You are on page 1of 64

A Drunken Mistake (COMPLETED)

by beeyotch

“It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that
ruined the forever we’re about to build.”

Started: Feb 1, 2015

Ended: Feb 2, 2015

=================

Epilogue

#ADMwp Epilogue

I looked at the mirror in front of me and tried to smile. After all these years,
after all the joy and the pain, dito rin pala ang bagsak ko. Hastily, I wiped the
tears off from my face. Wala na rin namang magagawa. Tapos na. Nangyari na.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. I stared at my face—my tear stained face—and
forced a smile that I’ve been practicing for months now. When I was satisfied with
my fabricated smile, nagsimula akong maglakad papalabas ng kwarto ko. I enveloped
myself inside the robe I was wearing. It was the wedding day. It was the wedding
day yet I wasn’t excited at all.

Kumatok ako mula sa pintuan ng kwarto katabi nung nirentahan namin na hotel.

“Maicy?” I called for her as I knocked on the door. Isang beses lang akong kumatok.
I stood there outside, waiting for her. Halos isang minuto rin akong naghintay bago
niya ako nilabas. Like me, her eyes were bloodshot as well. Mukhang pareho kaming
hindi naging maganda ang gising.

As I stood before her, I showed her the smile I had been practicing for so long.
“Ate? Ang aga pa...”

“Naninigurado lang,” I said. “Sige, bababa muna ako at kakain. See you later,
okay?” Tumango si Maicy at isinara niya iyong pinto.

After that, bumalik muna ako sa kwarto ko. I fixed myself. Hindi pwede na ganito
ang itsura ko. I needed to look happy. I needed to lie to everyone and pretend that
I was okay. I needed to lie to myself and forget the pain that was eating me up
inside.

I went down and ate. Kailangan ko ng energy. Wala naman kasi akong kakampi... I
needed to be strong for myself because if not, paano na lang ako? After I was done,
umakyat akong muli sa itaas at nagkulong. I stared at the clock and counted the
remaining time. I followed its ticking. Para akong mababaliw.

A few hours later, may kumatok sa kwarto ko.

“Mira, nandito na ‘yung makeup artist,” sabi sa akin ni Mama. Pilit akong ngumiti
at nagpanggap na okay lang ako. Pinapasok ko sa loob ‘yung makeup artist at
pinabayaan siya kung anuman ang gusto niyang gawin. Wala na rin naman kasi akong
pakielam. My life was already ruined and I refuse to believe that it could get any
worse.

Matapos ang ilang oras, she was done. “Ang ganda-ganda mo naman,” she said while
admiring the beauty of my face. Nagpasalamat lang ako kahit sa loob-loob ko, hindi
ba niya pansin kung gaano ako kalungkot? Kung gaano namumugto ang mga mata ko dahil
sa pag-iyak?

Bakit ganon? Bulag lang ba lahat ng mga tao sa paligid ko kaya hindi nila pansin na
nasasaktan ako? O talaga lang ayaw nila akong pakinggan kahit ilang beses ko nang
sinabi na ang sakit-sakit na... Na ang hirap-hirap na...
Umalis na ‘yung makeup artist at agad akong nagbihis. I was wearing a white gown
yet my heart was breaking. This was everything I’ve dreamt of but it was also
everything I despised... How can my life turned upside down because of a drunken
mistake?

Matapos kong magbihis, lumabas na ako at sumakay sa bridal car. I was there,
patiently waiting for all these madness to end. “Pwede na ba tayong umalis?” I
asked when Maicy entered the car. Tumango lang siya. Nagsimula na naming baybayin
ang daan papunta sa simbahan.

After a few minutes, we finally arrived. Madaming tao na naghihintay. Madaming tao
na nag-aakala na okay lang ang lahat, na masaya itong araw... If only they knew the
lies and the betrayal that led to this...

Bumaba na ako pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko. The music started playing and
I started walking down the aisle. There, I saw him. I saw the man I love, the man
that I knew I was destined to spend the rest of my life with.

“I love you, Uno,” I whispered.

He looked at me and said, “I love you, Mira.”

Tumayo ako sa tabi niya. As a new melody serenaded our ears, we all looked at Maicy
as she walked down the aisle.
“Please take care of my sister,” I whispered to Uno, the man that I love.

--

[AN: Super short story lang 'to. Pls use #ADMwp kung magttweet or post kayo para
mahanap ko. Mahilig ako magsearch ng tags, e. Anyway, enjoy the story! =)

-Eydee]

=================

Chapter 30

#ADMwp Chapter 30

I looked at Uno. He’s crying. Damn it! Palagi na lang ganito! Ilang beses ko na
bang sinabi sa kanya na hindi pwede? Na dapat niyang pakasalan si Maicy?

“Uno, tumayo ka na nga dyan...” paos na paos na ang boses ko. Wala na akong tigil
sa pag-iyak. Wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak simula nung nalaman ko
lahat ng ginawa niya.

But he didn’t. He continued crying. Niyakap pa niya ang binti ko at saka mas
umiyak.

“Mira naman...” he said, his voice pleading.


“Uno, tama na, please,” pakiusap ko sa kanya. Nagtitinginan ‘yung mga tao sa
pinagtatrabahuhan ko and I couldn’t risk another job. Umalis na nga ako sa dati
naming pinagtatrabahuhan dahil palagi kaming sentro ng balita... Hindi ko na kaya
na humanap ulit ng bago.

I just wanted to live a normal life. To have a normal life pero bakit ang hirap
naman yatang makuha nun? Hindi naman ako humihiling ng marangyang buhay, hindi
naman ako humihingi ng sobra-sobra... Gusto ko lang ng tahimik na buhay pero hindi
ko maabot-abot iyon.

“Mira, hindi ko kayang pakasalan si Maicy alam mo naman ‘yan.”

“It’s not my problem anymore. You asked for this, Uno. Panindigan mo. Magpakalalaki
ka naman.”

Unti-unti kong inalis ‘yung pagkakayakap niya sa binti ko. I needed to be merciless
with him. Hindi ako dapat maawa sa kanya. Kailangan siya ng kapatid ko. I could
live on my own. Sanay naman na ako na mag-isa. Sinanay niya ako na mag-isa.

“Umuwi ka na,” I told him. “Kasal niyo na bukas. Matulog ka at magpahinga,” I


instructed him.

Tumalikod na ako bago nagsimulang maglakad palayo.

“Uno?” I called for his name. “Huwag mong takbuhan ang kapatid ko.”

=================
Chapter 29

#ADMwp Chapter 29

“Mirabella, okay ka lang?”

Kanina pa ako kinakausap ni Gaile pero hindi ako makasagot. Bakit pa ako sasagot?
Ano ang silbi? Kapag sinabi ko na okay lang ako, magsisinungaling ako. Kapag sinabi
ko naman na hindi ako okay, ano ang silbi? Maaalis ba nun lahat ng problema na
meron ako?

But of course I chose to lie. It was one of the things I was good at. Lying.

“Okay lang ako,” I said. “Napagod lang siguro ako sa pagtulong sa kasal.”

Iniwan na ako ni Gaile matapos nun. Sinubukan ko na magfocus sa trabaho ko pero


parati na lang lumilipad ang utak ko. Kanina ko pa rin nararamdaman na nagvavibrate
ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at tinignan.

From: Uno

Run away with me.


To: Uno

Stop. I’m trying to live a life without you. Ikakasal ka na bukas.

From: Uno

You’re my life, Mira. Para mo na rin akong pinatay kapag pinakasal mo ako sa
kapatid mo... Don’t build a life without me... Mahal na mahal kita

To: Uno

I’m working. Save your poetic lines for your vow tomorrow.

I closed my eyes and tried to even my breathing. Pinatay ko na rin ang cellphone
ko. Tama ‘yan, Mira. You’re doing the right thing.

=================

Chapter 28

#ADMwp Chapter 28

Aaminin ko, masama pa rin ang loob ko kay Mama. She knew. She knew about my
feelings pero mas pinili niya pa rin na magpanggap na hindi ako nasasaktan. Ganito
ba talaga kapag hindi ka tunay na anak?

“Okay na ba ‘yang gown mo, Maicy? Baka masikip, sabihin mo lang.”


Hindi ko nga alam kung bakit kasama pa ako dito sa final fitting ng gown ni Maicy.
Ano ba ang gustong iparating ni Mama? Na talagang wala na kaming pag-asa ni Uno?
Bakit? Hindi pa ba sapat na ipinagtabuyan ko ‘yung tao kahit na nagmamakaawa siya
sa akin? Hindi pa ba sapat na halos mabaliw na ako dahil sa sakit na nararamdaman
ko?

Kailan ba magiging sapat? Hindi ko naman kasalanan ‘yung lahat pero palagi na lang
ako ‘yung pinaparusahan...

Lumabas si Maicy mula sa fitting room. Nakasuot siya nung gown na gusto kong
isuot... I should’ve been the one wearing that gown... Ako dapat ‘yung ikakasal at
hindi siya...

“Ate, okay lang ba?”

I wanted to get mad at her. I wanted to tell her how much she ruined my life. But I
couldn’t... Mahal ko ‘yung kapatid ko and it breaks my heart to know that she’s the
one causing my heart so much pain.

I smiled at her and showed her thumbs up. Medyo natagalan kami dahil pati ako
pinasukatan. Kumpara sa suot ni Maicy, walang-wala ang suot ko. Sino nga ba naman
ako? Bride’s maid lang naman ako sa kasal ng lalaking mahal ko...

=================

Chapter 27

#ADMwp Chapter 27
Hinatid ko si Maicy sa bahay matapos naming mag-usap. Naaawa ako sa kapatid ko.
Masyado yata akong nabulag kaya hindi ko napansin na nasasaktan din siya. Na kahit
nasasaktan ako, nasasaktan din siya.

I’ve decided to leave the country pagkatapos ni Maicy na manganak. I couldn’t leave
her like this. She’s a mess. She’s a bigger mess than I was.

Pumasok ako sa bahay at may kinuha akong ilang mga gamit. Medyo natagalan ako dahil
panay ang pag-iyak ko. Hindi ko na pinigilan. Ito na nga lang ang magagawa ko. Ang
umiyak para sa sarili ko.

Agad kong pinuntahan si Uno matapos kong ihatid si Maicy.

“Ano ‘to?” tanong sa akin ni Uno matapos kong iabot sa kanya ‘yung box.

“That’s us,” I said. “That’s our memories together,” pagpapatuloy ko na may


mapaklang ngiti. Binuksan niya ‘yung box at tumambad sa kanya lahat ng regalo na
binigay niya, lahat ng sulat na ginawa niya.

“Let’s finally end it here, Uno,” sabi ko sabay punas ng luha. “I’m begging you,
marry my sister... Alagaan mo naman siya...”

Nakatingin lang sa akin si Uno.


“Mira...”

Unti-unti akong napaupo. Wala na akong lakas. Pagod na pagod na talaga ako.

“Uno, ‘wag mo namang pabayaan ‘yung kapatid ko... Inalagaan ko ‘yang buong buhay
ko... Mahal na mahal ko ‘yan...”

He held me and then hugged me.

“Mira, ikaw ‘yung mahal ko,” he said.

“Mahal din naman kita.”

“Then don’t push me away like this,” sabi niya na basag ang boses. “Don’t hurt me
like this.”

I broke the hug and cupped his face. “Uno, I am hurting. I am hurting so bad that I
can’t feel a thing anymore... Manhid na manhid na ako...” sabi ko sa kanya. “So
please, please release me from your love.”

“Mira...”
“If you really love me, unlove me, Uno. ‘Wag mo na akong mahalin kasi sa iba mo na
dapat ituon ‘yung pagmamahal mo,” I said and then kissed him for the last time.

=================

Chapter 26

#ADMwp Chapter 26

Ilang araw din akong natahimik. Nalaman ko kasi sa isang pinsan namin na pumayag na
si Uno magpakasal—more like napilitan siya. Sabi sa akin na palagi daw lasing si
Uno kapag mag-aayos sila ng kasal. Nakakatawa lang kasi kaya pala si Maicy ang nag-
ayos ng karamihan sa kasal namin ay dahil siya rin pala ang ikakasal.

Nagpa-reserve na ako ng ticket papuntang Bali, Indonesia sa week ng kasal nila.


Wala akong balak umattend. Nagleave na din ako sa work ko. Actually, wala na akong
balak tumira dito sa Pilipinas. Naghahanap na ako ng job opportunities abroad.
Pakiramdam ko kasi masyadong maliit ang Pilipinas para sa aming tatlo.

“Uy, balita ko buntis daw si sister mo! Sino ang father?” tanong sa akin ni Gaile.
Akala ko mabilis ang chismis pero hindi pa yata kalat na si Uno ang ama nung
pinagbubuntis ni Maicy.

Dahil sa sinabi niya, bigla kong naalala na magtanong sa pinsan namin kung nasaan
si Maicy. Kahit na galit ako sa kanya, may malasakit ako sa pinagbubuntis niya—sa
magiging pamangkin ko.

“Hindi ko sure, ate Mirs. Pero based sa planner niya, ang alam ko nasa St. Luke’s
siya para sa checkup,” sabi ni Raf. Nagthank you ako sa kanya. Siya kasi ang
pinagtatanungan ko tungkol sa mga nangyayari sa bahay.
Nag-ayos ako sandali bago pumunta sa St. Luke’s. Wala naman akong balak magpakita.
I just wanted to be sure na okay ang baby.

Nandun na ako at naglalakad na ako sa hallway papunta sa section ng ob-gyne clinic.


Nakita ko na nakaupo dun si Maicy. Unlike the others, mag-isa lang si Maicy. Puro
mag-asawa o kaya naman ay magboyfriend ang nandun. Akala ko ay sasamahan siya ni
Uno.

I wanted to leave but I couldn’t bring myself to. Kahit i-deny ko sa sarili ko ay
naaawa ako kay Maicy. She looked pitiful—she looked so alone.

Nakatayo lang ako sa gilid, nagbabantay. Gusto kong mainis kay Uno dahil sinabi ko
sa kanya na alagaan niya si Maicy pero hindi niya ginawa. Sinaktan niya na ako pero
sinasaktan niya rin ang kapatid ko.

Maicy was next in line when she stood up. Agad akong nagtago dahil ayaw ko na
makita niya ako. Naglalakad siya habang umiiyak. Panay ang punas niya ng luha niya.

Lumabas si Maicy mula sa hospital at pumara ng taxi. Kukunin ko sana ‘yung kotse ko
pero matatagalan lang ako. Pumara din ako ng taxi at pinasundan ko ‘yung taxi na
sinasakyan ni Maicy.

Hindi ko alam kung saan pupunta si Maicy but the place she went to was a bit
sketchy. Nagbayad ako sa driver at saka lumabas. Alam ko na nasa QC pa rin kami
pero hindi ko alam kung ano itong lugar na ‘to. Pumasok si Maicy sa loob ng gate ng
isang bahay. Sumunod naman ako agad sa loob.

Dahan-dahan akong naglakad papasok. The place was giving me the creeps!
Nung pagpasok ko, may babae na nagtanong sa akin.

“Ilang months na?”

Kumunot naman ang noo ko. “Ha?”

“Ilang buwan ka nang buntis? Hanggang 4 months lang ang pwedeng ipa-abort dito.”

Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Abortion?!

Madali akong naglakad at hinanap kung nasaan si Maicy. Dahil parang lumang bahay
lang naman ito ay mabilis ko siyang nahanap sa isa sa mga kwarto. Pinigilan ako
nung babae na mag-aabort.

“Don’t you fucking dare!” sigaw ko. “Idedemanda kita at ipapakulong kapag pinigilan
mo ako!” sabi ko sa kanya sabay hatak kay Maicy papalabas nung abortion clinic.

Hingal na hingal ako sa galit nung makalabas kami.

“Nababaliw ka na ba?!” sigaw ko sa kanya. “Ano’ng balak mong gawin, ha, Maicy?!”
sabi ko pero hindi siya nagsasalita. “Sumagot ka nga!”
Nagsisimula na naman siyang umiyak.

“Nag-away kami ni Justin nun, ate... Sabi niya ayaw sa akin ng pamilya niya dahil
hindi daw ako karapat-dapat sa anak nila... Na hindi daw ako mabuting babae... Na
dapat malinis daw ‘yung babae na papakasalan ni Justin,” sabi niya. “Ate, hindi
naman ako maduming babae... Hindi naman ako kagaya nung sinasabi nila sa akin...
Pero bakit ganon? Kahit ilang beses ko sabihin sa kanila na mahal ko si Justin, na
gagawin ko naman lahat para maging karapat-dapat sa anak nila, ayaw pa rin nila sa
akin?”

“Gusto ko lang naman makalimot, ate... Uminom lang naman ako... Gusto ko lang naman
malunod sa alak kasi kung hindi, pakiramdam ko malulunod na ako sa dami ng problema
ko...” she continued. A part of me didn’t want to hear this. A part of me didn’t
want to know what happened that night... “Tapos nandun si kuya Uno...” she said and
then cried even harder. “Hindi ko alam, ate. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa
utak ko... Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako nung gabi na ‘yun at gusto
ko na lang totohanin ‘yung mga binibintang sa akin ng magulang ni Justin...”

Hinawakan niya ‘yung kamay ko at saka inilapit sa mukha niya.

“Ate, sorry... Sorry...” paulit-ulit niyang sinabi.

“Ayoko dito... ayoko namang mabuntis, ate... Mas gugustuhin ko na mawala na ‘to
kaysa ganito... Naisip ko lang naman na kapag nawala na ‘to, hindi na ako pipilitin
ni mama na pakasalan si kuya Uno... Hindi ka na magagalit sa akin... Hindi na
magpapakalasing si kuya Uno at hindi niya na ako titignan na parang ako ‘yung
sumira sa buhay niya...” she said while crying so hard.

Napangko ako sa kinatatayuan ko. I didn’t know she was hurting this bad.
=================

Chapter 25

#ADMwp Chapter 25

Isang tawag ko lang kay Uno ay nagpunta na agad siya. As I looked at his face, he
didn’t look like the Uno I fell in love with. Kahit ano’ng gwapo ng itsura niya,
kapag tinitignan ko siya, ang naaalala ko lang ay tatay siya ng anak ng kapatid ko.
And the hatred ignites.

“Mira,” sabi niya, relief washed his face. “God, thank you at nakipag-usap ka sa
akin. Muntik na akong mabaliw.”

Gusto ko na agad tapusin ‘to. I looked at him and said, “Pakasalan mo si Maicy.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mukha niya sa narinig niya sa akin. “A-
ano?”

Huminga ako nang malalim. Stay on your ground, Mira. ‘Wag kang magpahalata na
hanggang ngayon, gusto mo pa rin siya. Na kahit ang sakit sakit na, mahal mo pa rin
siya.

“Pakasalan mo si Maicy, Uno. ‘Wag mong gawing bastardo ‘yung magiging anak niya.”

“Mira, I can’t. I don’t want to. I just made a mistake that night. I was drunk and
I was disappointed...”
“Huwag mong ibalik sa akin ang sisi, Uno! Kasi kahit gaano mo akong i-disappoint,
hindi ako magpapabuntis sa ibang lalaki. Uno, love doesn’t work that way!” I
shouted at him.

Pilit niyang hinahawakan ‘yung kamay ko pero pilit ko rin iyong inaalis.

“Mira, I’m sorry for impregnating your sister. I’ll give her all the support that
she needs, I’ll be a good father but I can’t be her husband...” sabi niya sa akin.
“Mira, babe, ikaw lang ‘yung babae na gusto kong iharap sa altar,” he said and then
held my hand. He kissed them and then stared at my eyes. “Marriage is for two
people who love each other. Ikaw ang mahal ko.”

Inialis ko ang kamay ko mula sa kanya.

“Love isn’t enough. You betrayed my trust.”

“Babe, I’ll work hard to earn your trust... Please naman, ‘wag mo naman akong
pilitin na pakasalan ko ‘yung babae na hindi ko naman mahal... Maawa ka naman sa
akin...”

Gusto kong matawa. Maawa? Bakit sa akin ba hindi siya naawa?! Hindi ba niya alam
kung gaano ako nahihirapan?!

“Babe...”
“Marry my sister.”

“Babe, I can’t. That was a mistake. That was one night, one mistake tapos gusto mo
akong parusahan habang buhay?”

Dati, ayoko na nakikitang umiiyak si Uno dahil tuwing nasasaktan siya, mas
nasasaktan ako. Pero ngayon? I couldn’t even consider his pain because my own pain
was too much to handle.

“One night,” sabi ko at mapaklang natawa. “One night ruined the years we shared.
One night ruined the forever we’re about to build.”

Tumayo ako at kinuha ‘yung gamit ko.

“Uno, please stop begging. Stop this, okay? Kahit umiyak ka, kahit lumuhod ka,
kahit magbigti ka sa harapan ko, ayoko na,” I said with conviction. “Learn to love
my sister kasi siya ang babaeng makakasama mo buong buhay mo.”

=================

Chapter 24

#ADMwp Chapter 24

Akala ko ay titigil na si Uno pero hindi niya pa rin ako tinitigilan. Palagi ko
siyang nakikita sa labas kapag lunch break namin kaya naman minabuti ko na na
magdala ng packed lunch.
Umuwi ako sa condo unit ko pero naabutan ko si Mama na nasa labas.

“Mama,” I said.

“Mira,” tawag niya sa pangalan ko. “Kausapin mo si Uno.”

Hindi ko alam kung bakit ganito. Alam ko naman na hindi niya ako anak pero
itinuring ko naman siyang mama ko...

“Mama, hindi ko na po kinakausap si Uno... Wala na po akong balak na kausapin


siya...”

Huminga nang malalim si Mama at tumingin sa akin. “Hindi siya makausap, hindi
nagpapakita. Mira, ayaw kong magkaroon ng anak sa labas si Maicy. Alam mo ‘yan.”

Tumango ako sa kanya. Hindi ako anak ni mama. Anak ako ng kabit ng asawa niya. Nung
namatay ang tunay ko na mama, inampon niya ako... Kahit na hindi niya ako anak,
pinatira niya ako sa bahay nila, binihisan, pinakain, pinag-aral. Mabait si mama
kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya niloloko ni papa... Ngayon, hindi ko
alam kung nasaan si papa. Ang huli kong rinig ay may kabit na naman siya. Pero
kahit na ganon, hindi galit sa akin si mama. Itinuring niya akong anak. Pinagamit
niya sa akin ang apelido ng asawa niya. Ang sabi niya kasi sa akin, wala naman daw
akong kasalanan. Hindi daw dapat ako mabansagan na anak sa labas dahil hindi ko
kasalanan ang kasalanan ng mga magulang ko.

“Okay po, Mama...” sagot ko. “Kakausapin ko po si Uno.”


=================

Chapter 23

#ADMwp Chapter 23

I tried to live a normal life. I was trying too damn hard pero hindi ko magawa.
Paano ko magagawa kung bawat oras ay nandyan si Uno na nagmamakaawa sa akin na
kunin ko siya at si Maicy na nagmamakaawa na kausapin ko siya?

Nagpalit na rin ako ng number. I cut all ties. Ayokong may makausap. Nagpakalunod
ako sa trabaho. Panay ang pangungulit sa akin ng mga katrabaho ko lalo na si Gaile
pero wala silang makuha sa akin. I didn’t want to recall everything that have
happened. Kung pwede lang ibaon sa limot, gagawin ko.

Nung lunch break, nakita ko si Maicy sa labas ng office ko. Balak ko sana siyang
hindi pansinin pero humarang siya sa daan ko.

“Ano ba?”

“Ate...” sabi niya.

“Kung iiyak ka, ‘wag dito.”

“Ate naman...”
Nilagpasan ko siya at pumasok sa elevator. Wala kaming kasabay kaya naman mas lalo
akong nainis.

“Ate, kausapin mo naman ako...” sabi niya sa akin. Napatingin ako sa tiyan niya at
mayroon na dung maliit na umbok.

I took a deep breath. “Ayokong makipag-usap, Maicy. Sarado ang isip ko. Galit ako.
Wala kang makukuhang matinong sagot sa akin,” I said. Tumahimik ako hanggang
marating namin ‘yung ibaba. Agad naman akong lumabas.

Bago ako maglakad palabas ay tinignan ko muna siya.

“Alagaan mo ‘yang baby niyo,” I said. I hated them both but I didn’t wish them
harm.

=================

Chapter 22

#ADMwp Chapter 22

Madami akong ipon. Pinag-iipunan ko kasi ‘yung magiging kasal ko sa future. Gusto
ko kasi perpekto. Gusto ko ‘yung tipong mala-fairytale. Nung nakilala ko si Uno,
mas naniwala ako sa prince charming... Tinuturing niya ako na prinsesa. Nung
nagpropose siya sa akin, nag offer ako na humati sa mga gagastusin sa kasal pero
sabi niya, siya na daw ang bahala. He said that he waited for this day. Sinabi niya
na pinaghandaan niya daw talaga ‘to kaya siya na ang bahala.
Little did I know na kaya pala hindi niya ako pinagastos ay dahil wala rin naman
palang kasal na matutuloy.

Agad kong binayaran ‘yung pinakamaayos na condo unit na nakita ko. Mabuti na lang
at pinalipat agad ako doon. Nagpasalamat ako kay Gaile dahil tinulungan niya ako na
makalipat agad.

Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kawalan. Ayokong mag-isip. Kung pwede nga lang
na i-shut down ko ‘tong utak ko ay malamang ginawa ko na.

Nabigla ako nung mag nagdoorbell. Wala naman akong pinagsabihan nitong bago kong
tinitirhan bukod kay Gaile. Tumayo agad ako dahil pakiramdam ko ay ‘yung condo
manager ang nasa labas. Baka ibbrief ako.

“Mira...”

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

“Bakit ka nandito?” I said. He was reeking of alcohol. Shit naman! Bakit ba sinabi
ni Gaile na nandito ako?! “Umuwi ka na nga,” pagtataboy ko sa kanya.

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Iyak siya nang iyak. Wala na akong maintindihan
sa sinasabi niya dahil panay ang iyak niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako. Pakiramdam ko kasi
mas masakit ‘yung pinagdadaanan ko kaya bakit ko iisipin ‘yung nararamdaman niya?

“Mira, please... talk to me...” pagsusumamo niya.

“Go home, Uno. There’s nothing to talk about.” Pipihit na ako patalikod nung
yakapin niya ‘yung mga binti ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako
makagalaw. “Bitiwan mo nga ako!”

“No...” he said in between sobs. “Mira, I love you. Ayokong pakasalan si Maicy...
Mira, ikaw ‘yung mahal ko...”

My heart was breaking but I realized it was already broken. Wala ng ikadudurog pa
‘yung puso ko. Durog na durog na ako. Sobra na.

Dahan-dahan kong inalis ‘yung kamay niya sa binti ko.

“Sana inisip mo ‘yan bago mo binuntis ‘yung kapatid ko.”

=================

Chapter 21

#ADMwp Chapter 21

Funny how life actually works. Pinaghandaan ko ‘yung araw na ‘to. Pinangarap ko
‘yung araw na ‘to. Napanaginipan ko ‘yung araw na ‘to.

“This was unexpected,” sabi nung mama ni Uno. “Akala ko si Mira ang papakasalan mo,
anak?” she said to Uno. Napatingin ako kay Uno and he was just looking at me. Hindi
siya sumagot sa mama niya.

Bigla namang sumingit si mama. “Buntis si Maicy at kailangan siyang pakasalan ng


anak niyo.”

Agad kong pinunasan ‘yung luha na kumawala sa mata ko. Bakit ba ako kailangang
nandito? Bakit ba kailangan kong makita at marinig lahat ng ‘to?

Tumingin ang parents ni Uno sa kanya at hinihintay ang sagot niya.

“Uno?” tawag sa kanya ng papa niya. “Uno.”

“Pa...” sabi ni Uno, his voice was trembling. Agad kong iniwas ang tingin ko sa
kanya. He didn’t deserve my pity. “Pa, si Mira ‘yung papakasalan ko.”

“Buntis si Maicy!” pagtataas ng boses ni mama. “Hindi ako papayag na hindi


panagutan ‘tong anak ko!”

Nag-usap sandali ang mama ni Uno at si mama. Pinapakiusapan na bigyan muna sila ng
konting oras para kausapin si Uno. My heart was truly in pain. Pinangarap ko ‘yung
araw na ‘to, e. ‘Yung araw na hihingin na ni Uno ‘yung kamay ko... ‘Yung araw na
simula ng forever naming dalawa...
Tumayo ang mga magulang ni Uno at umalis na sila. Inihatid sila ni mama sa labas.
Naiwan kami ni Maicy sa salas.

“Ate...” she said, her voice was croaked.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Umakyat agad ako at nag-empake. Hindi ko na


kayang tumira sa bahay na ‘to.

=================

Chapter 20

#ADMwp Chapter 20

Wala pang ilang segundo na nasa loob ako ng kwarto nang may kumatok.

“Mira. Mira, buksan mo nga ‘tong pinto,” utos ni Mama. Pinunasan ko ‘yung luha sa
mata ko at binuksan ang pinto. Nakakunot ang noo ni Mama at halata na galit siya.
“Ano ‘yung ginawa mo kanina? Ano’ng problema mo?”

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang sakit kasi. Kahit saan ko tignan,
kahit paano ko isipin, ang sakit pa rin. It was too much to take in all at once.
Pakiramdam ko pinagkaisahan nila akong lahat. I felt so betrayed.

“Hindi ko po kayang pakasalan si Uno...” I whispered.


“Ano?!” she shouted. “Nababaliw ka na ba?!”

“Mama...” I began. “Mama, hindi ko talaga kaya...”

I wanted to tell her about my problem but I couldn’t begin to. Paano ko sasabihin?
Iniisip ko pa lang, nasasaktan na agad ako.

“Mira, umayos ka at babain mo ‘yung magulang ni Uno. Aba, mahiya ka naman. Bumyahe
pa mula Amerika ‘yung mga ‘yun tapos mag-iinarte ka dyan.”

Tinalikuran niya ako. Pakiramdam ko wala akong emosyon. Wala ba akong karapatan
masaktan?

Bago pa man makaalis si Mama, tinawag ko siya. Agad kong kinuha ‘yung pregnancy kit
na nakalagay sa ilalim ng unan ko. Ipinakita ko sa kanya ito at hudyat naman iyon
sa tuluy-tuloy na pagbagsak ng luha ko.

“Buntis ka?!”

Umiling ako.
“Buntis po si Maicy... at si Uno ang ama.”

=================

Chapter 19

#ADMwp Chapter 19

I didn’t go home. Hindi ko kayang umuwi. Hindi ko kayang makita ‘yung mukha ni
Maicy. Hindi ko kayang makita ‘yung mukha ni Uno. Wala akong gustong makita ngayon!

I checked in a hotel and waited for my rage to melt down but it was tad too
impossible. I was so mad. I was furious.

Tinanggal ko ‘yung engagement ring ko mula sa daliri ko at ibinato ‘yun. “Fuck you,
Uno! Fuck you!”

Buong gabi wala akong ginawa kung hindi ang umiyak. Pakiramdam ko nga naubos na ang
luha ko. Bakit ganun? Ilang oras na akong umiiyak pero may pumapatak pa rin. Pagod
na pagod na ako.

My phone was vibrating the whole night. Panay ang tawag at text sa akin ni Uno at
Maicy. Mga traydor. Pinagkatiwalaan ko sila, minahal ko sila pero ganito pa ang
igaganti nila sa akin?

This was what I got? A heart pounded into million pieces?


“Mira,” sabi sa akin ni Mama. Tinawagan niya ako at wala akong choice kung hindi
sagutin iyon. “Nasan ka ba?”

“Sa kaibigan ko po...” I lied.

“Ah, okay,” sabi niya. “Umuwi ka na at mag-aayos pa tayo. Mamaya pupunta dito ‘yung
mamanugangin mo.”

My heart throbbed.

“O-opo,” I said. Takot ako sa Mama ko. Ginagawa ko kung ano man ang sabihin niya sa
akin. Hindi ako kagaya ni Maicy na kayang magrebelde kay Mama.

Naupo muna ako sa kama. Hinintay ko na kumalma ang sarili ko bago ako naligo. I
took a quick shower at saka isinuot ‘yung damit ko kahapon. Agad akong pumunta sa
mall para bumili ng damit at saka dumiretso sa bahay. An unfamiliar car was parked
outside our house. Sigurado ako na sasakyan ‘yun ng pamilya ni Uno.

Nanginginig ang tuhod ko habang papasok ako.

Ang una kong nabungaran ay si Maicy. Nakaupo siya sa gilid, tahimik lang. She
instantly paled nung makita niya ako.

“Oh, ayan na pala ang magiging daughter-in-law ko,” magiliw na sabi nung mama ni
Uno.
I wanted to force a smile. I really wanted to smile at them dahil wala naman silang
kasalanan sa mga nangyari. But I was pained. I was so hurt that I couldn’t even
muster a fake smile.

Nakita ko si Uno at kagaya ni Maicy ay maputla din siya. Bakit pa sila tumuloy
dito? Nababaliw na ba siya? Pakiramdam niya ba ay itutuloy ko pa rin ang kasal
pagkatapos ng lahat? They’re freaking overestimating my patience.

“Good afternoon po,” panimula ko. Nakatingin sila sa akin at nagulat sila nung
hinubad ko ‘yung engagement ring. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at
sinuot ko ulit iyon kanina. “I’m sorry pero hindi ko na po kayang pakasalan ang
anak niyo,” I said before I rushed to my room and began crying for my broken heart.

=================

Chapter 18

#ADMwp Chapter 18

“Ate...”

Nakatulala lang ako. I can’t even process what I heard. Akma niya akong lalapitan
nung tinaas ko ang kamay ko. “No.”

“Ate, sorry...”
Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. I can’t even look at her. Hindi ko
maintindihan.

“Niloloko niyo ako?” I couldn’t recognize my own voice. “Bakit, Maicy? Kapatid mo
ako, ‘di ba? Bakit si Uno?”

I couldn’t control my breathing. Hirap na hirap akong huminga. My head was


twirling. My heart was aching.

“Ate, hindi... Ate, hindi ka namin niloloko ni kuya Uno...” sabi niya at saka
lumuhod sa harapan ko. “Ate, sorry... hindi ko gusto ‘to...”

Wala akong pakielam kung umiyak siya o kung lumuhod siya sa harapan ko. The only
thing that registered was that they made a fool out of me. Dahan-dahan kong inalis
‘yung kamay niya sa binti ko.

Hindi ko na inisip kung paano siya uuwi. I got in my car and drove to Uno’s unit. I
didn’t mind the stares. Wala akong pakielam kung titigan nila ako habang umiiyak
ako.

I was pressing the doorbell relentlessly.

“Mira?” Uno said when he opened the door. “Gabing-gabi na, ah.”

The first thing I did is to slap him.


“Bakit, Uno? Bakit ‘yung kapatid ko pa?!”

Natulala si Uno. He’s guilty. Ayaw ko pa sanang paniwalaan na totoo lahat ng mga
nangyayari. Bakit? A second ago I was living my fairytale. Sa isang iglap natapos
ang lahat.

Hinintay ko siyang magpaliwanag. Hinintay ko siyang sabihin na hindi totoo ang


lahat, na nagkamali lang ako ng rinig. I waited for him to tell me that I was
wrong, to assure me that everything was fine.

But all I got was his sorry.

=================

Chapter 17

#ADMwp Chapter 17

My heart was beating profusedly inside my chest. She was fucking raped?!

Tumayo ako agad mula sa kama niya. I was pacing back and forth. My blood was
boiling—it was way past my boiling point.

“Oh, my god. Shit. Fucking shit.”


Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nag-iinit ang ulo ko. Wala pang ilang
minuto nung malaman ko iyon nung hinila ko si Maicy patayo. “Tumayo ka dyan.
Pupunta tayo sa presinto.”

“A-ano?”

I looked at her. “Maicy, we can’t let the bastard who did that to you walk free!” I
snapped at her. If I catch that devil, I will kill him!

Hinila ko siya pababa ng hagdan. Gusto kong gisingin si Mama pero nagmakaawa sa
akin si Maicy na ‘wag kong sabihin. I wanted to... I wanted to tell Mama but Maicy
was begging.

“Fine,” I seethed. Nagdrive ako papunta sa presinto. My head was pounding. Hindi ko
alam kung paano kami nakarating dito na hindi nabubunggo. Nasa labas na kami ng
presinto nung hindi bumababa si Maicy. “Baba,” I ordered.

Ilang segundo na siyang nakaupo doon.

“Ate...” she said, tears threatening to fall once again. “Ate... umuwi na tayo,
please...”

Bumuntong-hininga ako. “No,” matigas kong sabi. “Maicy, you’ve been wronged, okay?
Kailangan nating idemanda kung sino mang hudas ang bumaboy sa ‘yo!” I said and then
opened the door. Nakalabas na ako pero nasa loob pa rin si Maicy.
“Ate...” she said and she started sobbing. “Ate, sorry...”

“Maicy, bakit ka ba nagsosorry sa akin? You’re a victim here.”

Iyak pa siya siya nang iyak.

“Hindi ako na-rape,” she said. She closed her eyes and then continued. “Ate, may
nangyari sa amin ni kuya Uno.”

And my heart stopped beating.

=================

Chapter 16

#ADMwp Chapter 16

Agad akong umuwi. Gulung-gulo ang isip ko. Gusto ko ng kausap pero hindi ko ma-
contact si Uno. Nagkulong ako sa kwarto ko habang hinihintay ko si Maicy na
dumating.

Pasado alas-onse na nung dumating si Maicy. Tulog na si Mama sa kwarto niya.


Sinundan ko si Maicy papasok sa kwarto niya.
“Maicy!”

“Bakit?” she said. There were huge bags under her eyes. “Ate, I’m tired. Gusto ko
na matulog.”

“No, hindi ka matutulog hanggang hindi ka nagpapaliwanag,” I stood on my ground.


“Kinausap ko si Justin kanina.”

After hearing what I just said, nakuha ko na ang atensyon ni Maicy. “What?! Bakit
mo ginawa iyon, ate?!” sigaw niya sa akin.

“I am your sister, Maicy! Of course ginawa ko ‘yun dahil nag-aalala ako sa ‘yo! You
won’t eat, you won’t talk! Ano ba ang balak mong gawin?!”

Tumayo siya at napasabunot sa buhok niya. Tears began falling. Wala siyang masabi
na matino dahil iyak lang siya nangiyak. “Shit, shit, shit,” she cursed under her
breath.

Hinayaan ko muna siya na kumalma. Napagod din siya kakaikot sa room at kaiiyak. I
waited for her breathing to be even.

“Maice...” I called out her name. “Maice... sabi ni Justin hindi daw siya ang ama
niyan...”

Tahimik lang si Maicy.


“Sino ang ama, Maicy?” Matapos kong sabihin iyon, mas napahagulgol siya. “Maicy...
please naman... Let me help you...”

Seeing my sister being like this, being as helpless as this was hurting me. Bakit
ayaw niyang sabihin? Tutulungan ko naman siya. I’ll always be here. I love her as
much as I love myself.

“Kakilala ko ba ‘yan?” I said, which only make her crying harder. “Maice... paano
kita maiintindihan kung hindi ka magsasalita?”

Iyak lang siya nang iyak. Nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak siya. I
closed my eyes as different possibilities hit me.

“Maicy, were you raped?”

Natigilan siya at tumingin sa akin. Oh, my god.

=================

Chapter 15

#ADMwp Chapter 15

Magkasama kami ni Uno ngayon para sa sukatan ng suit niya. Medyo sisikipan ‘yung sa
kanya dahil namayat daw siya.

“Hala ka, babe. Nandyan pa ba ‘yung abs mo?” biro ko sa kanya dahil pumayat siya.
Pansin ko rin nga lately na medyo problemado siya. Stressed na stressed na ‘tong
fiance ko sa trabaho niya. Ang sipag naman kasi masyado.

He smiled at me. “Nandyan pa ‘yan,” he said.

After naming mapaayos ‘yung suit niya, inihatid niya ako sa bahay namin. Roughly 3
weeks before the wedding. Damn! Excited na talaga ako! Feeling ko hindi ako
tatablan nung tinatawag nila na cold feet. Siguradong-sigurado na ako kay Uno. He’s
the one. Wala akong uncertainties na siya ang gusto kong makasama sa forever ko.

Umakyat ako sa kwarto ko at nakita ko na medyo nakaawang ang pinto ng kwarto ni


Maicy. Kumatok ako bago pumasok. Pumasok ako pero parang hindi niya ako napansin
dahil panay ang bato niya ng gamit sa paligid. The room was a complete wreck.

“Bakit ba ako nabuntis?!” she shouted. Mabuti na lang at wala si Mama. Hindi niya
pa alam ang tungkol sa kalagayan ni Maicy. “You’re fucking unwanted!” sigaw niya
ulit. “I don’t want you! Ayoko sa ‘yo...” she said at dahan-dahan siyang napaupo sa
sahig. Umiyak siya nang umiyak.

Seeing my sister crying like that split my heart into half. That fucking bastard!

Agad akong bumaba at kinuha ‘yung susi ng sasakyan ko. I drove to Justin’s
workplace. That ass! Hindi niya pwedeng gawin ‘to sa kapatid ko!
Wala akong pakielam kung mag-eskandalo ako dito. All I could see was red. No one
makes my sister cry.

“Justin Velasco,” sabi ko doon sa may babae sa front desk. My brow was in full arc.
Mukhang naramdaman nung babae na galit ako. Damn if I wasn’t mad! I was in rage!

Agad niyang pinatawag si Justin at in just a few minutes, nasa harapan ko na siya.
Kinalma ko muna ang sarili ko. Mabuti na lang at walang tao masyado.

“Let’s talk,” I said at saka naglakad kami papunta sa tagong bahagi ng building
nila. As soon as we were away from prying eyes, I slapped him.

“What the heck?!” singhal niya sa akin nung sampalin ko siya.

“That was a well-deserved slap, a-hole!” sigaw ko sa kanya. I swear my face was all
red by now.

Kunot ang noo niya. “What did I do?!”

“You knocked up my sister, you jerk!”

“What?!”
Sinubukan ko pa siyang sampalin ulit pero napigilan niya ako. “Bitiwan mo nga ako!”
I hissed.

Mukhang gulung-gulo ang mukha ni Justin. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Ako? Nabuntis
ko si Maicy?! Nababaliw ka na ba?!”

Aba’t! Sasabihin niya pa ba na nagsisinungaling ang kapatid ko?!

“Sinasabi mo ba na nagsisinungaling ang kapatid ko?!”

Binitiwan niya ako. “The heck, ate Mira.”

“Huwag mo nga akong ma-ate ate ngayon!”

Tumingin siya sa akin bago huminga nang malalim. “Look,” sabi niya. “I didn’t knock
up your sister.”

“Justin, she’s freaking pregnant! Ano tingin mo sa kapatid ko? Nilukuban ng banal
na espiritu at kusang nabuntis?!”

“How the heck could I get her pregnant kung wala namang nangyayari sa amin?”

“What?”
“I’m a Christian, ate, and I respect the marriage bed. And besides, halos one month
na kaming break ni Maicy kaya hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.”

Shit. Kung hindi si Justin, sino ang nakabuntis sa kapatid ko?!

=================

Chapter 14

#ADMwp Chapter 14

“Mira, alam mo ba kung nasan ang kapatid mo?” Mama asked. Umiling ako. Dalawang
araw na na hindi umuuwi si Maicy. Sanay naman kami ni Mama na biglang mawawala si
Maicy pero nagtetext naman ‘yun... “Tsk. San na naman ba nagsuot ‘yung batang
‘yun...”

My wedding was in a month pero mas pinoproblema ko pa si Maicy. Ano ba naman kasi
ang nangyari sa kapatid kong ‘yun? At kailan niya kaya balak sabihin sa amin ni
Mama ang tungkol sa pinagbubuntis niya?

Maybe she’s scared... But we love her. Kung hindi siya papanagutan ni Justin, kami
na lang ni Mama ang bahala sa anak niya. We surely could raise the kid together.

Later that night, umuwi na si Maicy.


“Maice!” I said. Napatayo ako nung makita ko siya na pumasok. “San ka ba
nanggaling?!”

Dire-diretso lang siya. “Pagod ako, ate. Mamaya na ako magpapaliwanag...” Umakyat
siya sa kwarto niya. Gusto ko sana siyang bigyan pa ng panahon pero kinakabahan ako
para sa kanya. Ayoko na may gawin siya na hindi niya dapat gawin.

Sinundan ko siya sa itaas.

“Maicy,” I said as I entered her room. Nakaupo siya sa kama niya at tinatanggal ang
foot socks niya. “Mag-usap nga tayo.”

I stared at her face and her eyes looked dead tired.

“I know you’re pregnant.” Natigilan agad siya sa sinabi ko. “And it’s fine. Don’t
be scared, okay? I’m here for you; we’re here for you...”

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. As soon as I enveloped her inside my arms,
she started sobbing. She’s still my baby girl...

“I’m sorry, ate...” she kept on repeating. “I’m sorry...”

=================
Chapter 13

#ADMwp Chapter 13

“What?!”

“She’s pregnant...” sabi ko tapos ay ipinakita ko ‘yung pregnancy kit na nakita ko


sa kwarto niya. Pareho kaming gulat na gulat ni Uno. Sure, Maicy’s 23 but I never
expected na mabubuntis siya ng ganito kaaga... Palagi niyang sinasabi sa akin na
marami pa siyang pangarap. She didn’t want to be domesticated.

“Fuck,” Uno said under his breath.

“I think that’s the reason kung bakit problemado siya lately... Alam na kaya ni
Justin? I’ll freaking kill that ass kapag hindi niya pinanagutan ‘yung kapatid ko!”
I hissed.

I knew Justin dahil anak siya ng kaibigan ni Mama. He’s a good kid but sometimes,
he’s arrogant pero alam ko naman na mahal niya si Maicy. They’ve been in an on and
off relationship for 2 years. Magulo silang dalawa but they always end up with each
other.

“Babe, sa tingin mo ba dapat kong sabihin kay Maicy na alam ko? I didn’t want to
intrude but she’s my sister...”

Uno lost the color in his face. Good to know na may kasama akong bubugbog kay
Justin in case na magpakaduwag siya. Gagalawin niya ‘yung kapatid ko tapos ngayon
na may naubos, aatras siya? I’ll make him taste his own dosage of hell, subukan
niya lang talaga!
“I think pabayaan muna natin si Maicy,” he said after seconds of silence. “Shit. I
need to be somewhere. Mauna na ako,” he said and then kissed me on the cheek.

Ni hindi ako nakapagpaalam because he was rushing off to somewhere.

=================

Chapter 12

#ADMwp Chapter 12

Kanina pa ako tuliro. Hindi ko alam kung paano ko nagawang magpanggap na hindi ako
kinakabahan sa harap ni Mama. Nanginginig ‘yung kamay ko nung bigla siyang pumasok
sa kwarto. Mabuti na lang at mabilis kong naitago ‘yung kit sa likuran ko.

“Nasan na ‘yung mga damit ni Maicy?” she asked. Napatingin ako sa paligid ko. Hindi
pa pala ako tapos. Masyado akong nabigla sa pregnancy kit na nakita ko.

Kahit na nanginginig ‘yung labi ko, nagawa ko pa ring sumagot. “Ah-eh, ibababa ko
na lang po,” I said.

Mukhang naniwala si Mama sa sinabi ko. Agad akong napasalampak sa kama ni Maicy
nung oras na lumabas si Mama. Napatingin na naman ako sa pregnancy kit. Shit. Ito
ba ‘yung dahilan kung bakit problemado siya?!

Ibinaba ko na ‘yung mga labada at agad akong nagpaalam kay Mama. Mabuti na lang at
tapos na kami sa paglilinis. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapaglinis matapos
kong malaman na baka buntis ang kapatid ko.

“Uno?” I said nung sumagot siya sa tawag ko.

“Yes, babe?”

“Can we meet? I really need someone to talk to...” sabi ko sa kanya. It seemed like
he felt the urgency in my voice kaya naman pumayag siya na makipagkita sa akin. We
agreed to meet in the coffee shop near his office. Nakaupo lang ako dun habang
naghihintay. Ilang senaryo ang pumasok sa isip ko. Gusto kong kumprontahin si Maicy
pero hindi ko alam kung dapat ba iyon... Kapatid ko siya pero nirerespeto ko ‘yung
buhay niya. It was one of the things I love about our relationship. We love each
other but we respect each other’s boundaries.

Ilang minuto ang nakalipas at dumating din si Uno. Mukhang hapong-hapo siya dahil
hinihingal siya nung dumating siya sa coffee shop.

“What’s the matter? Is everything okay?” agad na tanong niya nung nakita niya ako.
Hawak niya ang mukha ko sa dalawa niyang kamay. Napangiti naman ako sa pag-aalala
niya. Mahal na mahal talaga ako ng isang ‘to.

I smiled at him. “Okay lang ako... Hindi ako ‘yung may problema,” I said.

Umupo muna si Uno upang magpahinga sandali. Okay lang naman kung sasabihin ko sa
kanya, ‘di ba? Malapit na rin naman kaming maging mag-asawa at halos kapatid na rin
naman ang turing niya kay Maicy...
“Uno...” I trailled off.

Worry was etched on his handsome face.

“What? C’mon, Mira. Kinakabahan ako lalo, e.”

Bumuntong-hininga ako bago ako nagsimula. “I think Maicy’s pregnant.” And right
after, Uno dropped his coffee.

=================

Chapter 11

#ADMwp Chapter 11

“Uno, alam mo, ang weird ni Maicy lately...”

Namimili kami ng centerpiece para sa tables nung hindi ko na talaga ma-contain. May
weird talaga sa kapatid ko at nag-aalala na talaga ako. It’s been weeks since umuwi
ako at hindi ko siya maintindihan. Palagi siyang tulala. Ayaw kumain. Palaging
nakakulong sa kwarto. Sinusubukan ko namang kausapin pero ayaw niyang magsalita...
Ano kaya ang meron ‘dun?

“Baka may problema lang,” he said. “Ano ang gusto mong kainin mamaya?”
I smiled at him and said, “Dito na lang tayo sa unit mo.”

Magdamag kaming magkasama ni Uno. We always talked about having kids. Nasa edad na
rin naman kami kasi para magkapamilya. Sinabi ko naman sa kanya na months after we
got married, titigil na ako sa contraceptives. I was sure with him. He’s the guy I
wanna build a family with. I’m sure he’ll make a great father.

The morning after, tumawag ako sa bahay at sinabi ni Mama na lumabas na daw si
Maicy sa kwarto. Finally!

“Uno, lunch tayo mamaya kasama si Maice? Lumabas na daw sa kwarto sabi ni Mama, e,”
I said habang sinusuot ko ‘yung dress ko.

“Ha?” he said. “Ano, e. May meeting kami mamaya sa board.”

Kumunot ang noo ko. “Akala ko ba naka-leave ka?”

“Ah... emergency meeting kasi. Sorry, babe. Babawi na lang ako.”

Inihatid niya na ako sa bahay after that. Sinabi ko na nga na magcoffee muna siya
sa loob pero nagmamadali. Mukhang emergency meeting talaga iyon, ah. Usually kasi
papasok muna siya sa loob para maghi kina Mama at Maicy.

“Maice!” I said and then smiled at her. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. “Ayos
ka na ba? Gusto mo ng kausap?” I offered.
She just smiled at me and then shook her head. Kahit na pagod ako, nagluto ako ng
paboritong ulam ni Maicy. Alam ko kas na ito ang unang disenteng pagkain na
kakainin niya in weeks. Gusto ko talagang malaman ang problema nitong kapatid ko
pero mukhang ayaw niya namang magsabi...

“Nakapili na ako ng centerpiece! Finally, adjustments sa gown na lang and tapos na


sa lahat ng preparations!” I said with a smile. Nakakapagod pala talagang mag-ayos.
Kahit na kakaunti na lang ‘yung natira para gawin ko, napagod pa rin ako. What more
pa si Maicy? Sobrang thankful talaga ako dito sa kapatid ko na ‘to...

After naming kumain, umalis na si Maicy. Pinapatawag na daw kasi siya ng boss niya
dahil nagleave pala ‘tong babaeng ‘to. Sobrang bigat naman yata ng problema niya
para magleave siya. Kinakabahan na talaga ako... Sana naman hindi serious ang
problema niya...

Nag-general cleaning kami ni Mama after umalis ni Maicy. Bibisita kasi dito ang
future in-laws ko. Since nasa States ang family ni Uno, ngayon pa lang formally
hihingin niya ang kamay ko sa Mama ko. Weird but that’s how it was. Hindi naman ako
kinakabahan dahil sabi naman ni Uno, mabait ang family niya. And he won’t let me
down. I trust him too much—I trust him with my life.

Tapos na akong maglinis sa baba nung dumating ‘yung naglalaba. Pinakuha sa akin ni
Mama ‘yung mga maduduming damit. Pumasok ako sa kwarto ni Maicy para kuhanin ‘yung
damit niya.

I was in the middle of picking up the dirty clothes when a pregnancy test kit
caught me by surprise.

=================
Chapter 10

#ADMwp Chapter 10

“Baby!” I said tapos tinalunan ko siya at hinalikan agad. Wala akong pakielam kung
pagtinginan kami ng mga tao dito sa airport. I freaking missed this guy so much! “I
missed you. I love you!”

Palagi kong sinasabihan ng I love you si Uno... Pakiramdam ko nga minsan overrated
na ‘yung expression... Pero hindi ko alam. Feeling ko kasi sasabog ang puso ko
kapag hindi ko na-verbalize kung gaano ko siya kamahal.

He smiled at me. “Pagod ka na ba? Ihahatid na kita sa inyo,” he said tapos kinuha
niya ‘yung baggage ko. Medyo nagtaka lang ako dahil hindi siya nag I love you, too
pero hindi ko na pinansin. Baka nakalimutan niya lang.

On the way home, panay ang pangungulit ko kung kamusta na ang wedding preparations.
Pakiramdam ko tuloy nakukulitan na si Uno sa akin dahil hindi niya masyadong
sinasagot ‘yung mga tanong ko. But I let it slide. Tomorrow, ako na ang bahala sa
kasal ko. I will be the best bride ever!

Nagbless ako kay Mama at hinanap ko agad si Maicy pero sabi ni Mama na nasa kwarto
daw siya.

“Maice?” I asked matapos kong kumatok. “Papasok ako, ha?” I said. Pumasok ako sa
loob at nakita ko na nakahiga lang siya sa kama. “Nasa labas ‘yung pasalubong ko sa
‘yo.”

She stirred and then smiled. “Thank you, ate...”


Agad ko namang hinawakan ‘yung noo niya dahil ang tamlay niyang tignan. Wala naman
siyang sakit.

“Ayos ka lang ba?” I asked. Ang tagal niya na na ganito, ah... Hindi pa rin ba sila
nagkaka-ayos ni Justin? “Mukha kang may sakit...”

She smiled again and said, “Okay lang ako, ate... Headache lang.”

Tumango na lang ako kahit hindi ako totally convinced na simpleng sakit sa ulo lang
iyon. Magsasabi naman siya sa akin kapag gusto niya na. But in order to change the
topic, I said, “Thanks nga pala sa pag-asikaso mo sa kasal namin, ha? Ano nga pala
ang comments ni Uno tungkol sa details?”

She froze for a moment but then she went on answering my endless questions.

=================

Chapter 9

#ADMwp Chapter 9

I was practically jumping with glee nung nakuha ko ‘yung approval para sa proposal.
Inaya ako para magcelebrate nung mga kasama ko pero tumanggi ako. Gusto ko nang
bumalik sa hotel at ayusin ang gamit ko. I can’t wait to check out! I can’t wait to
come home!
Pakanta-kanta pa ako habang inaayos ‘yung mga damit ko. Hindi ko na rin masyadong
inabala si Maicy dahil balak ko na ako na talaga ang mag-aayos ng kasal ko. I
couldn’t wait to be a hands-on bride. Gusto kong maranasan na magtaste test, na
magscout sa simbahan... I knew Maicy already took care of that pero gusto ko pa
ring gawin. I wanted to do all these things with Uno. I really couldn’t wait to
spend my forever with him.

I woke up early the next morning. Ang aga-aga ko sa airport pero excited na kasi
talaga akong umuwi. Doon na lang ako namili ng mga pasalubong ko. I was on the
edge. I freaking miss everyone!

Sumakay na ako sa eroplano. I didn’t want to sleep last night because of excitement
kaya naman buong byahe pa-Pilipinas ay tulog ako. I woke up with a huge smile
plastered on my face.

“Glad to be back!” I said as I waved at Uno who was waiting for me at the arrival
area.

=================

Chapter 8

#ADMwp Chapter 8

Halos hindi na ako kumakain at natutulog para lang matapos lahat ng papers. I
wanted to finish all of these as soon as possible para makauwi na ako. Sinabi ko na
naman sa boss ko na minamadali ko na lahat. She said na makakauwi na ako once na
matapos ko lahat ng pending paper works.

Buong araw kong hindi tinawagan si Uno. Binayaan ko muna siya na magpalamig ng ulo.
Alam ko na medyo galit siya sa akin kaya naman ayokong sabayan ‘yung init ng ulo
niya. Walang magandang mangyayari kung magsasabay kami. Galit siya at stressed ako.
I was almost done with all my paper works when I decided that it was the right time
to call. Akala ko hindi siya sasagot.

“Uno...” I said. Two days ko lang siyang hindi nakausap pero miss na miss ko na
agad siya... “I’ll be home in a few days. Bati na tayo, please?”

I finished two weeks worth of paper works in just a few days. Ganun ko kagustong
umuwi. Wala na talagang tulugan. Sa umaga nakikipagmeet ako sa investors, sa gabi,
tinatapos ko ‘yung mga revisions sa proposal. Ang dami naman kasi nilang
ipinapabago.

Akala ko magmamatigas pa siya but I was pleasantly surprised when he immediately


said that we were okay.

“I’m sorry...” he said.

“No, I am sorry. Sorry kung palagi na lang kitang dinidisappoint,” I replied. “You
were totally understood. Don’t be sorry, Uno... You’re nothing but a wonderful
boyfriend.”

“I love you, Mira. I love you.”

I smiled.
“I love you din, Uno. Can’t wait to get married to you!”

=================

Chapter 7

#ADMwp Chapter 7

Kahit na madami akong dapat gawin na papers, hindi ako mapakali. Kanina ko pa
tinatawagan ulit si Uno pero hindi siya sumasagot. Hindi ko alam pero kinakabahan
talaga ako.

I was pacing back and forth. Nanlalamig ‘yung kamay ko.

“Uno, sumagot ka naman...” I said as I was dialing his number again. Paikot-ikot
lang ako dito sa hotel room, tahimik na nagdadasal na sana wala siyang ginagawang
kung anuman. I knew he was upset because I bring him down again.

I tried to call his friends pero sabi nila na hindi daw nila alam kung nasaan si
Uno. Kahit nga ‘yung lobby sa condo niya natawagan ko na.

“Thank you,” sabi ko doon sa receptionist. Kakaalis lang daw ni Uno kanina.

Sinubukan kong kumalma. Sinimulan ko na ‘yung mga paper works pero lumilipad talaga
‘yung utak ko. After a few hours of pretending that I was doing something, kinuha
ko muli ‘yung cellphone ko. I called Maicy’s number pero walang sumasagot.
Tinawagan ko ‘yung bar, mabuti na lang at kinuha ko rin ‘yung number nung lalaki.

“Hello?” sabi ko sa kanya. “This is Mira, ‘yung kapatid nung babaeng lasing.
Nandyan pa ba ‘yung kapatid ko?”

Medyo maingay sa background pero naiintindihan ko pa naman ang sinasabi niya.

“May sumundo na po. ‘Yung Uno?” he said as I sighed a breath of relief. Thank god!
Akala ko kung ano na ang nangyari.

I sat down and rushed the papers. Medyo natahimik na ako knowing the Uno was with
Maicy.

=================

Chapter 6

#ADMwp Chapter 6

“What?! No! Colleen, I know this is a huge project pero kailangan ko na talagang
umuwi!” nakasapo na ‘yung kamay ko sa noo ko. I was supposed to go home tomorrow
pero sinabi nila na extended ang stay ko dito. “Please, kailangan ko na talagang
makauwi...”

I was so close to begging. I needed to go home. I had a wedding to fix. Ayoko naman
na umuwi na lang ako bigla at kasalan na. I wanted to experience being a hands-on
bride.
Colleen sighed from the other line. “Sorry talaga, Mirs... Direct order, e.
Makakasuhan tayo kapag nagwithdraw ka. Sa ‘yo nakapangalan lahat ng papers for
transaction, e.”

Binabaan ko siya ng tawag. Shit talaga!

I lay on my bed. Paano ko sasabihin kay Uno? Hindi ko alam kung saan ako
magsisimula... Kagabi, excited na excited siya dahil uuwi na ako bukas... I
promised him na magkasama kami buong araw... Pero ngayon? I didn’t know how to
break the news to him.

Dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin, minabuti ko muna na tawagan si Maicy.

“Maicy?” I said pero masyadong malakas ‘yung ingay mula sa lugar niya. “Maice?”

“Hello?” an unfamiliar voice answered my call. Agad na lumakas ang tibok ng puso
ko.

“Sino ka? Bakit ikaw ang sumagot sa tawag ng kapatid ko?!”

The voice was totally unfamiliar. Kilala ko ‘yung boyfriend ni Maicy at hindi ganon
ang boses niya.

“Ma’am, bartender po ako dito sa bar. Kanina pa lasing na lasing ‘yung kapatid
niyo. Susunduin niyo po ba siya?” Shit naman, Maicy! Bakit ka nagpapakalasing
ngayon? Ano ba talaga ang problema mo?

I calmed myself down bago ko kinuha ‘yung address ng bar na pinagkalasingan ni


Maicy. It was quite far. Bakit naman nakarating pa ng BGC ‘tong babaeng ‘to?

“Thanks,” sabi ko sa bartender. Mukha namang mabait siya. Pinakiusapan ko na rin


siya na bantayan muna ang kapatid ko habang hinihintay ang sundo.

I was thinking of whom I should call. Kanina ko pa dinadial ‘yung number ni Justin
pero hindi siya sumasagot. Hindi ko na rin siya tinawagan pa ulit dahil baka nag-
away sila ni Maicy kaya nagpakalasing ‘yung kapatid ko... Mas lalo namang hindi ko
kayang tawagan si Mama! Hindi ko naman kayang ilaglag si Maicy at panigurado na
mapapagalitan ‘yun. Kaya naman kahit kinakabahan ako, I dialed Uno’s number.

“Babe! Nakapag-ayos ka na ba ng gamit mo?”

I bit my lower lip. Damn it. Pwede bang kalimutan ko na lang lahat at umuwi na ako
agad? I wanted to hug him so bad. I freaking miss this guy.

“Pwedeng humingi muna ng favor?” I asked him. This was important, as well. Bawat
segundo na lumilipas, mas kinakabahan ako. Mamaya may manyak na na umaaligid sa
kapatid ko.

“Sure, babe,” he said. His voice was really happy. Masayang-masaya talaga siya na
uuwi na ako.
“Kasi nasa bar si Maice... Lasing na lasing daw... Pwede bang puntahan mo?”

“Sige, sige. Saan ba? Alam mo na ba kung ano ang problema nun?” he asked as I gave
him the address of the bar. Mabuti na lang at hindi nagreklamo si Uno kahit na
malayo pa ang idadrive niya.

“Ewan, pero baka sa kanila ni Justin. Sorry, ha? Gabi na pero naabala pa kita...”

“No problem, babe. Parang kapatid ko na rin si Maice,” he said. “Nagpareserve ako
sa favorite restaurant mo para ‘dun tayo kakain pag-uwi mo.”

I closed my eyes and then took a deep breath.

“Uno... kasi hindi ako makakauwi.”

Every second passing was making my heart beat so damn fast. I knew I made him feel
unimportant again. Alam ko naman na pakiramdam ni Uno mas inuuna ko ‘yung trabaho
ko kaysa sa kanya... Hindi naman siya nagrereklamo but I just felt it. And now, I
was doing it again.

“What?”

“Naipit kasi ako... Ang dami pang pending transaction at ako ang front... Gusto ko
talagang umuwi, Uno... Sorry...” my voice was on the verge of breaking but my tears
were already falling one by one.
There was deafening silence.

“Ganyan ka naman palagi.”

And then the line was dead.

=================

Chapter 5

#ADMwp Chapter 5

Ganito pala ‘yung feeling na miss na miss mo na ‘yung tao pero wala kang magawa
kung hindi ang malungkot?

“Uno...” I called his name.

“Yeah?” sagot niya. Magkausap kami sa facetime ngayon habang gumagawa siya ng
project niya.

“Wala lang,” sabi ko. “Kamusta na nga pala si Maicy? Nakausap mo ba?” I asked him.
Ilang beses ko na kasing sinubukan na kausapin si Maicy pero palaging ayaw niyang
magsalita. Pasalamat siya at wala ako sa Pilipinas...
“Hindi, e. Alam mo naman ‘yun, ayaw magsabi ng problema,” sabi ni Uno. Oo nga,
minsan kasi nakakalimutan ko na malaki na nga pala si Maicy. Hindi na nga pala siya
‘yung Maicy na umiiyak at ipinagtatanggol ko. Malaki na nga pala ‘yung kapatid ko.

I sighed. Nakakalungkot naman dito.

“Basta, try mong kausapin, ha? Ang hirap kasi na wala ako dyan...” I said.

Uno looked at me and smiled. “Don’t worry, ako na ang bahala. She’s practically a
family,” he assured me.

Mas lalo akong na-excite magpakasal sa kanya. Maaasahan ko talaga siya kaya hindi
na ako masyadong nag-alala pa para kay Maicy... but still I wish she’d talk to me.

=================

Chapter 4

#ADMwp Chapter 4

Mira dela Fuente: Maicy

Mira dela Fuente: Maicy

Mira dela Fuente: Maicy


Mira dela Fuente: Maicy buhay ka pa ba? Nag-aalala na ako sayo

Mira dela Fuente: Just contact me kung gusto mo ng kausap ok? I’m really worried

Mira dela Fuente: Or call Uno

Mira dela Fuente: Don’t keep it bottled up

Mira dela Fuente: Don’t do stupid things

You cannot send message to this person

Kumunot ang noo ko. Did she block me?!

Agad ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot. Naka-receive lang ako ng text
mula sa kanya.

From: Maicy

I deactivated my fb, ate... I’ll email you the details about your wedding...

Ano ba ang problema niya? Nag-aalala na ako.

To: Uno

Babe, paki-check nga si Maicy. Nag-aalala ako.


=================

Chapter 3

#ADMwp Chapter 3

Ang sakit-sakit na ng ulo ko! Ang dami nilang pinapagawa sa akin pero 2 days na
lang ako dito sa New Zealand. Babalik na ako sa Pinas sa makalawa pero tambak na
tambak pa rin ‘yung gagawin ko. Shit talaga! Sumasakit lalo ang ulo ko!

Huminga muna ako nang malalim at saka iniwan ‘yung tambak ng papales na dapat kong
ireview. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng magagaling na empleyado sa kumpanya
namin, bakit ako pa ang napiling ipadala? Sure, kung sana sa ibang pagkakataon
matutuwa talaga ako. But my wedding was just around the corner. Bawat araw na wala
ako sa Pilipinas para tumulong sa paghahanda ng kasal ko ay parang mas lalo kong
gustong umiyak dito.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ‘yung laptop ko at nakipagfacetime


kay Maicy.

“Maice,” I called. “Bakit audio lang?” Nagtataka lang ako dahil dati naman puro
facetime talaga kami.

Rinig ko na medyo paos ang boses ni Maicy. May problema pala talaga siya... Akala
ko praning lang masyado si Uno. Masyado kasing protective iyon kay Maicy dahil
walang kapatid.

“Okay lang, ate...” she said pero rinig na rinig ko na may problema siya.
Mas lalo tuloy akong nahihirapan na wala ako sa Pilipinas. Gusto kong yakapin si
Maicy at sabihin na magiging okay lang ang lahat...

“Sure ka?” I asked her again. “Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap...” I
assured her.

“Okay lang talaga ako,” she replied. “Sige na, ate. Update na kita tungkol sa
wedding,” she continued and then we proceeded on talking about my wedding.

Ilang oras din kaming nag-usap dahil may mga gusto akong ipabago. Mabuti na lang
talaga at mabait itong kapatid ko kaya hindi siya nagrereklamo kahit na palagi ko
siyang naaabala.

“Thank you, Maicy, ha?”

“Wala ‘yun, ate. Basta para sa inyo ni kuya Uno.”

“Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap... Uuwi na naman ako... Pero
nandyan din si Uno kung kailangan mo ng maiiyakan. Always remember na nandito lang
kami, okay?”

“Thank you, ate. Miss na miss na kita. Ang swerte sa ‘yo ni kuya Uno...”

=================
Chapter 2

#ADMwp Chapter 2

Screw time zone! Palagi na lang akong puyat dahil hindi magtagpo ang oras namin.

“Hi, baby...” sabi ko habang papikit na ang mata ko. Ang dami kong ginagawa dito.
Mabuti na lang talaga at nagvolunteer si Maicy na siya ang mag-asikaso sa kasal ko
kung hindi, baka mabaliw na ako dito at bigla na lang bumalik sa Manila! Buti na
lang talaga at mabait ang boss ko kaya kailangan kong umayos dito.

“Baby, ayos ka lang? Mukhang stressed na stressed ka...” sabi niya.

Umiling ako pero halos pikit na talaga ang mata ko. “Ayos lang ako...” I said as I
trued to stiffle a yawn. “Nagkita ba kayo ni Maicy?” I asked him.

Tumango siya. “Oo kanina. Pero mukhang problemado ‘yung kapatid mo na ‘yun,” he
said.

Kumunot naman ang noo ko. Wala namang nababanggit sa akin si Maicy na problema...
Palagi naman kaming magkausap.

“Kanina kasi parang medyo lutang siya nung nagttaste test kami.”

Kahit na medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil wala ako doon habang inihahanda ang
kasal ko, mas inisip ko na lang na mapapawi lahat ng lungkot ko sa mismong araw ng
kasal. Nakabook na kasi ang flight ng pamilya ni Uno mula sa States kaya hindi
pwedeng ma-delay ang wedding. Tapos bigla pa akong pinadalasa New Zealand—special
order direct from my boss kaya hindi matanggihan.

“Ano naman daw ang problema?”

Nagshrug lang si Uno. “Bayaan mo, tatanungin ko bukas. Sige, matulog ka na. I love
you.”

I smiled at the screen. “I love you din.” I can’t wait to be married to that
guy.

=================

Chapter 1

#ADMwp Chapter 1

Bakit naman kasi kailangan pa akong ipadala sa New Zealand para sa conference na
‘to? Alam naman sa office na magpapakasal ako pero ako pa rin ang ipinadala.
Nakakainis naman talaga.

“Kailangan mo ba talagang umalis?” Uno asked. Kakagising lang naming dalawa at


kanina niya pa ako pinipigilan. Alam niya kasi na ngayon ang araw ng alis ko
papuntang New Zealand.

I pulled the sheets and wrapped it around my body.

“Oo nga... Ang kulit mo naman,” I said tapos bigla niya naman akong niyakap.
“Babalik naman ako in two weeks...” I said habang hinahalikan niya ‘yung likod ng
tenga ko.

“Please?”

“Uno...”

“Kailan mo ba ako magiging priority? Lagi na lang akong pangalawa sa trabaho mo,”
sabi niya. Natawa naman ako.

“Para kang baby,” I replied.

“Baby mo naman ako, ‘di ba?” he said with a grin.

I turned around and then kissed him. “Oo nga, baby. Aalis si mommy para magwork
pero babalik naman ako after two weeks. Pwede bang magbehave ang baby habang wala
si mommy?”

He doubled over in laughter and then grabbed me. “Susulitin ko na habang nandito ka
pa sa tabi ko,” sabi niya at hinatak ako pabalik sa kama.

=================
Prologue

#ADMwp Prologue:

Hindi ko alam kung paano magpanggap na wala akong alam. Kanina ko pa gustong
sumigaw. Kanina ko pa gustong tumakbo at yakapin si Uno. Bakit naman kasi masyado
akong mapaghinala at natunugan ko agad na may balak na siya sa aking magpropose?!
Ayan tuloy, wala na ‘yung element on surprise!

But still... the thought that Uno wanted to spend the rest of his life with me was
enough to make my heart beat erratically.

Nasa loob kami ng pad niya. Normally, sa restaurants kami kumakain but tonight was
different. Siya ang nagsabi na sa unit niya na lang kami kumain at magluluto daw
siya.

Habang kumakain kami, thoughts were flooding my mind. Hindi ako makakain nang
maayos dahil pakiramdam ko nakahalo dito sa kinakain ko na lasagna ‘yung singsing.
Pati sa pag-inom ng wine ang cautious ko rin! Kanina pa ako hindi mapakali! Mas
daig ko pa sa kaba ‘yung magpopropose!

Nung patapos na kami sa dessert na lava cake (na dahan-dahan ko pang kinain dahil
natatakot ako na mabilaukan), biglang sumeryoso ang tingin sa akin ni Uno. Tumayo
siya at saka lumapit sa akin.

Ilang beses ko na ‘tong na picture sa isip ko. Ilang beses ko na siyang na-imagine
na lumuhod at ayain ako na magpakasal. Each time was more romantic than the other
but this? This was magical. This was better than what my imagination could ever
fabricate.
“Mira,” he asked as he was down on his knee. “I’ve known you for years now and I’ve
loved you for years... and for the years to come, I know the I will still love
you.”

Nagsisimula pa lang siya pero panay na ang buhos ng luha ko. I couldn’t believe it
was happening. I couldn’t believe what was unfolding behind my very eye.

“Mira, will you give me the honor of turning you into Mrs. Avellano?”

I wiped my tears and said, “Yes, Uno. Always a yes.”

Umiiyak ako habang isinusuot niya sa daliri ko ‘yung singsing. It felt perfect. It
felt like this ring was designed for me to wear...

“Nakakainis ka!” I said while wiping my tears. “Parang ni hindi ka man lang
kinabahan! Masyado ka bang sure na oo ang sagot ko?”

He smiled at me and then wiped the tears off from my cheeks.

“Bakit ako kakabahan? Marrying you is one of the things I am most sure of.”

You might also like