You are on page 1of 4

Detalyadong Banghay-Aralin sa EPP 5

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
Nasusunod ang batayan ng tamang pamamalantsa.
Naipapakita ang wastong paraan ng tamang pamamalantsa.
Nalalaman ang kahalagahan ng pagtitipid ng kuryente

Pagpapahalaga: Pagtitipid ng
Kuryente

II. Paksang Aralin


Paksa: Wastong Paraan ng Pamamalantsa
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 2013- EPP5HE, Umunlad sa Paggawa 5
pp. 20-21
Kagamitan: Larawan, Power point

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panalangin

Sa Ngalan ng Anak, ng Ama, ng Espiritu,


Santo, Amen.

Oh! Diyos maraming salamat sa buhay na


ipinagkaloob niyo sa amin. Gabayan niyo
kami sa aming paaralan, bigyan niyo kami
ng lakas at talino upang maisagawa namin
ang aming mga gawain.

Amen.

Amen.

Pagbati

“Magandang umaga!”
“Magandang Umaga Ma’am. Magandang
Umaga din sa mga ka-klase. Mabuhay!”
Balik Aral

“Mga bata, ano ang huli nating tinalakay?”

“Ang huli nating tinalakay ay tungkol sa


Wastong Paraan ng Paglalaba.”

“Ano-ano ang mga kagamitan sa


paglalaba?”
“Malalim na Palanggana, Iskoba, Tubig,
Sabon Panlaba, Hanger o sipit.”

“Magaling! Ngayon ay dadako na tayo sa


panibago nating leksyon.”

Pagganyak

(Ipakita ang mga larawan)

“Ano ang mapapansin ninyo sa larawan?”

“Ang unang larawan ay nagpapakita ng


damit na maraming gusot ang katabi
naman nito ay maayos tignan at walang
gusot.”
“Magaling! Alin dito ang mas mainam
isuot?”

“Mas mainam na isuot ang damit na


walang gusot.”

“Bakit?”

(Magbibigay ng iba’t-ibang sagot ang mga


mag-aaral.)
Paglalahad

“Ang pamamalantsa ay isang paraan ng


pag-aalis sa mga lukot sa damit na dulot
ng paglalaba at bumalik ito sa dating hugis
at anyo.”

(Nakikinig ang mga mag-aaral)

Pagtatalakay

(Ipapakita sa screen ang Mga dapat


ihanda bago mamalantsa. Ipabasa sa mga
mag-aaral at talakayin ng isa-isa)

(Ipapanood ang isang video ng wastong


paraan ng pamamalantsa.)

“Ano ang napansin ninyo sa napanood?”

“Inuna ng tao sa video na plantsahin ang


kwelyo sa polo, pangalawa ang manggas
ng damit, pangatlo ay ang sa may balikat
banda, pang-apat ay sa katawan, pang-
lima ay sa laylayan ng damit at huli sa likod
ng damit.”

“Inuna na plantsahin ang mga damit na


makakapal ang tela sunod ay ang mga
maninipis ang tela.”

“Tama, sa pamamalantsa may mga parte


ng damit ang dapat na unahin at may
pagkaka sunod-sunod ang pamamalantsa
depende sa kapal o nipis ng tela.”

Paglalahat

“Sa pamamalantsa mahalaga na


plantsahin ng sabay-sabay ang mga
uniporme at iba pang mga damit upang
makatipid sa kuryente.”

“Bakit nga ba kailangan na plantsahin


natin ang ating mga damit?”

“Kailangan plantsahin ang mga damit


upang maging maayos at malinis tayong
tignan.
“Magaling!”

IV. Pagtataya

Isulat ang tamang sagot.

A. Anu-ano ang mga kagamitan sa pamamalantsa?

B. Anu-ano ang mga hakbang na dapat sundin sa wastong pamamalantsa?

V. Takdang Aralin

Gamitin ang natutuhang paraan ng pamamalantsa ng damit. Gawin ito sa Sabado


o Linggo at magpakuha ng litrato. Ipasa ito sa Lunes.

You might also like