You are on page 1of 2

Sinaunang Ehipto

Herodotus- isang historyador mula sa Greece, ay


naglakbay sa Egypt sa kanyang pagtatangkang
matuklasan ang pinagmula ng ilog nile.

Ilog Nile- ang kinikilalang pinakamahabang ilog sa buong


mundo.

Red lands o Deshret- Ito ang nakapalibot sa Nile River


Valley.

Libyan o Western Desert at Sahara Desert ay matatagpuan


sa kanluran. Ang Nubian Desert naman ay matatagpuan sa
timog. At ang Arabian Desert o Eastern Desert ay
matatagpuan sa Silangan.

Polytheistic- Ito ang relihiyon ng mga Egyptian at


binubuo ng maraming diyos at diyosa.

Amon-Re o Amon-Ra- Siya ang kinikilalang pangunahing


diyos. Ayon sa kanilang paniniwala ipinanganak niya ang
kanyang sarili. Kinikilala rin siyang diyos na katarungan
at katotohanan; tagapagdala ng kaliwanagan sa daigdig.

Osiris- Siya ay isa ring mahalagang diyos na


pinaniniwalaang tagapamuno ng Nile at ng mga kaluluwa
ng patay.

Isis- Siya ang asawa ni Osiris. Binuhay niya muli ang


kanyang asawa. Siya rin ang sinasamba bilang diyosa ng
paglikha at pag-ibig.

Horus- Siya rin ay isang mahalagan diyos na


pinaniniwalaang nagkatawang tao bilang pharaoh. Anak
siya ni Osiris at Isis at karaniwang ipinakikita bilang
falcon god.

Anubis- Siya ay kinikilalang jackal-headed god at ang


diyos ng libingan. Siya ang patron ng pag-eembalsamo.
Siya rin ang pinaniniwalaang tagatimbang ng puso ng
namatay sa harap ni Osiris.

Ammit- Ang crocodile headed god or devourer of the


dead.

Book of the dead- Ay isang mahalagang pinagkukunan ng


kaalaman hinggil sa paniniwala ng ancient Egyptians sa
Afterlife.

You might also like