You are on page 1of 8

Ang Mahiwagang Palayok

Ang magsasakang si Gopy ay nalungkot nang puntahan niya ang kanyang


bukid dahil kahit tag-araw na, wala siyang maaani sa mga tinanim niya.

“Hay, hindi nagbunga ang pananim ko sa bukid. Anong gagawin ko ngayon


kung di ako makakapaghatid ng mga ani sa kaharian? Malalagay ako sa
problema” sabi ni Gopy.
Isang araw, nang malapit ng sumuko si Gopy sa paghuhukay, tumama ang
pala sa isang matigas na bagay. “Ha, ano ‘yon?” aniya ni Gopy. Pinagpatuloy
niya ang paghuhukay at napagtanto niyang ito ay isang palayok.

“Anong ginagawa ng isang palayok sa aking bukid? Wala namang laman”


aniya ni Gopy.” Labis na nalungkot si Gopy dahil nasayang lang ang pagod
niya.
Si Gopy ay humiga sa ilalim ng puno upang magpahinga.

Pagkaraan ng ilang sandal ng kukuning niya ang asarol, nakita niya na ito ay

dumami kaya naman inilagay niya rito ang kanyang pala at laking gulat niya
na dumami ang kanyang pala.
Inuwi ni Gopy ang mahiwagang palayok at sinubukan ang isang itlog at bigla
na lang itong dumami. Sinubukan niya rin ang mansanas at tinapay. Ibinenta
rin ni Gopy ang mga ito sa palengke.
Ang mga nagbebenta sa palengke ay naiinggit sa tagumpay ni Gopy kaya

naman isinumbong si Gopy sa sundalo ng kaharian.


Kinabukasan, palihim na sinundan ng sundalo si Gopy at nakita niya ang
mahiwagang palayok dahil pinaparami ni Gopy ang kanyang sisiw.

Agad na nag-ulat ang sundalo sa hari tungkol sa kanyang nakita. Inutos ng


hari na dalhin agad sa kanya si Gopy at ang mahiwagang palayok.
Pumunta agad si Gopy sa harap ng hari at kinumpiska ng hari ang
mahiwagang palayok upang idagdag ito sa kayamanan ng kaharian.
Sumiip ang hari sa palayok at di niya inaasahan na siya ay nadulas. Kaya
naman dumami ang bilang ng hari at sila ay nag-aaway kung sino ba ang hari.
Nang napagtanto ni Gopy kung gaano kadelikado ang palayok, agad niya
itong tinapon sa bangin. Nabasag ang palayok at naglaho sa hangin.
Mula sa araw na iyon, nagtanim muli si Gopy at napagtanto niya na ang lupa

ay nagiging mataba hindi dahil sa mahika kundi sa tamang pag-aalaga nito.


At nabuhay siyang masaganamagpakailanman.

https://youtu.be/w6vqlICE49k
Ang
Mahiwagang
Palayok

Ipinasa ni:
Maureen Vynz L. Meneses

You might also like