Professional Documents
Culture Documents
Complaint-Affidavit - Annalyn Yulo
Complaint-Affidavit - Annalyn Yulo
Department of Justice
National Prosecution Office
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
City of Antipolo
ANALYN M. YULO,
Nagrereklamo,
Ika-2 ng Mayo 2019, 5:00 ng hapon, palabas ako ng gate nang narinig ko na
sinigawan ako ni Zarah Jane Baylon na, “hoy pokpok!! Putangina mo!!” Hindi ko po
pinansin hanggang lumapit po ito kasama sina John Lloyd Baylon at Jennylyn Baylon.
Muli ay sinabi ni Zarah Jane Baylon na, “Hoy Ana!! Putangina ka ano!! Anong pinagsasabi
mo kay Angeline Solomon?” Sinabi ko po nawala akong sinasabi pero kung gusto niya ay
1
pwede kami mag-usap sa harap ni Angeline upang magkalinawan. Pag talikod ko,
hindi pa ako naka-isang hakbang ay biglang hinila ni Zarah Jane Baylon ang aking
buhok. Napahiga ako at nakadagan ito sakin. Nang mga oras na iyon ay naipit ang bag
ko sa gitna namin na laman ay ang aking dalawang cellular phone at wallet. At dahil sa
pagkaipit ay ayaw na gumana ng isa kong cellular phone na nagkakahalaga na Walong
Libong Piso (P8,000.00). Habang nasa semento ako ay hinihila din nina Jennylyn
Baylon at John Lloyd Baylon ang aking buhok at sinasapak ako sa ulo at mukha
habang minumura nila akong tatlo. Sinabi pa ni John Lloyd na“Putangina ka! Bagay sayo
‘yan!” Hanggang inawat sila ng ilang kapit-bahay at bago awatin ay akmang sisipain
ako sa ulo ni John Lloyd Baylon. Nagtamo ako ng mga sugat at pasa sa muka at braso
dahil sa pambubugbog nina Zarah Jane, John Lloyd at Jennylyn sakin. Bilang patunay
ay kalakip ang larawan ng aking mga sugat at pasa bilang Annexes A to A-11. Agad
din ako nagpa-medical at binigyan ako ng Medical Certificate, ang kopya ay kalakip
bilang Annex B.
Ginawa ko ang salaysay na ito upang patotohanan ang lahat ng nakasaad dito.
Sumusumpa din ako na walang ibang sinampang reklamo laban kayna ZARAH
JANE BAYLON, JOHN LLOYD BAYLON at JENNYLYN BAYLON hinggil
sa pangyayaring nakasaad ditto sa korte o saan man ahensya ng gobyerno.
ANALYN M. YULO
Nagsasalaysay
CERTIFICATION
I hereby certify that I personally examined the affiant and that I am satisfied
that he voluntarily executed and understood his complaint-affidavit.