You are on page 1of 8

Pandistritong Pagsusulit

Ikatlong Panahunang Pasulit


Filipino 7

Pangalan: _____________________ Antas/Seksyon: _______ Petsa: __________ Iskor: ___

I. Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag /teksto / at seleksyon.Itiman ang bilog ng tamang
sagot sa bawat bilang sa inyong sagutang papel.

Kompetensi/ Layunin Nasusuri ang nilalaman ng napanood na dokumentaryon kaugnay ng tinalakay na mga
tula /awiting panunudyo,tugmang de gulong at palaisipann
Kompetensi Code F7 PD-III-C-13

1. Alin ang tugmang de gulong sa mga pangungusap sa ibaba?


a.Pinalo ko sa ugat sa bahay nag iiyak
b.Ako’y tutula mahabang mahaba, ako’y uupo tapos na p o
c.Makikilala mo ang tao sa kilos ng kamay at buka ng bibig
d.Mataas kung nakaupo,mahaba kung nakatayo
2. Kanino madalas marinig ang panunudyo?
a.pasahero b. matanda c. bata d. sasakyan
3. “Sitsit ay sa aso,katok ay sa pinto,sambitin ang para sa tabi,tayo’y hihinto” Ito ay isang uri ng tulang
a.Panunudyo b. tugmang de gulong c. palaisipan d. bugtong
4. “Mga pare, please lang kayo’y tumabi, pagkat dala ko’y sandata’y walang kinikilala-ang aking MANIBELA” Ito ay isang uri ng
a.Panunudyo b. tugmang de gulong c. palaisipan d. Bugtong
5.Hinalo ko ang nilugaw,nagtatakbo ang inihaw,”(pagsasag-wan sakay ng Bangka) Ito ay isang
a.Panunudyo b. tugmang de gulong c. palaisipan d. Bugtong

Kompetensi/ Layunin Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng bisang pandamdamin ng
akda
Kompetensi Code F7 PB-IIIa-c13 –( 2 araw )

6.May naging hadlang sa pag iisang dibdib nina Darangan Magayon at Panganoron. Alin sa mga hakbang na ginawa niya upang
mapigilan ang kasal ng dalawa?
a.Nagbibigay ng pabuya upang di malaman ni Panganoron ang kasal
b.Nagpadala ng sulat si Magayon kay Panganoron upang magmdali ito pupunta sa kanila
c.Pinatay ni Pagtuga si Magayon at ang kanyang mga tauhan
d.Pinatawad ng ama ni Magayon ang nakapatay sa kanyang anak
7. Naipakita ng magkasintahang Panganoron at Magayon ang wagas na pagmamahal ng
a. Magkita sila madalas sa ilog.
b.Hiningi ni Panganoron ang Pahintulot ng Datu
c.Tinulongan ni Panganoron si Magayon at Niyakap na kapwa nasa bingit ng kamatayan
d.Naging masaya si Pagtuga sa kanilang kamatayan
8. Sa kamatayan ni Panganoron at Magayon umusbong ang Bulkang Mayon,may simbolong isinasaad ang bulkan,pumuputok at
nag –aapoy ang bulkan,Ano ang ibig ipahiwatig nito?
a.Masaya si Patuga dahil wala na si Magayon
b.Nais makuha ni Patuga ang kayamanan nalibing sa bulkan
c.Naalala ang kasakiman ni Pagtuga
d.Nagalit ang Bulkan
9. Ayon sa teoryang ito,ang tao ay lumilikha ng tunay na may kahulugan upang maipahayag ang tindi ng damdamin
nararamdaman
a.Teoryang “yum yum
b. Teoryang”pooh-pooh
c. Teoryang Bow-bow
d. Teoryang klang-klang
10. Ang Genesis 11:1-9 ang wika ay kaloob ng Diyos sa tao.Taglay nito ang pinagmulan ng wika
a. Ang Diyos ang nagtakda ng wika ng bawat isa
b.Ang sinaunang wika ay natutuhan sa pamamagitan ng tunog
c.Hindi naitala ang kasaysayan kung paano nagsimula ang wika
d.Ang mga tao ay tumutugon at ginagaya ang paggalaw ng bibig

Kompetensi/ Layunin Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitang ng salitang may salungguhit
sa pagtukoy ng kasingkahulugan nito
Kompetensi Code F7 PT-IIIo-c13

11. Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na pagmamahal ng ating Inang-bayan gamit ang mga salitang kay sarap
pakinggan
a. dumadaloy b.naririnig c. namamayani d. sumisigaw
12. Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin sapagkat ito ay kakambal ng lahi natin.
a.ituro sa mga banyaga b.palakasin c.panatilihin d. paunlarin
13.Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang gintong pamana sa ating mga ninuno
a. Maipagmalaki b. maipalaganap c. malaman d. pahalagahan
14. Ang sariling wika ng isang lahi ay taglay na aliw –aliw at himig ng kahali-halina
a.Bigkas b. Kahakagahan c. katangian d. hugis
15. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng ibon sa himpapawid
ng aral at aliw.
a.Pagkampay ng pakpak ng lumilipad na ibon
b. matamis na huni ng mga ibon
c. bilis ng paglipad ng ibon
d. paglipad papaitaas ng ibon sa alapaap

Kompetensi/ Layunin Nahihinuha ang kaalaman at motibo / pakay ng nagsasalita batay sa napakinggan
Kompetensi Code F7 PN-IIH-g15

16.Isa sa mga akda ni Emilio Jacinto isinulat noong panahon ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Espanyol
a.”Ang Ningning at ang liwanag”
b.”Liwanag at Dilim”
c.”Ang maling pananampalataya”
d.”Ako’y umaasa”
17.”Ang ningning ay madaya” nasabi ito ng may akda dahil….
a.Ang mga bagay na maningning ay totoong totoo
b.Marami ang may gusto sa mga bagay na maningning
c.Madalas na naloloko o nahuhumaling ang mga tao sa maningning na bagay
d.Marami ang napepeke sa maningning na salita
18”Ating hanapin ang liwanag “tayo’y huwag mabighani sa ningning”. Ano ang nais ipahiwatig ng may akda?
a.Ang magagandang bagay na nakikita ng ay magbibigay ng liwanag sa buhay
b.Hindi mapahahamak ang taong nasa liwanag
c.Huwag maging sinungaling
d.
19.Ang tinaguriang ama ng Panitikang Ilokano
a.Tomas Pinpin b .Francisco Balagtas c.Pedro Bukaneg d.Lope K. Santos
20.Ang prinsipe ng manlilibag na Pilipino.
a.Tomas Pinpin b .Francisco Balagtas c.Pedro Bukaneg d.Lope K. Santos
21. Tinaguriang Pambanasang Alagad ng Sining 2003.
A. Virgilio Almanario b.Modesto De Castro c.Tomas Pinpin d.Lope K. Santos
22.Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan
a.Tugmang de gulong b.Bugtong c. Palaisipan d. Tulang Panunudyo
23.Isang Pahulaan sa pamamagitan ng Paglalarawan
a.Tugmang de gulong b.Bugtong c. Palaisipan d. Tulang Panunudyo
24. Isang Katutubong Pag aalay ng mga Ifugao ay tinatawag na
A. Intugtukon b. Canao c.Am-am d.tappey
25.Mga salaysay hinggil sa mga likhang isip ng mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan,kataulad ng matandang
hari, isang marunong na lalake
a.Mitohiya b.Alamat c.Kwentong Bayan d. Maikling Kwento

Kompetensi/ Layunin Natutukoy ang magkakasunod at makakaugnay na mga pangyayari sa tekstong


napakinggan
Kompetensi Code F7 PN-IIId-e14
Mula sa yumayapos ang takipsilim,ayusin ang pagkakasunod-sunod na pangyayari (A-E)

26. __ A. Nakakandong kay Lola Rosa ang apo niyang si Lydia.Tinatanong niya ang matanda
kung aalis na ito sa bahay na iyon. Nagtataka si Lola Rosa kung saan nanggaling ang
balitang iyon na nasambit ng kanyang apo
27. ___ B. Doo’y tila nagtutuksohan pa sila tungkol sa paborito nilang anak
28 __ C. Mula sa Upuang pagulong ay natatanaw ni Lola ang mag-ina sinasabong mabuti ni
Carmen ang bisig ni Lydia.
29 ____D. Sa may pinto’y napatigil siya ng marinig ang malakas na tinig ng kanyang mga
anak.Masasakit na salita tungkol sa pag aalagang ginawa sa kanilang ina

30 E. Natagpuan ni Tinay si Lola Rosa sa terraza.Niyaya niya itong pumasok sa loob.


Bagamat utusan lamang at di kaano-ano ang matanda ,matinding awa nasa tinig nito.

Kompetensi/ Layunin Nasusuri ang mga pahayag na ginagamit sa paghihinuha ng pangyayari


Kompetensi Code F7 WG-IIf-g15
Mula sa akdang” Ang Matanda Kuba sa Gabi ng Canao”

Dumating ang matandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahasang. Isang iyong matandang kubang
papilay-pilay na lumalapit at naupo sa nakatumbang lusong,Walang makapagsabi kung sino siya at wala
naming nag-aksaya pa ng panahong mag-usisa. Ang totoo’y hindi siya gaanong napag-ukulan ng pansin kung
hindi lamang nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan pa naghahabol sa iaalay n baboy kaugnay ng idinaraos
nilang canao
Isang tanging piging iyon upang mag-alay kay kabunian.Nakikita si Lifu-o ng isang uwak sa gitna ng daan.Iyon
ay masamang pangitain kaya nagdaos ng Canao.Nanalangin sila at isang makapangrihang tinig ang naririnig
Mula sa Cawa isang halamang ginto ang pataas ng pataas nag-agawan sila at nagtuakan pinitas ang dahoon
nito at naubos.
Nabuwal ang puno at bumagsak Napaisip si Lifu-o ang matandang kuba na dumating sa canao.

31.Ang binasang talata ay nagbibigay mensahe sa mga tao na hindi mabuting maghangad nang labis lalo na sa
a. Kayaman b.Kagandahan c.karangalan d.kapangyarihan
32.Sa Pahayag na Paghahangad nang labis sa anumang kayamanan ay nagbubunga ng pagkagahaman sa kawalan ay
nangangahulugan
a.yumayaman b.masuwerte c.walang nakamit d.Pagnanais
33.Ang piging ba o pag-aalay kung tawagin ay canao ay isang kultura ng mga
a.Pilipino b.Igorot c.Subanen d.Iloko
34.Anong larawang diwa ang nakapaloob sa huling wakas ng akda
a.Nagbibigay ng babala
b.Nais ipakita sa mga tao na masamang maghanagad ng kayamanan
c.Ang kayaman ang mahalaga
d.Maniwala sa pamahiin

35.Bago pa man nagsagawang ng canao ang mga katutubo at kamag-anak ni Lifu-o ay nakahanda ay naghahanda para sa
pagdiriwang
a.Nanaginip siya at pinagbiling kanilan bathala na magdaos ng Canao
b.Nakakita siya ng isang uwak sa gitna ng daan at ito ay isang masamang
Pangitain
c.Nakapatay siya ng isang ibon habang nangangaso
d.Inutusan siya ng isang matandang kuba upang magdaos ng canao

Kompetensi/ Layunin Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas ng paggamit ng


suprasegmental (tono,diin antala)
Kompetensi Code F7 -IIIa-c--13

36.Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
a.Tono b. Intonasyon c .Diin d. Haba
37 .Ang ay nagpapalinaw ng mensahe o intonasyong nais ipabatid sa kausap
a.Tono b. Intonasyon c .Diin d. Haba
38.Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent. Sa anumang lugar mayroon tayong pagkakaiba sa pagsasalita.Ano ang tawag
ditto?
a. Diin b.Haba c.Punto D.Intonasyon
39.Ito ay tumutukoy sa lakas ng Pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
a. punto b.Hinto c.Diin d.Intonasyon
40Ang ay pagbigkas nang mahaba sa patinig (a,e,I,o,u
A. Punto b..Hinto o.Antala c.Intonasyon d.Haba

PAGPALAIN NAWA KAYO NG MAYKAPAL!!!


“YUMAYAPOS ANG TAKIPSILIM”

Karakter: Ramon (panganay na anak ni Lola) at Carmen-Magasawa, Lydia (Anak ni Ramon at Carmen)-
Apo ni Lola. Rey- Bunsong anak ni Lola, Odet (Anak ni Rey)- Apo ni Lola, Tinay- Katulong sa bahay ni
Ramon at Carmen

Nakakandong kay lola Rosa ang apo niyang si Lydia. Tinatanong niya ang matanda kung
aalis na ito sa bahay na iyon. Buong pagtataka namang sinagot ng lola ang bata. Hindi raw
siya aalis sa bahay na iyon. Nagtataka si lola Rosa kung saan nanggagaling ang balitang iyon
na nasambit ng kanyang apo.Mayamaya dumating si Carmen, ang magandang ina ni Lydia.
Tinawag niya ang kanyang anak gamit ang isang malamig na boses. Mabilis na lumabas
papuntang kusina si Lydia at sumunod naman sa kanya si Carmen. Mula sa upuang-pagulong
ay natatanaw ni lola ag mag-ina. Sinasabong mabuti ni Carmen ang bisig ni Lydia.
Sa kanyang gunita’y kausap iya ang asawa. Doo’y tila nagtutuksuhan pa sila tungkol sa
paborio nila sa dalawang anak; si Ramon sa asawa ni lola at si Rey naman kay lola. Buong
saya raw niyang kausap ang asawa dahil sa wakas ay makakasama na niya ang bunso at titira
sa bahay sa timog.Sabik na sabik si lola na makita ang bunsong anak. Pinabilis niya ang
takbo ng kanyang upuang-pagulong. Sa may pinto’y napatigil siya nang marinig ang malakas
na tinig ng kanyang mga anak. masasakit na salita tungkol sa pag-aalagang ginawa nila
Ramon para sa kanyang narinig ni lola. Dagdag pa rito ang pagtanggi ni Rey sa usapang siya
naman ang kumopkop ditto dahil mag-a-around-the-world- pa raw sila at mayroon nang sakit
sa balata ng matanda. Sumunod din ang malamig na tinig ni Carmen na di niya maunawaan.
Kinausap si lola ng panganay niyang si Ramon. Sinabi niya na gusto raw makuha ni Rey si
lola dahil sabik daw sa lola ang anak niyang si Odet. Labag daw para sa kalooban nilang
mag-asawa ang ipaubaya siya kay Rey ngunit baka raw magdamdam iyon. Habang sinasabi
ito’y mailap ang tingin ni Ramon sa ina. Mabagal ang takbo ng pag-iisip ng matanda. Pilit
niyang inaalisa ang sinabi ni Ramon. Maraming mga tanong an pumasok sa kanyang isipan
gaya ng saan nakatira si Rey? Sino ang napangasawa niya? Ano ang itsura ni Odet? Dalawa
nga ba ang kanyang anak? Tila padalas nang padalas ang ganoong magulong pag-iisip niya.
Tila naaalala pa niya ang tinig ng kanyang asawa na nagsasabing huwag siyang mag-alala na
maunang mamatay ito dahil mayroon naman siyang dalawang anak.Natagpuan ni Tinay si
lola sa terraza. Niyaya niya itong pumasok sa loob. Bagamat utusan lamang at di-kaano-ano
ng matanda, matinding awa ang nasa tinig ni Tinay

Aral
Ang kwento na ito ay nagtuturo sa mga anak na kahit anong hirap man na alagaan ang mga
magulang na matatanda na ito ay nanatiling isang obligasyon na kailangan gawin dahil
noong ikaw ay musmos palang walang sawa ang patnubay ng mga magulang upang lumaki
kang maayos. Sa pag tanda nila ito lamang ang panahon mo upang bumawi sa lahat ng
sakripisyong ginawa nila para sayo.
DARAGANG MAGAYON SUMMARY: ‘Panganoron & Magayon’ The
Legend Of Mayon Volcano

Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang Magayon. Maraming kalalakihan ang
nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni Magayon na
si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang magpakasal kung kaya't pinapayagan na niya ito
kung sakaling magpasya ang dalaga na makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang napipili mula sa
kanyang mga manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa taong kanyang iniirog.
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, siya ay nadulas at nahulog sa malalim na parte nito. Hindi
marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang dalaga. Si
Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso siya noong araw na iyon nang marinig
niya ang iyak ni Magayon. Mabilis na tumalon ang matapang na mandirigma upang iligtas ang dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya't niligawan niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay
napa-ibig sa matapang na lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang dibdib ng
dalawa sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-isip ng paraan upang hindi matuloy ang
kasal. Binihag niya ang ama ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi papayag
si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon ang kanyang ama, wala siyang magawa kundi
pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.
Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang pakawalan nito ang kanyang ama.
Napag-alaman ni Panganoron ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang mga matatapang na
mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo. Nanaig si Panganoron laban kay
Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni Magayon na napatay ng kanyang kasintahan ang kalaban ay dali-
dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man magkalapit ang dalawa ay isang ligaw nasibat
ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si Panganoron ng
mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay
Panganoron at pinaslang ito.
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng rajah ang walang buhay na katawan nila Magayon and Panganoron.
Humukay ito at inilibing na magkasama ang magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan at
ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang prinsesang
si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang
patunay ng pagmamahalan nila Magayon at Panganoron.

Some people believe that when the volcano is restive and about to erupt, Magayon is being bothered by
Pagtuga, while they believe Pangaronon is embracing Magayon when the volcano is calm.

Restive- restless, uneasy


Ang Liwanag at Dilim ay koleksiyon ng mga sanaysay na sinulat ni Emilio Jacinto, ang tinaguriang “Utak ng
Katipunan.” Kabílang sa kalipunan ng sanaysay ang mga sumusunod: “Sa Anak ng Bayan,” “Ang Ningning at
ang Liwanag,” “Ako’y Umaasa,” “Kalayaan,” “Ang Tao’y Magkakapantay,” “Ang Pag-ibig,” “Ang Bayan at ang
mga Pinuno,” “Ang Maling Pagsampalataya,” at “Ang Gumawa.”

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG


ni Emilio Jacinto
Ika-2 paksa sa mahabang sanaysay na Liwanag at Dilim

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin.

Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng
nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang naugalian: Nagdaraan
ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na
tao ang nakalulan. Datapwa't marahil naman ay isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na
kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan? Tayo’y mapapangiti at isasaloob: Saan kaya
ninakaw? Datapwa’t maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya’y
nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.

Ay! Sa ating pag-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.

Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita.

Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na
lumitaw na maningning, lalong lalo na nga ang mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng
kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdulang ikainis at ikamatay ng
Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay
magbalatkayo ng maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang asal at matapat
na loob, ang kahit sino ay walang magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip at akalang ano
pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang
tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at
maliwanag na napatatanaw sa paningin.

Ang lumipas na pinapanginoon ng Tagalog ay labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.

Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga
hirap at binatang mga kaapihan?
ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CANAO
Ito ay sinulat at Akda ni Simplicio Bisa

Dumating ang matatandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang papilay-pilay na lumapit at
naupo sa nakatumbang lusong. Walang makapagsasabi kung siya at wala namang nag-aksaya pa ng panahong mag-usisa. Ang
totoo’y hindi siya gaanong napag-ukulan ng pansin kung hindi lamang siya nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan pa sa
paghabol sa iaalay na baboy kaugnay ng idinaraos nilang canao.
Isang tanging piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang pinakadakilang bathala. Kanina, sa pagtungo ni Lifu-o sa kaingin, ay
nakakita siya ng isang uwak sa gitna ng daan. Iyon ay isang masamang pangitain. Bumalik na siya sa kanilang ato. Ipinasiya ni
Lifu-ong tawagin ang mga intugtukon. Ibig niyang magdaos ng canao. Ibig niyang ganapin iyon sa kanilang af-fong.
Ang pagdiriwang na tugging ito na nagliliklik sa mga labis, sa mga burol, at sa mga bundok ay tibok ng buhay sa pook na iyon ; sa
idinaraos na canao nakatuon ang pansin ng nakakaunawa sa kahulugan niyon: pagkakasal kaya pagsilang, pagtatanim, pag-aari
kaya, pakikipagdimaan, paghinging biyaya, paghinging-patnubay, pagkamatay kaya ng isang katutubi? At dinadaluhan nila ang
ganitong canao at naiisip niya ang matandang kubang iyon ay isa sa naaakit dumalo; isa ring intugtukon sa ili na sumakop sa ato
nila.
“Ama,” pumukaw ang tinig si Sabsafung. “Ihahanda ko na ang mga tap-pey at fayas.”
Binabalingan ni Lifu-o ang anak na nakalapit na nang hindi niya namamalayan. Sa makulay nitong lufid na nabibigkisan ng wakes,
naisip niyang isang tanging canao ang idinaraos. Naiiba ang ganda ng anak niya ngayon. Makintab ang buhok nito na sinusupil ng
ap-pong. Sa malikot na liwanag ng mga sulo at siga, ang fatek sa braso, balikat at leeg ng anak ay nagiging magagandang guhit na
hindi makapagkukubli sa katotohanang dalaga na rin ang anak; malusog na ang dibdib nito na naiitiman din ng iginuhit na fatek.
Naisip ni Lifu-o na makakatulong na sa kanya ang anak sa pangangasiwa sa pagtatanim at pag-aani sa kanilang kaingin… at sa
pagdaos ng canao.
“ihanda mo na… Tulungan mo ang iyong ina…”
Bigla ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga kabataang igorot ang baboy na papatayin sa canao. Sa paghahabulan ay
napadako sa lusong na kinauupuan ng matanda. Sa biglang daluhong ng mga nagsisihabol, natumba ang lusong kasama ang
matandang kuba.
Natanaw ni Lifu-o kung paano tinulungang makatayo ang matanda. Muli itong naupo sa lusong. Sa saglit na iyon, may
nakita si Lifu-ong na tila kakaiba—pang-akit
Wari sa katauhan ng matanda. Nagsalita iyon “Bayaan na ninyo ako…”
Nakiumpok si Lifu-o sa mga intugtukon. Siya’y nag-iisip. Ang mga am-ama ay umaawit na ng ay-eyeng— malalakas a
nananawagan: iligtas kami sa anumang panganib… iligtas kami sa mga kapahamakang darating, kadakilaan… O, Kabunian!
Sa kalooban ni Lifu-o’y naroon din ang piping dakilang dalangin: bigyan mo: Bigyan mo, Dakilang Kabunian, ng masagana at
mahabang buhay ang mga nasa ato s ailing ito.
Napatay na ng matatanda ang baboy at kasalukuyang dinadarang na sa apoy. Mamamasid-masid lamang ang matandang
kuba sa pagkakaupo. Nahiwalay na siya sa karamihang ngayo’y nakapaligid sa kinakalusang baboy. Ang ningas ay kumain na sa
tinipong kahoy; mga baga na lamang iyon ng sigang kangina’y nakatanglaw sa matanda. Nasa dilim na siya…
Binalikan ni Lif u-o ang matanda.
Doon ka, am-ama. Makiisa ka sa amin.”
Babalik din sila riyo…”
“Ibig mo bang ngumata ng tabako habang naghihintay?”
Dumukot si Lifu-o sa nakasuklob na tinuod at iniabot na tuyong dahon ng tabako.
“Salamat… Ngunit bumalik ka na roon.” Itinaboy siya ng matanda.
Bumalik na nga sai Lifu-o sa bahay. Kailangang roon siya sa pagdaraos ng ritwal. Hinahanap na nga siya.

“Nasaan si lifu-o?”
“Si Lifu-o?”
“Lifu-o…?”
Bumalik pagkaraan ng mga sandal ang lahat sa labas ng bahay na malapit sa binuhay na mga siga… bumalik silang masasaya… at
lumalakas ang awiitan… ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng koongan.
Nasiyahan ang mga anito… ang apdo ng baboy ay nakaturong palabas…”
Tuhugin sa patpat…suksok sa bubungan… sa malapit sa pintuan!”
“Magbibigay ng magandang kapalaran ang mga anito sa patnubay ni Kabunian…!”
“Dulatan ng karne ang mga anito: ilagay sa kiyag… paanyayahan muna ng panalangin!”
“Lifu-o,” bahagyang nagulantang ang tinawag. “Idudulot na ang tap-pey, Lifuu-o.” Nasa tabi na ni Lifu-o ang asawang si Napat-
a.”
mga teorya

teoryang poo-pooh- Ito ay isang teorya tungkol sa wika na nagsasabi na nagsimula raw ang wika sa pamamagitan ng paglikha ng
tunog na bunga ng matinding damdamin.

teoryang yum-yum- Nilikha ang tao na sadyang may mga bayolohikal na pangangailangan tulad ng hangin, tubig at pagkain. Ang
teoryang ito ay iniluwal ng pagkalam ng sikmura ng tao dala ng nararamdamang gutom. Nakabatay din ito sa stimulus-response
theory kung saan madaling maakit sa pagkain ang isang taong gutom

teoryang bow -wow- sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisay ay ginagaya nila ang tunog na
nilikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, at huni ng ibon.

You might also like