You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

Para sa Ikatlong Taon

I. Layunin

Pagkatapos ng punto, inaasahan ang mga mag-aaral na:

a. Baybayin ang kahulugan ng Maikling Kwento;

b. Isa-isahin ang sangkap ng Maikling Kwento; at

c. Isa-isahin ang uri ng maikling kwento.

Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Kalikasang Handog ng May Kapal

II. Paksang Aralin

“Maikling Kwento”

III. Kagamitan

Kartolina, Pentel Pen

Approach: Deductive

IV. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimula

Magandang Umaga mga Mag-aaral Magandang Umaga din po

Tayo muna ay magdasal Opo ma’am

B. Asignatura

Nagbigay ba ako ng asignatura ninyo? Opo ma’am

Sige, ipasa sa unahan.

C. Repasuhin

Ano nga ulit yung tinalakay natin kahapon? Ang elemento po ng tula
Ok. Anu-ano nga ang elemento ng tula? Sukat, Tugma, Tayutay,
Larawang diwa at
simbolismo.

Magaling!

D. Paglalahad

Ang maikling kwento ay isang masining

na anyo ng panitikan na may isang kakintalan

ang paglalarawan at paglalahad dito ay madali,

maikli, at masining kaya’t sa isang upuan o

sa sandaling panahon lamang ay agad itong

matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng

pananabik, aliw at maging aral.

May iba’t ibang sangkap ang maikling kwento.

Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Tauhan, Tagpuan

Banghay, Pananalita at Tema.

Ano ang kahulugan ng mga ito? Tauhan ay tumutukoy sa


pangunahing tauhan at ang
iba pang nasasangkot sa
pangyayari nito.

Tagpuan ito ay ang


pinangyarihan ng kwento
kasama ang panahon kung
kalian ito naganap.

Banghay ay ang mga


pangyayaring nagaganap o
magaganap sa kwento mula
sa simula hanggang wakas.
Pananalita ito ang buhay at
diwa ng mga tauhan at ng
mga pangyayari sa kwento.

Tema ito ang paksa o


kaisipang hangad maibahagi
ng manunulat sa mga
mambabasa.

Dumako naman tayo sa uri nito.

Ano ang unang uri ng maikling kwento?

At ano ang ibig sabihin nito? Kwento ng Katutubong kulay.


Binibigyan din ang
kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan at
ang uri ng pamumuhay at
hanapbuhay ng mga tao ng
sa nasasabing pook.

Ikalawa naman ang Kwento ng

Pakikipagsapalaran. Ano ang kahulugan nito? Ito ay nasa balangkas ng


pangyayari at wala sa tauhan
ng kawilihan o interes sa
kwentong ito.

Pangatlo ang Kwento ng Kababalaghan.

Ito ang di kapani-paniwalang pangyayari

bukod pa sa katatakutan na siyang diin

sa kwentong ito.

Ano ang ikaapat na uri ng maikling kwento? Kwento ng Tauhan

Sa kwentong tauhan ang interes at diin ay

nasa pangunahing tauhan.


Panglima ang kwento ng katatawa.

Ano ang ibig sabihin nito? Ang diin ng kwentong ito’y


magpatawa at bigyang aliw
ang mambabasa.

Pang anim ang kwento ng pag-ibig.

Ang diwa ng kwento ay tungkol

sa pag-iibigan ng panginahing tauhan

sa katambal niyang tauhan.

Pangpito ang kwento ng Sikolohiko.

Sa kwentong ito sinisikap pasukin ang

kasukluk-sulukang pag-iisip ng tauhan

at ilahad ito sa mga mambabasa.

Pangwalo ang Kwento ng Talino. Ang kwento

na ito ay pumupuno ng suliraning hahamon

sa katalinuhan ng mga mambabasa.

Pangsiyam ang kwento ng Pampagkakataon.

Kwentong isinulat para sa isang tiyak na

pangyayari. Gaya ng Pasko, Bagong Taon at iba pa.

At ang huli ay ang kwento ng kapaligiran.

Kwentong ang paksa ay ang mga pangyayaring

mahalaga sa lipunan.
Naintindihan mga bata? Opo ma’am.

E. Pangkalahatan

Ano ang kahulugan ng Maikling Kwento? Ang maikling kwento ay


isang masining na anyo ng
panitikan na may
isang kakintalan ang
paglalarawan at paglalahad
dito ay madali, maikli, at
masining kaya’t sa isang
upuan o sa sandaling
panahon lamang ay agad
itong matutunghayan,
mababasa at kapupulutan ng
pananabik, aliw at maging
aral.

Anu-ano ang mga sangkap ng

Maikling kwento? Ang mga sangkap ng


maikling kwento ay ang
sumusunod: Tauhan,
Tagpuan, Banghay,
Pananalita at Tema.

Anu-ano naman ang mga uri

ng Maikling Kwento? Kwento ng Katutubong


Kulay, Kwento ng Pakikipag-
sapalaran, Kwento ng
Kababalaghan, Kwento ng
Tauhan, Kwento ng
Katatawa, Kwento ng Pag-
ibig, Kwento ng SIkolohiko,
Kwento ng Talino, Kwento ng
Pampagkakataon at Kwento
ng Kapaligiran.

Magaling!
V. Ebalwasyon

Piliin sa hanay B kung anong uri ng Maikling Kweto sa hanay A. Titik lamang ang isusulat
sa patlang.

Hanay A Hanay B

_____1. Ang balangkas ng pangyayaring binibigyang a. kababalaghan

diin ang kwento. b. kapaligiran

_____ 2. Ang kwentong ito ay nakakapagpatawa sa c. katatawanan

mga mambabasa. d. katutubong-kulay

_____ 3. Ang tauhan ang binibigyang diin dito. e. pag-ibig

_____ 4. Hilig ito ng mga bata. Nakatuon ito sa f. pakikipagsapalaran

mga bagay na mahirap paniwalaan. g. pampagkakataon

_____ 5. Nagbibigay diin sa kultura ng isang lugar h. sikolohiko

o pangkat. i. talino

_____ 6. Ang kwentong ito ay tungkol sa pangyayari ng j. tauhan

kapaligiran.

_____ 7. Ito ang kwentong humahamon sa talino ng mambabasa.

_____ 8. Ang kwentong ito ay tungkol sa dalwang tauhang nagmamahalan.

_____ 9. Ang kwentong ito ay nasa isip ng pangunahing tauhan.

_____ 10. Kwento naman ito hinggil sa isang particular na okasyon.

VI. Asignatura

Magbasa ng isang uri ng maikling kwentong gustong gusto mo. Gumawa ng buod hinggil
dito saka ipaliwanag sa papel kung bakit mo paborito ito.

You might also like