You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT Score: _______________

Baitang 7: FILIPINO

______________________
Parent’s Signature

Pangalan: ________________________________________ Baitang at Pangkat: _______________


I. Basahin ang alamat na pinamagatang “Alamat ng Araw, Buwan at mga bituin” at sagutin ang mga katanungan.

ALAMAT NG ARAW, BUWAN at mga BITUIN


Noong unang panahon ang mundo ay pawang nababalot ng kaliwanagan. Laging magkasama and mag-asawang araw at
buwan. Hindi matiwasay ang pagsasama ng mag-asawa dahil hindi binibigyan ng kapantay na karapatan ng araw ang
kanyang asawang si buwan. Isa namang hulwarang ina at martir si buwan sa kanyang asawa at kahit na alam nyang hindi
na tama ang inaasal ng kanyang asawa ay sinusunod pa din niya ito, kahit anu pang hirap ng iniuutos ng naghahari-hariang
si araw.
Nagbalak mamasyal si araw ngunit bago sya umalis ay inutusan niya ang asawang si buwan na ipaglaga siya ng isang
punong palayok ng gabi. Marahan namang ipinaliwanag ng buwan na hindi maaring mapuno ang palayok kahit na lagain
ang mga dahon ng gabi sapagkat uurong lamang ang mga ito kapag naluto. sinigawan na lamang siya ng araw at iginiit pa
din ang utos nito na sa kanyang pagbalik ay dapat niyang maabutan ang isang palayok na puno ng nilagang dahon ng gabi.
Naluha ang buwan sapagkat hindi maaaring mangyari ang ninanais ng asawa, ngunit inani pa din nya ang mga halamang
gabi na kanyang matatanaw at nilaga. Nang makarating ang araw ay hindi pa rin puno ang palayok gaya ng inutos nya.
Ipinaliwanag ng buwan na hindi talaga maari ang gustong mangyari ng araw at galit na sinigawan ang asawa sa
pagkukulang nito.
"Lagi ka na lang ganyan! Hindi ka marunong sumunod sa kautusan. Noong nakaraan ay inutusan kitang palitan ng ibang
kulay ang asul na karagatan, at pantayin naman ang mga bundok at burol sa kanluran ngunit ano ang iyong ginawa?
Ipinagkibit-balikat mu na lang ang kautusan ko." galit na sinisi ng araw ang asawang si buwan.
Napuno na ang salop at galit na sinagot ng buwan ang mapang-abusong asawa. "Asawa mo ako at hindi utusan. Ako ay
iyong kapantay. Kung ituturing mu din lang akong utusan ay mabuti pang maghiwalay na tayo!", maluha luhang pagtatapos
ng asawa.
"Kung ayan ang kagustuhan mu ay susundin ko", pagmamataas ng asawang araw.
"Sa aking pag-alis ay isasama ko ang mga anak natin. Ako ang ina nila."
"Isasama sila, para ano? Mamatay sa lamig mo?" ang paghahamon at panunukso ng araw.
"Kung sa iyo sila sasama ay mamatay lamang sila sa init mo!" ang mariing pagtutol ng asawa.
"Ako ang ang ama, sa akin sila!" dabog ng araw at hinila ang ngayo'y umiiyak na mga batang bituin.
"Ako ang tunay na nagmamahal sa kanila, at kayakap nila. Sa akin sila sasama!" Paghatak naman ng inang buwan sa mga
anak niyang bituin.
Sa kanilang pag-aaway at paghila sa mga bata ay nahulog sa kalawakan ang kanilang mga anak. Agad na hinabol ng ina
ang mga anak na patuloy na lumalayo patungo sa kalawakan habang ang amang araw ay magiting at mapangmataas na
tumayo lamang sa kanyang trono para sa pagbabalik ng kanyang asawa at mga anak.
Ito ang dahilan kung bakit magiting na nakatanglaw ang mainit na araw sa tanghaling tapat, habang sa gabi naman ang
buwan ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa karimlan ng gabi kasama ang kanyang mga anak sa bituin sa kalangitan.

1. Ano ang relasyon ni Araw at Buwan?


A. sila ay magkaibigan C. sila ay magtatay
B. sila ay magkapatid D. sila ay mag-asawa
2. Paano pakitunguhan ni Araw si Buwan?
A. palagi niya itong binibigyan ng pasalubong
B. palagi niya itong inuutusan
C. palagi niya itong sinosorpresa ng mga regalo
D. palagi niya itong binubugbog
3. Ano ang pinagawa ni Araw kay Buwan na naging sanhi ng kanilang pagtatalo?
A. nais ni Araw na punuin ni Buwan ng gabi ang palayok
B. nais ni Araw na maglinis si Buwan ng kanilang bahay
C. nais ni Araw na sorpresahin siya ni Buwan
D. nais ni Araw na ipaghanda siya ni Buwan nang masarap na hapunan
4. Bakit tuluyang nagalit si Buwan kay Araw?
A. dahil imposibleng punuin ng gabi ang palayok
B. dahil Malaki ang kanilang tahanan at di kayang linisin ito ni Buwan na mag-isa
C. dahil wala siyang maipambibili ng regalo kay Araw
D. dahil hindi marunong magluto si Buwan
5. Ano ang aral na ipinapakita ng alamat?
A. humanap ng asawang magaling magluto
B. mahalin ang iyong asawa dahil siya lamang ang magiging katuwang mo sa buhay
C. sumunod palagi sa inuutos ng iyong asawa at huwag magreklamo
D. mahalin ang mga anak dahil kasama mo sila habambuhay

II. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang MALAKING LETRA ng tamang sagot sa
puwang bago ang mga numero.
6. Ang _______ ay awiting-bayan ng mga Cebuano.
A. Lubi-lubi C. Baleleng
B. Dandasoy D. Paru-parong Bukid
7. Ang salitang “paggagaod” ay nangangahulugang _________.
A. pagsasayaw C. pagtatanim
B. pagsasagwan D. panghaharana
8. Ito ay uri ng awiting-bayan na nangangahulugang “awitin ng pag-ibig”.
A. kundiman C. diona
B. kumintang D. oyayi
9. Ito ay uri ng awiting-bayan na inaawit bilang pampatulog sa mga sanggol.
A. oyayi C. talindaw
B. soliranin D. diona
10. Ito ay uri ng awiting-bayan na isang awit ng pandigma
A. kundiman C. kumintang
B. sambotani D. kutang-kutang
11. Ito ay uri ng awiting-bayan na nangangahulugang “panghaharana”
A. diona C. sambotani
B. pananapatan D. tikam
12. Ito ay isang genre ng panitikan na nagsasalaysay sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay, pook, kalagayan o
katawagan sa daigdig
A. awiting-bayan C. pabula
B. dula D. alamat
13. Ito ay uri ng wikang pormal na hindi madalas ginagamit sa talastasang pangkalye at maging sa araw araw na
pakikipag-usap at karaniwang ginagamit sa mga akdang panliteratura.
A. Pambansa C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Pampanitikan
14. Ito ay uri ng pangatnig na ginagamit upang itangi ang isa o pinag-aalinlangan ang piliin
A. Pangatnig na Pananhi C. Pangatnig na Panlinaw
B. Pangatnig na Pamukod D. Pangatnig na Panubali
15. Ito ay uri ng pangatnig na ginagamit sa pagpapahayag ng dahilan sa pangyayaring ipinapahayag ng pandiwa
A. Pangatnig na Pananhi C. Pangatnig na Panapos
B. Pangatnig na Panulad D. Pangatnig na Panlinaw
16. Ito ay uri ng pangatnig na ginagamit sa pagpapahayag ng pagtutulad sa gawa at pangyayari
A. Pangatnig na Pamukod C. Pangatnig na Panulad
B. Pangatnig na Paninsay D. Pangatnig na Panubali
17. Ito ay uri ng pangatnig na ginagamit sa pagsasaad ng layon ng pangungusap o ng wakas ng pahayag
A. Pangatnig na Panlinaw C. Pangatnig na Pamanggit
B. Pangatnig na Panapos D. Pangatnig na Pamukod
18. Ito ay isang uri ng epiko na maituturing na maikli at maaaring tapusin sa isang upuan lamang
A. macroepic C. megaepic
B. mesoepic D. microepic
19. Sa uri ng epikong ito ipinapakita ang isang particular na bahagi lamang, halimbawa ay isang awit lamang
A. macroepic C. macroepic
B. megaepic D. mesoepic
20. Ito ay uri ng epiko na nagtataglay ng maraming masalimuot na mga pangyayari at insidente.
A. megaepic C. mesoepic
B. microepic D. macroepic

III. Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang pinapakita ng bawat pangungusap.
Isulat ang MALAKING LETRA ng tamang sagot sa puwang bago ang mga numero.
21. Sumasayaw ang mga halaman sa hardin.
A. Pagmamalabis C. Pag-uyam
B. Pagtatao D. Pagtutulad
22. “Itay, sana po ay naririnig ninyo ako. Mahal na mahal ko po kayo”. Ani Jeremy sa kaniyang yumaong ama.
A. Panawagan C. Pagwawangis
B. Pagtatao D. Pabaligho
23. Hindi ka nag review kaya pala na-perfect mo ang pagsusulit
A. Pagmamalabis C. Pagwawangis
B. Pabaligho D. Pag-uyam
24. Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos
A. Pagmamalabis C.Panghihimig
B. Pagtutulad D. Pagpapalit-tawag
25. Ang mga nanay ay ilaw ng tahanan na nagbibigay liwanag sa buhay ng kaniyang asawa at mga anak
A. Panawagan C. Pagwawangis
B. Pahalintulad D. Pagmamalabis
26. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap
A. Pagwawangis C. Pagpapalit-tawag
B. Pag-uyam D. Pagtatao
27. Nabiyak ang kaniyang dibdib sa tindi ng dalamhati nang pumanaw ang kaniyang alagang aso
A. Pagmamalabis C. Pabaligho
B. Pagtatao D. Panawagan
28. Dapat nating igalang ang puting buhok.
A. Pag-uyam C. Pagpapalit-tawag
B. Pagmamalabis D. Pagtatao
29. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng matatalim na kidlat
A. Panghihimig C. Pagwawangis
B. Pagtatao D. Pagtutulad
30. O, tukso layuan mo ako!
A. Pagwawangis C. Pag-uyam
B. Panghihimig D. Panawagan
IV. Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung anong uri ng Antas ng Wika ang ipinapakita ng bawat
pangungusap. Isulat ang MALAKING LETRA ng tamang sagot sa puwang bago ang mga numero.
31. Halos magtatatlong taon na simula nung iniwan kami ng aming erpat.
A. pampanitikan C. pambansa
B. balbal D. kolokyal
32. Hain na ang kan-on? (asan na ang kanin?) wika ng mga Cebuano
A. kolokyal C. balbal
B. pambansa D. lalawiganin
33. Pangarap ni Juan na maging pulis
A. pambansa C. kolokyal
B. pampanitikan D. lalawiganin
34. Kelan nga ulit ang birthday mo?
A. lalawiganin C. kolokyal
B. pambansa D. pampanitikan
35. Siya ang haligi ng aming tahanan.
A. pambansa C. balbal
B. pampanitikan D. lalawiganin
36. “Ateng, bakit crayola ka na naman? tanong ni Bebang sa kaibigan.
A. pambansa C. lalawiganin
B. kolokyal D. balbal
37. Si Cardo Dalisay ay isang alagad ng batas.
A. pampanitikan C. pambansa
B. lalawiganin D. kolokyal
38. 50-50 ngayon si Inday dahil sa saksak.
A. pambansa C. balbal
B. pampanitikan D. kolokyal
39. Pa’no magluto ng adobo? tanong ni Jena kay Carla
A. pambansa C. kolokyal
B. pampanitikan D. lalawiganin
40. “Nandiyan na ang kaibigan nating tisoy” wika ni Caloy sa iba pang mga kaibigan
A. kolokyal C. pambansa
B. balbal D. lalawiganin

V. Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung anong uri ng Pangatnig ang ipinapakita ng bawat
pangungusap. Isulat ang MALAKING LETRA ng tamang sagot sa puwang bago ang mga numero.
41. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
A. Pangatnig na Panapos C. Pangatnig na Paninsay
B. Pangatnig na Panulad D. Pangatnig na Panubali
42. Magkakaroon tayo ng kapayapaan kung ang lahat ay magkakasundo.
A. Pangatnig na Panulad C. Pangatnig na Panubali
B. Pangatnig na Panapos D. Pangatnig na Pamukod
43. Makakapasa kaya ako o hindi?
A. Pangatnig na Pamukod C. Pangatnig na Panlinaw
B. Pangatnig na Panapos D. Pangatnig na Pamanggit
44. Marami ang hindi nagpasa ng proyekto kung kaya hindi sila nakapasa sa asignaturang Filipino
A. Pangatnig na Panubali C. Pangatnig na Pamanggit
B. Pangatnig na Panapos D. Pangatnig na Pananhi
45. Maraming mga estudyante ang matalino ngunit ang ilan ay tamad sa paggawa ng mga gawain.
A. Pangatnig na Panubali C. Pangatnig na Paninsay
B. Pangatnig na Pamanggit D. Pangatnig na Pamukod
46. Kung gaano kataas ang iyong lipad, gayon din kasakit ang iyong pagbagsak.
A. Pangatnig na Panlinaw C. Pangatnig na Paninsay
B. Pangatnig na Panulad D. Pangatnig na Pamanggit
47. Napatay diumano ang kriminal sa engkwentrong naganap sa Cebu.
A. Pangatnig na Pamanggit C. Pangatnig na Panlinaw
B. Pangatnig na Panapos D. Pangatnig na Panubali
48. Gagandang muli ang daigdig kung lahat ng tao ay magkakaisang iligtas ito.
A. Pangatnig na Panapos C. Pangatnig na Panlinaw
B. Pangatnig na Pananhi D. Pangatnig na Panubali
49. Nahuli sa klase si Andoy sapagkat napuyat siya sa kalalaro ng mobile legends.
A. Pangatnig na Panubali C. Pangatnig na Pamanggit
B. Pangatnig na Pananhi D. Pangatnig na Panapos
50. Mahalaga ang mga halaman at hayop sa pamumuhay ng mga tao. Samakatuwid, dapat natin itong alagaan at
palaguin.
A. Pangatnig na Pamanggit C. Pangatnig na Panlinaw
B. Pangatnig na Paninsay D. Pangatnig na Panubali

You might also like