You are on page 1of 1

MARK ALBERT BACOMO

Nasa kenikko kami nung sept 15. nagkayayaan ang tropa kasi si kent sandoval yung friend
namin na sa manila na ay paalis na kinabukasan sept 16 pabalik ng maynila. habang kami ay
nagiinuman don mga 12-1am na ng madaling araw dumating bigla si konsehal ventura at
pumasok doon sa loob ng bar ng ke nikko. Tapos non ay nagsimula na siya makipagusap sa
amin. sa unang tingin at base sa kanyang ikinikilos at pananalita nya ay nakainum po talaga
siya. Una nyang kinausap eh yung mga kaibigan namin about sa trabaho inaalok nya ng
trabaho at may mga kilala daw siya na makatulong at meron na daw po siyang mga pinasok sa
work marami na po pero po kasi yung mga kasama namin na yun ay may mga work na din
tapos gusto nya bayaran yung bill namin at sinasabi niya na mababa daw sahod sa sitel kaya
parang nakukulitan na nung paulit ulit na po sinasabi ni konsehal sakanila at sila po ay umiwas
at lumabas muna para manigarilyo. pagtapos non, ako at si bluejay at macoy na lang naiwan sa
loob kami naman po yung kinausap nya pero po di ko maintindihan na mga sinasabi niya kasi
sabi niya sakin eh kilala nya nga daw po magulang ko humihingi daw po kami ng tulong
sakanya, bilang pag galang ay di po ako sumasagot at ang sinasabi ko lang ay opo opo. Pero si
bluejay kasi ay medyo nairita kasi nga wala na kaming kasama sa loob kasi nga nakulitan na po
kay konsehal ventura. kaya po siya yung sumasagot para sakin at sakanya naman po nabaling
yung atensyon ni konsehal. Nung una po sinasabi lang ni konsehal na kamag anak niya si
bluejay at ang sagot ni bluejay ay sino ang nanay at tatay ko pero di masagot ni roy kaya sabi ni
bluejay eh di mo nga kilala magulang ko pano tayo magkamaganak biglang tinawag ni bluejay
ang waitress at nagaya ng umuwi at mag bill out tapos biglang naginit si roy tapos gusto nya
bayaran bill eh ayaw ni bluejay kaya yun nagkainitan na sila. Pero after non naawat sila kasi
andon naman si tito mon yung may ari pagtapos eh nagsama sila sa table sa labas kung saan
don naman yung sa baril wala kasi ako sa labas sa loob lang ako kaya di ko alam pano ulit
nagsimula.

MACOY SANDOVAL
umiinom kami sa loob ng bar ng keniko, tapos lumapit si kgd. ventura, una nag aalok sya ng
trabaho sa amin tapos una nya tinatanong si abet na sinasabi nya na mag kamag anak daw sila
pero si abet tumatawa lang at nag oopo opo lang tapos nalipat ung atensyon ni kgd. ventura
kay Bluejay ganon din sinasabi nya na magkamag anak daw sila tapos tinatanong sya ni
Bluejay kung kilala niya ba ung tatay at nanay nya. nung hindi nya masagot yung tanong ni
Bluejay sabi ni Bluejay “d mo naman pala kilala tatay nanay ko e”. dun na sila nag kagulo.
lumabas sila ng bar ng keniko. pinagbati sila ng erpat ni nikko. tas nung nag inom sila ulit sa
labas ng bar ng keniko nag sabi si Bluejay ke kgwd ventura na tito sorry po uwi na po ko at hindi
pumayag si kgd. ventura ang sabi nya "hindi. putukan kita jan e." dun na pumalag si Bluejay at
tumayo ng mesa.

You might also like