You are on page 1of 1

Ang paraon (Ingles: Pharaoh)[1] ay isang tagapaghari sa sinaunang Ehipto.

[2] Isa itong


pamagat-pantao na iniuukol lamang para sa lahat ng mga naging hari ng Ehipto.[3] Subalit,
ang salitang ito ay dating katawagan para sa tanggapan o luklukan ng pagkahari sa Bagong
Kaharian ng Matandang Ehipto. "Magiting na Kabahayan" ang tunay na kahulugan nito,
bilang pagtukoy sa palasyo ng hari, subalit lumuwag at lumabo ang kahulugang ito nang
lumaon, hanggang sa naging kapalitan ng salitang "hari". Bagaman karaniwang mga lalaki
ang mga namuno sa kaharian ng Ehipto, ang pamagat na faraon ay ginagamit din, ngunit
hindi madalas, sa babaeng naging pinuno. Ayon sa kasaysayan ng Ehipto, pinaniniwalaan na
ang mga babaeng naging faraon o hari ay ang pagbabalik at muling-pagkabuhay ng diyos na
si Horus. Ang katawang tao ng babaeng-hari ang pinaka-reinkarnasyon ng diyus-diyosang
ito.[4]

Ang Ilog Nilo[3] (Arabo: ‫ النيل‬an-nīl; Ingles: Nile River) ay isang pangunahing ilog sa
kontinenteng Aprika. Tinatayang ito ang pinakamahabang ilog sa Daigdig na umaabot sa
anim na libo anim na raan at siyamnapu't limang (6,650) kilometro. Nagmula ang salitang
"Nilo" ('nIl) mula sa salitang Neilos (Νειλος), isang salitang Griyego na nangangahulugang
lambak ng ilog. Mayroong dalawang sangay ang ilog na tinatawag nating Puting Nilo at Asul
na Nilo. Ayon sa mga mananaliksik, sa Ilog Nilo kumukuha ng malinis at maaaring inumin na
tubig ang sinaunang sibilisasyon ng Ehipto. Umaagos ang ilog papalabas ng Aprika sa Dagat
Meditteranean.

You might also like