You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling panlipunan 5

Juan D. Lacruz
October 21, 2019

I. Layunin
 Sa tulong ng mga larawan at iba pang kasanayan, ang mga mag-aaral sa ika-limang baitang na may 80%
tagumpay ay inaasahang:
a) nakakikilala ang mga taong Tabon;
b) naipapahayag ang kahalagahan ng mga ninuno; at
c) nakabubuo ng concept map tungkol sa kaalamang natutunan.

II. Paksang Aralin


 Paksa: “Ang Mga Taong Tabon”
 Sanggunian: Sanlahi 3, Danilo V. Lemi, et al.; d. 130-131, Lahi 3, Diana Peñano, et al.; Malayang Pilipino 3,
Luz dela Cruz
 Kagamitan:mga larawan, istripa ng mga salita, basket tsart

III. Pamamaraan
1. Introduksyon
A. Balik-aral
 Gamit ang basket tsart, pipitas ang mga mag-aaral ng prutas kung saan may mga tanong na kailangan
nilang sagutin.
1. Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga sandatang gawa sa bakal.
a. pagpapanday
2. Anong bagay dapat gawa ang maskara na isusuot ng patay upang makapasok sa kabilang buhay?
a. ginto
3. Anong panahon o taon nagsimula ang panahon ng metal?
a. 1500 B.C. – 800 B. C.
4. Sasakyang pandagat na nagpaunlad sa mobilidad noong panahon ng metal.
a. balanghai
5. Magbigay ng halimbawa ng bagay na gawa sa metal.
6. Tumutukoy ito sa katutubong sistema ng pagsulat.
a. Alibata
7. Saan matatagpuan ang bai-baitang na palayan sa Pilipinas?
a. Bundok ng Cordillera
8. Banga na may nakalilok sa takip na dalawang taong nakasakay sa bangka.
a. Bangang Manuggal
9. Ano ang sinisidlan ng pagkain at paghuli ng isda?
a. basket
10. Magbigay ng isang gamit ng alahas noon?

B. Pagganyak
 Magpapakita ng larawan ng isang kuweba. Itatanong ang mga sumusunod:
o -Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
o -Ano ang makikita ninyo sa isang kuweba?
o -May mga kuweba ba kayong alam na matatagpuan sa Pilipinas? Anu-ano ito?

2. Interaksyon
C. Paglalahad
1. Ipapakita ang mapa ng Palawan.
o Anong lugar ba ito sa Pilipinas?
o Anu-anong mga pook na kilala ang matatagpuan sa Palawan?
2. Alam niyo ba na may kuwebang matatagpuan sa Palawan (Ipapakita ang larawan.)
o Ano kaya ang pangngalan ng kuwebang ito?
3. Sa kuwebang ito, may mga natagpuan noong 1962, (Ipapakita ang larawan ng bungo at bahagi ng panga ng tao.)
o Ano ba ang mga ito?
o Kanino kay ang mga ito?
o Bakit tinawag silang mga taong Tabon?
o Saan natin matatagpuan ang ilang labi ng taong Tabon? (Ipapakita ang larawan ng Pambansang Museo.)

D. Paglalahat
 Bubuuin ang isang concept map, sa tulong ng mga tanong.

 Tanong:
1) Saan matatagpuan ang mga taong Tabon?
2) Saan sa Pilipinas ito matatagpuan?
3) Kailan natuklasan na may mga labi ng taong Tabon dito?
4) Anu-ano ang ebidensya na may mga taong Tabon?
5) Saan nakatago ang ilang labi ng taong Tabon sa panahon ngayon?

E. Pagtataya
 Piliin sa kahon ang tamang sagot.

 Kuweba ng Tabon  Palawan


 1962  1692
 Taong Tabon  bungo at panga
 Pambansang Museo  22 000 taon

_______________1. Dito matatagpuan ang mga labi na nahukay sa Kuweba.


_______________2. Saan matatagpuan ang kuweba ng Tabon?
_______________3. Ano ang natuklasan sa loob ng kuweba?
_______________4. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan dito?
_______________5. Ano ang patunay na may mga taon nanirahan sa kuweba ng Tabon?
_______________6. Isa itong lugar na matatagpuan sa Palawan.
_______________7. Kailan natuklasan ang mga labi sa kuweba?
_______________8. Ito ang gamit nila sa paghuli ng makakain.
_______________9. Isa ito sa ating mga ninuno.
_______________10.Ilang taon na ang nakalipas na ang mga labi ay nakabaon sa kuweba.

3. Integrasyon
F. Takdang Aralin
 Magbigay ng isang kahalagahan ng pag-aaral tungkol sa ating mga ninuno>
 Magsaliksik ng isang larawan ng taong Tabon. Ilagay ito sa isang short bond paper.

You might also like