You are on page 1of 6

MARKA:__________

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _____________________________ Baitang/Seksyon: _________________

MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Basahin at intindihing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa


patlang ang tamang sagot.
_______1. Ang katangiang Pisikal ng isang bansa ay napakahalagang konsepto ng pag- aaral
upang matukoy ang eksaktong kinaroroonan at natatangi sa isang lugar. Ano ang
tawag sa pag- aaral sa katangiang pisikal sa ibabaw ng daigdig?
a. Topograpiya b. Heograpiya c. Sosyolohiya d. Antropolohiya
________2. Ang Daigdig ay binubuo ng pitong kontinente na nahati ayon sa lawak, laki, at
anyo. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig?
a. Europa b. Asya c. Africa d. Antarctica
________3. Dalawa sa natatanging instrumento na ginagamit ng mga mga kartograpo,
historyador at mga manlalakbay ang mapa at globo. Alin sa dalawa ang nagpapakita
ng tunay na kaanyuan ng daigdig?
a. Globo b. Mapa c. Compass d. Wala sa nabannggit
________4. Isa sa katangian ng mga bansa sa Asya ay ang taglay nitong klima. Ano ang
natatanging klima ng Timog Silangang Asya?
a. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan
b. Iba- iba ang klima sa loob ng isang taon
c. Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical
d. Four seasons
________5. Kinapapalooban ng elemento tulad ng temperature, ulan at hangin. Ano itong
konsepto na ito na nararanasan sa mahabang panahon?
a. Panahon b. Monsoon c. Klima d. temperatura
________6. Ang Asya ay sagana sa mga halaman at damuhan. Ano ang tawag sa sa uri o dami
ng mga halaman sa isang lugar?
a. Desertification b. Vegetation c. Cultivation d. Plantation
________7. Tawag sa pinagsamang damuhan at kagubatan. Anong uri ng Vegetation cover
ito?
a. Steppe b. Tundra c. Savanna d. Taiga
________8. Tinatawag din itong boreal forest at coniferous ang kagubatan dito.
a. Tundra b. Taiga c. Rainforest d. Savanna
________9. Alin sa mga sumusunod na yaman na kapag naubos ay mahirap at matagal itong
ibalik?
a. Isda b. natural gas c. halaman d. hayop
________10. Anong bansa sa Asya ang nangunguna sa produksyon ng langis ng niyog at
kopra?
a. Nepal b. Pilipinas c. India d. Malaysia
________11. Sa anong rehiyon sa Asya ay may pinakalamlaking tagapagluwas ng petrolyo
sa buong daigidg?
a. Timog Asya b. Kanlurang Asya c. Timog Silangang Asya d. Hilagang Asya
________12. Ang itlog na caviar ng mga sturgeon ay sa anong rehiyon ng Asya matatapgpuan?
a. Silangang Asya b. Timog Asya c. Timog Silangang Asya d. Hilagang Asya
________13. Saang sektor nagmumula ang karamihan ng pagkain at produktong panluwas
ng isang bansa?
a. Indusrtiyal b. Ekonomiya c. Agrikultural d. Politikal
________14. Ano ang tawag sa pagpapangkat ng mga Asyano batay sa wika, etnisidad at
kultura?
a. Etniko b. Etnolingguwistiko c. Nomad d. Angkan.
________15. Sa gitna ng pagkakaiba iba ng mga Asyano andon pa rin yong tinatawag
na_____________.
a. Pagkakatulad b. Pagkakaisa c. Pagkakapareho d. Pagdadamayan
________16.. Ang Kontinente ng Asya ay sadyang napakalawak kung sukat ang pagbabasehan.
Ito ay binubuo ng mga anyong lupa na nakapaligid sa mga iba’t ibang lugar. Ano ang
pagkakaiba ng bundok sa bulkan?
a. Ang bundok ay sumasabog at mas mataas sa bulkan
b. Ang bulkan ay aktibo at sumasabog, samantalang ang bundok ay hindi.
c. Ang bundok at bulkan ay parehong sumasabog.
d. Ang bulkan ay mas malaki kaysa bundok
________17. Ang Antartica ay isang kontinenteng nababalutan ng yelo. Sa inyong palagay
bakit sobrang lamig sa kontinentng Antartica?
a. Dahil nasa mababang lugar ang kinaroroonan ng Antarctica
b. Dahil hindi ito nasisikatan ng araw
c. Dahil ito ay nasa mababang latitude na hindi direktang nasisikatan ng araw.
d. Dahil ito ay lugar na puno ng yelo
_______18. Kung ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire” Ano kaya ang posibildad na
epekto nito?
a. Ang lugar ay mainam at sagana sa yamang likas
b. Ang lugar ay maaaring dumanas ng delubyo dahil sa mga aktibong bulkan
na nakapalibot ditto
c. Ang lugar ay mainam na pasyalan ng mga turista
d. Ang lugar ay napapalibutan ng parang isang singsing
_______19. Ang Monsoon ay isang hanging nagtataglay ng ulan. Ano ang maaaring maging
epekto ng monsoon sa pamumuhay ng mga Asyano?
a. Makakatulong ito sa mga pananim lalo na sa panahon ng pagtatanim ng palay
b. Nagiging masustansya ang mga lupain para pgtaniman
c. Maaaring magdulot ang matinding ulan ng kapinsalaan at kapakinabangan
d. Magkakaroon ng pagbaha sa mga mabababang lugar
________20. Alin sa mga sumusunod ang may magandang paglalarawan sa Likas na Yaman?
a. Ang Likas na Yaman ay biyaya ng Diyos
b. Ang Likas na Yaman ay biyaya ng Kalikasan na siyang pinagmumulan ng
ikinabubuhay ng mga tao.
c. Ang Likas na Yaman ay pinagkukunan ng mga tao ng pangunahing ikinabubuhay
Na biyaya ng kalikasan na binigay ng maykapal.
d. Ang Likas na Yaman ay dapat pangalagaan
________21. “Likas na Yaman alagaan, Para sa susunod na henerasyon” Ano ang ibig sabihin
ng katagang ito”.
a. Alagaan ang likas na yaman dahil ditto tayo kumukuha ng ikinabubuhay natin
b. Alagaan ang likas na yaman upang hindi ito maubos agad
c. Alagaan ang Likas na yaman upang may mapakinapangaan ang susunod na
salinlahi.
d. Alagaan ang likas na yaman dahil marami pang henerasyon ang susuportahan
nito
_________22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa
wika?
a. Ang Wika ang sumasalamin sa mga gawi at pamumuhay ng mga tao
b. Ang Wika ang instrumento sa pakikipagtalastasan at pagkakakilanlan
c. Ang Wika ang susi sa pagkakapareho ng mga tao
d. Ang Wika ay instrumento ng pagkakaisa
_________23. Alin sa mga sumusunod ang may magandang paglalarawan sa mga Ngalops
ng Bhutan?
a. Ang kanilang Wika ay tinatawag na Manchu – Tungusic
b. Nahahati sa tatlong pangkat ang ngalops, sharchops at Lhotsampas
c. Sila ay mga taong lagalag o nomadic
d. Sila ay mga taong katutubo
_________24. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tradisyon na ginagawa ng mga
Ngalops ng Bhutan?
a. Pagsusuot ng Scarf o Kabney
b. Naninirahan sa tinatawag na Pocket House
c. Nagsusuot ng tradisyunal na damit na tinatawag na rumol
d. Nagsusuot ng mga palamuti sa katawan
_________25. Ang Kultura ang sumasalamin sa gawi, kilos at pamumuhay ng mga tao”. Ano
ang ibig sabihin nito?
a. Ang Kultura ang kabuuan ng pagkatao ng isang indibidwal
b. Ang Kultura ay tumutukoy sa identidad o pagkakakilanlan ng isang tao
c. Ang kultura ay tumutukoy sa kabuuang pagkatao, uri at kinagisnang gawi ng
isang tao
d. Ang kultura ay kaluluwa ng isang bansa
________26. Ang Asya ay nabiyayaan ng mga anyong tubig. Bilang isang mag- aaral sa
papaanong paraan makakatulong ang mga anyong – tubig sa pang- araw araw na
pamumuhay.
a. Nagpapaganda sa kapaligiran
b. Pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming Pilipino
c. Nagsisilbing tulay upang mapagkunan ng ikinabubuhay at rutang pangkalakalan
at pinagkukunan ng yamang dagat at iba pa.
d. Nagbibigay tubo sa mga nagtitinda / nagnenegosyo ng tubig
_______27. Kung malamig ang klima ng isang lugar, Sa iyong palagay ano ang maaaring
maging kasuotan ng mga tao doon?
a. Mga maninipis na damit tulad ng sando
b. Mga maiiksing damit
c. Makakapal na kasuotan na magsisilbing proteksyon sa katawan sa matinding
lamig.
d. Mga mamahaling damit
_______28. Paano naaapektuhan ng mga pagyanig at pagsabog ng bulkan ang likas na
kapaligiran at pamumuhay ng mga tao?
a. Dahil sa mga pagsabog ng bulkan ang mga tao ay nababalot sa takot
b. Dahil sa mga pagsabog at pagyanig ay nagdudulot ito ng mga pagbabago sa
pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig.
c. Dahil sa mga pagyanig at pagsabog ang mga tao ay unti unting maglalaho.
d. Dahil sa mga pagsabog marami ang makikinabang sa mga ibinubuga ng bulkan
_______29. Ano ang mahihinuha mo sa talatang ito.” Ang Timog Silangang Asya ay
biniyayaan ng magandang klima. Nakakaranas ng taginit, taglamig, tag- araw at
tag- ulan.
a. Ang Timog Silangang Asya ay sagana sa likas na yaman
b. Ang Timog Silangang Asya ay rehiyon na may natatanging klima
c. Ang Timog Silangang Asya ay mainam na pagtaniman, at maganda
ang Biodiversity nito.
d. Ang Timog Silangang Asya ay pinagpala
________30. Sa papaanong paraan ka makakatulong sa lumalalang problema ng pagkasira
ng kagubatan?
a. Ireport o idulog sa mga kinauukulan nag mga illegal loggers
b. Ugaliing magputol ng mga puno sa kagubatan dahil ito’y pinanggagalingan ng
kita
c. Panatilihin ang mga puno sa kagubatan upang hindi masira ang natural
ecosystem
d. Maging tagapagbantay sa mga kagubatan
________31. Bilang isang mag- aaral, sa papaanong paraan mo maipapakita ang tama at
wastong pangangalaga sa kalikasan?
a. Gumawa ng campaign tungkol sa kalikasan
b. Hikayatin ang mga tao sa komunidad na makilahok sa iba’t ibang organisasyon
tungkol sa tamang pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan
c. Manatiling walang kibo sa mga pangyayari
d. Huwag munang makialam dahil mag - aaral pa lamang
________32. Nakita mong may nagtatapon ng mga basura sa mga ilog at mga bawal na lugar
bilang isang mamamayan, ano ang iyong magagawa sa sitwasyong iyon?
a. Huwag makialam para hindi ka madamay
b. Panoorin at ireport kung wala ng takot at pangamba
c. Pagsabihan ang mga taong gumagawa o lumalabag at isangguni agad ito sa
tamang otoridad
d. Hakutin mo ang kanyang basura at itapon ito sa tamang lugar
________33. Ano sa tingin mo ang solusyon sa lumalala at lumulobong bilang ng populasyon
sa mundo?
a. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa family planning
b. Gumamit ng mga contraceptives upang mapigilan ang paglobo ng populasyon
c. Magkaroon ng sapat na programa ang pamahalaan o gobyerno tungkol sa
magiging epekto ng paglobo ng populasyon sa isang bansa sa kaunlaran nito
d. Huwag maagang mag - asawa o makipag - asawa
________34. Sa iyong pagkaunawa bakit isinakatuparan ang “One Child Policy sa China?
a. Upang mapigilan ang pagdami ng bilang ng mga tao
b. Upang limitahan ang mabilis na paglaki ng populasyon
c. Upang maging progresibo ang bansang China
d. Upang makita kung epektibo ang polisiya
________35. Sa iyong palagay, ano ang makapagaangat sa isang bansa upang lalong maging
progresibo at produktibo ang bawat mamamayan?
a. Bilang ng marunong bumasa at sumulat
b. Bilang ng may hanapbuhay
c. Bilang ng mga taong may sapat at kalidad na edukasyon
d. Bilang ng mas batang populasyon
________36. Ano ang konklusyon na iyong mabubuo sa mga vegetation cover ng Asya?
a. Malaki ang epekto ng mga vegetation cover sa pamumuhay ng mga tao
b. Nakakatulong ang mga vegetation cover sa pagpapanatili ng kagandahan
ng kapaligiran
c. Dahil sa mga vegetation cover sa iba’t ibang rehiyon naiaangkop ng mga
tao ang kanilang pamumuhay, pananamit, kilos, paniniwala at iba pa.
d. Ang vegetation cover ay kasali sa pisikal na na anyo ng kapaligiran
________37. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang walang katotohanan tungkol sa
Vegetation Cover ng Asya?
a. Ang Tropical Rainforest ay tinatawag ding boreal forest
b. Ang Steppe ay mga damuhang may ugat na mabababaw
c. Ang Prarie ay lupaing may matataas na malalalim ang ugat
d. Lahat ng nabanggit
________38. Bilang isang mag- aaral, ano sa tingin mo ang magagawa mo upang
mapangalagaan ang likas na yaman?
a. Itapon ang basura sa mga maluluwang na espayo tulad sa mga daan
b. Putulin ang mga punong kahoy at gawing mga upuan, lamesa at iba pa.
c. Itapon sa tamang lalagyan ang mga basura at ugaliing linisan ang paligid.
d. Sunugin ang mga basura upang maitaboy ang mga mapaminsalang mga lamok
________39. Marami sa ating mga Pilipino ay nasa kategoryang unemployed o walang
trabaho. Paano malulunasan o masosolusyonan ng pamahalaan ang problemang
ito?
a. Hikayatin ang mga Pilipino na mangibang bayan dahil malaki ang kita
b. Sugpuin nang lumalalang problema ng end of contract o ENDO
c. Magkaroon ng sapat na programa at pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino
upnang magkaroon ng spat na pagkakakitaan
d. Magpatayo ng negosyo para sa mga walang trabaho
________40. Ano ang kinalaman ng edukasyon sa antas ng pag- unlad ng isang bansa?
a. Ang Eduksyon ang nagpapataas sa kita ng isang bansa
b. Ang Edukasyon ang makinarya ng isang bansa
c. Ang Edukasyon ang nagsisilbing pamantayan ng mga bansa sa kalidad ng
trabaho ng bawat tao na dumedepende sa bilang ng marunong bumasa at
sumulat
d. Ang Edukasyon ang pinakamagandang pamana ng mga magulang sa kanilang
mga anak
_______41. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong impormasyon sa
klima ng iba’t ibang rehiyon sa Asya?
a. Ang Klima sa mga rehiyon sa Asya ay magkakatulad
b. Ang klima sa mga rehiyon sa Asya ay hindi maganda.at pabago bago
c. Ang klima sa mga rehiyon sa Asya ay magkakaiba bunsod ng mga pangyayari
tulad ng pagputok ng bulkan, pagihip ng hangin, paggalaw ng mga lupa at iba pa.
d. Ang klima sa mga rehiyon sa Asya ay nagiging basehan ng uri ng pamumuhay ng
mga Asyano
________42. Ano ang masamang maidudulot ng Deforestation sa Kapaligiran?
a. Dahil sa Deforestation, Magiging maayos at makakaiwas sa pagpabaha
b. Dahil sa Deforestation, Mauuubos ang mga punongkahoy dahilan ng mga
pagbaha na nararanasan sa kasalukuyan
c. Dahil sa Deforestation, Patuloy na gaganda ang paligid ang magiging maaliwalas
d. Dahil sa Deforestation, mapipilitang magtanim ang mga kabataan sa mga
kagubatan
________43 Sa mga sumunod na pahayag, alin ang nagpapahayag ng wastong impormasyon
tungkol sa epekto ng paglaki ng populasyon sa kalikasan.
a. Habang lumalaki ang Populasyon nagiging mataas ang pangangailangan para sa
likas na yaman
b. Habang lumalaki ang Populasyon Lumalawak din ang likas na yaman
c. Habang lumalaki ang Populasyon nagiging masigla at produktibo ang mga
pinagkukunang yaman
d. Habang lumalaki ang populasyon, lumalawak ang pagkasira sa kalikasan
_______44. Alin sa tingin mo ang pinaka epektibong gawin upang masolusyonan ang
lumalalang problema sa urbanisasyon?
a. Ipasara ang mga pabrika na lumalabag sa batas
b. Magsagawa ng mga kampanya sa tamang pagtatapon ng mga solid waste
materials sa mga pagawaan at industriya
c. Magsagawa ng sariling plano ng naaayon lamang sa sariling kapakanan
d. Magpatayo lamang ng subdivision houses sa mga probinsiya
________45. Ano ang pinakamahalagang elemento sa pag- unlad ng ekonomiya ng isang
bansa?
a. Pag- angat ng GDP at GNP
b. Pag- angat ng Foreign Exchange o palitan ng pera
c. Pagtaas ng Employment rate
d. Pagdami ng oportunidad sa trabaho
_______46. Sa paglalarawan niyo sa mga vegetation cover ng Asya, ano sa palagay mo
ang kahalagahan ng mga vegetation cover sa bawat rehiyon sa Asya?
a. Ang dami at uri ng halaman sa isang lugar ay nagpapgaanda sa kapaligiran
b. Ang dami at uri ng halaman sa isang lugar ay nakakatulong sa pagusbong at
at paglago ng biodiversity
c. Ang dami at uri ng halaman sa isang lugar ay nakakaganda ng katangiang pisikal
at klima ng isang lugar.
d. Ang dami at uri ng halaman sa isang lugar ay nakapagpapalago ng negosyo .
________47. Base sa mga sumusunod, ano sa tingin mo ang pinakamagandang gawain
sa Pangangalaga ng Biodiversity?
a. Tumulong sa NGO’s tungkol sa tamang pangangalaga ng kalikasan
b. Ipagwalang bahala dahil hindi ka naman apektado ng pagkasira ng kapaligiran
c. Maging modelo at may disiplina sa sarili tungo sa pagunlad.
d. Lahat ng nabanggit
________48. Sa problemang kinakaharap sa Global warming sa kasalukuyang panahon.
bilang isang mag- aaral paano mo isasagawa o isasakatuparan ang mga plano
upang masolusyonan ang lumalalang problema ng Climate Change?
a. Sumali sa mga piling mga organisasyon na nagpapatupag ng programa tungkol sa
climate change
b. Maging alerto at gumawa ng sariling plano upang malabanan ang Climate Change
c. Sa pagsasakatuparan ng paano makisali sa iba’t ibang organisasyon na may
malasakit sa kapaligiran upang malabanan ang Climate Change
d. Lahat ng nabanggit
_______49. Base sa inyong pinagaralan tungkol sa mga Suliraning pangkapaligiran, paano
nakakaapekto ito sa pamumuhay ng mga tao?
a. Dahil sa mga suliraning pangkapaligiran karamihan sa mga tao ay nagkakaroon
ng iba’t ibang sakit
b. Dahil sa mga Suliraning pangkapaligiran, nagsusulputan ang mga iba’t ibang
sakit na nagdudulot ng panganib at kamatayan sa mga tao
c. Dahil sa mga Suliraning pangkapaligiran wala ng matitirang tao sa daigdig.
d. Dahil sa suliraning pangkapaligiran darating ang panahon na wala ng matitirang
buhay sa mundo
________50. Paano mapapanatili ang balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may
buhay at ang kanilang kapaligiran?
a. Linanging mabuti ang mga likas na yaman gamitin ito ng wasto at panatilihin
ang ugnayan sa bawat isa may buhay man o wala
b. Panatiling maayos ang kapaligiran
c. Umiwas at iwasan at nakakasira sa kapaligiran
d. Lahat ng nabanggit

You might also like