You are on page 1of 3

Ang lupalop, na nakikilala rin bilang kontinente, ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa.

Sa
daigdig, ang mga ito ay binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at
naitatangi dahil sa kanilang kultura, tradisyon, at teritoryo.

Ang mga kontinente ng daigdig ay ang mga sumusunod:

 Asya
Ang Asya ay ang isa sa mga kontinente ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking
bahagdan ng populasyon at lawak, sakop nito ang halos 30% ng kabuuang lupa at 8.7% ng
mundo. May sukat ng 44,579,000 square kilometers (17,212,000 sq mi). Ito ay may
populasyon ng halos 4.5 bilyon o 60% ng kabuuang populasyon ng buong mundo. Sa
kanluran ng Asya matatagpuan ang kontinente ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang
Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman ay ang Aprika.

 Europa
Ang Europa ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang
mga Kabundukang Ural at Caucasus, ang Ilog Ural, ang Dagat Caspian, ang Dagat Itim, ng mga
daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa
ang Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa
kanluran naman ng Europa at ang Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito
samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba
pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga
sanhing may kinalaman sa politika at kultura ng rehiyon.

Ang Europa, base ng laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa
mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga
bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang
pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na
Lungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.

 Aprika
Ang Aprika[2] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at
pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050
km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga
Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.[2]

Ang kontinenteng Aprika ay ang ikalawang pinakamalaki at may pinakamataas na populasyon sa


mundo. Sa sukat na 30.2 milyon kilometro kwadrado (11.7 milyon kwadrado milimetro), kasama
na ang mga katabing isla nito, binubuo nito ang 6 na porsyento ng kabuaan na kalupaan ng
mundo at 20.4 porsyento ng kabuuang sukat ng patag na kalupaan. Ang populasyon nito na
umabot sa 1.1 bilyon noong 2013 ay 15 porsyento ng kabuuang populasyon ng mundo. Ang
kontinenteng ito ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa
may Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan, Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang
Karagatang Atlantiko naman sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang mga kapuluan sa
kontinente ng Aprika. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam na
teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may limitado o walang rekognisyon sa
kontinenteng ito.

 Australia o Oceania
Ang Komonwelt ng Australia[n 1] (Kastila: Aus·tra·lia; Ingles: Aus·tra·lia /əˈstreɪljə,_ɒʔ,_ʔiə/,[1]
[2]
) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa
isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa
teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki rito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang
estado ng Australia. Ang Australia ay isang pederasyon at pinamamahalaan bilang
parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal (constitutional monarchy). Kasama sa mga
karatig-bansa ng Australia ay ang Indonesia, Silangang Timor, at Papua New Guinea sa hilaga,
ang Kapuluang Pasipiko sa hilagang-kanluran, ang Kapuluang Solomon at Vanuatu sa hilagang-
silangan, at ang New Zealand sa timog-silangan.

Sa loob ng di-bababa sa 40,000 taon bago ang unang pananahan ng mga Ingles sa huling bahagi
ng ika-18 siglo, ang Australia ay pinaninirahan ng mga katutubong Australian, na nagsasalita ng
mga wikang nakapangkat sa humigit-kumulang 250 grupo ng mga lengguwahe. Matapos
matuklasan ng mga Europeo ang kontinente sa pamamagitan ng mga manlalayag na Olandes
noong 1606, ang silangang bahagi ng Australia ay inangkin ng Gran Britanya noong 1770 at
nang simula'y naging tapunan ng mga bilanggo sa kolonya ng New South Wales mula 26 Enero
1788. Lumaki ang populasyon nang sumunod na mga dekada; ang kontinente ay ginalugad at
naitatag ang karagdagang limang nagsasariling Crown Colonies.

 Hilagang Amerika

Ang Hilagang Amerika (Ingles: North America) ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng
Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa
hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at
Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa 24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang
sakop nito, o nasa 4.8% ng ibabaw na bahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit
sa 514,600,000 ang populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking
kontinente ayon sa sakop, pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayon sa
populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa.
 Timog Amerika

Ang Timog Amerika (Ingles: South America) ay isang kontinente na matatagpuan sa Kanlurang
Hemispero sa pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko.

Kadalasang tinutukoy na kabilang sa Amerika, katulad ng Hilagang Amerika, pinangalan ang


Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika
ay hindi ang Silangang Kaindiyahan, ngunit isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo.

May laki ang Timog Amerika ng 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milya kuadrado), o
nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong 2005, tinatayang nasa 371,000,000 ang populasyon
nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki (pagkatapos ng Asya, Aprika, at Hilagang Amerika).

 Antartiko

Ang Antartiko[1] (Ingles: Antarctica, mula Griyego Ανταρκτική, salungat ng Artiko) ay isang
kontinente na pinapalibutan ng Katimugang Dulo ng Daigdig. Ito ang pinakamalamig na lugar sa
daigdig at halos natatakluban ng yelo ang kabuuan nito. Hindi dapat ipagkamali sa Artiko, na
matatagpuan sa salungat na bahagi ng planeta na malapit sa Hilagang Dulo ng Mundo.

Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala tungkol sa isang Terra
Australis ("Katimugang Lupain"), naganap noong 1820 ang unang karaniwang tinatanggap na
pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unang napatunayang paglapag ng isang Rusong
ekspedisyon nina Mikhail Lazarev at Fabian Gottlieb von Bellingshausen. Gayon man, isang
mapa ni Admiral Piri Reis noong 1513 ang naglalaman ng isang katimugang kontinente na
mayroong posibleng pagkahawig sa pampang ng Antarctica. (Tingnan din Kasaysayan ng
Antarctica.)

Sa lawak na 13,200,000 km², panglimang pinakamalaking kontinente ang Antartiko, pagkatapos


ng Eurasya, Aprika, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Gayon man, ito ang may
pinakamaliit na populasyon: tunay nga, wala itong pampalagiang populasyon. Ito rin ang
kontinente na may pinakamataas na karaniwang altitud, at ang may pinakamababang humedad sa
mga kontinente ng Daigdig, gayon din ang pinakamababang karaniwang temperatura.

You might also like