You are on page 1of 3

ipinamalas ng Greece ang kagalingan ng kabihasnan nito sa larangan ng agham, arkitektura, drama,

eskultura, medisina, pagpinta, kasaysayan, pananampalataya at pilosopiya. (jb)

Sino ang ama ng heograpiya?

Ang ama ng heograpiya ay si "HERODOTUS". Si herodutus ang tinuturing na ''AMA NG HEOGRAPIYA''


siya ang nagsuri ng mga kaganapan sa kasaysayan batay sa kanilang kinalalagyan at pinangyarihan.. -siya
din ang kinilalang ''AMA NG KASAYSAYAN'' nabuhay siya sa pagitan ng 484 B.C.E hanggang 425 B.C.E.
Siya ay nagpunta sa iba't-ibang lugar upang manaliksik tungkol sa kasaysayan.Si Herodotus ng
Halicaranassus ay isang mananalaysay na Griyego na namuhay noong ika-5 dantaong BC at itinuring na
Cicero bilang "Ama ng Kasaysayan". Siya rin ang itinuturing bilang "Unang Mannalaysay ng Mundo."
Kinikilala si Herodotus bilang manunulat ng The Histories, kung saan inilahad niya sa paglawak ng
Imperyoung Persyano sa ilalim nina Cyrus the Great, Cambyses at Darius the Great, at maging ang
pananalakay ni Xerces noong 480 BC na nagtapos sa mga digmaan sa Salamis,Plataea at Mycale.
Inilarawan rin ditto ang pagtutunggali ng mga Persyano at mga Grigeyp noong panahong iyon.

KASAYSAYAN HERODOTUS – Ama ng Kasaysayan Ang salitang HISTORY ginamit ni Herodotus nang isulta
nya ang History of Persian Wars bilang isang ulat ng kaganapan sa digmaan ng Greece at Persia.Dahil
dito kinilala ito bilang UNANG KABUUANG ULAT sa kasaysayan. THUCYDIDES- History of Peloponnessian
War

Layunin ni Herodotus na iulat ang sanhi ng mga digmaan ng mga Griego, lalo na ang sanhi ng pagsalakay ng Persia noong
490 B.C.E., at noong 480 B.C.E., nang bata pa si Herodotus. Bukod sa paksang iyan, iniulat din niya ang lahat ng
impormasyong nalaman niya tungkol sa mga bansang naapektuhan ng pananakop ng Persia.

HIGIT PA SA KASAYSAYAN
Si Herodotus ay isang mahusay na tagapaglahad. Napakametikuloso niya sa kaniyang mga isinulat, at isinama niya ang
bawat detalyeng sa palagay niya ay kinakailangan. Kahanga-hanga ang nagawa ni Herodotus dahil nang panahong iyon,
halos wala naman siyang mapagbabatayang opisyal na mga rekord ng bansa na nag-uulat ng tuloy-tuloy na kasaysayan ng
mga pangyayari.

Nang panahong iyon, hindi gaanong interesado ang mga tao na iulat ang kasaysayan, malibang para ipagyabang sa mga
inskripsiyon sa mga monumento ang kanilang magagandang nagawa. Napilitang manalig si Herodotus sa obserbasyon,
tradisyon, at testimonya ng iba tungkol sa mga pangyayaring gusto niyang iulat. Para mangalap ng impormasyon, maraming
lugar na nilakbay si Herodotus. Lumaki siya sa Griegong kolonya ng Halicarnassus (ngayo’y Bodrum, sa timugang Turkey)
at napuntahan niya ang malaking bahagi ng Gresya.

Para mangalap ng impormasyon, maraming lugar na nilakbay si Herodotus


Naglakbay siya patungong hilaga sa Dagat na Itim at sa Scitia, na lugar ng makabagong Ukraine, at patungong timog sa
Palestina at sa Mataas na Ehipto. Sa silangan, tila nakarating siya sa Babilonya, pero malamang na nanatili siya sa
kanluran, sa isang Griegong kolonya na ngayon ay timugang Italya, hanggang sa kaniyang kamatayan. Saanman siya
pumunta, nagmasid siya at nagtanong, kaya nakakolekta siya ng impormasyon mula sa inaakala niyang
pinakamapagkakatiwalaang mapagkukunan nito.

ANG KATUMPAKAN NI HERODOTUS


Pirasong papiro ng The Histories

Gaano katumpak ang impormasyong iniulat ni Herodotus? Pagdating sa mga lupaing pinuntahan niya at sa mga bagay na
nakita niya mismo, itinuturing na tumpak ang kaniyang kaalaman. Ang paglalarawan niya sa mga kaugaliang di-kilala sa
Gresya—gaya ng paglilibing sa mga maharlika ng Scitia o pag-eembalsamo sa Ehipto—ay tumutugma sa mga tuklas ng
mga arkeologo. Sinasabi na ang napakaraming impormasyong naingatan niya tungkol sa Ehipto ay “nakahihigit sa lahat ng
naisulat noong sinaunang panahon tungkol sa bansang iyon.”

Pero kadalasan, walang magawa si Herodotus kundi ang manalig sa kaduda-dudang testimonya. Karagdagan pa,
paniwalang-paniwala ang mga tao noong panahon niya na ang mga paganong diyos ay nakikialam sa buhay-buhay ng mga
tao. Kaya naman hindi lahat ng isinulat niya ay pasado sa pamantayan ng makabagong mga istoryador. Gayunpaman,
sinikap ni Herodotus na ihiwalay ang katotohanan sa alamat. May-katalinuhan niyang inamin na hindi siya basta naniniwala
sa lahat ng sinasabi sa kaniya. Nakagawa siya ng mga konklusyon matapos salain at paghambingin ang mga pinagkunan
niya ng impormasyon.

Masasabing ang The Histories ang obra maestra ng buhay ni Herodotus. Kung isasaalang-alang ang kalagayan niya noon,
talagang namumukod-tangi ang nagawa niya.
MAIKLING IMPORMASYON
 Malamang na ang The Histories ang pinakamalaking pagsisikap para iulat ang nagdaang mga pangyayari hanggang noong
panahong iyon. Kaya naman, tinawag ng manunulat sa Latin na si Cicero (106-43 B.C.E.) si Herodotus bilang Ama ng
Kasaysayan.
 Ang The Histories ay isang “walang-kupas na obra maestra,” sabi ng isang makabagong manunulat. “Mababasa rito hindi
lang ang kasaysayan kundi pati na ang antropolohiya, heograpiya, teolohiya, pilosopiya, political science, at trahedya.”

 Sa isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng mundo, naingatan ni Herodotus ang impormasyong nakuha niya tungkol sa
Gresya, Kanlurang Asia, at Ehipto.

 references:
https://www.slideshare.net/noemiadaomarcera/pamana-ng-kabihasnang-greek-pilosopiyakasaysayan
 https://www.jw.org/tl/publikasyon/magasin/g201509/herodotus-ama-ng-kasaysayan/
 (http://www.answers.com/Q/Sino_ang_ama_ng_heograpiya)
 https://www.slideshare.net/ardzkiedhentaltala/ang-mga-naiambag-ng-greece-sa-kasalukuyan

You might also like