You are on page 1of 4

PE VLOG SCRIPT

Chosen activity: Jogging

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
- INTRODUCTION -
*jogging away to near the camera then pick up*

Me: Hello guys! (intense breathing) Welcome na naman po sa ating vlog ngayon.

Ang pag-uusapan po natin ngayon ay ang exercise na talaga namang kilala na po ng


bawat isa sa atin. Makikita po nating ginagawa ito ng mga bata at matatanda. Madalas
kapag umaga, kalat kalat ang mga taong gumagawa nito. Ito po ang tinatawag na
JOGGING.

*montages of jogging*

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A. HISTORY OF JOGGING
Pero syempre bago po natin simulan talaga ang vlog na ito, umuwi muna tayo.
(intense breathing intensifies)

*clips na umuuwi (montage)*


Wardrobe: Shirt with polo on top

Me: So ano nga ba ang jogging?


Ayon sa website ng Britannica, “Jogging is a form of trotting or running at a slow or
leisurely pace.”

Siguro hindi na kailangan iexplain ito kasi alam naman na sigurong lahat kung ano ang
jogging, pero para sa ibang hindi familiar, ito siya.

*shows vid awkward jogging*

Me: So paano nga ba nagsimula ang jogging?


Ganito ang kwento niyan. Nagsimulang gawin ang jogging sa New Zealand. Isang
nagngangalang Dr. Arthur Lydiard, olympic track coach, ang nag-suggest na gawing
conditioning activity ang running pero nasa mabagal na state para sa mga retired na
olympic runners. Nakilala naman ang activity na ito na isa na si Bill Bowerman, isang
American track and field coach, sa mga nakakilala.
Hanggang sa lumipas ay tinawag na itong JOGGING na from the word itself “jog” which
means run at a steady gentle pace. Hanggang nabuo rin ang tinatawag na U.S.
National Jogging Association noong 1968 para ma-ipromote ang activity na ito. Ayon rin
sa Britannica, “an estimated 7,000,000 to 10,000,000 joggers sought fitness, weight
loss, grace, physical fulfillment, and relief from stress by jogging,” na talaga namang
makikita nating sikat na sikat na ito.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
B. BENEFITS OF JOGGING (clips included per benefit)
Me: Ngayong nalaman na natin ang history ng jogging, ano naman ang mga benefits
nito na naging dahilan kung bakit ito naging tanyag na warm-up exercise?

Una, it helps build strong bones, as it is a weight bearing exercise, which means
exercise na naka focus kung paano sinusuportahan ng katawan natin ang ating
timbang. So kapag ginagawa natin ito palagi, mas natututo o lumalakas pa ating mga
buto para mas masuportahan pa ng maayos ang alinmang aktibidad na gamit ang ating
katawan.

Pangalawa, strengthen muscles. Kung napapalakas rin nito ang buto dahil isa itong
weight bearing exercise, syempre kasama na rin dito ang ating mga kalamnan o
muscles sa tumitibay o tumatatag.

Pangatlo, improve cardiovascular fitness. Pag tinawag na cardiovascular fitness, may


relation ito sa kung paano dumadaloy ang dugo sa ating katawan mula sa ating puso.
Habang tayo ay nag jogging, mas bababa rin ang tinatawag na resting pulse rate at
mas tumataas ang pag intake natin ng oxygen. Kaya as a result, mas nakakaya ng
ating puso na mag pump ng mas maraming blood na makakatulong na magawa natin
ang ating ibang gawain na hindi napapagod ng mabilis.

Pang-apat, burn plenty of calories. Ang jogging kasama ng running ay ang mga most
effective ways para mag burn ng calories. Dahil oxygen ang mainly na ginagamit ng
katawan natin para mag burn ng calories, at habang nagjjogging tayo, syempre
mawawalan tayo ng hininga, hence mas rarami ang intake natin sa oxygen at imbis na
sa calorie kumukuha ng energy ang ating katawan, sa tinatawag na carbohydrates na
ito dedepende.

at Pang huli, helps maintain a healthy weight. Naexplain na ito sa previous na benefit,
para mabawasan ang ating timbang, hindi tayo magbabawas ng fat, kundi calorie.
Dapat mas marami ang nabburn nating calorie kesa sa rami ng ating nacoconsume.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
C. SKILL NEEDED FOR JOGGING (clips included per skill)
Me: Ayan, narito na tayo sa talagang kailangan nating malaman bago mag-jog. Kaya
kasama natin dito ang isang Professional Master of Jogging Expert na si Alfred
Wegerun.
(swagger si Alfred, suot niya jologs pero pang jogging)

Alfred: What’s up sa inyo mga pre! Syempre bago tayo magsimula, dapat alam natin
ano ang mga skills na kailangan natin para magawa natin yung combos, kasama nating
gagamitin dito yung ult natin or ss para mas mapadali ang engage-

Me: Pre, jogging.

Alfred: Ok, jogging.

Syempre unang skill na kailangan natin ay balance o stability. Kala ng ibang athletes,
power at endurance lang ang importante lalo na kapag sa sports na running, malalaman
lang nila na kailangan rin ang balance kapag sumemplang na sila. Kaya mattrain natin
ang ating balance sa jogging palang dahil mabagal ang pace nito.

Pangalawa ay ang arm position at arm swing, sa evolution ng mga tao, ay pag galaw
ng mga braso natin sa panahon na tayo ay naglalakad o tumatakbo ay isa nang instinct
para sa balance. Kaya pag sa jogging, kahit mabagal ang pace, kung wala sa tama ang
ating arm position, mahihirapan tayo. Kaya dapat lagi lang ito nasa gilid at hindi
humaharang sa harap at nakasabay sa pace ng ating mga paa.

At pang huli, strong stomachs and overall endurance. Ang isang strong stomach ay
tumutulong sa pag-improve ng ating pelvic control. Ang pananatiling stable ng ating
pelvis means ang ating mga gluteal muscles ay magagamit ng mas matagal. At para
maging efficient rin ang ating jogging, hindi pwedeng agad lang tayo mapapagod. Dapat
tuloy tuloy ito na nasa tamang bilis.

Yun lamang mga pre para sa skills, salamat.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
D. PREPARATION FOR JOGGING
Alfred: At para naman sa preparation natin para mag jog, unahin natin kung anong
gagawin bago mag-jogging.

*clips of Josric kada step*


Una, matulog ng maayos. Hindi ka pwede mag jogging na puyat, baka saan ka pa
matumba.

Pangalawa, warm-up. Kahit warm-up na ang jogging, kailangan pa rin ng warm-up sa


warm-up para warmed-up na warmed-up na ang iyong katawan. (confused Josric)

Alfred: Para naman sa mga damit na kailangang suotin, narito sila.

*clip of Josric na naka sando at maikling shorts na nagcchange ng damit*

Una, syempre kailangan natin ng maayos na medyas para maiwasan ang mga blisters
at para maiwasan ring malamigan, at sapatos gaya ng rubber shoes or running shoes.

Pangalawa, kailangan natin ng maayos na shorts, ideal ang nylon, or jogging pants
para mas maiwasan rin ang mga splinters o mga sugat at mas mabigyan tayo ng
freedom sa movement na hindi gaya sa mga black pants o maong.

Pangatlo, syempre t-shirt o sando na hindi gaya ng suot niya, kahit ano pwede naman
basta iwasan lang ang cotton. Para komportable at dry kapag isusuot.

Pang-apat, jacket. Madalas ginagawa ang jogging sa umaga na kadalasang malamig.


Kaya para hindi rin maapektuhan ang ating pace, kailangan natin ng jacket.

Ayan, ayusin mo nalang.

Alfred: Para naman sa mga kailangan dalhin, tubig, yun lang. (ready na pero tubig lang
pala)

At yan na nga, isa ka ng tanyag na jogging expert.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
- ENDING -
Me: Ayown, maraming salamat po Alfred. At dyan na nga nagtatapos ang ating vlog
para sa araw na ito, see you again next video mga kaibigan.

Make sure po to subscribe to my channel and click the bell icon para updated kayo sa
aming channel. PAALAM!

*montage*

You might also like