligid sa atin.

You might also like