You are on page 1of 2

Si Melchora Aquino (kapanganakan 6 Enero 1812, kamatayan 2 Marso 1919) o Tandang Sora ay hindi

nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya
na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa
Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang
pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.

Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio at may anim na anak. Namatay si Ginoong
Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang
nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.

Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit
na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at
pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa
kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at
pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng
dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae
o lalaki.

Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli
at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na
ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang
dukha at namatay sa karalitaan noong 2 Marso 1919.

Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino,
Tandang Sora, Lungsod ng QuS

Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay isang Pilipinong makabayan at
rebolusyonaryo. Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo
ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.[2][3] Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan
bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala.[4][5]ezon). Noong 7 Hulyo 1892,
isang araw pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay Rizal, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa ang
Katipunan, o kapag binuo ay Kataastaasang Kagalanggalangang[6] Katipunan ng mga Anak ng Bayan.[7]
Ang lihim na samahan ay naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong
himagsikan.[8][9]

Sa loob ng lipunan, nabuo ang pagkakaibigan nila Emilio Jacinto, na naglingkod bílang kaniyang tagapayo
at katiwala, at bílang kasapi rin ng Kataastaasang Lupon. Ginamit ni Bonifacio ang Kartilya ni Jacinto
bílang opisyal na panturo sa samahan bílang kapalit ng kaniyang dekalogo, na ayon sa kaniya ay mabábà
kung ihahambing sa gawa ni Jacinto.

Ang mabilis na mga kilos ng Katipunan ang nagbigay ng hinala sa mga Kastila. Noong unang bahagi ng
1896, ang mga intelehensiyang Kastila ay alam na pagkakatatag ng lihim na samahán, at ang mga
pinaghihinalaang mga kasapi ay minatyagan at pinag-aaresto. Noong ika-3 ng Mayo, nagsagawa ng
pangkahatalang asemblea ng mga pinuno ng Katipunan sa Pasig, kung saan pinagdebatehan nila kung
kailan magsisimula ang paghihimagsik. Habang nais ni Bonifacio na magsimula ang pag-aalsa sa lalong
madaling panahon, nagpahayag ng pagpapasubali si Emilio Aguinaldo ng Cavite dahil sa kawalan ng mga
armas. Ang napagkasunduan ay sumangguni muna kay José Rizal sa Dapitan bago pasimulan ang
kanilang mga kilos, kayâ pinadala ni Bonifacio si Pio Valenzuela kay Rizal, na salungat sa hindi pa
handang pag-aaklas at nagpayong magdagdag pa ng paghahanda.[10]

Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Tondo, Maynila at ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at
Josefa Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran, at lumaon at lumipat sa Unibersidad ng
Santo Tomas upang mag-aral ng abogasiya. Naging kamag-aral niya rito sina Manuel Quezon at Sergio
Osmeña. Hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na 17, si Emilio Jacinto ang pinakabata sa
lihim na samahan na tinawag na Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping pampiskalya at kalihim
ni Andrés Bonifacio. Lumaon ay nakilala siya bilang Utak ng Katipunan. Inatasan siya ni Bonifacio na
mamuno sa Laguna. Siya ay nakasulat ng mga akda tulad ng A Mi Patria at ang Kartilya ng Katipunan.
Siya rin ay isa sa mga sumulat ng pahayagan ng Katipunan na tinatawag na Kalayaan. Sumulat siya sa
pangalang "Dimasilaw" at ginamit ang alyas na "Pingkian" sa Katipunan.

Namatay sa sakit na malarya si Jacinto noong 16 Abril 1899 sa Magdalena, Laguna.

You might also like