You are on page 1of 2

TAGKAWAYAN DISTRICT I

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SAN ISIDRO


IKALAWANG MARKAHANG
PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangalan: ________________ Taon at pangkat: ______ Iskor: ____

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang paghahanap ng isip sa kayang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang
tunay na tunguhin
2. Ang sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa ng kahulugan ng buhay
3. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip c. magpasya
b. umunawa d. magtimbang ng mga esensiya ng mga bagay
4. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang _____________.
a. kabutihan c. katotohanan
b. kaalaman d. karunungan
5. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. Maiiwasan amg landas ng walang katiyakan
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. Makakamit ng tao ang kabanalan
d. Wala sa nabanggit
6. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsiyensiya?
a. Mapapalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Maabubuhay ang tao nang walang hanggan
7. Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay
nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:
a. Obhektibo c. walang hanggan
b. Unibersal d. di nagbabago
8. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakakaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
9. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ng kanyang
pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isasauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginagamit ni
Melody?
a. Tmaang konsiyensiya c. Maling konsiyensiya
b. Purong konsiyensiya d. Mabuting konsiyensiya
10. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos
sa iilang tao.
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa
pag-unlad ng ating pagkatao
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap an gating mga
pangangailangang material at espiritwal.
11. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigidig
12. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
c. Maging pantay na pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo
13. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay nagging masamang tao
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d. Wala sa nabanggit
14. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang __________________.
a. Isip b. Dignidad c. Kilos-loob d. Konsiyensiya
15. Ano ang nagbibigay hugis o direksiyon sa kalayaan?
a. Isip b. Konsiyensiya c. Batas- moral d. Dignidad

B. Ano ang magiging tugon mo sa tanong ng Genie? Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

TANONG:
1. Isulat ang iyong tatlong kahilingan. (3 puntos)
2. Isulat ang dahilan kung bakit ang mga ito ang iyong hiling. (5 puntos)
3. Ang hiling mo ba ay maisasakatuparan kahit walang magic? (2 puntos)
4. Paano ito mangyayari? Ano ang gagawin mo upang makamit ito? (5 puntos)
5. Ano ang hindi mo gagawin upang makamit ito? (5 puntos)
6. Ano ang taglay mo upang makamit ang iyong hiling kahit walang magic? ( 5 puntos)

You might also like