pinakamatandang sibilisasyon na kinapapalooban ng mga sinaunang kultura at pamumuhay na salig sa kanilang mga pananampalataya. Naniniwala rin sila sa mga diyos at diyosa na kasama nila at nagbibigay ng direksyon at tulong sa kanilang pamumuhay. ANUBIS Si Anubis ay isa sa mga sinaunang diyos ng mga taga-Egypt. Siya ang diyos ng mga patay. Sinasabing siya ang ikaapat na anak ni Ra, ang diyosa ng araw. Subalit ayon sa natuklasang kasulatan, si Anubis ay anak ng diyosa ng kamatayan na si Nephthys at diyos ng kasamaan na si Set na kapatid ni Osiris na diyos ng kamatayan. May kakaibang anyo si Anubis. Ang katawan niya ay sa tao ngunit ang ulo niya ay sa jackal, isang uri ng mabangis na aso. Nang maglibot sa mundo si Osiris, sinamahan sya ni Anubis. Ngunit ng patayin ni Set si Osiris, si Anubis ang tumulong kina Isis at at Nephthys na isaayos ang bangkay. Napagdesisyunan niyang ibalot ang tela ang buong katawan ni Osiris upang hindi masira ng hangin. Ito ay kilala bilang mummification. Siya rin ay pinaniniwalaang kasama ng mga namamatay sa bago nilang daigdig, ang Duat o underworld. Makikita ang mga imahe ni Anubis na nagbabantay sa libingan ng mga paraon. Ayon sa aklat ng mga patay, dapat na inaalis ang mga lamang loob ng mga namayapa, maliban sa puso. Si Anubis ay kasama rin sa mga nagpapasya kung saan mapupunta ang mga namatay.