You are on page 1of 2

Wala kang takas

"Sports Injuries"

Airon John Jesuitas

Para sa mga manlalaro ng iba't ibang uri ng Isports isang trahedya at malagim na pangyayari ang
magkaroonn ng iba't ibang injuries ito man ay minor or major injuries. Sino mang atleta ay hindi
makakalayo sa anumang injuries na pwedeng makasira sa kanilang career. Ano-ano nga ba ang mga
injuries na pweng kasapitan ng mga atleta. Halina at ating alamin ang iilan lamang sa mga ito.

Anterior Cruciate Ligament (ACL) Tear

Isa sa mga mapanganib na sports injuries lalo na sa basketball at volleyball. Ang ACL ay isa sa mga major
ligament sa ating tuhod, isang mali at awkward na paglanding mo lang sa court pwedeng mapilas ang isa
sa mga ligament ng manlalaro na siyang dahilan para magkaroon ng ACL tear. Isang surgery lamang ang
pwedeng mapanumbalik sa manlalaro na nakaranas ng ganitong trahedya. Minsan ang isang manlalaro
ay hindi na pwedeng maglaro buong Season ng laro. Sa ating bansa, kilala si Ara Galang na karanas ng
ganitong injury.

Ankle Sprain

Ito ay ang pinaka pamilyar na injury para sa mga atleta at hindi atleta. Pano nga ba nagkakaroon ng ankle
sprain? Ang maling pagtapak sa lupa o sabihin na nating natapilok ay isa sa mga dahilan para sumakit ang
ating bukong-bukong o ankle. Hindi man malala ngunit kailangan parin ng first aid, tulad ng cold
compress at pahinga. Ito ay tatagal lamang ng 4 na araw o isang linggo para makanumbalik sa laro.

Shin Splints

Pagkatapos ng mabilis na pagtakbo kadalasan nakakaramdam tayo ng masakit sa mababang parte ng


ating binti. Ito ang pinaka-common na injury sa parte ng ating binti na kadalasan nararanasan ng mga
runners. Dahil sa pagmamaga ng hita, kapag hindi ito naagapan dahil sa stress fracture pwede itong
maglead sa mas malala pang bone damage.

Concussion

Hindi injury sa parte ng katawan ngunit sa parte ng ating utak dahil sa mating pag- alog nito. Kadalasan
ang mga sintomas nito ay sakit ng ulo, komplikado sa pagsasalita, pagsusuka at pagiging sensitibo sa
liwanag. Sinomang makaranas ng ganitong injury ay hindi dapat bumalik muna sa anumang sports kapag
wala pang pahintulong ng mga eksperto. Ang pagpapahinga at malayo sa stress physically at mentally ay
isa sa mga gamot upang mawala ang ganitong injury.

Patellofemoral Syndrome

Kadalasang parte ng katawan natin ang laging kinakapitan ng injuries ay ating lower body. Isa sa mga
commom injuries ay ang Patellofemoral Syndrome, isang maling pagbagsak at hindi inaasahang pagdulas
mo ay pwede mo itong maranasan. Pamamaga ng tuhod na siyang pwedeng dahilan upang magkaroon
ng muscle imbalance sa ating mababang parte ng katawan lalo na sa knee joint. Kapag umabot pa ng
mahigit dalawang linggo ang pamamaga maiging tumawag sa mga doktor para sa strengthening ng
muscle o knee taping or bracing para sa maagang paggaling.

Shoulder injuries

Ang ating balikat ang pinakamahinang buto sa ating katawan na siyang prone sa anumang injuries lalo na
kung sumasabak sa mahirap na athletic activities. Maari kang magkaroon ng shoukder injuries dahil sa
dislocation, misalignment at pilay sa ating shoulder muscle. Dahil ito ay isang mababang uri ng injuries,
pahinga at cold compress ay tiyak na laban sa pananakit ng balikat.

Tennis or golf elbow

Ang ganitong uri ng injury ay maaring makuha lamang ng mga atletang nagsasagawa ng excessive
gripping activities tulad ng tennis, badminton at volleyball. Dahil sa matinding hand motions
nagkakaroon ng inflammation sa forearm na pwedeng pagsimulan ng pananakit sa kamay. Cold compress
at pahinga lamang ang maaring makapagpapurga ng ganitong injury. Kadalasan ang payo ng mga doktor
ay uminom ng anti- inflammatory medicine at paglalagay ng brace sa kamay para maibsan ang
pananakit.

Walang takas ang sinumang nagsasagawa ng ibat ibang uri ng sports. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa
anumang uri ng sports injuries ay isa lamang sa paraan upang maging alerto sa anumang posibleng
mangyari. Ang pagkakaroon din ng kaalaman ukol dito ay makakatulong upang may alam sa pagsasagawa
ng first-aid na pwedeng isagawa para hindi na lumala ang mga injuries na ito.

You might also like