You are on page 1of 2

VIDEO 1- Magdandang buhay, Ako si tricia magtalas.

At kami ang ikapitong grupo na tatalakay sa Aralng


Filipino bilang lapit-pananaliksik.

2- Ang layunin ng pagtatalakay na ito ay Maibigay ang kahulugan ng Lapit- Pananaliksik, Matukoy ang
kaibahan ng Teorya , Praktika at Pagpapahalaga at Maiisa-isa ang mga katangian ng Lapit- Pananaliksik

3- Simulan natin ang talakayan sa pagbibigay ng kahulugan sa Lapit- pananaliksik

Ito ang Pagsipat at pagdulog na humahantong sa paglilinaw, pagsusuri, at pagpapaliwanag ng mga


pananaw, paniniwala at konseptong bumubuo at/o humuhubog sa kaisipan, paghuhusga at
pagpapahalaga ng mananaliksik.

Nagsisimula ang lapit pananaliksik bilang pangkabuoang pananaw mulasa formulasyon ng paksa ng
pananaliiksik hanggang sa analisis ng datos at/o pagbabasa ng mga texto. Sa madaling salita, nakakapit
ito sa kamalayan ng mga mananaliksik mula simula hanggang wakas ng riserts.

4- Sinasabi na maaari itong maging paradigmatiko, pilosopikal at sayentipiko

Paradigmatiko ito dahil ang pananaw ng mananaliksik ay hango sa kaalaman at karanasang nakatutok sa
kinapopookang panahon. Ibig sabihin, nabubuo ang mga konsepto at paniniwala dahil sa tawag ito ng
panahon at bitbit ng paninindigan ng mananaliksik. Maaaring pandayin ang pananaw mula sa ibat ibang
domeyn tulad ng lugar, lipunan, t kultura. Samakatuwid, may kasaysayan at kasaklawan ang
pananaliksik.

Ito ay pilosopikal dahil may talas,lalim, at lawak ang pagsipat.

At ito naman ay sayentipiko kung nakasalalay sa unibersal, objektib, at empirical na pamantayan ang
lapit-pananaliksik. Unibersal dahil ang teorya, metodoat pagpapaliwnag ay aplikabol sa lahat. Objektib
ito kung may distansiya sa pagitan ng mananaliksik at isinasaliksik.

6- Disiplinari ang tutok ng pananaliksik kung nakasalalay sa isang larangang akademik, lamang ang dulog,
metodo at teoryang inilalapat sa pagsisiyasat ng paksa.

Multi-disiplinari naman kung ang tutok sa pag-aaral ng paksa ay nanggagaling sa ibat ibang disiplina.
Halimbawa iba iba ang asampsyon ng sosyolohiya.
VIDEO 7 - sa Araling Filipino Bilang lapit-pananaliksik nagkakaroon ng perspektibang hinihingi ng
pagkakataon, panahon at kalagayang umiikot sa mundo ng mananaliksik. Ikalawa't huli, may
pagtatalabang nagaganap lagi sa kaisipan, paniniwala at konsepto. Kaya't umiinog ang malaliman at
malawakang pananaw dahil daynamiko ang pagtatalaban. Hindi sarado ang lapit-pananaliksik, bagkus
bukas itong yumayakap sa nagbabagong anyo at hugis ng karanasan at karunungang Filipino.

You might also like