You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Justice
National Prosecution Office
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
City of Antipolo

ANALYN M. YULO,
Nagrereklamo,

-versus- NPS Docket No. ________

ZARAH JANE BAYLON, JOHN


LLOYD BAYLON at JENNYLYN
BAYLON,
Nirereklamo.
x-------------------------------------------------x

SINUMPAANG SALAYSAY NG PAGREREKLAMO

Ako, si ANALYN M. YULO, nasa wastong gulang, Pilipino at nakatira sa 27


Celestino Compound, Bgy. Dalig 3, Antipolo City, Rizal, matapos manumpa ng ayon
sa batas ay kusang-loob na nagsasalaysay na:

Ang nirereklamo ko na sina ZARAH JANE BAYLON, nasa wastong gulang,


JOHN LLOYD, labing-pitong taong gulang, BAYLON at JENNYLYN
BAYLON, nasa wastong gulang, mga Pilipino at residente ng 27 Celestino
Compound, Bgy. Dalig 3, Antipolo City, Rizal, kung saan maari siyang padalan ng
subpoena at iba pang proseso ng Kagalang-galang na Opisina ng Tiga-Usig ng
Lungsod ng Antipolo.

Ika-27 ng Abril 2019, bandang 12:00 ng tanghali, habang kausap ko si Vic


Baylon sa labas ng bahay tungkol sa bill ng kuryente na hindi nila mabayaran ay
sumigaw si Jennylyn Baylon na, “Papa, wag ka nang makipag-usap dyan at walang
kwentaiyan!” Dinagdagan pa nito na, “Wala kang kwenta!! Kapal ng mukha mo!! Pokpok!
Ang pangetmo!!!” Napahiya po ako dahil narinig ng aming mga kapit-bahay subalit hindi
nalang ako pumatol upang wag na lumaki.

Ika-28, 29 at 30 ng Abril 2019 ay patuloy padin ang pagpaparinig nina


Jennylyn Baylon at John Lloyd Baylon ng “pokpok,” “panget” at kesyo“nagpapagalaw sa
kung sino sinong tao” tuwing dadaan ako na madaming nakakarinig.

Ika-28 ng Abril 2019, habang kami ang nagvo-volleyball ay nag-lineman si


John Lloyd Baylon. Nang napunta ang bola ng kalaban sa labas ng court ay sinabi nito
na“inside” kaya’t napatanong ako na hindi po ba ay out na iyon? Sinigawan ako nito
na“gusto mo ikaw na dito! Bobo ka pala eh!”

Ika-2 ng Mayo 2019, 5:00 ng hapon, palabas ako ng gate nang narinig ko na
sinigawan ako ni Zarah Jane Baylon na, “hoy pokpok!! Putangina mo!!” Hindi ko po
pinansin hanggang lumapit po ito kasama sina John Lloyd Baylon at Jennylyn Baylon.
Muli ay sinabi ni Zarah Jane Baylon na, “Hoy Ana!! Putangina ka ano!! Anong pinagsasabi
mo kay Angeline Solomon?” Sinabi ko po nawala akong sinasabi pero kung gusto niya ay
1
pwede kami mag-usap sa harap ni Angeline upang magkalinawan. Pag talikod ko,
hindi pa ako naka-isang hakbang ay biglang hinila ni Zarah Jane Baylon ang aking
buhok. Napahiga ako at nakadagan ito sakin. Nang mga oras na iyon ay naipit ang bag
ko sa gitna namin na laman ay ang aking dalawang cellular phone at wallet. At dahil sa
pagkaipit ay ayaw na gumana ng isa kong cellular phone na nagkakahalaga na Walong
Libong Piso (P8,000.00). Habang nasa semento ako ay hinihila din nina Jennylyn
Baylon at John Lloyd Baylon ang aking buhok at sinasapak ako sa ulo at mukha
habang minumura nila akong tatlo. Sinabi pa ni John Lloyd na“Putangina ka! Bagay sayo
‘yan!” Hanggang inawat sila ng ilang kapit-bahay at bago awatin ay akmang sisipain
ako sa ulo ni John Lloyd Baylon. Nagtamo ako ng mga sugat at pasa sa muka at braso
dahil sa pambubugbog nina Zarah Jane, John Lloyd at Jennylyn sakin. Bilang patunay
ay kalakip ang larawan ng aking mga sugat at pasa bilang Annexes A to A-11. Agad
din ako nagpa-medical at binigyan ako ng Medical Certificate, ang kopya ay kalakip
bilang Annex B.

Kinabukasan, ika-3 ng Mayo 2019, ay naghain ako ng reklamo sa Barangay


Lupon ng Barangay Dalig, Dahil hindi kami nagkaayos ay binigyan ako ng Certificate
to File Action. Bilang patunay ay kalakip ang Sumbong, Paanyaya at Certificate to File
Action bilang Annex C and series.

Dahil sa ginawa nina ZARAH JANE BAYLON, JOHN LLOYD


BAYLON at JENNYLYN BAYLON sakin na pananakit, pagmumura at
panghihiya ay hinahabla ko siya ng mga kasong Physical Injuries at Unjust Vexation.

Ginawa ko ang salaysay na ito upang patotohanan ang lahat ng nakasaad dito.
Sumusumpa din ako na walang ibang sinampang reklamo laban kayna ZARAH
JANE BAYLON, JOHN LLOYD BAYLON at JENNYLYN BAYLON hinggil
sa pangyayaring nakasaad ditto sa korte o saan man ahensya ng gobyerno.

BILANG KATUNAYANNG LAHAT, ako ay lumalagda ngayong ika-__ ng


Hulyo 2019 sa Lungsod ng Antipolo, Probinsya ng Rizal.

ANALYN M. YULO
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this __ day of July 2019 in


Antipolo City.

HON. CITY PROSECUTOR

CERTIFICATION

I hereby certify that I personally examined the affiant and that I am satisfied
that he voluntarily executed and understood his complaint-affidavit.

HON. CITY PROSECUTOR

You might also like