You are on page 1of 1

FILIPINO 7


I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong


Adarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang


saknong ng koridong naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino.
Kasanayang
Pampagkatuto: a. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa aralin.
 b. Nabubuo ang
iba't ibang anyo ng salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit at
pagtatambal.
 c. Nakapagmumungkahi ng ankop na solusyon para sa mga
pagsubok o suliraning nakalahad

 II. Paksang-Aralin
 Paksa: Ibong Adarna(Ang Pagtungo at mga Hamong Kinaharap ni Don
Juan sa Reyno delos Cristales)
 Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7

Kagamitan: Manila paper, bond paper

III. PAMAMARAAN
 A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
 b. Pagtsek ng atendans
 c. Pagbabalik aral-
magtatawag ang guro ng mag-aaral na magbabahagi ng kanilang natutunan at tinalakay noong
nakaraang pag-aaral.
 B. Pagganyak
 -Lahat ng tao ay nakararanas ng mga pagsubok
o suliranin sa buhay. Ang mga pagsubok o problemang dumarating sa ating buhay ay
pinahihintulutang mangyari ng Diyos na makapangyarihan para sa isang tiyak na layunin. 

- Magtala ka ng tatlong mabibigat na pagsubok na naranasan mo o ng inyong pamilya.
Itala mo kung paano mo o ninyo nalutas at itala din ang gintong aral na iyong natutuhan mula sa
mga pagsubok na inyong naranasan.
 C. Paglalahad
 - Ngayon klas ay alamin natin
kung paano napagtagumpayang muli ni Don Juan ang pagsubok na naranasan niya at kung
paanong ang pagtitiwala sa Diyos ang naging gabay niya sa mga pagsubok na ito.
 D.
Pagtatalakay
 1. Babasahin ng may pag-unawa ang ilang saknong na bahagi ng ibong adarna.

a. Ang paglalakbay ni Don Juan
 b. Sa dulo ng Paghihirap
 c. Pagpapatuloy ng mga
pagsubok
 2. Sasagutin ang mga gabay na tanong para sa lubos na pag-unawa sa bahagi ng
akda. 
 E. Paglalahat
 -magtatawag ang guro ng magbubuod sa tinalakay na bahagi ng
akda.
 F. Paglalapat
 -Pagbuo ng iba't ibang anyo ng salita sa pamamagitan ng
paglalapi, pag-uulit at pagtatambal.
Panuto: Punan ang talahanayan ng ankop na mga salita sa
pamamagitan ng pagbuo ng iba't ibang anyo o kayarian ng salita mula sa salitang ugat na
nakatala sa bawat bilang.
IV. PAGTATAYA
 - Sa pamamagitan ng estratehiyang Read and React ay ipahayag ang
iyong saloobin kung ano ang gagawin upang masolusyunan ang sumusunod na mga pagsubok na
dumarating sa buhay ng isang tao o pamilya.
V. KASUNDUAN
 - Pumili ng isang pangunahing isyung panlipunan na iyong napanood sa
mga nagdaang araw. Gumupit o kumuha ng mga larawan sa diyaryo, magasin o internet upang
makapagsagawa ka ng malalim na paglalahad hinggil sa ginagawa ng pamahalaan lalo na sa
kasalukuyang pinuno ng bansa upang masolusyonan ang mga problemang ito. 


You might also like