You are on page 1of 14

Magiting na araw.

Kamusta ka,
mag-aaral?
Nais kitang tulungan at samahan sa
iyong aralin upang madali mong
maunawaan ang mga gawaing
pampagtuturong tatalakayin ng
iyong guro.
Handa ka na ba? Ako si Kaibigang
Modyul, ang iyong kaibigan na
handang tumulong sa iyong
aralin.Ako ay binuo upang
makatulong sa mga
mag-aaral na tulad mo sa
asignaturang MTB--MLE sa
Ikatlong Baitang upang
madagdagan ang iyong
kaalaman.
Ang Modyul na ito ay yunit ng instruksyon
na kadalasang makapag-iisa.
*Malayang pakikilahok ng mag-aaral sa
klase upang ang mga layunin ay
madaling maipapaunawa ng gurong
tagapagsanay.
*Ang mga nilalaman ay maikli at tiyak na
nakatuon sa pagtamo ng layunin.
*Nagtataglay ito ng mga tiyak na
takdang gawain sa pagkatuto, ang
panuto sa gawain at pagsusulit ay
malinaw at maayos. Ang susi sa
pagwawasto ay maayos na rin.
*Natatalakay ang
kahulugan ng panlapi.
*Natutukoy ang
panlapi sa salita.
Tandaan at sundin ang mga sumusunod
na tagubilin sa paggamit ng modyul.
1. Iwasan mong magkaroon ito ng anumang
dumi.
2. Kumuha ka ng malinis na sagutang papel o
maaari mong gamitin ang iyong kwaderno
ng asignaturang MTB-MLE.
3. Basahin at unawain ang mga salita o
tekstong nakapaloob sa modyul.
4. Magtanong sa iyong guro kung mayroong
hindi maunawaan sa aralin.
5. Huwag tangkaing silipin ang mga sagot sa
susi ng pagwawasto. Maging tapat ka sa
iyong sarili.
6. Paghambingin ang iyong kasagutan sa susi
ng pagwawasto, maaari kang magtanong
sa guro kung mayroon kang nais malaman
upang matulungan ka,.
Paunang Gawain
Ano ang ginagawa ng mga
bata sa larawan? Bilugan
ang mga salita na nasa
ibaba.

tumawa iyak
tumakbo naglakad
ngumiti kain
sulat kwentuhan
Basahin at Alamin

*Naalala mo pa ba ang larawan? Anu-


ano muli ang mga ito? Ang mga
salitang tumawa, ngumiti, naglakad,
tumakbo, kwentuhan ay mga
halimbawa ng salitang panlapi.
Ang panlapi ay isang kataga na
ikinakabit sa isang salitang-ugat upang
makabuo ng bagong salita tulad ng
um-, in-, nag-, mag-, -an at -han.
Halimbawa:

tumawa ngumiti naglakad


tumakbo kwentuhan
Tandaan:
Ang panlapi ay isang
kataga na ikinakabit sa
isang salitang-ugat upang
makabuo ng bagong salita
tulad ng um-, in-, nag-,
mag-, -an at -han.
Ikalawang Gawain
Panuto: Lagyan ng angkop na
panlapi ang mga salita.
Isulat sa inyong sagutang papel.
1. luto
2. ibig
3. kain
4. lakad
5. awit
6. walis
7. saya
8. ayos
9. tapos
10. dakila
Unang Pagsusulit
Panuto: Magbigay ng sampung
salitang ginagamitan ng panlapi na
makikita sa kuwento.
Pagpasok sa Paaralan
Maganda ang gising ni Juan. Siya ay
masayang masaya dahil pasukan
nanaman. Maaga siyang naghanda
para pumasok sa paaralan.
Habang si Juan ay naglalakad
papuntang paaralan, nakita niya ang
isang matanda na nakikipagtalo sa
kaniyang apo. Nilapitan niya ito at
nalamang nagagalit ang apo dahil
hindi ito binigyan ng malaking pera.
“Kaibigan, huwag mong sigawan ang
iyong lola. Dapat ay igalang natin sila
dahil sila ang nag-aalaga at nag-
aaruga sa atin. Mahalin natin sila.”
Sambit ni Juan.
Ikalawang Pagsusulit

Panuto: Dagdagan ng panlapi ang


salitang-ugat upang mabuo ang
pangungusap. Gawin ito sa
kuwaderno.
1. Suklay___ mo nang mabuti ang
iyong buhok.
2. Tulungan mo akong _______dilig ng
halaman.
3. Sabay-sabay nating awit_____ ang
himno ng ating paaralan.
4. Matiyaga kong ___sagot ang lahat
ng tanong sa pagsusulit.
5. Maaari mo ba akong sama_____ sa
palengke?
Masaya ka ba kaibigan at
marami kang natutunan?
Sana ay huwag mong
makalimutan ang katatapos
pa lamang na aralin.

Hanggang sa muli…
Mga Susi ng Pagwawasto
Unang Gawain
tumawa
tumakbo
ngumiti
naglakad
kwentuhan

Ikalawang Pagsusulit
1. Suklayin mo nang mabuti ang iyong
buhok.
2. Tulungan mo akong magdilig ng
halaman.
3. Sabay-sabay nating awitin ang himno ng
ating paaralan.
4. Matiyaga kong nasagot ang lahat ng
tanong sa pagsusulit.
5. Maaari mo ba akong samahan sa
palengke?
Bibliyograpiya
Mother Tongue Based Multilingual
Education Kagamitan ng Mag-aaral
Ang mga larawan na ginamit sa
modyul na ito ay mula sa
https://www.google.com

You might also like