You are on page 1of 2

Ayon kay Atim isang interdisiplinaryo na maituturing ang metodolohiya na ginamit ni

Demeterio sa kanyang diskurso tungkol sa pilosopiyang Pilipino. Sinasabing interdisiplinaryo ang


metodolohiya ni Demetrio dahil una, ang pilosopikal na pananaliksik ni Demetrio ay ginagamitan
ng ibang metodo at teoryang likas na hindi pilosopikal, at pangalawa nakabatay ito sa kritikal na
tradisyon na isinusulong niya. Ang pilosopiya, ayon sa kanya, ay maaring humiram ng mga
epektibong pamamaraan o metodolohiya sa ibang disiplina, sinang-ayonan ni Atim ang pananaw
ni Demetrio na dapat interdisiplinaryo ang pilosopikal na pananaliksik dahil hindi naman talaga
ito maiiwasan sa pagsusuring pilosopikal. Ibig sabihin nito ayon kay Atim ay tumatawid ang mga
pilosopo sa ibang teritoryo para mangalap ng m ang sarili nitong mga posisyon, pananaw at
adhikain na tinutulan naman ni Atim sapagkat naniniwala siya na kayang panatilihin ng pilosopiya
ang sarili nitong mundo at umiral na may kabuluhan at kahalagahan bilang isang malayang
disiplina na hindi nangangailang ng kaisahan sa ibang disiplinang pang-agham. Binigyan diin ni
Atim ang paniniwala niya sa pamamagitan ng sinabi ni Habermas na dapat mapanatili ang
pagkakaiba ng pilosopiya sa ibang disiplina kahit pa may nangyayaring pagpapalitan (cross-
fertilization) ng mga pananaw at pahayag. Ipinaliwanag ni Atim ang kaibahan ng pilosopikal na
diskurso o pananaliksik sa uri ng pananaliksik ng ibang disiplina na nakabatay sa uri o kalikasan at
metodo. Ang unang uri ay tumutukoy sa pilosopikal na pananaliksik na sinasabi ni Atim na ito ay
nakainog sa usapin tulad ng metapisika, epistemolohiya, etika, lohika. Pangalawang uri ng
kaibahan ng Pilosopiya ay ang metodo na nababatay sa argumento dahil kung ang ibang disiplina
ay may tinatawag na qualitative o quantitative na pananaliksik. Sinasabing interdisiplinaryo na
maisalalarawan ang metodolohiyang ginamit ni Demeterio. Ngunit ayon kay Atim kung ang
tinutukoy ni Demetrio na interdisiplinaryo ay paggamit ng ibang metodo o teorya ng ibang
disiplina, nilulusaw nito ang saklaw ng pilosopiya at nang araling panlipunan. Ang pilosopiya sa
sarili nito ay makabuluhan na, iminumungkahi ni Demeterio na mas maging epektibo ang
paglinang ng pilosopiyang Pilipino kung gagamit ng metodolohiyang hindi man saklaw ng
pilosopiya ay epektibong makatutulong sa pagtuklas o pagsusuri ng suliraning pilosopikal. Ayon
kay Atim walang problema sa pagiging interdisiplinaryo ng pilosopiya ngunit kung ang pagiging
interdisiplinaryo nito ay nangangailangan din ng interdisiplinaryong metodolohiya nilalabo nito
ang pag-unawa sa pilosopiya lalo’t higit sa saklaw na sakop nito at dagdag pa ni Atim ang paglabo
ng batayan sa pag-uuri ng mga Pilipinong akda na pilosopikal at di-pilosopikal kaya ayon kay Atim
bilang mga namimilosopiyang Pilipino mayroong tungkuling dapat gampanan ang mga
namimilosopiya sa pilosopiyang Pilipino at iba pa para maayos na maipanday ang ating sariling
tatak ng pilosopiya at tulad ng sinabi ni Demetrio mayroon tayong tungkuling etikal na gampanin
bilang mga namimilosopiya sa pilosopiyang Pilipino.

Ayon kay Demeterio, may dalawang mabigat at mahirap pero magkaugnay na tungkulin ang
mga namimilosopiya sa pilosopiyang Pilipino. Una ang etikal na tungkulin na tumutukoy sa
pangangailangan ng paggamit ng interdisiplinaryong metodolohiya sa pagsusuring kritikal ng
pilosopiyang Pilipino. Pangalawa ang ideyolohikal na tungkulin naman ay tumutukoy sa
tungkuling maipakita ng wasto ang tunay na kondisyon ng lipunan gamit ang kritikal na salamin
ng pagsusuri. Sa palagay ni Atim, tungkol sa etikal at ideyolohikal na tungkulin ng pilosopiyang
Pilipino ay ang pagpapa-alala na magkaugnay ang etikal at ideyolohikal na gampanin na dapat
mabatid ng mga namimilosopiya. Kinontra ni Atim ang isang diskurso ni Demetrio at hindi sang-
ayon na dapat umiikot sa nasabing sangay ang pamimilosopiyang Pilipino kung ang hangarin ay
mas mapapaunlad, mapakinang pa ang kaanyuan ng pilosopiyang Pilipino. Ang kanyang
pagsasalarawan tungkol sa pilosopiyang Pilipino, at pagsulong sa kritikal na pilosopiyang Pilipino
bilang isang mapagpalayang (emancipatory) uri ng pilosopiya na hindi dayuhan sa tunay na
kondisyon ng lipunan, ay mga palatandaan ng mabigat na tungkuling etikal ng mga gustong
mamilosopiya sa pilosopiyang Pilipino. Bagaman maganda ang adhikain ni Demetrio sa mga dapat
gawin ng mga namimilosopiya sa pilosopiyang Pilipino hindi ito basta lamang sinang-ayonan ni
Atim dahil sa palagay niya hindi sapat ang etikal at ideyolohikal na tungkulin lamang para
maisakatuparan ang pagpapa-unlad ng pilosopiyang Pilipino. Para kay Atim ang dapat gawin ay
una, kailangan din gawin ng mga namimilosopiya ang maghawan ng konseptuwal na kaligiran ng
pilosopiyang Pilipino upang sa ganoon ay magkaroon ng malinaw na direksyon at maplano ng
pulido ang mga hakbangin na gagawin para mapaunlad ito. Pangalawa, hindi lamang nakasalalay
sa etikal at ideyolohikal na tungkulin ng mga namimilosopiya ang kapalaran ng pilosopiyang
Pilipino kundi pati na din sa kakayanang intelektuwal ng mga namimilosopiya na ipamalas ang
angking galing upang sa ganun ay maramdaman ng tao ang kahalagahan nito sa kanilang buhay.
Pangatlo, ang mga namimilosopiya sa pilosopiyang Pilipino ay dapat masipag manaliksik upang
makapagpalimbag ng mga akda tungkol sa pilosopikal na Pilipinong pananaw sa mga problemang
may pangkalahatang (universal) interes. Ayon kay Demetrio maaaring magamot ang kondisyon
ng pilosopiyang Pilipino kung ito ay aktibong makisangkot sa usaping panlipunan kaysa maglaan
ng panahon sa mga pilosopikal na gawaing walang praktikal na pakinabang maliban sa
ideyolohiyakal at pagsesentro ng tungkulin etikal sa pilosopiyang panlipunan at politika sa bansa,
maaari din tingnan ang iba pang bagay na makatutulong sa mga namimilosopiya

You might also like