You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LALAWIGAN NG LAGUNA ) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, YVAN LESTER CARAMONTE, 24 taong gulang, nakatira sa M.


Pandeno St. Siniloan, Laguna, matapos manumpa nang naayon sa itinatakda ng
batas ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay at nagpapatunay ng mga
sumusunod:

1. Personal ko pong kakilala ang mag-asawang Tito Manny Cabiedez


(“Manny”) at Tita Lani Caramonte Cabiedez (“Lani”) sapagkat ako po ay
kanilang kamag-anak.

2. Noong ika-3 ng Oktubre 2015, araw ng Sabado, sa pagitan ng alas-3


hanggang alas-3:30 ng hapon ay nakita ko po si Tito Manny na lumabas sa
Racquel Pawnshop sa Siniloan, Laguna. Ako po ang higit isang metro lang ang
layo sa kanya kaya’t aking pinagtaka kung bakit parang lampasan lamang ang
kanyang tingin, tila wala sa sarili, at di man lamang ako binati.

3. Kinagabihan ay nabalitaan ko na lamang na patay na si Tita Lani at


nawawala pati ang mga alahas nito.

4. Lahat ng isinaad ko sa itaas ay totoo at handa ko itong panindigan


kahit sa harap ng hukuman.

SA KATUNAYAN NG LAHAT ay lumagda ako sa libis nito ngayong ika-


____ ng Oktubre 2015, dito sa ________________, Laguna.

YVAN LESTER CARAMONTE


Nagsasalaysay

PINANUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-_____ ng


Oktubre 2015, sa Pangil, Laguna.

You might also like