You are on page 1of 2

 Anumang bagay, may buhay man o wala ay nagiging pinagkukunang yaman (resource) sa

sandaling mapagtant ng tao ang kapakinabangan nito upang mapunan ang kanyang
pangangailangang ekonomiko.
 Walang hanggan ang pagtuklas sa pinagkukunang yaman.
 Ang sinuman ang naghahangad na makagawa ng anumang bagay ay kailangan magkaroon
ng mga pinagkukunang yaman.

KONSEPTO NG PINAGKUKUNAG YAMAN

 Para sa ekonomista, saklaw ng pinagkukunang yaman ang mga salik sa produksyon


(factors of production):
1. Lupa – tumutukoy sa mga yamang likas o ang kaloob ng kalikasan, kabilang ang
mga lupaing agricultural at industriyal.
2. Paggawa – paggamit ng lakas at kakayahan upang makapagbigay ng serbisyo o
makaambag sa produksiyon.
3. Kapital – mga makinarya at iba pang mga kagamitan at imprastruktura.
 Kalabaw o halaman ay pwedeng magling pinagkukunang yaman sa panahong natuklasan
natin ang gamit nito.

URI NG PINAGKUKUNANG YAMAN

 Yamang likas
 Yamang Kapital
 Yamang tao

YAMANG LIKAS
 Pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan ng kaunlaran ng isang bansa.
 Ang Pilipinas ay biniyayaan ng masaganang likas na yaman:
 Kagubatan
 Anyong tubig
 Anyong lupa
 Mineral
 Mga isda
 Mga hayop
 Ang kagubatan ay nagbabalanse ng atmospera, may kapasidad na linisin at higupin ang
ang toneladang carbon dioxide sa loob ng isang taon.

YAMANG LUPA
 Kabuuang lawak na 300,000 kilometro kwadrado/30 milyong hektarya.
 Ang haba ng Pilipinas ay halos 1,840 kilometro; 1,000 kilometro naman mula kanluran
hanggang silangan.
 Natatakpan ng kagubatan ang 18% ng kabuuang lupain ng Pilipinas; halos 1/3 ay ginagamit
at pinagkukunan ng mga troso at kahoy.
 21% ay kugon at latian; 35% ay lupaing agrikultura
 Agrikultura: palay, mais, prutas, niyog, asukal, tabako at iba pa.
 Ang malalaking bahagi ng lupain ay pampublikong lupain (public domain) o pag-aari ng
pamahalaan.
 Uri ng lupain sa bansa:
1. Alienable at disposable
 mga lupaing maaaring ipagbili, pagtaniman, pagtayuan ng bahay at gusali o
gamitin sa iba pang layunin.
 47% ng lupain sa bansa
 Lupaing residensyal, komersyal, industrial at agricultural.
 76% ng NCR ay ganito
2. Kagubatan/forest land
 CAR ay may pinakamalaking bahagdan
 NCR ang may pinakamaliit, na may 24% kagubatan.
 1/3 ng kagubatan maaaring gamiting komersyal.
 8,120 species ng katutubong halaman na mamumulaklak; 950 species ng
ibon; 240 na mammals; 3,500 katutubong puno, 3,000 ng halaman ay sa
Pilipinas lamang matatagpuan.
 15 milyong katutubong Pilipino naninirahan dito.

YAMANG MINERAL
 Hindi napapalitang pinagkukunang yaman (non-renewable), maaaring maubos; kagubatan
(renewable)
 48 bilyon ang kabuuang produksiyon ng metal noong 2005.

You might also like