You are on page 1of 2

I.

Salungguhitan ang pang-uri sa bawat pangungusap at tukuyin ng kaantasan ng


pang-uri. Isulat sa patlang ang titik L kung ang pang-uri na may salungguhit ay
nasa lantay na antas, PH kung ito ay nasa pahambing na antas, at PS kung ito ay
nasa pasukdol na antas.
1. Si Danny ay kasinghusay ni Danilo sa paglalaro ng basketbol.
2. Si Jasmin ang pinakamatalinong mag-aaral sa klase ni Binibining Mateo.
3. Napakasarap ng amoy mula sa kusina ni Pepita.
4. Ayon sa PAG-ASA, malakas ang bagyong tatama sa hilagang bahagi ng Luzon.
5. Walang gusto makipagkaibigan sa kanya dahil ubod ng sama ng kanyang ugali.
6. Mas matangkad sa iyo ang kuya mo nang tatlong pulgada.
7. Iyan ang pinakamataas na gusali sa Lungsod ng Makati.
8. Ang ani natin ngayon ay mas malaki kaysa sa nakaraang taon.
9. Ang bahay ni Ginong Alfonso ay malayo sa simbahan.
10. Gulat na gulat si Rosie sa balita ni Tita Meldy.

II. Isulat sa patlang ang titik S kung simili, titik M kung metapora, titik P kung
personipikasyon, titik H kung Eksaherasyon o pagmamalabis, SD kung synecdoche
(pagpapalit-saklaw), A kung apostrophe (pagtawag), L kung litotes (pagtanggi) at I kung
irony ang isinasaad sa pangungusap.
_____ 1. Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawahan.
_____ 2. Nabuhay muli ang mga dahon ng halaman pagkatapos umulan.
_____ 3. Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot at sindulas ng seda.
_____ 4. Sabi nila na ang lungsod ng New York ay ang lungsod na kailanman ay hindi
natutulog.
_____ 5. Kagat lang ng langgam ang turok ng iniksiyon.
_____6. Liwanag, sumikat ka at patnubayan mo ang nadidimlan kung landas.
_____7. Parang bituin sa langit ang ningning ng kanyang mga mata.
_____8. Nadurog ang aking puso dahil sa mabigat na problemang dumating sa buhat namin.
_____9. Parang bituin sa langit ang ningning ng kanyang mga mata.
_____10. Napaka maalalahanin mo naman. Nakalimutan mo pa nga ang kaarawan ko.
_____11. Lumuhod ang mga tala dahil sa kabutihan ng kanyang kalooban.
_____12. Ang ating bayan ay malaya. Kaya’t mga dayuhan ang namamalakaya.
_____13. Maraming puso ang nadurog Nang ang Pilipinas ay masakop.
_____14. Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
_____15. Bumaha ng dugo nang ang bayan ay lumaya.
III. A. Bilugan ang salitang di-pormal na matatagpuan sa pangungusap.
1. Dahil sa kahirapan ng buhay, utol ko ay tumigil muna sa pag-aaral at naghanap ng
trabaho upang makatulong sa aming mga magulang.
2. Kabataan, huwag kang magpabarabarabay sa buhay upang makamit mo anh iyong mga
pangarap.
3. Maraming mga tao ang tila nabubuwang na dahil hindi nila alam kung paano harapin
ang mga problemang kanilang nararanasan.
4. Ewan ko ba kung bakit may mga taong agad-agad sumusuko sa buhay.
5. Ang labis na pagmamahal sa datung ang ugat ng lahat ng kasamaan dito sa mundo

IV. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod.


1. Kundiman

2. Balitaw

3. Pangangaluwa

4. Diyona

5. Dalit

You might also like