You are on page 1of 27

ANG EPEKTO NG NATAPOS NA WORK IMMERSION SA MGA MAG AARAL SA

HOME ECONOMICS STRAND SA SAN PEDRO RELOCATION CENTER


NATIONAL HIGH SCHOOL (Landayan Campus)

MEMBERS;

SACRO, KEN

UDAL, JOSHUA

ORDONIA, RICHARD

AGOSTO 19, 2019


KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Ang work immersion ay bahagi ng seniorhigh school (Grade 11 at 12) curriculum na


nangangailangan ng 80 oras na pagsasagawa ng aktwal o hands-on experience. Upang
maranasan ito ng mga estudyante. Maari din itong paggaya lamang sa aktwal na trabaho
o "simulator" hindi maari lumampas ng 8 oras bawat araw ang pagsasagawa ng trabaho.
Kailangan din gabayan ng eskwelahan at employees ang mga estudyante hindi din ito
aktwal na kasunduan para makapagtrabaho ito ay isang proseso upang mapakita sa mga
estudyante abf proseso ng pagtratrabaho at mapagbutihan pa ang kaalaman na ibabahagi
ng mga eskwelahan.

Ang k-12 program ng gobyerno ng pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory


o required na kindergarten at karagdagang dalawang taon sa dating 10 basic education
cycle nilalayon ng pamahalaan na pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunladin pa ang
ekonomiya ng ating bansa layunin din nito na mas ihanda pa ang mga kabataan sa
pagtratrabaho kapag natapos ang mga kabataan sa senior highschool, at nasa sapat narin
silang gulang at sapat na kakayahan upang makahanap ng magandang trabaho.

Sa pagitan ng taong 2012 at 2013 isang grupo ng mananaliksik sa bansang estados unidos
ang nagsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa naging epekto ng work immersion sa mga
mag aaral sa kansan state at sa pag sasagawa ng pag aaral na iyon ay nalaman ng mga
mag aaral ay nalaman nila na may naging malaking epekto ito sa mga mag aaral.
Agosto 2010 pa lamang ay mayroon ng sistema ang mga paaralan para maisakatuparan
ng departamento ng edukasyon (DepEd) base sa nakalap na deped, ang pilipinas ay hindi
pa nakamit ang istandard na kailangan ng mga estudyante para makipagkompetinsya sa
internasyonal na libel ang ating bansa ay nasa pinakamababang ranggo sa asignaturang
matematika at siyensa at internasyonak na pagsusulit (Poliquit 60:2010)

Ayon sa pag aaral na ang 12 taon basic education curriculum ay nagreresulta ng mga
mainam o mahusay ang mag aaral sa tulong din ng work immersion (Ortal 61:2012) ang
pagkakaroon ng karanasan sa trabaho ay isang napakahalaga sa isang mag aaral ito ay
magiging batayan sa pagkakaroon ng kasanayan sa napiling trabaho. Bukod sa pag aaral,
ang pagkakaroon ng mas mataas na kakayahan sa trabaho ay mahalaga, kaya isa ito sa
mga binigyan pukos ng pag aaral.

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Sa pagpasok ng k-12 basic education curriculum, isa sa asignatura na kabilang dito ay


ang "work immersion" ang work immersion ay naglalayon na mapalapit ang isang mag
aaral sa kanyang maaring potensyal na trabaho na nakabase sa kanyang kinabibilangang
strand. Hinahasa ng work immersion ang pagiging pamilyar ng mag aaral sa kanyang
trabaho at magkaroon ng praktikal na kakayahan magkaroon ng paghihinuha na mahalaga
ang mga natutuhan na aral mula sa paaralan at magkaroon ng magandang asal, respeto at
disiplina sa pagtratrabaho. Ito rin ay binibigyan diin upang ang mga mag aaral ay maging
handa sa kolehiyo o maging handa rin sa pagtratrabo.

Isang grupo ng mananalik sa strand ng home economics sa San pedro relocation center
national high school (landayan campus) ang nagsagawa ng pag aaral upang malaman ang
mga naging epekto ng natapos na work immersion sa mga dating mag aaral ng home
economics strand.

BALANGKAS TEORITIKAL

impact

work immersion

mga
benepisyo
natutunan

SOCIAL LEARNING THEORY

Ayon sa social learning theory ni bandura, ang isang tao ay natuto sa ibang tao, maaring
matuto ang isang tao sa pamamagitan ng panonood nito, pagkopya at pagsagawa ng bagay na
kagaya ng kaniyang tinitignan " Most human behaviour is learning observationally through
modeling; from observing others, one form an idea of how new behaviour is performed, and an
lower occasions this code information serve for a guide for action" (Bandura 2012).
Sinasabi lamang sa teorya na ito na ang tao ay natututo sa kanilang model, mga taong
kanilang naoobserbahan, ipinakikitaan ng impormasyon sa kanilang ginagaya. Sa pag oobserba
ng isang tao sa kanilang model, nakikita nila kung paano ginagawa ng isang bagay, at
naghihinuha ang impormasyon sa kanilang gagamitin

Sa pamamagitan ng nasabing teorya, naiiugnay ng mga mananaliksik ang konseptong ito


sa aspeto ng buhay akademiko sa pag aaral.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

paano nagkaroon ng impact


ang work immersion sa mga
mag-aaral

impact
paano nagkaroon ng
paghihinuha ang mga
estudyante sa work
immersion at paano nila
work immersion naiapply sa buhay nila iyon

mga naging benepisyo sa mag


benepisyo -aaral ng work immersion para
sa hinaharap

Sa batayang ito ay nagpapakita kung ano ang naging epekto ng work immersion sa mga
mag aaral sa home economics strand sa unang hanay ay ang impact nito sa mga estudyante na
may iba’t ibang impact ang work immersion sa mga estudyante sa home economics strand sa
SPRCNHS landayan campus at sa pangalawamg hanay naman ay ang benepisyo ng work
immersion sa mga mag aaral sa home economics strand.

Marami tayong gustong gawin habang tayo ay nabubuhay.Sa lahat ng ninanais natin ay
binibigyan natin ito ng atensyon at paghahanda sa iba’t-ibang pamamaraan. Tulad na lamang sa
Work Immersion Program ng mga paaralang ng San pedro relocation center national high school
Lahat ng mga estudyante ay gustong maipasa ang programang ito kaya sila’y gumagawa ng
iba’t-ibang paraan upang matugunan ang mga naatas na gawain sa bawat isa sa kanila. Ang
pagbiyahe ng halos dalawang oras upang hindi mahuli sa pagpasok sa trabaho at upang
malagpasan rin ang trapik.Maraming sinasakripisyo ang mga mag-aaral para sa programang
inihatag nila. Ninanais talaga ng mga estudyante na matapos na itong WIP kaya binibigyan nila
ito ng mahabang oras at mahabang pagpapasensya. Sa kabilang banda, marami pa ring mga
bagay na hindi natin ninanais o ninais man lang na maranasan sa ating buhay.

LAYUNIN NG PAG AARAL

Layunin ng pag aaral na ito na na alamin ang epekto ng natapos na work


immersion sa mga mag aaral ng baiting 12 ng home economics strand (H.E) kasaby nito na
masasagot ang mga sumusunod na pahayag;

 Propayl ng mga respomdente;


 Pangalan ng respondente
 Edad
 Kasarian
 Ano ano ang mga natutunan ng mga estudyante sa work immersion?

 Nag improve ba ang mga kakayahan ng mga estudyante dahil sa programang ito?

 Ano ano ang mga naging benepisyo ng natapos na work immersion sa mga
estudyante ng home economics strand

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag aaral na ito ay may pamagat na "ang epekto ng natapos na work immersion sa
mga mag aaral ng home economics strand sa san pedro relocation center national high
school (Landayan Campus) ", ay sumasaklaw lamang sa pagsusuri ng naging epekto ng
work immersion ng labinlimang estudyante (7) na lalaki at (8) na babae sa home
economics strand sa natapos na work immersion. Hindi na saklaw ng pag aaral na ito ang
ibang bagay o usapin sa loob ng paaralan at silid aralan.

Ang pag aaral na ito ay umiikot lang sa mga naging epekto ng natapos na work
immersion sa mga mag aaral ng home economics strand sa SPRCNHS (LANDYAN
CAMPUS) ang pag aaral na ito ay nililimitahan na ito hanggang sa strand lamang ng
home economics at ang tanong na ginamit ng mananaliksik ay ang mga sumusunod; (A)
profayl ng respondent, (B) Ano ano ang epekto ng natapos na work immersion sa mga
estudyante ng home economics strand, (C) Paano nakatulong ang natapos na work
immersion para payamanin ang mga kaalaman ng mga estudyante, (D) Ano ano ang mga
naging benepisyo ng natapos na work immersion sa mga estudyante ng home economics
strand.

HYPOTHESIS

Ang epekto ng natapos na work immersion sa mga mag aaral ng home economics strand
sa SPRCNHS (Landayan Campus).

1. Ano ano ang naging epekto ng natapos na work immersion sa mga estudyante ng home
economics strand.

Hypothesis;

Ang mga naging epekto ng natapos na work immersion ay ang mga sumusunod; (A)
Epekto Sa pag aaral, (B) Magandang dulot, (C) Epekto sa magiging trabaho sa hinaharap,
(D) Mga natutunan sa work immersion, (E) Naging impact ng work immersion.
2. Nag improve ba ang kakayahan ng mga estudyante dahil sa programang work
immersion

Hypothesis;

Ang mga kaakayahan na maaring maimprove ng mga estudyante ay ang mga


sumusunod; (A) Self confidence, (B) Postitive attitude (C) Work ethics (D) Time
management (E) Communication skills.

3. Gaano kahalaga sa mga estudyante ang matuto ng mga kakayahang ito sa pagtagumpay
ng iyong karera

Hypothesis;

Ang mga kakayahang makaktulong sa pagtagumpay ng mga estudyante ay ang mga


sumusunod; (A) kaakayahang magtrabaho nang nasa oras, (B) Time management skills,
(C) Ability to accept and learn from criticism, (D) Work as a team, (E) .Adaptability
skills

KAHALAGAHAN MG PAG AARAL

Malaki ang paniniwala ng mga mananaliksik na ang pag aaral na ito ay makakatulong sa
indibwal at sa mga sumusunod;

Administrator - Higit na makakatulong ang pag aaral na ito para sa mga namumuno sa
paaralan upang malaman ang mga naging kasaysayan ng mga mag aaral sa ginanap na
work immersion nang sa gayon ay mas lalo pa nilang matutukan ang mga maaring
pagyamanin sa nasabing programa.
Guro - ang pag aaral na ito ay magiging mahalaga bilang isang gabay sa kanilang
pagbibigay ng impormasyon sa mga mag aaral tungkol sa work immersion.

Mananaliksik - Mahalaga ang pag aaral na ito para sa mga mananaliksik sa hinaharap
upang maging batayan sa kanilang pag aaral na kahalintulad na paksa.

Mag aaral - Malaki ang pakinabang nito sa mga sumusunod pang mga magkakaroon ng
work immersion sa hinaharap upang maging gabay ang mga naging epekto ng natapos na
work immersion ng mga nauna pang tumapos nito.

DEPENISYON NG TERMINOLOHIYA

Ginamit ng mananaliksik ang terminolohiya na ito sa kanilang pag aaral;

Cookery - Specialization na nakapailalim sa home economics strand.

Fbs o Food & beverages service - specialization sa home economics strand na


nakapailalim sa work immersion.
Home economics - Ang home economics track ay nag aalok ng iba't ibang mga
specialization na maaring humantong sa kabuhayan sa bahay. (Https//k-12 Brn.
Wordpress. Com)

Karanasan - Ang mga nangyari sa mga mag aaral sa kanilang work immersion.

Work immersion - Ang asignaturang nakapailalim sa k-12 sa basic curriculum education,


maaring maiihalintulad sa kolehiyo (Https://www.academia-edu/37342305/pagbasa-
thesis?.)

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

LOKAL NA LITERATURA

ADVANTAGES NG WORK IMMERSION

Ang programa ng K- to- 12 ay mayroong kasangkapan sa mga mag-aaral ng mga


halagang, kaalaman at kasanayan na kailangan ng industriya. Ang matibay na pakikipagtulungan
sa iba't ibang mga industriya ay magpapahintulot sa mga nagtapos sa welga ng isang balanse sa
pagitan ng teorya at kasanayan.
Ang programa para sa trabaho na ako ay ang idea na ipinakita ng Kagawaran ng Edukasyon.
Nagtatampok ako ng tisa sa kurikulum ng Senior High School (SHS) at tumutukoy sa bahagi na
binubuo ng 80 na oras ng hands-on na karanasan o simulation ng trabaho na isinasagawa ng mga
mag-aaral ng Grade 11 at 12 upang ilantad ang mga ito sa aktwal na setting ng lugar ng trabaho
at sa pagyamanin ang mga kakayahang ibinigay ng paaralan sa ilalim ng pangangasiwa ng
Punong Paaralan at ang itinalagang mga tauhan ng Kasosyo

Ayon kay lopez, (2018) isa sa mga advantages ng work immersion ay ang kayang
serbisyohan ang mga internship program ng mga estudyante na magiging tulong sa kanilang
pagkokolehiyo. Internship program ay kinonsidera bilang isa sa mga epektibo paraan sa
paghahasa sa mga estudyante sa kanilang kakayahan sa kanilang napiling laranganNa kanilang
spesyalisayson isa ang experensya sa pag pasok ng work immersion na maaring makuha ng
estudyante sa loob ng 80-320 oras ay lubos na matutulongan sila sa pagiging pamilyar sa
kanilang pinagwowork immersion sa tulong ng mga kasama nila sa work immersion at maari
nila maiapply sa competencies nila sa kanilang spesyalisasyonAng kanilang pagtatapos sa work
immersion ay isang hakbang para sa kanilang pagraduate sa ilalim ng K- 12 ProDepartment of
Education.

Subalit, sa ibang paraan ang work immersion program ay maaring maging disadvantageous pag
hindi ito na isagawa ng ayos, ang mga estudyante ay kinokonsidera bilang mga bata dahil sila ay
bagong graduate sa high school. At ito ay posibleng magkaroon ng chance na ang mga
studyante ay hindi magsusucced sa programang inilunsad. (Castro, 2011) Pero sa mga taong
nakakaintindi ng halaga ng programang ito, ayon kay (kudos, 2011) na ang importansya ng work
immersion ay maging gabay para maging lugar sa kanilang paghahasa at mapaimprove nila ang
kanilang kakayahan sa pamamagitan ng on hand simulation. ito ang binigyang diin ng
programang k-12 para matulungan ang mga estudyante sa pagkamit ng katalinuhan at experience
na maaring makatulong sa kanila sa paglago bilang isang professional individuals.

sa work immersion pero sa mga taong nakakaintindi ng halaga ng programang ito, ayon kay
(kudos, 2011) na ang importansya ng work immersion ay maging gabay para maging lugar sa
kanilang paghahasa at mapaimprove nila ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng on hand
simulation. ito ang binigyang diin ng programang K-12 para matulungan ang mga estudyante sa
pagkamit ng katalinuhan at experience na maaring makatulong sa kanila sa paglago bilang isang
professional individuals. Ang tanging gusto natin ay para maibigay sa mga estudyante ang
mahalagang sa lubos na ating makakaya.(aquino, 2010) Work immersion ay magiging
advantageous sa mga estudyante na gustong maexperience at marealize na maigi ang higit sa
buhay na pagiging emplaydo. Ito ay para maihanda sila sa bigger world pagkatapos grumaduate
at maiapply ang kanilang natutunan sa work immersion

BANYAGANG LITERATURA

Ang pag-aaral naman sa Social Learning Theory ni Bandura (2012) ay nagpakita rin ng
kahalagahan ng pagsasagawa ng work Immersion sa isang larangan.

“OJT was reported to be the most frequently used training method in a survey of 122
minneapolis/St. Paul firms (39), On the average, the firms indicated that they “usually” trained
workers with OJT. A 1963 Department of Labo rsurvey of workers found the most frequent way
that industrial workers reported that they had learned their job was by OJT.” (Bandura, 2012)

(https://www.scribd.com/document/374599310/Pananaliksik-Final)

LOKAL NA LITERATURA

MGA KAKAYAHAN NA MAIIMPROVE SA KANILANG WORK IMMERSION (Self


Confidence,positive attitudes, Communication skills )

SELF CONFIDENCE SA TRABAHO

Ayon kay (Maxwell, 2018) ang iyong kompyansa sa sarili ang makapag-dadala sa iyo sa
tagumpay at makakapag tawid sa iyo sa maraming hamon sa buhay. Ngunit, paano nga ba
magkaroon ng kompyansa sa sarili? Halimbawa, kung nais mong matanggap bilang isang
trabahador sa isang kompanya, kailangan mo muna ng lakas ng loob upang masimulan ang
unang hakbang sa pag-aaply.

Kailangan mo itong ilarawan ng malinaw sa iyong isipan upang makita mo ang iyong sarili na
ginagawa ang trabahong ito. Kung ikaw ay pinangungunahan ng takot, maari mong gawin ang
mga tatlong paraan sa ibaba upang masimulan mo na ang paghahanap ng trabaho.

Tatlong Paraan upang ma hinang ang iyong Kompyansa sa Sarili


1. Sabihin sa iyong sarili na kaya mo harapin ang hamon ng buhay ng paulit-ulit. Huwag hayaang
pumasok sa iyong isip ang mga bagay na makapagpapahina ng iyong loob. Huwag mong
pakinggan ang mga taong nagsasabi na hindi mo kakayanin ang mga bagay bagay. Maging
mapili sa iyong mga pinapanood, pinapangkinggan at sinasabi. Kailangan na positibo lamang
ang mga bagay na iyong masagap upang lumakas ang iyong paniniwala sa iyong sarili na kaya
mo ang mga bagay na gustong makamit lalo na sa paghahanap ng trabaho.
2. Iwasan ang mga negatibong bagay na naririnig. Mas piliin mong pakinggan ang bagay na
positibo at maging maaaring mangyari. Ikaw ang may kontrol ng iyong mga sasabihin, gagawin
at higit sa lahat ng iyong iisipin. Nagsisimula lahat sa pag-iisip. Kaya mas mabuti mag-isip ng
ikabubuti ng iba at ng iyong sarili upang mapanghawakan mo ang bawat sitwasyono at
pangyayari. I-program mo ang iyong sarili na maging positibo sa lahat ng bagay at aspeto ng
iyong buhay. Isulat mo sa bawat araw ang iyong mga gustong makamit sa iyong buhay, at gawin
ito gamit ang positibong mga salita.
3. Maging ang ating mga reaksyon sa mga bagay-bagay ay mahalaga din. Maaaring hindi maganda
ang sitwasyon o hindi ito pabor sa’yo sa kasulukuyan, ngunit ang iyong iisipin at gagawin
pagkatapos nito ang mag-didikta kung ano ang iyong magiging kalagayan sa mga susunod na
sandali, oras, at mga araw. Kaya piliin ang mas kanais-nais na pagtugon sa mga bagay-bagay,
kahit gaaano man ito kahirap para sa iyo.
Kung hindi ka man masaya sa mga nangyari sa iyong buhay, ikaw lamang ang makakapag
desisyon kung mag papatalo ka sa mga nangyari sa iyong buhay. Ikaw ang mag papasya kung
gusto mong magpagapi sa buhay o gusto mong lumaban upang mas maging maganda ang
kahihinatnan sa mga susunod na araw.

Responsibilidad mo ang lahat ng nangyayari sa iyong buhay. Pinili mo ang lahat ng bagay na
nagaganap sa iyong buhay, maging sa buhay na personal o sa iyong buhay propesyonal.

Bumilib sa Sarili
Nabanggit na sa itaas na nagsisimula ang lahat sa iyong isip, kaya mahalaga din na
mailawarawan mo sa iyong isip na kaya mo ang isang bagay na iyong nais gawin. Maging ito ay
ang pag sisimula ng negosyo o pagtugtog sa sa harap ng maraming tao. Iba-iba ang ating mga
nais na gawin sa ating buhay kaya kung ano man ang iyong nais na gawin ilarawan mo ito ng
malinaw sa iyong isipan.
Paulit- ulit mo itong sa sabihin sa iyong sarili, “Kayo ko ito”. At magugulat ka na lamang hindi
magtatagal ay makakaya mo at malamang higitan pa ang mga bagay na iyong dapat na gawin.

Isulat mo rin ang mga katagang “kaya ko ito” ng paulit-ulit sa araw-araw at darating ang araw ng
maniniwala ka sa iyong sarili ng kaya mo ngang gawin ang mga bagay na dati ay nahihirapan
kang gawin o hindi mo kayang gawin.

Dahil ang pag-iisip ay mahalaga, isipin mo na tapos na ang interview at natanggap ka na sa


kompanyang iyong nais pasukan. Kung gagawin mo ito ay magiging madali para sa’yo ang
pagsabak sa interview dahil naisip mo na ang maaaring kahinatnan ng iyong interview.
(https://blog.philjobnet.gov.ph/2018/12/10/tatlong-paraan-upang-taasan-ang-kompyansa-sa-
sarili/)

BANYAGANG LITERATURA

Ayon kay (Susana Jabines 2016) Lakas ng loob dalawang salita ngunit mahirap makamtan. Kung
wala ka pang lakas ng loob para ilabas kung sino at ano ka, bibigyan kita ng tips kung paano
magkaroon ng lakas ng loob na humarap sa maraming tao at lumabas sa comfort zone mo.

Wag kang matakot na ilabas ang mga talento mong nakatago, wag karing matakot ilabas ang
saloobin mo at wag ka ring matakot sa mga bagay nab ago sa iyo “try to explore new things” ika
nga. Alam naman natin mahirap magkaroon ng self confidence dahil hindi mo yan makakamtan
sa iba o sa pagkakaroon ng maraming likers makakamtan mo yan sa pamamagitanng tulong mo
sarili mo. “You have to step out on your comfort zone” ika pa nga ng kowts. Wala naman
mawawala sa iyo kung magkaroon ka ng lakas ng loob itoy makakatulong sa iyo na maging
isang mabuti at produktibong mamayan.

Alam naman natin na may mga taong talagang nabuhay upang saktan at turuan ka ng leksyon
kung paano ka mabuhay pero wag mong isipn kung ano ang sinasabi nila laban sa iyo. Datapwa’t
mahalin mo ang sarili mo at gawing mong stepping stone ang mga salita nila laban aa iyo upang
ikaw ang magkaroon ng tibay ng loob at maging maligaya sa pag abot ng iyong pangarap.
May mga taong pilit ka hinihila pababa at ipapamukha sa iyo ng hindi mo kayang abutin ang
pangarap, mga salitang masakit pakinggan pero pwede maging susi na ikay ay maging malakas
at maging pursigido sa iyong sarili.

Doon ka sa mga taong tinitutulungan ka na ma build up ang personality mo hindi sa mga taong
tuturuan ka na maging negatibo ang tingin mo sa sarili mo

Matuto ka sa mga pagkakamali mo hindi yung dahil nagkamali ka matatakot ka na, hindi
dapat ganon! Kung ikaw ay nagkamali sa una pagbutihin mo sa ikalawa kung nagkamali ka sa
ikalawa mas pagbutihan mo sa ikatlo hindi yung ipagkait mo sa sarili mo na dahil nabigo ka una
damay na lahat. Kung saan ka nagkamali doon ka dapat bumangon at matuto.

(https://selfimprovement944.wordpress.com/2016/11/19/tips-kung-paano-magkaroon-ng-lakas-
ng-loob/)

POSITIVE ATTITUTUDE SA TRABAHO

LOKAl NA LITERATURA

Tinukoy ni Enriquez (1992) ang kagandahang-loob bilang isa sa mga pagpapahalagang

Pilipino na bumubuo sa balangkas ng pagkataong Pilipino. Sa kanyang pagpapaliwanag,

binanggit niya ang dalawang mahalagang katangian ng kagandahang-loob: (a) ito ay

kaugnay ng kapwa o pakikipagkapwa; at (b) ito ay may dimensyon ng loob-labas.

Sapagkat ang teorya ng pagkataong Pilipino ni Enriquez ay teorya ng kapwa (e.g., tingnan

ang Yacat 2013), hindi kagulat-gulat na nakaangkla sa kapwa at pakikipagkapwa ang

kagandahang-loob. Kailangang bigyang-diing ang teorya ng pagkataong Pilipino ni

Enriquez ay isang sistema na binubuo ng mga pagpapahalagang Pilipino. Bilang isang


sistema, mayroon itong organisasyon kung saan ang bawat elemento ay may

makabuluhang koneksyon sa isa’t isa. Sa gitna ng sistemang ito ay ang kapwa, na tinukoy

ni Enriquez bilang core value o buod na pagpapahalaga at ang kakabit nitong

kagandahang-loob na tinawag niyang linking socio-personal value o “pagpapahalagang tulay

ng sarili at lipunan”. (http://www.pssp.org.ph/diwa/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-


ang-loob-at-pakikipagkapwa-sa-kagandahang-loob-pagsusuri-sa-pagpapakahulugan-at-mga-
pagpapahalaga-ng-kabataan/)

BANYAGANG LITERATURA

NAGHAHANAP ka ba ng career booster? Are you losing your enthusiasm tulad nitong isang
reader mula sa Makati City na nagtatanong: “Mag- iisang taon na ako sa work. Feeling ko natutunan ko
na ang lahat so I feel I am slowing down. How can I find new energy to help me continue getting ahead
at work?”

Alam kong mahirap maging masigla sa trabaho kapag medyo nawawalan ka na ng gana doing
the same work, lalo na kung ilang taon mo nang ginagawa ang trabaho mo. It is precisely for this
reason that I ask you to be enthusiastic. To be enthusiastic at work is more of a mental state: nasa
iyo ang desisyon kung magiging enthusiastic ka. Start by thinking or saying, “I will be an eager
team member in this project or task.” O kaya, “I choose to look forward to meeting this new
client today.” Or “I look forward to learning something new from my boss or coworkers.”

Maraming positive attitudes na makatutulong sa iyo to do that. In fact, the value of these
attitudes is that they motivate you and give you a psychological boost in your career.

Sustain your energy

What energizes you personally? Is it being with people? Then always involve people in your
work. Humingi ng advice o kaya makipag- brainstorm sa isang grupo. Then look forward to
those moments of working with people so that you can finish the work.
Being enthusiastic and energetic are attitudes in the workplace that can get you ahead. Do not
drag your feet. Huwag mong sabihin sa sarili mong, “This is so boring,” or dahil mas magiging
matamlay ka lang sa trabaho. Get interested in the work or be eagerly involved, at sinisigurado
ko sa iyo that energy will come naturally. You cannot get ahead without energy.

Strive to be efficient

Strive to be the most efficient worker in your team. Ayon sa Webster’s Dictionary, being
efficient means “performing or functioning effectively with the least waste of time and effort.”
Ibig sabihin, hindi ka lang mag proproduce ng intended result, kundi hindi ka rin nagsasayang ng
oras at effort. This makes you more capable and competent.

Kung ganito ang attitude mo sa workplace, sooner or later you will get ahead in your career. You
will get a career boost because you are the most capable and competent on the team. Advancing
in your career is always a good motivation to be enthusiastic. And you won’t waste time getting
there. Start early.

Speaking of not wasting time, it’s a good idea to start work early. Kailangan mo kasing
ihanda ang sarili mo para sa iyong work day. Perspective kasi ‘yan: kapag alam mo na ang mga
bagay na haharapin mo, mas magiging enthusiastic kang harapin ang mga ito. Some of my most
productive days are when I start early before the phone rings and before my staff walks in with
questions. Iniisip ko na agad, “What would this day be like?” Anu-ano ba ang dapat kong gawin
at harapin ngayong araw na ito? Ano ang mga bagay na dapat mangyari at dapat kong abangan?
Easy to work with, Kapag masigla ka sa trabaho, ikaw ang pinakamadaling katrabaho sa opisina.
At kapag ganito, mas mae- enjoy rin ng mga kaopisina ang trabaho. Your attitude will give your
team a competitive edge in the workplace.

Staying enthusiastic will not only give you a competitive edge and a career boost; it is also a key
to being happy at your work. May you face your new work week with enthusiasm!

(https://www.pressreader.com/philippines/inquirer-libre/20170227/281590945341036)

LOKAL NA PAG AARAL


ADVANTAGES NG WORK IMMERSION

Isang rason upang suportan ang K – 12 educations ay dahil ang graduates ng programang
ito ay handa nang sumabak sa puwersa ng paggawa. Samantalang ang mga high school graduate
ng 10-taong kurikulum ay hindi pa kayang tumanggap ng trabaho dahil wala pa silang mga
kasanayang meron ang mga nagsipagtapos ng K-12 program. Bilang karagdagan, ang mga
nagtapos sa mataas na paaralan ng 10-taong kurikulum ay wala pa sa wastong gulang. Sa bagong
kurikulum, ang mga mag-aaral sa senior high school ay maaaring magpakadalubhasa sa
larangang sila’y mahusay at interesado. Pagkatapos nila makapagtapos ng Senior High School ay
mayroon na silang tiyak na mga kasanayan na may kaugnayan sa trabaho na kahit hindi sila
tumanggap ng college degree. Ang mga Pilipinong magsisipagtapos ng bagong kurikulum ay
awtomatikong kikilalaning propesyonal sa abroad dahil ang edukasyong kanilang tinggap ay
alinsunod sa International Education Standard na siyam sinusunod ng karamihan ng mga bansa.
Hindi na kailangang mag-aral muli at upang maging karapat-dapat para sa mga internasyonal na
pamantayan. Ang mga Pilipinong propesyonal na naghahangad na magtrabaho sa ibang bansa ay
hindi na makakaranas ng hirap sa pagkuha ng mga trabaho sa kanilang piniling larangan.
Magpapatunay dito si Michaela Mendiola, isang senior high school student graduate na kumuha
ng IT sa Mobile App and Web Development Technical-VocationalLivelihood Track. Bilang
graduate ng Senior High School, mayroon siyang mga sertipiko na magpapahintulot sa kanya na
magtrabaho hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, isa na siya
ngayong Technical Support Representative at SPI Global sa Ortigas, Pasig City kung saan
naghahanda siya ay nagiipon upang tumuntong sa kolehiyo at kumuha ng kursong BSIT kung
saan mas maari pang malinang ang kaniyang kakayahan at magdulot ng marami pang
oportunidad. (https://www.scribd.com/document/374599310/Pananaliksik-Final)

BANYAGANG LITERATURA

Ayon naman kay Fenix, hindi pa handang magtrabaho ang mga unang gradweyts ng
Senior High School. Isa si Romeo Calibo sa mga maagang nagtapos ng K-12 sa Laguna, na mas
naunang nagpatupad nitong programa bago nailunsad sa iba pang bahagi ng bansa. Bukod sa
dagdag dalawang taon ng high school, sumalang din si Calibo sa 800 oras na OJT sa isang
kompanyang gumagawa ng makina. Kung sa isang araw ay walong oras ng pagsasanay ang
ilalaan, halos 100 araw na nag-OJT si Calibo, mas matagal kumpara sa 80 oras o dalawang
linggo na tanging rekisito sa K-12. Ayon sa kompanyang kumuha kay Calibo, kulang na kulang
ang dalawang linggo para maturuan ang isang estudyante sa kaniyang gustong pasuking trabaho
at ginawa ito upang mas mahasa siya sa mga teknikal na gawain sa trabaho. Samantala,
binigyang-diin ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na nabuo ang curriculum ng K-12 sa
pakikipag-ugnayan sa Commission on Higher Education at Technical Education and Skills
Development Authority kaya maituturing itong kompletong pagsasanay sa estudyante kung
nanaisin niyang di na tumuloy sa kolehiyo. Dagdag pa nito, hindi naman puwedeng panay OJT
lang ang gawin ng mga estudyante sa Grades 11 to 12 o senior high school dahil kailangan ding
mabalanse ang kanilang oras sa iba pang asignatura. Kumpiyansa rin si Umali na handa nang
magtrabaho ang mga unang gradweyts ng K-12 curriculum.
(https://www.scribd.com/document/374599310/Pananaliksik-Final)

MGA KAKAYAHAN NA MAIIMPROVE SA KANILANG WORK IMMERSION (Self


Confidence,positive attitudes, Communication skills )

SELF CONFIDENCE

LOKAL NA LITERATURA

Una, makakatulong kung gumawa na lamang ng mga bagay na dapat ipagmalaki.


Mahalagang kalimutan na lamang ang mga hindi magandang karanasan o pangyayari na
bumabagabag sa isang estudyante. Kundi, patuloy na lamang na gumawa ng mga bagay sa
makapagpapasaya sa kanya nang hindi iniisip ang sasabihin ng sinuman sa paligid. Pangalawa,

“Focus on experiences, not appearance” isa sa mga kadahilanang patuloy na nagpapababa ng


kumpiyansa sa sarili ng mga estudyante ang kanilang mga pisikal na pangangatawan.
Mahalagang hindi na nila ito pagtuunanan ng pansin; sa halip, isipin na lamang ang mga
karanasang patuloy na nakagigising at nakapagpapalakas ng kanilang loob. Pangatlo, “Provide
opportunity for accomplishments” – maganda kung aalisin na ang takot sa sarili pagdating sa
paggawa ng mga bagay, lalong lalo na sa pag-aaral. Hindi dapat kinatatakutan ang maging
resulta sa paggawa kung pinagtrabahuhan naman ito ng mabuti. Tandaan na wala ng hihigit pa sa
kasiyahang iyong kayang makamtan kung magkakaroon ng tagumpay sa mga bagay na
ginagawa. Pang-apat, “Don’t live to please others”. Nagreresulta ng pagbaba ng kumpiyansa ang
paggawa ng mga bagay upang mapansin ng ibang tao ngunit hindi naman nangyayari sa huli.
Kaya nararapat lamang na iwasan ang paggawa ng mga bagay upang mapabilib ang ibang tao.
Mabuhay dapat ang isang tao upang pasiyahin ang kaniyang sarili. At ang panghuli, “Explore
your passions” – mahalagang alam ng isang tao ang kanyang mga kagustuhan sa buhay; mga
bagay na kapag ginagawa niya ay nasisiyahan siya nang hindi iniisip ang sinasabi ng iba.
Maaring ginagawa mo lamang iyong mga bagay na hindi ka nasisiyahan kaya bumababa ang
iyong kumpiyansa sa sarili. (https://www.scribd.com/doc/251729365/Kumpiyansa-Sa-Sarili)

BANYAGANG PAG AARAL

Ang kumpiyansa sa sarili ang magiging magandang kakayahan ng isang

estudyante pagdating sa pagtanggap ng mga tagumpay o kabiguan sa buhay. (Newman)

Kung may kumpiyansa sa sarili ang isang estudyante, pahahalagahan nito ang mga

importanteng bagay sa kanyang buhay; at isa na rito ang kanyang pag-aaral. Pag sinimulang

pahalagahan ng isang estudyante ang kanyang pag-aaral, wala nang magiging rason para

ito ay kanyang pabayaan; kundi, gagawa siya ng paraan upang pagbutihin pa ito.

Sa simula ring magkaroon ng kumpiyansa sa sarili ang isang estudyante,


makakayanan nitong tumanggap ng mga panibagong pagsubok na hindi pwedeng hindi
maranasan ng isang estudyante. Gayundin ang pagtanggap ng mga puna ng ibang tao.
Napakahalagang aspeto nito, sapagkat hindi maiiwasan ng isang estudyate ang mga
pagsubok at puna, na kapag may kumpiyansa sila sa sarili ay madali na lang nila itong
malalampasan at mapagtatagumpayan

(https://www.scribd.com/doc/251729365/Kumpiyansa-Sa-Sarili)
LOKAL NA PAG AARAL

Katangi-tangi naman ang pag-aaral ni Resurreccion (2007) sapagkat nangalap siya ng

empirikal na datos upang suriin pang mabuti ang kahulugan ng kagandahang-loob. Sa

pamamagitan ng pakikipanayam sa mga eksperto ng iba’t ibang disiplina (tulad ng sikolohiya,

wikang Pilipino, relihiyon, at moralidad) at sa grupo ng tao na ipinagpapalagay niyang nagtataglay

ng kagandahang-loob (counselor, pari, madre, at volunteer), nakapagpalitaw siya ng tatlong domeyn

na itinuring niyang pundasyon ng kagandahang-loob. Ito ang (a) malasakit, (b) pakikipagkapwa, at

(c) malinis na kalooban. Isang kapansin-pansin sa kanyang pag-aaral ay ang pagturing niya na

isang katangian (trait) ang kagandahang-loob sa halip na isang pagpapahalaga (value). Dagdag din

niya, “ang mga katangian ng kagandahang-loob ay mga katangian na hindi inaamin ng isang tao na

taglay niya… Dapat ibang tao ang nakakakita nito. Ang kagandahang-loob ay iginagawad ng ibang

tao” (Resurreccion 2007, 75). Samakatwid, ang kagandahang-loob ay kailangang naipapamalas sa

kilos at ito ay kinikilala ng ibang tao.

Isa sa mga puna sa balangkas ni Enriquez ay ang kakulangan nito sa pagpapalawig sa

pakahulugan ng mga pagpapahalagang Pilipino. Mas lalo pa, hindi niya tinalakay kung ano

ba ang ibig sabihin ng “pagpapahalaga” (Clemente et al. 2008). Mahalagang maunawaan ito

upang magkaroon din ng linaw kung paano mahusay na mapag-aaralan at susukatin ang

mga pagpapahalagang kanyang nabanggit.

Ang pagpapahalaga ay tumutukoy sa mga konsepto at paniniwalang ginagamit na gabay sa

pagtatasa ng kung ano ang nararapat at katanggap-tanggap na kilos para sa isang kultura

(Jocano 1997). Sapagkat nakabatay ito sa kultura, ipinagpapalagay na mayroong mga

pagkakasundo sa mga kasapi ng isang kultura kung ano ang katanggap-tanggap na kilos o
naisin. Iniugnay ni F. Landa Jocano (1997) ang pagpapahalaga sa konsepto ng

“pamantayan.” Sa ganitong pagpapakahulugan, ang mga pagpapahalaga ang nagsisilbing

sukatan sa pinakamahusay at pinakamataas na anyo ng asal at pag-uugali. Kapag may

paglabag sa mga pagpapahalaga, inaasahang makakaani ng negatibong reaksyon mula sa

mga kasapi ng isang kultura at sa ilang pagkakataon ay maaaring makatanggap ng

kaparusahan.

Ilan sa mga komprehensibong pagbabalangkas tungkol sa mga pagpapahalaga ay nagmula

sa mga kros-kultural na pag-aaral sa sikolohiya. Isa na rito ang “theory of basic human

values” ni Shalom Schwartz. Kaiba kay Jocano, hindi agad ikinabit ni Schwartz ang mga

pagpapahalaga sa kultura (Schwartz 2014) bagaman itinuturing niyang pinakamahalagang

ugat ito. Ang mga pagpapahalaga, ayon sa kanya, ay may limang kalikasan: (a) ito ay mga

konsepto at paniniwalang, (b) tumutukoy sa mga kaaya-aya at makabuluhang tunguhin o

kilos, (c) walang pinipiling partikular na sitwasyon, (d) ginagamit na gabay sa pagpili at

pagsusuri ng mga kilos at karanasan, at (e) nakasaayos batay sa kung gaano ito

kaimportante sa isang tao o grupo ng tao (Schwartz at Bilsky 1990; Schwartz 2006).

(https://gbimissions.com/wp-content/uploads/2015/05/Jeremiah_Reyes_-

_Loob_at_Kapwa_Tagalog_Journal_Article-libre.pdf)

BANYAGANG PAG AARAL

Ang mga Australyano ay nagtatrabaho ng mahabang oras kumpara sa mga

manggagawa ibang mga bansa na binuo. Ngunit ang katibayan ay nagpapakita na ang mga

empleyado na nagtatrabaho ng higit sa 48 na oras bawat linggo, o ay overcommitted o


over-invested sa kanilang trabaho ay may posibilidad na magkaroon ng mas mahirap na

kalusugan ng cardiovascular kaysa sa iba pang mga manggagawa

Sa katunayan, ang mahabang oras ng trabaho ay nagdaragdag ng peligro ng pagkamatay

mula sa cardiovascular sakit sa puso, panganib sa paggana ng pamilya, pinsala sa trabaho,

paninigarilyo intensity, pagkabalisa, mga problema sa pagtunaw, at pag-abuso sa alkohol.

Kaya kung kailangan nating magtrabaho ng mahabang oras, ano ang maaari nating gawin

upang mabawi. Ang pangkaraniwang karunungan ay nagpapahiwatig na ang pagkakaroon

ng mga pista opisyal ay mahalaga para sa pagpapanumbalik ng kagalingan at muling

pakikipag-ugnayan sa iyong trabaho. Pagkatapos ng lahat, gumagastos ka ng oras sa iyong

mga kaibigan o pamilya, ginagawa ang mga bagay na tinatamasa mo. Pinakamaganda sa

lahat, wala ka sa trabaho. Gayunpaman, ipinakita ang pananaliksik na ang mga benepisyo

ng isang bakasyon ay madalas na tatagal ng dalawa hanggang apat na linggo. Pagkatapos

nito, natitira ka tulad ng nasusunog habang ikaw ay bago ang iyong bakasyon. Kaya sa halip

na magkaroon ng malaking break bawat buwan o isang beses sa isang taon, mas mahusay

na isama ang simpleng mga gawi sa pagbawi sa iyong pang-araw-araw na gawain.

(https://tl.innerself.com/content/living/finance-and-careers/career-and-success/20895-

overworked-why-good-habits-not-holidays-are-the-answer.html)
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag atmailahad ang mga paraang ginamit
ng mga mananaliksik upangmabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Epekto ng natapos na work immersion ngmga


mag aaral sa home economics strand sa San Pedro Relocation Center National High School
(Landayan Campus). Ang pananaliksik ding ito aygagamit ngclose-ended at open-ended
questionsupangmakakalap ng mga datos mula sa mga respondente namagagamit at
makakatulong sa nasabing pag-aaral.
MGA RESPONDENTE

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay ang mga nagtapos nang home
economics strand sa Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa home
economics strand ng San Pedro Relocation Center National High School (Landayan Campus).
Gagamitin ng mananaliksik ang simple randon sampling bilang paraan upang magkaroon ng
pantay na representasyon ng mga datos. Pipili ang mga mananaliksik ng isandaang(100)
respondent ng dating mag aaral ng home economics strand sa San Pedro Relocation Center
National High School (Landayan Campus).

INSRUMENTO NG MANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ngpamimigay ng mga talatanunga-


n. Personal na ipapamigay atpapasagutan ng mga mananaliksik ang kwestyoner sa mganapiling
respondente.

TRITMENT NG DATOS

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na


tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally. Ang mga datos na ito ay magsisilbing
kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa
pagkakaiba ng mga kasagutan. Ang mga datos na makakalap ay isasalarawan gamit ang bar grap
upang maayos at organisadong mailahad ang resulta. Ang pormularyong gagamitin sa pagkuha
ng porsyento ng tugon sa bawat tanong:

Porsyento = Bilang ng tugon ÷ kabuuang bilang ng respondent × 100

You might also like