You are on page 1of 1

https://www.tmc.upd.edu.ph/index.

php/djwf/article/view/3808

Tungo sa Isang Mas Mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa Makabagong Sikolohiyang Pilipino

Abstract

Nagsimula ang Sikolohiyang Pilipino bilang alternatibong modelo sa namamayaning kalakaran sa


sikolohiya sa Pilipinas noong dekada 70. Inilahad sa unang bahagi ng papel ang pinagdaanan ng
Sikolohiyang Pilipino (SP) sa landas ng pagsasakatutubo gamit ang balangkas ni Adair (2006):
mula pag-aangkat at pagpupunla ng Kanluraning sikolohiya tungo sa pagsasakatutubo at
pagbubuo ng SP bilang mas malayang disiplina. Inilarawan kung bakit at paano unti-unting
umuusad ang SP tungo sa pagsasarili. Tinalakay din ang iba’t ibang mga tensiyon at
pagkakahati-hati sa loob at labas ng disiplina bilang mga sagka sa pagkamit sa katayuan ng SP
bilang malaya at nagsasariling disiplina. Ipinanukala na ang pananaw sa SP bilang isang mas
inklusibong disiplina ang siyang magbibigay-daan upang makamit ang tunguhing ito. Huli,
naglahad ng ilang mga paalala sa mga sikolohista sa kahalagahan ng integrasyon sa loob ng SP.

Mga susing salita: sikolohiyang pilipino, katutubong sikolohiya, pag-unlad sa Pilipinas

You might also like