You are on page 1of 1

Anubis

Si Anubis ay isa sa mga diyos ng patay. Sinasabing siya ang ikaapat na anak ni Ra, ang diyos ng
araw. Subalit ayon sa bagong natuklasang kasulatan, si Anubis ay anak ng diyosa ng kamatayan
na si Nephthys, kundi kay Osiris na diyos ng kamatayan ay kay Set,ang diyos ng kasamaan na
kapatid ni Osiris.

May kakaibang anyo si Anubis. Ang katawan niya ay sa tao ngunit ang ulo niya ay sa jackal,
katulad ng isang mabangis na aso. Nang maglibot sa mundo si Osiris, sinamahan siya ni Anubis.
Ngunit nang patayin ni Set si Osiris, si Anubis ang tumulong kina Isis at Nephthys na isa ayos
ang bangkay. Napagdesisyunan niyang ibalot ng tela ang buong katawan ni Osiris upang hindi
masira ng hangin. Ito sakasalukuyan kilala bilang mummification. Siya rin ang pinaniniwalaang
kasama ng mga namamatay sa bago nilang daigdig, ang Tuat o underworld. Makikita ang mga
imahe ni Anubis na nagbabantay sa libingan ng mga paraon.

Ayon sa Aklat ng mga Patay, dapat na inaalis ang mga lamang loob ng mga namayapa, maliban
sa puso na pinangangalagaan ng scarab beetle. Si Anubis ay kasama rin sa mga nagpapasya kung
saan mapupunta ang mga namamatay.

Mula sa: Ilaw Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 10

You might also like