You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Region IV – A CALABARZON
Sangay ng Cavite
Purok ng General Mariano Alvarez
AREA J ELEMENTARY SCHOOL GMA , CAVITE
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik/salita nang wastong sagot.
____1. Ang uri ng kapaligiran ay may kaugnayan sa uri ng ____ ng mga tao sa isang lugar.
a. Kalagayan b. Hanap-buhay c. Kundisyon d. Libangan
____2. Nangunguna sa pagtatanim ng mais ang Cebu. Ang tagaytay at Lalawigang Bulubundukin tulad ng Baguio naman
ay kilala sa taniman ng mga ___________.
a.Gulay,prutas,bulaklak b. tubo,saging, kahel c. kape d. pinya
____3. Anong magkatulad ng produkto mayroon ang Laguna at Baguio?
a. Kagamitan na yari sa kabibe c. matitibay na sapatos at bag
b. mga gawang d. tuba at lambanog
____4. Ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba-ibang lokasyon sa bansa ay nakabatay sa anyo ng _________
at uri ng pamumuhay ng mga tao.
a.Tubig b. lupa c.lugar d.kapaligiran
Ano ang kapakinabangang pang-ekonomiko sa ating ekonomiya ng mga sumusunod. Piliin ang sagot sa kahon.
a. Pakinabang sa Turismo b. Pakinabang sa kalakal at Produkto c. Pakinabang sa
enerhiya
____5. Taniman ng strawberry sa Baguio
____5. Taniman ng strawberry sa Baguio
____6. Puerto Princesa Underground River
____7. Puerto Galera
____8. Ang ______ ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo bahayan. Sanhi ng mga
chlorofluorocarbons na nanggagaling sa mga industriya at maging sa kabahayan.
a. Global warming b.greenhouse effect c. polusyon d. climate change
____9. Ang _____ ay isyung pangkapaligiran na nakaaapekto hindi lamang sa kalusugan ng tao maging sa mga likas na
yaman.
a. Polusyon b. Greenhouse effect c. Global Warming d. Climate change
Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng kaisipan tungkol sa matalinong paggamit ng mga
likas na yaman at (x) kung hindi.
____10. Pagtatag ng mga sentro o sanctuary para sa mga tamang tubig
____11. Pagtatayo ng mga pabrika, gusali o pook-alagaan malapit sa mga ilog o dagat
____12. Reduce, Reuse, recycle
____13. Bio-intensive gardening
Iguhit ang bituin kung ang pag gamit sa likas na yaman ay may kaugnayan sa pagunlad ng bansa at buwan naman
kung hindi.
____14. Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga impraestraktura at gusali.
____15. Pagtitipid sa enerhiya tulad ng elektrisidad, tubig at langis o krudo.
____16. Ang ____ ay itinalaga na siyang mangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran
a. DENR b. DEPED c. PAGASA d. MAYNILAD
____17. Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yaman koral sa katubigan ng Pilipinas.
a. RA 428 b. PD 1219/PD 1698 c. Art. II, Seksyon 16 d. PD 705
____18. Ito ay ang batas na nagbabawal sa pagbenta o pagbili ng yamang dagat na pinapatay sa pamamagitan ng
dinamita o paglalason.
a. Republic Act 428 b. PD 705 o Selective logging c. Art. II, Seksyon 16 d. PD 1219/ PD 1698
____19. Maipakita moa ng wastong pangangasiwa ng yamang lupa sa pamamagitan ng __________.
a. Gumawa ng hukay sa lupa at dito itapon ang basurang nabubulok
b. Paggamit ng plastic sa pamimili.
c. Sirain ang mga halamanan sa paligid
d. Paggamit ng mga kemikal sa mga pananim
____20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong pangangasiwa ng yamang tubig?
a. Gumamit ng dinamita sa pangingisda
b. Pagtapon ng basura sa katubigan
c. Pagtayo ng tahanan sa tabi ng ilog at estero
d. Magtayo ng mga water treatment plant upang linisin ang maruruming tubig mula sa mga pagawaan,
tahanan at taniman.
____21. Ang ____ ay mga produktong yari sa sariling bansa at kadalasang gawa ng mga manggagawang Pilipino.
a. Natatanging produkto b. Sariling produkto c. Tampok na produkto d. Imported na produkto
____22. Nakatutulong sap ag-unlad ng bansa kung ____.
a. umili sa super market ng imported na dark chocolate b. Bumili ng pitakang yari sa abaka
c. Di pinapansin ang dried mangoes na pasalubong sa iyo mula sa Cebu d. Gumagamit ng imported na pabango
____23. Bakit kailangang tangkilikin ang sariling produkto?
a.Upang umangat ang produktong Pilipino sa ibang bansa
B. upang maging ambag sa kabang yamang-yaman ng bansa
c. Upang makatulong sa pagpapatuloy ng hanapbuhay ng mga mangagawang tampok sa pagbuo ng mga
produkto
d. lahat ng nabanggit

Sabihin kung HAMON o OPORTUNIDAD sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa ang sumusunod na pahayag.
____24. Pagkakarroon ng mga modernong kagamitan tulad g underwater sonars at radars
____25. Suliranin sa irigasyon
____26. BAgong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
____27. Makabagong teknolohiya sa pagsasaka
____28. Bilang isang guro, paano ka makakatutulong sa pagpapatupad ng likas kayang pag-unlad o sustainable
Development?
a. Pagbabawas sa pagpapalaki ng mga rural na lugar
b. Pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan
c. Pagkakaroon ng Property Rights Reform
d. Pag-aayos ng mga nasirang ecosystem
____29. Bilang isang mag-aaral, ano ang magagwa mo bilang pakikiisa sa likas kayang pag-unlad?
a. Itatapon ang aking basura kung saan walang nakakakita
b. Hahayan kong bukas ang gripo ng tubig kahit hindi ginagamit
c. Makikinig ng husto kapag tinatalakay ang mga aralin tungkol sa kalikasan.
d. Lahat ng nabanggit
____30. Ito ay ang pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang-alang sa kakayahan at
abilidad ng susunod na henerasyon na makamit ang kanilang pangangailangan.
a. United Nations
b. World Commision on Environment and Development
c. Likas kayang pag-unlad o sustainable Development
d. Philippine Startegy for Sustainable Development
Sabihin kung sa anong pagkat ng dayuhan (Espanyol,Arabe,Amerikano,Tsina) ang nagkaloob ng sumusunod na mga
impluwensya o kontribusyon sa ating kultura.
____31. Sila ang nagdala ng relihiyong Islam.
____32. Nagturo sila sa mga Pilipino ng pagpapahalaga sa edukasyon at kalusugan.
____33. Sa kanila natin natutunan ang pagkain ng siopao at pansit.
____34. Ang kanilang pinakamagandang naging kontribusyon sa mga Pilipino ay ang Kristiyanismo.
____35. Ang ___ ay ang uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao.
a. Impluwensya b. Kultura c. Paniniwala d. Kaugalian
Hanapin sa hanay B ang pook o lugar na inilalarawan sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A B
____36. Mahigit 200 taon itong ginawa at tanging mga kamay A. Simbahan sa Paoay
Ng mga Ifugao ang bumuo nito.
____37. Yari ito sa korales at bricks B. Hagdan-Hagdang Palayan
____38. Sa lugar na ito magkakalapit ang simbahan, plasa,
At munisipyo. C. Vigan
____39. Tinagurian siyang National Artist sa larangan ng Arkitektura. Ang mga kahanga-hangang nagawa niya na lubos
na nagpamalas ng kaniyang galling at talino ay ang Cultural Center of the Philippines, Philippine Plaza, Catholic
Chapel sa Unibersidad ng Pilipinas, at ang palasyo ng Sultan ng Brunei Darussalam.
A. Leandro Locsin B. Pedro Paterno C. Rene Corcuera D. Gregorio Santiago
____40. Sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
a. Graciano Lopez Jaena b. Jose Rizal c. Marcelo H. Del Pilar d. Gregorio Santiago
Isulat kung tama o mali ang sumusunod na pahayag.
____41. May malapit na uganayan ang mga pamilyang Pilipino.
____42. Sa isang pamilyang Pilipino, ang ina ang namumuno.
____43. Lubhang maawain at mapagbigay ang mga Pilipino, lalo na sa pagtulong samga taong nawalan ng
mahal sa buhay.
____44. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang lugar gaya ng klima,lokasyon, hugis,
toporapiya, anyong lupa, anyong tubig at mineral.
____45. Ang kabuhayan ay ang kalipunan ng mga gawain ng tao,pamayanan, at institusyon na may
kaugnayan sa paglikha,pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto.
____46. Kultura ang tawag sa kaparaanan ng tao sa buhay at kuro o opinion ng buong lipunan batay sa
kanilang mga karanasan at kinagawian.
____47. Ang mga pambansang sagisag ay dapat nating ipagmalaki.
____48. Hindi nakikilala ang isang bayan dahil sa kaniyang mga sagisag.
____49. Ang bawat rehiyon sa ating bansa ay may natatanging kultura.
____50. Karapat-dapat na makilala at ipagmalaki ang kultura ng bawat rehiyon.

You might also like