You are on page 1of 8

POSITION

PAPER
IN
ESP
Angelica Josea A. Estonilo
X- ZIRCON

II. PAGPAPATIWAKAL

A. Ang pagpapatiwakal ay sadyang pagkitil ng sariling buhay at naaayon sa kagustuhan. Dapat


may maliwanag na intension ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito
maturing na isang Gawain na pagpapatiwakal.

“Ang pagpapatiwakal ay isang malubhang suliraning pangkalusugan ng bayan.”—David


Satcher, U.S. surgeon general, noong 1999."

ANG pangungusap na iyan ang naging kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan na binanggit


ng isang surgeon general sa Estados Unidos ang pagpapatiwakal bilang isang isyu ng bayan. Parami
nang paraming tao sa bansang iyon ang nagpapakamatay kaysa pinapatay ng ibang tao. Hindi
kataka-taka na ipinahayag ng Senado ng Estados Unidos ang pag-iwas sa pagpapatiwakal bilang
isang pambansang priyoridad.
Gayunman, ang bilang ng pagpapatiwakal sa Estados Unidos, na 11.4 sa bawat 100,000 noong
1997, ay mababa sa pandaigdig na bilang na inilathala ng World Health Organization noong 2000—
16 sa bawat 100,000. Ang bilang ng pagpapatiwakal sa buong daigdig ay tumaas nang
60 porsiyento sa nakalipas na 45 taon. Ngayon, sa loob lamang ng isang taon, mga isang milyon
katao sa buong daigdig ang nagpapatiwakal. Katumbas iyan ng halos isang kamatayan sa bawat 40
segundo! Subalit, hindi lubusang maiuulat ng estadistika ang buong situwasyon. Sa maraming kaso,
ikinakaila ng mga miyembro ng pamilya na ang isang kamatayan ay dahil sa pagpapatiwakal. Isa pa,
tinatayang sa bawat naisagawang pagpapatiwakal, sa pagitan ng 10 at 25 ang tinangka. Natuklasan
ng isang surbey na 27 porsiyento ng mga estudyante sa haiskul sa Estados Unidos ang umamin na
noong nakaraang taon, seryoso nilang pinag-isipan ang pagpapatiwakal; 8 porsiyento sa grupong
sinurbey ang nagsabi na sila’y nagtangkang magpatiwakal. Natuklasan ng iba pang pagsusuri na
mula 5 hanggang 15 porsiyento ng mga nasa hustong gulang ang minsa’y nakapag-isip na
magpatiwakal. Lubhang nagkakaiba-iba ang pangmalas ng mga tao sa pagpapatiwakal. Minamalas
ito ng ilan bilang isang krimen, ng iba bilang isang duwag na pagtakas, at ng iba naman bilang isang
marangal na paraan ng paghingi ng tawad para sa isang malaking pagkakamali. Itinuturing pa nga ito
ng ilan bilang isang marangal na paraan upang isulong ang isang layunin. Bakit ang gayong
pagkakaiba-iba ng pangmalas? Malaking papel ang ginagampanan ng kultura. Sa katunayan,
sinasabi ng The Harvard Mental Health Letter na ang kultura ay maaari pa ngang “makaimpluwensiya
sa posibilidad ng pagpapatiwakal”. “Ang kalakhang bahagi ng desisyong mamatay ay depende sa
pagpapakahulugan sa mga pangyayari,” ang sabi ni Kay Redfield Jamison, propesora ng saykayatri
sa Johns Hopkins University School of Medicine. Sabi pa niya: “Ang karamihan sa mga isipan, kapag
malusog, ay hindi nagpapakahulugan sa anumang pangyayari na gayon na lamang kagrabe upang
magpatiwakal.” Sinabi ni Eve K. Mościcki, ng U.S. National Institute of Mental Health, na maraming
salik—ang ilan sa mga ito ay umiiral at pangunahin subalit hindi halata—ang nagsasama-sama
upang humantong sa pagkilos na umaakay sa pagpapatiwakal. Kabilang sa gayong pangunahing
mga salik ang mga sakit sa isip at pagkasugapa, kayariang henetiko, at kemikal na reaksiyon sa utak.
Isaalang-alang natin ang ilan sa mga ito.
Unang-una sa mga salik na ito ang mga sakit sa isip at pagkasugapa, gaya ng
panlulumo, bipolar mood disorder, schizophrenia, at pag-abuso sa mga inuming de-alkohol o droga.
Ipinakikita ng pananaliksik kapuwa sa Europa at sa Estados Unidos na mahigit sa 90 porsiyento ng
naisagawang mga pagpapatiwakal ay nauugnay sa gayong mga karamdaman. Sa katunayan,
nasumpungan ng mga mananaliksik na Sweko na sa mga lalaking nasuri na walang anumang uri ng
gayong karamdaman, ang dami ng pagpapatiwakal ay 8.3 sa bawat 100,000, subalit sa mga
nanlulumo ito ay lumukso sa 650 sa bawat 100,000! At sinasabi ng mga dalubhasa na ang mga salik
na humahantong sa pagpapatiwakal ay kahawig niyaong sa mga lupain sa Silangan. Gayunman,
kahit ang pagsasama ng panlulumo at mga pangyayaring sanhi ng pagpapakamatay ay hindi
tumitiyak sa pagpapatiwakal.
Si Propesora Jamison, na minsa’y nagtangkang magpatiwakal mismo, ay nagsabi: “Waring natitiis o
nababata ng mga tao ang panlulumo habang naroroon ang paniniwala na bubuti pa ang mga bagay-
bagay.” Gayunman, nasumpungan niya na habang ang dumaraming kabiguan ay hindi na mabata,
unti-unting nanghihina ang kakayahan ng sistema ng isip na pigilan ang mga bugso ng
pagpapatiwakal. Inihahalintulad niya ang kalagayan sa pagnipis ng mga preno sa isang kotse dahil
sa madalas na pagpreno.
Mahalagang kilalanin ang gayong hilig sapagkat nalulunasan ang panlulumo. Ang mga damdamin ng
kawalang-kakayahan ay maaaring baguhin. Kapag nalutas ang pangunahing mga salik, maaaring iba
na ang maging reaksiyon ng mga tao sa mga sama ng loob at mga kaigtingan na kadalasang
nagiging sanhi ng pagpapatiwakal.
Inaakala ng ilan na ang henetikong kayarian ng isa ay maaaring maging isang pangunahing salik sa
maraming pagpapatiwakal. Totoo, ang mga gene ay gumaganap ng papel sa pagtiyak sa disposisyon
ng isa, at isinisiwalat ng mga pagsusuri na ang ilang angkan ng pamilya ay may higit na mga
insidente ng pagpapatiwakal kaysa sa iba. Subalit, “ang henetikong hilig na magpatiwakal ay hindi
nangangahulugan na hindi maiiwasan ang pagpapatiwakal,” sabi ni Jamison.
Maaari ring maging isang pangunahing salik ang kemikal na reaksiyon sa utak. Ang bilyun-
bilyong neuron ng utak ay nakikipagtalastasan sa elektrokemikong paraan. Sa nagsasangang dulo ng
mga himaymay ng mga nerbiyo, may maliliit na agwat na tinatawag na mga synapse kung saan
dinadala ng mga neurotransmitter ang impormasyon sa kemikal na paraan. Ang antas ng isang
neurotransmitter, ang serotonin, ay maaaring nasasangkot sa biyolohikal na kahinaan ng isang tao
na magpatiwakal. Ganito ang paliwanag ng aklat na Inside the Brain: “Ang mababang antas ng
serotonin . . . ay maaaring mag-alis sa kaligayahan ng buhay, anupat nawawalan ng interes ang
isang tao sa kaniyang pag-iral at nadaragdagan ang panganib ng panlulumo at pagpapatiwakal.”
Subalit, ang totoo ay na walang sinuman ang itinalagang magpatiwakal. Napagtatagumpayan ng
milyun-milyong tao ang mga sama ng loob at mga kaigtingan. Ang paraan kung
paano tumutugon ang isipan at puso sa mga panggigipit ang siyang umaakay sa ilan na
magpakamatay. Dapat lutasin hindi lamang ang kasalukuyang mga sanhi kundi ang pangunahing
mga salik din naman.
Kaya, ano ba ang magagawa upang lumikha ng isang mas positibong pangmalas na
magpapanumbalik ng sapat na kasiyahan sa buhay?

B. Sariling pananawa sa isyu.

Hindi maganda ang pag papatiwakal dahil ayon sa bibliya ang pagpapatiwakal ay katapat pag
patay ng tao dahil ito ay pag patay sa sarili. Ang Diyos lamang ang dapat na magdesisyon
kung kailan at paano mamamatay ang isang tao. Kung kukunin mo ang desisyong iyon at
ilalagay mo sa iyong sariling mga kamay, ayon sa Bibliya, ito'y isang pagkutya sa Diyos. Kung
makakaranas ka ng depresyon mag pa konsulta agad sa psychiatric dahil baka ito ay
humantong sa pagpapakamatay o pagpapatiwakal. Kung may kamag anak, kaibigan o
karelasyon ka naman na nakakaranas nito ay agad mo itong kausapin tungkol sa kaniyang
problema para hindi niya ito gawin o kaya alalahanin natin kung pano siya magiging ligtas at
humanap ng mga propsyonal na nakaka alam sa isyung ito. Wala naman gustong
magpakamatay, gusto lang nilang maiwasan ang mapait na naranasan nila o ang mga
problema nila, pero nawawalan sila ng pag asa pakiramdam nila walang may pake sa kanila
walang may gusting makiramay sa kanilang problema kaya nila nagagawa ang
pagpapakamatay.

III. MGA ARGUMENTO SA ISYU.

A. BUOD NG ARGUMENTO.

Pagkakaiba-Iba sa Kultura.

Lubhang nagkakaiba-iba ang pangmalas ng mga tao sa pagpapatiwakal. Minamalas ito ng ilan bilang
isang krimen, ng iba bilang isang duwag na pagtakas, at ng iba naman bilang isang marangal na
paraan ng paghingi ng tawad para sa isang malaking pagkakamali. Itinuturing pa nga ito ng ilan
bilang isang marangal na paraan upang isulong ang isang layunin. Bakit ang gayong pagkakaiba-iba
ng pangmalas? Malaking papel ang ginagampanan ng kultura. Sa katunayan, sinasabi ng The
Harvard Mental Health Letter na ang kultura ay maaari pa ngang “makaimpluwensiya sa posibilidad
ng pagpapatiwakal.”

B. MGA IMPORMASYONG SUMUSOPORTA SA ARGUMENTO.

Isaalang-alang ang isang bansa sa gitnang Europa—ang Hungary. Binabanggit ni Dr. Zoltán Rihmer
ang mataas na bilang ng pagpapatiwakal doon bilang ang “malungkot na ‘tradisyon’ ” ng Hungary.
Sinabi ni Béla Buda, ang direktor ng National Institute for Health sa Hungary, na ang mga taga-
Hungary ay handang-handang magpatiwakal, sa halos anumang dahilan. Ayon kay Buda, isang
karaniwang reaksiyon ang, “May kanser siya—alam niya kung paano wawakasan ang gayong
kalagayan.”
May relihiyosong kaugalian noon sa India na kilalá bilang suttee. Bagaman matagal nang
ipinagbabawal ang kaugaliang ito, kung saan kusang tumatalon ang isang biyuda sa sigáng
pinansunog sa bangkay ng kaniyang asawa, umiiral pa rin ito. Nang isang babae ang iniulat na
nagpatiwakal sa ganitong paraan, pinuri ng mga tagaroon ang trahedya. Ayon sa India Today, ang
rehiyong ito sa India “ay nakasaksi sa halos 25 babae na nagsunog ng kanilang sarili sa sigáng
pinansunog sa bangkay ng kani-kanilang asawa sa loob ng gayunding dami ng taon.”

Kapansin-pansin, tatlong ulit ang dami ng mga buhay sa Hapón ang nasasawi sa pagpapatiwakal
kaysa sa mga aksidente sa trapiko! “Ang tradisyunal na kultura ng Hapón, na hindi kailanman
humahatol sa pagpapatiwakal, ay kilalá sa pagkakaroon ng isang ritwal at pormal na paraan ng
paglalaslas ng sariling tiyan hanggang sa lumabas ang bituka (seppuku, o hara-kiri),” sabi
ng Japan—An Illustrated Encyclopedia.

Sa kaniyang aklat na Bushido—The Soul of Japan, ipinaliwanag ni Inazo Nitobe, na nang maglaon ay
naging pangalawang kalihim panlahat ng Liga ng mga Bansa, ang pagkabighaning ito ng kultura sa
kamatayan. Sumulat siya: “Isang imbensiyon noong Edad Medya, ang [seppuku] ay isang proseso
kung saan ang mga mandirigma ay maaaring mapawalang-sala sa kanilang mga krimen, mapatawad
sa mga pagkakamali, makatakas sa kahihiyan, mawaging-muli ang kanilang mga kaibigan, o
magpatunay sa kanilang kataimtiman.” Bagaman ang ritwal na anyong ito ng pagpapatiwakal ay, sa
pangkalahatan, isang lipas na bagay na, ginagawa pa rin ito ng ilan alang-alang sa epekto nito sa
lipunan.

Sa kabilang panig naman, malaon nang minamalas sa Sangkakristiyanuhan ang pagpapatiwakal


bilang isang krimen. Noong ikaanim at ikapitong siglo, itinitiwalag ng Simbahang Romano Katoliko
ang mga nagpapatiwakal at pinagkakaitan sila ng mga seremonya sa libing. Sa ilang lugar, ang
sigasig sa relihiyon ay nagbunga ng kakatwang mga kaugalian may kinalaman sa pagpapatiwakal—
kasali na ang pagbibitin sa bangkay, at maging ang pagtarak ng isang tulos sa puso.

Balintuna nga, yaong nagtangkang magpatiwakal ay maaaring parusahan ng kamatayan. Sa


pagsisikap na kitlin ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglalaslas ng kaniyang lalamunan, isang
lalaking Ingles noong ika-19 na siglo ang binitay. Sa gayon ay nagawa ng mga awtoridad ang hindi
nagawa ng lalaki. Bagaman ang parusa para sa tangkang pagpapatiwakal ay nagbago sa paglipas
ng panahon, noon lamang 1961 ipinahayag ng Parlamentong Britano na hindi na krimen ang
pagpapatiwakal at tangkang pagpapatiwakal. Nanatili itong krimen sa Ireland hanggang noong 1993.

Sa ngayon, itinataguyod ng ilang awtor ang pagpapatiwakal bilang isang mapagpipilian. Isang aklat
noong 1991 tungkol sa tinulungang pagpapatiwakal para sa mga may taning na ang buhay ang
nagmungkahi ng mga paraan upang wakasan ang buhay ng isa. Nang maglaon, dumami ang mga
taong gumagamit ng isa sa mga iminungkahing paraan bagaman wala namang taning ang buhay
nila.

Pagpapatiwakal nga ba ang talagang lunas sa mga problema ng isa? O may mabubuting dahilan ba
upang patuloy na mabuhay? Bago isaalang-alang ang mga tanong na ito, suriin muna natin kung ano
ang umaakay sa pagpapatiwakal.

C. MGA EBIDENSIYA PARA SA ARGUMENTO .


1. Gayunman, ang bilang ng pagpapatiwakal sa Estados Unidos, na 11.4 sa bawat 100,000 noong
1997, ay mababa sa pandaigdig na bilang na inilathala ng World Health Organization noong 2000—
16 sa bawat 100,000. Ang bilang ng pagpapatiwakal sa buong daigdig ay tumaas nang 60 porsiyento
sa nakalipas na 45 taon. Ngayon, sa loob lamang ng isang taon, mga isang milyon katao sa buong
daigdig ang nagpapatiwakal. Katumbas iyan ng halos isang kamatayan sa bawat 40 segundo!

Subalit, hindi lubusang maiuulat ng estadistika ang buong situwasyon. Sa maraming kaso, ikinakaila
ng mga miyembro ng pamilya na ang isang kamatayan ay dahil sa pagpapatiwakal. Isa pa,
tinatayang sa bawat naisagawang pagpapatiwakal, sa pagitan ng 10 at 25 ang tinangka. Natuklasan
ng isang surbey na 27 porsiyento ng mga estudyante sa haiskul sa Estados Unidos ang umamin na
noong nakaraang taon, seryoso nilang pinag-isipan ang pagpapatiwakal; 8 porsiyento sa grupong
sinurbey ang nagsabi na sila’y nagtangkang magpatiwakal. Natuklasan ng iba pang pagsusuri na
mula 5 hanggang 15 porsiyento ng mga nasa hustong gulang ang minsa’y nakapag-isip na
magpatiwakal.

Ipinakikita ng isang kamakailang surbey sa Britanya na kapag ang mga bata ay dumanas ng
matinding pananakot o pang-aapi, halos pitong ulit na mas malamang na sila’y magtangkang
magpatiwakal. Ang kirot sa damdamin na dinaranas ng mga batang ito ay tunay. Isang 13-anyos na
batang lalaki na nagbigti ang nag-iwan ng isang maikling sulat na bumanggit sa pangalan ng limang
tao na nagpahirap at nangikil pa nga ng pera sa kaniya. “Pakisuyong iligtas ang ibang mga bata,” ang
sulat niya. Maaari namang sikapin ng iba na magpatiwakal kapag sila’y nagkaproblema sa paaralan o
sa batas, dumanas ng kabiguan sa pag-ibig, nakakuha ng mababang marka sa kard, dumanas ng
kaigtingan sa mga eksamen, o nasiraan ng loob dahil sa mga alalahanin tungkol sa hinaharap. Sa
mga kabataan namang may matataas na marka na may hilig na maging mga perpeksiyonista, ang
isang pagkatalo o isang kabiguan—totoo man ito o guniguni—ay maaaring maging dahilan upang
magtangkang magpatiwakal.

IV. ANG SARILING POSISYON SA ISYU.

A. Kapag tinanong ninyo sa isang tao kung naisipan na ba niyang mag-suicide dahil sa
kanyang mga problema, ang maaaring resulta ng inyong tanong ay ang pag-iisip niyang
gawin ito, kahit na malayo ito sa kanyang iniisip bago mo pa siya natanong.

1. Hindi ito totoo, sa totoo lang makakatulong pa tayo kung tayo ay mag tatanong sa mga
nakakaranas nito dahil naiisip nila na mayroong nakakaunawa sa kalagayan nila sa
oras ng kabiguan ng buhay nila. Alam din ng mga taong may ganitong sitwasyon na
may handang makinig na hindi matatakot o malilito kahit na ibahagi ang kanilang
nararamdaman o saloobin.
2. SINA JOHN AT MARY* ay malapit nang mag-60 at nakatira sa isang maliit na bahay
sa kabukiran ng Estados Unidos. Si John ay unti-unting namamatay dahil
sa emphysema at congestive heart failure. Hindi talaga lubos-maisip ni Mary ang
buhay kung wala si John, at hindi niya makayanan ang kirot na nakikita siyang unti-
unting nanghihina, na nangangapos sa paghinga. May mga suliranin din sa kalusugan
si Mary at maraming taon nang nagdurusa dahil sa panlulumo. Nag-aalala si John
nitong bandang huli dahil nagsasalita si Mary ng tungkol sa pagpapatiwakal. Ang
kaniyang pag-iisip ay lalong nagugulumihanan dahil sa panlulumo at sa lahat ng gamot
na iniinom niya. Sinabi niyang hindi niya makakayanan na isiping siya’y mag-iisa.
Maraming gamot sa bahay—mga pildoras para sa
puso, antidepressant, at tranquilizer. Isang madaling araw, si Mary ay nagpunta sa
kusina at basta nagsimula na lang uminom ng mga pildoras. Hindi siya tumigil
hanggang sa nakita siya ni John at inagaw ang mga pildoras mula sa kaniya.
Tinawagan niya ang rescue squad habang unti-unti siyang nakoma. Nananalangin siya
na sana’y hindi pa huli ang lahat.

B. Isang Kasalanan ang pagpapatiwakal.

1. Wag magpatiwakal dahil ito ay isang kasalanan. Wag nating sayangin an gating buhay
dahil lamang sa kawalan ng pag asa malutas ang problema. Hiram lamang natin ang
buhay natin sa diyos kaya wag natin itong sasayangin. Ayon sa aking nabasa ang taong
nag pakamatay ay mapupunta sa impyerno hindi dahil sa pagpapakamatay niya kundi dahil
sa pambabaliwa niya sa kaligtisang pinagkaloob ni kristo. Kaya nanaisin nyo pabang
magpakatiwakal. Isa itong kasalanan sa diyos.

2. Ayon sa Bibliya, kung ang isang tao ay magpakamatay hindi ito ang magtatakda kung
makapapasok ba siya sa langit o hindi. Kung ang isang hindi mananampalataya ay
magpakamatay, wala siyang ginawa kundi ang padaliin ang kanyang pagpunta sa
impyerno. Gayon man, ang taong nagpakamatay ay mapupunta sa impiyerno hindi dahil sa
siya ay nagpakamatay kundi dahil sa pagbalewala niya sa kaligtasang ipinagkakaloob ni
Kristo. Binanggit ng Bibliya ang apat na partikular na mga tao na nagpakamatay: Saul (1
Samuel 31:4), Ahithophel (2 Samuel 17:23), Zimri (1 Hari 16:18), at Judas (Mateo 27:5).
Bawat isa sa kanila ay masama, asal-demonyo, at makasalanan. Itinuturing ng Bibliya ang
pagpapakamatay na kapantay ng pagpatay sa tao (murder) - dahil ito'y pagpatay sa sarili.
Ang Diyos lamang ang dapat na magdesisyon kung kailan at paano mamamatay ang isang
tao. Kung kukunin mo ang desisyong iyon at ilalagay mo sa iyong sariling mga kamay,
ayon sa Bibliya, ito'y isang pagkutya sa Diyos.

C. Isa sa pinakamalaking dahilan ng pagpapatiwakal sa isang bansa ang kahirapan.

1. Hindi rin po ito totoo. Ang kahirapan ay hindi malaking dahilan ng pagpapatiwakal. Kagaya
ng depression, natatamaan ang lahat ng socio-economic status, at ang pagiging mayaman ay
hindi garantiyang hindi magpapakamatay o hindi magiging depressed ang isang tao. Kahit po
pag-aralan ang mga dahilan ng suicide, hindi sumasang-ayon ang mga pananaliksik na ang
kahirapan ay dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao. Ang kahirapan, kung sa pera lang ang
pinaguusapan, ay hindi sapat na dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao. Ang tunay na
kahirapan (poverty) na maaaring maging epekto sa mga nagpapakamatay ay ang kakulangan
ng gabay at pagmamahal sa kaniya ng pamilya o mga nakapaligid sa kaniya. Marahil ang
maling paniniwalang ito’y ay dahil sa impluwensya ng media. Minsan ang ang responsable sa
maling paniniwalang ganito. Isang dahilan ay ang mga kuwento tungkol sa suicide ay
siguradong makakakuha ng maraming mambabasa (“good copy”). Para tumaas ang interes sa
storya, naghahanap ang iilang mga babasahin (newspapers, magazines) ng mga storyang
talagang nakakaiyak, nakaka awa at tumatama talaga sa puso. Isa sa mga iyon ay ang
sobrang kahirapan ng taong nagpakamatay.

IV. KONKLUSYON
A. Buod ng posisyon.
Dapat nating kausapin ang mga magpapatiwakal sapagkat makaka sagip pa tayo ng buhay
n gating kapwa. Wag nating isipin na tayo ay makakadagdag pa sa kanila dahil iisipin nila
kapag may kumausap sa kanila tungkol dito ay may nag mamalasakit pa pala sa kanila at
may nag aalala at maari nilang hindi nag win ito. Kasalanan ang pagpapatiwakal dahil
katapat nito ay pag patay sa tao dahil ito ay pag patay sa sarili at ito ay kasalanan sa diyos
kaya wag natin ito gagawin kung ayaw nating tayo ay malayo sa diyos. Isa daw sa dahilan
ng pag papatiwkal ay ang kahirapan hindi ito totoo dahil hindi ito sapat na dahilan para
magpakamatay.
B. Para maiwasan ang ganitong sitwasyon dapat tayo ay lumayo sa mga negative vibes at sa
mga nakakapag papabab n gating confidence at kung Malala na ito dapat na mag patingin
sa psychiatrist para ang isipan ay malinawagan.

v. SANGGUNIAN
http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102001761

https://www.gotquestions.org/Tagalog/pagpapakamatay-Kristiyano.html

https://dobolp.com/2015/01/29/teen-suicide-laganap-sa-buong-mundo/

http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102000121

http://mshorizonchasernghappymorning.blogspot.com/2014/09/magpakamatay-paano-ito-maiiwasan.html

You might also like