You are on page 1of 2

YUNIT IV ARALIN 4

KASANAYAN SA PAG-SAYAW
NG CARIÑOSA

Ang Cariñosa ay isang popular na sayaw na ipinakilala sa


ating ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo naging tanyag sa
buong Pilipinas. Pinaniniwalaang ito ay nagmula sa pulo ng Panay
na kabilang sa mga isla ng Visayas na unang ipinakilala ng mga
Espanyol noong sila ay dumating sa pulo noong 1569. Ito ay
itunuturing na Pambansang Sayaw ng Pilipinas. Ang ibig sabihin
ng salitang ito ay “malambing” o mapagmahal.Sa pagsasayaw nito
ay kailangang gumamit ng panyo at abaniko ang mga mananayaw
na animo’y nagliligawan at nagtataguan. Orihinal na isinasayaw
ang Cariñosa na suot ang damit Maria Clara at Barong Tagalog
dahil ito ay isang Kastilang sayaw nang ito ay ipakilala ng mga
Kastila ang kanilang kultura.

Ang tugtog ng Cariñosa ay nagpapakita ng malaking


impluwensiya ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ay may 3/4 sa
kumpas gaya ng ilang mga sayaw na Kastila. Ang Rondalla ang
tumutugtog sa tugtog ng sayaw kung saan ito ay isang pangkat o
isang orkestra ng mga instrumentong na may pisi na binubuo ng
mga bandurya, mandolin, gitara,triyangle, tambol at banjo.
Kadalasang lalaki ang tumugtog sa rondalla.
Ang isang babae ay may hawak na abaniko o panwelo
kung saan siya'y patago-tago sa kanyang napupusuan na
nagsasaad na ibig rin niya ang lalake subalit hindi pa niya ito
masagot ng oo, samantalang gayon din ang binata na humahabol-
habol at nagpapahiwatig na sinisinta rin niya ang dalaga. Ang
sayaw na ito ay napakaraming bersiyon subalit ang indak ng
pagtataguan ay isang pangkaraniwan na sa kahit saan mang
panig ng Pilipinas.
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?
a. Malambing b. Matapang c. Masaya d. Malungkot
2. Anu-ano ang mga kailangan sa pagsayaw ng Cariñosa?
a. Tsinelas at salakot c. Panyo at abaniko
b. Bilao at panyo d. Bulaklak at pamaypay
3. Sino ang grupo ng mga dayuhan na nagpakilala ng sayaw na
Cariñosa? a. Tsino b. Espanyol c. Amerikano d. Hapon
4. Saan lugar unang naging ang sayaw na ito?
a. Bukidnon b. Cebu c. Palawan d. Panay

You might also like