You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan 5

I. Layunin:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natatalakay ang mga pagbabagong nagaganap sa isang nagddalaga at


nagbibinata;

b. naisasakatuparan ang wastong pangangalaga sa katawan sa panahon ng


pagdadalaga at pagbibinata; at

c. naipapakita ang pagtanggap sa pagbabagong nagaganap sa pagdadalaga at


pagbibinata.

II. Paksang Aralin:

a. PAGDADALAGA AT PAGBIBINATA

b. Sanggunian:

Galloso, Rosella N. Masayang Pag-unlad, Maunlad sa Pamumuhay 5. Vibal


Publishing House Inc. Quezon City. 2002

c. Mga Kagamitan: power point presentation, larawan ng mga bata, dalaga at


binata

III. Pamamaraan:

a. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal

2. Pagbati

3. Attendance

4. Cleanliness check-up

5. Balik-aral

Sabihin kung paano o para saan ginagamit ang sumusunod:

• Shampoo
• Nailcutter

• Tuwalya

• Sabon

• Cotton buds

• Suklay

• Panyo

• Tooth brush

• Toothpaste

• Deodorant

6. Pagganyak

Alamin kung sinu-sino ang mga tao sa larawan:

• John Lloyd Cruz

• Sam Milby

• Daniel Radcliffe

• Kim Chiu

• Miley Cyrus

• Kathryn Bernardo

• Shaina Magdayao

• Enchong Dee

b. Panlinang na Gawain

• Anu-ano ang mapapansin sa mga larawang ipinakita?

1. Magpangkat-pangkat sa tatlo. Pag-usapan ng mga kagrupo ang mga


katangiang nagbabago sa iyo o sa isang tao sa pamamagitan ng pagpuna
sa mga larawang ipinakita kanina. Punan ang sumusunod na tsart.
Maghandang ibahagi ito sa klase.

MGA PISIKAL NA PAGBABAGO


BABAE LALAKI
1.
2.
3.

• Anu-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa mga babaeng


nagdadalaga? Sa mga lalaking nagbibinata?

2. Ilarawan ang mga sumusunod:

*binatang maramdamin

*batang palaayos sa katawan

*grupo ng kabataan

*kabataang nagrerebelde

• Anu-anong mga katangian ang makikita sa mga larawan?

Konseptong Dapat Tandaan:


Ang pagbabagong nagaganap sa katawan dulot ng aksyon
ng pituitary glands.

Ang mga pagbabagong nararanasan ng mga batang nasa


gulang na 10-13 taon ay tinatawag na puberty

3. Panoorin ang isang video clip ukol sa pagkakaroon ng buwanang daloy


ng mga nagdadalaga at panahon ng pagtutuli sa mga nagbibinata.

• Bakit nagkakaroon ng buwanang daloy ang ga nagdadalaga?

• Bakit kailangang mag patuli ang mga nagbibinata?

• Dapat nang ikabahala ang ganitong panahon?

4. Isa-isahiin ang mga paraan ng pangangalaga sa katawan sa panahon ng


regla at kapag bagong tuli.
c. Pangwakas na Gawain

1. Paglalagom

• Anu-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa mga nagdadalaga at


nagbibinata?

• Paano natin panganagalagaan ang ating sarili sa panahon ng


pagbibinata at pagdadalaga?

2. Paglalapat

Gumawa ng islogan tungkol sa pangangalaga sa ating sarili, (pisikal man o


emosyunal) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

3. Pagtataya

Pag-ugnayin ang mga salita sa hanay A at hanay B.

______1. Regal a. Tawas


______2. Pagtutuli b. Pagbabagong emosyunal
______3. Paglitaw ng galunggungan c. Pag-aalis ng sobrang balat sa
______4. Pagkamaramdamin tunod
______5. Pituitary glands d. Kumukontra sa paglaki ng
katawan at pag-unlad ng pag-
iisip
e. Buwanang daloy o regal
f. Pagbabagong pisikal ng lalaki

Isulat ang K kung katotohanan at O kung opinion ang mga sumusunod.

_______1. Iwasan ang pagkain ng maaasim at makakatas sa panahon ng


regal.

_______2. Gawin ang mga dating ginagawang tungkulin sa bahay kung may
regal.

_______3. Bawasan ang pakikipagkaibigan kapag may regal upang


maiwasan ang dugo.

_______4. Manatiling nakahiga pag may regal.


_______5. Naiipon ang dumi sa kulubot na balat ng tunod kapag hindi
nagpatuli.

IV. Kasunduan

Magdala ng baby picture at kasalukuyang kuhang litrato.

Inihanda ni:

Reynaldo, Alma V.

IV-7 BEEd

You might also like