lalaki na sobrang nakakaasar ang mga biro at pakialamerong mga bata na sina Ung at Bugoy at meron silang simpleng pamilya at ang kanilang ama na si Mang Anton na isang magsasaka at ang kanilang ina naman ay namatay na dahil sa sakit. Hindi naman ganun ang mga ugali nila noon ay mababait at matulunging mga bata ngunit nung namatay ang kanilang ina ay nagbago na ang ugali nila at nagingialam na sila sa mga bagay-bagay na hindi nila pagmamay-ari at wala na silang respeto sa kapwa tao nila kahit ang mga kaklase nila ay nagagalit na sa kanila at lalo na sa kapitbahay nila dahil sa mga katuwaan nila na hindi nakakatuwa. Isang araw ay inutusan sila ng kanilang ama na bantayan ang mga sinunog na mga dahon sa likod ng kanilang bakuran ngunit hindi sila nakinig sa inutos nang kanilang ama sapagkat naglaro lamang sila. Hindi nila namalayan ang na nasusunog na pala ang kanilang bahay at sa puntong iyon ay nakabalik na ang kanilang ama at nagulat nalang sa nakita niya. Tinawag niya ang mga anak niya at sinabihan na “Bakit nasusunog ang ating bahay at ano ba ang inyong ginagawa habang wala ako?” sa halip na sagutin ang tanong ng ama at tulungan ang ama ay tumakbo sila sa bayan na tumatawa na parang walang pakialam at pagdating nila doon ay meron silang nakita na matanda na may binibintang mga damit sa halip na tulungan nila ang matanda na magbenta ng damit ngunit ninakawan nila ito sabay takbo at ang sabi nang matanda ay “Ibalik niyo ang mga paninda ko” pero hindi sila nakinig at patuloy parin silang tumakbo na tumatawa at nung nakita sila sa mga taong bayan ay hinabol sila ng mga tao at binato si Ung ng patpat at dumikit ito sa likod ni Ung.Nagulat si Ung na hindi na ito matatanggal at sinuot naman ni bugoy ang damit na ninakaw niya at dumikit din ito sa kanyang balat. Yun pala ang matandang ninakawan nila ay isa palang diwata at matagal na silang pinagmamasdan. Sinabihan sila nang diwata na “Sobra na ang ginagawa ninyo kaya’t paparusahan ko na kayo”. Kaya yun na ang simula ng alamat ng unggoy na mula sa pangalan ni Ung at Bugoy.
Aral sa kwento: Sumunod sa mga utos at respetuhin ang mga
nakakatanda. Huwag maging pakialamiro at pasaway. Maging mabait.
Miyembro: Cris John Aranador
Jules Bugawan Christian Guevara Josua Dave Hampong