Ang pagiging Malaya mula sa pakikialam ng ibang bansaay karapatan ng
Pilipinas. Halimbawa, may problema ang pamahalaan sa pagpapasuko sa mga rebelde na nasa kabundukan ng iba’t-ibang panig ng bansa. Karapatan ng bansang lutasin ito nang hindi pinapakialaman ng ibang bansa. KARAPATANG MAMAHALA SA MAMAMAYAN
Ang ating bansa ay may karapatang mamahala sa buong kapuluan, sa
mga mamamayan at mga ari-arian nito. Sahil dito, pinapangalagaan ng ating bansa ang mga pulo, himpapawid at iba pang teritoryo at mga hangganan nito upang hindi makapasok ang mga illegal na dayuhan. Kasabay ng pamamahala ay mayroong batas na itinalaga ang bansa upang maging patnubay sa makatarungang pagkilos ng pamamahala at nasasakupan. KARAPATANG MANG AKIN NG ARI-ARIAN
Sa pamamagitan nito, karapatan ng Pilipinas na bilhin sa makatarungang
halaga ang anumang ari-arian kung gagamitin ito sa kapakanang pampubliko tulad ng pagpapagawa ng tulay, kalsada, daan, gusaling pambayan, mga embahada at mga kampo ng sandatahang lakas. KARAPATANG IPAGTANGGOL ANG KALAYAAN
Kailangan ipagtanggol nating pilipino ang ating kalayaan sapagkat ito ay
ang ating sariling karapatan. Dapat lamang sa isang tao ang makapaghayag ng kanyang sariling saloobin at makapaghayag ng malayang opinion sa mga tao upang makapg-pasya naman ito para sa kaniyang sariling plano. Kailangan natin ng kalayaan upang tayo ay makakilos ng malaya. KARAPATANG IPAGTANGGOL ANG KALAYAAN
Tungkulin ng pamahalaan at samabayanang Pilipino na pangalagaan
ang kalayaan ng bansa. Lahat ng mga mamamayan ay maaaring atasan ng batas na magkaloob ng pormal na paglilingkod militar o sibil