You are on page 1of 4

PAGWAWASTO NG SIPI AT PAG-UULO NG BALITA

(Copyreading and
Headline Writing)
Gawain sa Pagwawasto

 Tiyaking tumpak ang mga datos sa artikulo.

 may wastong gramatika at pagbabaybay ng mga salita.

 Magwawasto ng kamalian ng mga datos batay sa kahalagahan nito.

 Tinitiyak nito kung mabisa ang pamatnubay na ginagamit sa may-akda.

 Pumuputol at kumakaltas ng di-mahalagang datos.

 Magtanggal ng mga salitang nagsasaad ng opinyon kung ang winawasto ay balita.

 Magpalit ng mga salitang mahirap maunawaan ng karamihang mambabasa.

 Magtanggal ng mga salitang walang kabuluhan tulad ng bangkay na di humihinga,


hawak ng kamay, pasan sa balikat at iba pa.

 sinusunod nito ang istilo ng pahayagan.

 Tinitiyak nitong malaya sa anumang libelong pamamahayag ang akda.

 Tinitingnan nitong ang akda ay may mabisang istilo at ulo.

 Sumusulat ng ulo ng balita at nagpapasya sa tipograpiya nito.

 Magbigay ng tagubilin sa tagapaglimbag ukol sa laki at tipong gagamitin, kolum at bilang


ng ems.

Katangian ng Mabisang Editor

 Malawak ang kaalaman sa wika

 Mahusay sa gramatika at pagbabaybay


 Malawak na kaalaman sa talasalitaan

 Mahilig magbasa

 Maraming alam sa pangkalahatan at kasalukuyang impormasyon

 Kabisado sa paggamit ng mga simbolo / pananda sa pagwawasto ng sipi.

 Metikuloso o mabusisi sa mga detalye at mapanuri sa pangkalahatang punto o kaisipan


ng artikulo

 Laging handa sa mga kagamitang kinakailangan sa pagwawasto.

Hakbang sa Pagwawasto:

 Basahin muna ang buong siping wawastuin;

 Alamin ang kabuuan ng istorya;

 Wastuin ang gramatika, bantas, baybay. . .;

 Tiyakin ang katumpakan ng mga tala at tukuyin kung nagtataglay ito ng mahahalagang
impormasyong lalo na sa pamatnubay (lead);

 Matapos ang pagwawasto, bashin ang sipi kung maayos na ang pagkasusunud-sunod
at pagka-uugnay-ugnay ng impormasyon;

 Isulat ang ulo; at

 Isulat ang printer’s direction.

Halimbawa: 4 – 48BB-Rom

sinusulat sa itaas ng kaliwang bahagi ng sipi. Ito ay nagtataglay ng laki

(font size) at tipo ng letra (roman light,roman bold, italics) na gagamitin.

PAG-UULO NG BALITA (Headlines)

 Binubuod nito ang impormasyon kaugnay sa isyu;

 Nagsisilbing pang-akit at panghalina sa mambabasa na basahin ang sipi o balita;


 Nagpapaganda ng pahina dulot ng iba’t ibang hugis at tipo ng nito.

Tips sa Pag-uulo ng Balita

 Basahin ang buong sipi at kunin ang pinakadiwa nito.

 Tukuyin at salungguhitan ang salitang batayan sa iyong headline.

 Ang mga palatandaan sa headline ay karaniwang nasa pamatnubay.

 Gamit ang mga palatandaang salita na ito, bumuo ng short telegraphic sentence na
bubuod sa sipi.

 Gumamit ng tiyak at simpleng salita.

 Gumamit ng kuwit sa halip ng at.

 Huwag gumamit ng mga pantukoy (ang, ang mga, si . . .)

Yunit

 ½ yunit – jiltf at lahat ng bantas maliban lamang sa gatlang ( _ ), at tandang pananong (?)
 1 yunit – tandang pananong (?), espasyo, bilang, malaking titik na JILTF at
 maliliit na titik maliban sa jilt.
 1 ½ yunit – gatlang, maliit na titik na m at w, lahat ng malaking titik maliban
 sa M at W at JILTF.
 2 yunit – malaking M at W.

Halimbawa ng Ulo

Cyber law baka maabuso - Enrile


Enrile: Cyber law baka maabuso

You might also like