You are on page 1of 1

ANG PANGUNGULILA SA ISANG INA

Ako ang pangalawang anak,labis akong nasaktan dahil nasa ika-4 na


baitang pa lamng ako naranasan ko nang mahiwalay sa isang Ina.Lagi ko
tuloy iniisip na makikita,mahawakan o makasama ko kaya ulit ang aking
Ina?.Di ko mapigilang umiyak ng patago dahil sa dinadala kong
pangungulila.Halos madurog ang puso yong puso ko dahil sa sakit na
aking nadara mula noon hanggang ngayon.Sa totoo lang sa tuwing
nakakakita ako ng bata na kasing edad kona ngayun na kasama ang
kanyang Inang nagtatawanan at naglalaro agad akong nakadama ng
selos saaking dibdib at napaiyak nang tahimik dahil naiisip ko ulit na
sana makasama o makalaro ko ulit yong Ina ko.Hanggang ngayon di ko
parin matanggap na nasa ibang bansa nayong mama ko at nagsisilbi na
sa kanyang bagong pamilya .Bilang anak niya nakaramdam ako ng galit
saaking puso dahil ang alam kolang non na nag iibang bansa siya para
mabigyan nang magandang buhay at maiahon sa kahirapan ang
kaniyang mga anak,ngunit hindi pala,nagtatarabaho nga siya roon pero
may halong landi at gumawa siya ng ganun na ikakasakit at ikakagalit sa
kaniyang mga anak.Pero sa ngayon,Iniisip ko nalang na isa itong
panaginip na walang hangganan.Pinagtitibayan ko ang aking loob kahit
na may ramdam na sakit para makatapos at matupad ko lahat ng mga
pangarap ko sa sarili ko.Kaya pinapangako ko sa sarili ko na ibabalik ko
sa dati ang pagsasamahan naming mag Ina.Hindi paman ngayon pero
darating ito sa TAMANG PANAHON.

You might also like