You are on page 1of 3

12 Bilang ng Aralin at Paksa : Aralin 9 – Ang Bunga ng Inggit (Mga Saknong 232-274)

Layunin: Sa panahon ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang :

a. Makasasagot nang may pag-unawa sa mga tanong at pagsasanay kaugnay ng binasa;


b. Makapaglalahad ng mga kaisipan, kuru-kuro, o opinyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa
larawan o picture analysis;
c. Mailalarawan ang mahalagang tauhan sa akda gamit ang Thinking Eridium Map.
.
PAGLALAHAD NG LEKSIYON

A. Estratehiyang Presentasyon

Pangunahing Katanungan:

Para sa iyo, paano nakahahadlang sa pagtatagumpay ang pagkainggit sa


kapwa?
a. Panimulang Gawain:

- Ipapakita ng guro ang isang larawan. Gamit ang estratehiyang Think-Pair-Share


hayaang pag-usapan ng mga mag-aaral ang sumusunod na mga tanong:
 Ano ang nakita ninyo sa larawan?
- Talakayin ang nabuong kaisipan sa mga mag-aaral at hayaan silang magbigay
ng kanilang sariling opinyon.

B. Estratehiyang Paglalahad

 Tatalakayin ng malaliman ang “ Ang Bunga ng Inggit” (Mga Saknong 232-274)

1. Pagbibigay ng Tanong Pagganyak

- Ano ang sanhi ng pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego sa kanilang bunsong
kapatid na si Don Juan?

2. Pagbuo ng Graphic Organizer

- Pangkating muli ang mga mag-aaral. Hayaang isa-isahin nila ang mga katangian ng
tatlong prinsipe sa kwento.

C. Paghubog Patigayon : Paulinian Core Value: Community;Attitude: Pakikipagkapwa

Sa edad mong iyan ay napakalakas ng tinatawag na peer pressure. Paano mo


maiiwasan o mapaglalabanan ang masasamang impluwensya sa iyong kapaligiran?
Maglahad ng limang paraan.

Sintesis

Magtatawag ng dalawang mag-aaral upang maglahad sa klase ng kanilang natutunan sa


talakayan.

EBALWASYON:
Ang ebalwasyun ay makikita sa pagbuo ng graphic organizer.

KASUNDUAN:

13 Bilang ng Aralin at Paksa : Aralin 10 – Ang Dalangin ng Bunsong Anak sa Gitna ng


Paghihirap (Mga Saknong 275-317)

Layunin : Sa panahon ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang :

a. Makapagsusuri ng kawastuhan ng pahayag sa pagkakagamit ng mga bagong salita


sa pangungusap;
b. Makapagbubuo ng isang Journal Entry tungkol sa mabigat na pagsubok na kanilang
naranasan at kung paano nila napagtagumpayan ang pagsubok na ito;
c. Makapagsulat ng isang panalanging humihingi ng kaligtasan para sa mga mahal sa
buhay.

PAGLALAHAD NG LEKSIYON

Pangunahing katanungan:
Paano magiging magaan ang pagharap sa mga suliranin sa buhay?

A. Panimulang Gawain:

- Papangkatin ang klase sa lima at pagkatapos ay iparinig sa kanila ang


awit na “Pagsubok” na inawit ng Orient Pearl. Gamit ang estratehiyang
Generative Theme atasan silang bumuo o gumuhit ng larawan o
simbolong lumalagom sa mensahe ng awit. Pasagutan sa bawat
pangkat ang tanong: Sa iyong palagay, bakit pinahihintulutan ng Diyos
ang mga pagsubok na dumating sa buhay ng tao? Bilang kabataan
paano mo hinaharap ang mabibigat na pagsubok na iyong naranasan?
Gamit ang Numbered-Heads Together, tatawag ang guro ng isang
representanti sa bawat pangkat na magbabahagi ng kanilang ginawa.

A. Estratehiyang Paglalahad

1. Pagbibigay ng Tanong Pagganyak

- Ilarawan ang naging kalagayan ni Don Juan habang siya ay nasa lugmok na
kalagayan. Ano ang kanyang naging pangunahing himutok at panawagan?
2. Pagbasa sa Akda
- Ang guro ang babasa ng akda (Read Aloud Strategy) at masusing makikinig
ang mga mag-aaral.
- Bilang pagpapatibay sa magagandang-aral na makukuha sa akdang
tinalakay, itanong sa mga mag-aaral ang: Paano magiging magaan ang
Sintesis
Ang Diyos ay tumutugon sa ating panalangin. Palakasin ang pananalig sa kanya, dahil hindi
tayo kai anman pababayaan ng ating Panginoon. Maging positibo ang pananaw sa buhay at
pananalig para malampasan ang problema sa buhay.

EBALWASYON
Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong sa ibaba. Ipasulat sa isang buong
papel ang kanilang sagot.

Ipinakita sa aralin na ang Diyos ay tumutugon sa ating mga


panalangin at kumikilos Siya sa tamang panahon. Alin-alin sa iyong
karanasan ang magpapatunay na ang Diyos ay mabuti at kailanman ay
hindi Siya nagpapabaya?

KASUNDUAN

You might also like