You are on page 1of 58

1|Page

I. Kaligiran ng Pananaliksik

A. Panimula

Sa kasalukuyang panahon ngayon, sa ating mundong

ginagalawan ay hindi imposible ang patuloy na pagusbong

natin sa larangan ng teknolohiya. Halos lahat ng tao ay

gumagamit nito at isa na doon ay ang paggamit ng kompyuter,

smartphone at mga tablet o ipad. Sa isang pindot lang ay

mapapabilis na ang komunikasyon sa ibang tao, mapalapit o

mapalayo man ay maaari nang makipagkomunikasyon dahil sa

social media sites. Nagiging parte ng isang tao ang paggamit

ng social networking sites dahil maidudulot itong maganda para

sa atin lalo na sa mga kabataan, Dahil sa malakas nitong

impluwensya, marami sa mga kabataan ngayon lalo na ang

mga sekondarya at kolehiyo ang lubos na nahuhumaling dito.

Wala na yatang kabataan ngayon ang walang account sa mga

nabangit na social media sites, o di kaya ay pamilyar dito. Isa sa

mabuting epekto niyo ay ang easy access o madaling paraan

upang makapaglaganap o makapag bahagi ng impormasyon,

mga balita na interesado ang lahat na malaman, kagaya ng

suspensyon ng klase, mga balita tungkol sa gobyerno o mga

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
2|Page

artikulo o babasahin na marami tayong matututunan. Maraming

rin na epekto sa ating pag-uugali ang mga social networking

sites pero sa kabilang banda kung gagamitin natin ito sa maling

paraan ay magkakaroon ito ng masamang dulot para sa atin.

Ang social networking sites ay dapat gamitin nang mabuti at sa

maayos na pamamaraan. Ito rin ay isang daan tungo sa mabuti

at maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa

pagaaral. Hindi lamang ito pangsosyal na pakikipaghalubilo

gamit ang internet kundi isang magandang paraan din ng

maayos na pakikipag-transaksyon sa iba’t ibang sangay ng

kalakal o negosyo para sa karamihan. Ang social networking

sites din ay kumokonekta sa milyong milyong tao sa buong

mundo kaya di malayong mangyari na magkaroon ng iba’t

ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng transaksyon

gamit ito. Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na

pag-usbong ng teknolohiya, hindi na mapipigilan ang pagdami

ng mga taong nagiging kasapi ng mga ito, Sa kabila ng mga

negatibong epekto nito masasabing malaki ang tulong nito sa

tao, lalo sa kabataan ngayon. Gayun din ang hindi pag-alam ng

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
3|Page

kung anong masamang maidudulot nito sa mga gumagamit

depende sa sites na sinalihan.

Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang

mga malalayong kamag-anak at kaibigan nang wala

masyadong nagagastos at sa mabilis na transaksyon, ngunit

pagdating ng mga epekto nito sa isang estudyante,

magbabago ang daloy ng pakikisama nila. Ang social media

sites ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga akala o

masasabi nating sa pamamagitan ng networking websites na ito

ay nagkakaroon sila ng malalayong relasyon o long distance

relationship. Hindi ito maiiwasan ngayong marami ng

magandang naidudulot ang teknolohiya sa buhay ng bawat

tao.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
4|Page

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa

kung paano ang mga kabataan mula Sekondarya hanggang

Kolehiyo ay naapektuhan ng Social Networking Sites at

naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit nahuhumaling ang mga kabataan partikular ang

sekondarya at mga kolehiyo sa social networking sites?

2. Ano ang mga pangunahing Social Media na

kinahuhumalingan ng mga kabataang nasa sekondarya at

kolehiyo? Bakit nahuhumaling sila sa mga nasabing Social

Media?

3. Ano pa ang kanilang nalalaman sa mga Social Networking

Sites?

4. Ano ang mga negatibong epekto ng social networking sites

sa kabataang nasa Sekondarya at Kolehiyo?

5. Ano ang mabuting pakinabang nito para sa kabataan nasa

Sekondarya at Kolehiyo?

6. Ano ang epekto ng sobrang paggamit ng social networking

sites?

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
5|Page

C. Layunin ng Pagaaral

Ang social media ay isang uri ng pakikipag-ugnayan sa

pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Nagagawa nitong

maiugnay ang mga tao mula sa malalayong lugar. Sa

kasalukuyang panahon, ang paksang tungkol sa social media

ay mahalaga sa paghatid ng impormasyon, sa mga taong

nahuhumaling sa pagtangkilik partikular na sa mga estudyante.

Sapagkat, sa pamamagitan ng napakaraming sites na

umuusbong, napakarami ring impormasyon at kaalaman ang

kanilang natutuklasan sa simpleng pagbisita nila sa sites na ito.

Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang

mga estudyante sa ngayon tungkol sa social media na

karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na

ipabatid sa mga estudyante ang mga epekto ng social media,

positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral.

Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang

solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang

pagkahumaling ng mga estudyante sa social media.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
6|Page

Sa pagsisimula na pag-aaral na ito, nais malaman ng

mananaliksik ang masama at mabuting epekto ng paggamit ng

mga social networking websites sa mga unang taon sa

sekondarya hanggang sa ikaapat na taon sa kolehiyo na galing

sa ibat ibang paaralan o unibersidad. Sa tulong ng aming

pananaliksik at pangangalap ng mga datos ay nais naming

maipakita:

 Pangkalahatan:

Para makatulong sa mundo ng social science at maipaalam

sa mga tao ang magaganda at mabubuting epekto na

naidudulot ng pagsali sa mga social media sites ng mga

kabataan particular ang sekondarya at kolehiyo.

 Tiyak:

 Para maobserbahan ang madalas na ginagamit na

social networking website, ang oras na iginigugugol

dito at mga personal na impormasyon na ibinabahagi

nila dito.

 Para malaman kung ang social network site na

ginagamit ay pribado o pampubliko, ang kadahilanan

sa pagpili nito at posibleng maging bunga nito.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
7|Page

 Para malaman ang pananaw at kamuwangan ang

mga estudyante sa kasalukuyang umiiral na problema

tungkol sa madals na paggamit ang social networking

websites.

 Para maisalin ang talino, sipag, tiyaga at pagiintindi ng

mga mananaliksik habang ginagawa ang pag-aaral

na ito.

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahalagahan sa Mag-aaral:

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa

dahilang para malaman nila kung nakakabuti o nakakasama

ang paggamit ng social networking sites sa kanilang araw araw

na buhay sa bilang estudyante.

Kahalagahan sa Guro:

Mahalaga sa mga guro ang pag-aaral na ito sa dahilang

para malaman nila kung ano ang dahilan sa pagbaba o

pagtaas ng mga grado ng kanilang mag-aaral. Nakakatulong

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
8|Page

din ito kung paano nila masusubaybayan o magagagabayan

ang kanilang mga estudyante pagdating sa mga ganitong

diskusyon partikular ang social media.

Kahalagahan sa Paaralan:

Mahalaga ito sa bawat eskwelahan sa paraan para

magkaroon ng malawakang kaisipan sa usaping Social Media at

makasabay ang bawat isa sa loob ng paaralan ukol sa pagbilis

na pagtakbo ng teknolohiya sa kasalukuyang panahon

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
9|Page

E. Batayang Konseptwal

Sa pagkakaroon ng pag-
Sa pamamahagi ng aaral ukol dito,
Pagkakaroon ng
mga 'survey forms' sa malalaman kung paano
malawakang pagkalat
mga kabataan makakatulong sa
ng mga 'survey form' sa
maging sa mga guro, kaalaman ng bawat
mga kabataang nasa
matutukoy ang mag-aaral maging guro
sekondarya at kolehiyo at paaralan at malinaw
malalim na pag-aaral
ukol sa kanilang na ideya ukol sa
at ang datos ukol sa
paggamit sa mga napapanohong
aspetong epekto ng
social networking sites. teknolohiya partikular na
social media sites.
ang social media.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
10 | P a g e

F. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy lamang sa mga epekto ng

social networking sites sa mga estudyanteng nasa sekondarya at

kolehiyo, ang mga respondante nito ay limitado lamang sa mga

piling mag-aaral at mga guro sa sekondarya at kolehiyo na

naapektuhan ng Social Networking Sites. Gayunpaman, ang

layunin ng pagsusuring ito ay alamin ang impluwensya at epekto

nito sa mambabasa

G. Kahulugan at Katawagan

 Ang Facebook ay isang social networking sites na maari

kang makipag komunika sa mga taong malalayo.

 Ang Twitter ay isa ring social networking site na maari kang

magpost ng litrato, mensahe.Kung saan pwede mo ifollow

o sundan ang profile ng mga iniidolo mong artista o hilig.

 Ang tumblr ay isa ring social networking site na maari kang

mapost ng mga larawan, mensahe at maaari mong i-

follow o masundan ang iyong mga hilig at interes.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
11 | P a g e

 Ang Yahoo naman ay isang email sending website na

maari kang mag-dagdag ng contacts mo na

mapapadalhan mo ng mensahe gamit ang e-mail.

 Ang Social Networking Sites ay mga website na maaring

mapuntahan o masalihan sa pamamagitan ng internet,

nakakatulong ito sa komunikasyon ng tao.

 Ang account naman sa social networking sites ay ang

iyong sariling o personal na space sa mga social

networking sites.

 Ang Link ay nagsisilbing ungnayan o daluyan sa ibang

website.

 Ang Selfie ay isang makabagong salita na tawag ng mga

kabataan ngayon sa iyong sariling litrato.

 Ang Cyberbully mga tao na nanghaharas o gumagamit

ng mga masasakit na salita laban sa ibang tao sa

pamamagitan ng teknnolohiya o ng internet.

 Ang internet ay isang tsanel ng kung saan madalian kang

makakasagap ng impormasyon at madali ding

makakapag-bigay nito.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
12 | P a g e

 Ang add-as-friend sa Facebook ay isang proseso sa mga

networking sites kung saan maari kang makipag-ugnay sa

iba pang tao na mayroon account.

 Ang deactivate naman sa Facebook ay ang pagtangal o

pagsawalang bahala ng iyong account. Upang wala ng

iba pang makakita nito.

 Ang Profile naman sa mga networking sites ay ang iyong

personal na impormayson na maaring makita ng kahit na

sinong nakakaugnay mo sa networking sites. Litrato ng

may ari ng account at mga aktibidad nya ang makikita

dito.

 Ang Easy Access ay ang madaliang pagkuha o proseso ng

kahit na anong gawain.

 Ang Freedom of Speech naman ay ang kalayaan ng kahit

na sino na maipahayan ang kanyang saloobin, damdamin

o opinion.

 Ang Epekto ay ang resulta ng isang gawain o mga bagay.

 Ang artikulo ay isang sulatin na makikita sa mga dyaryo

magasin at sa internet.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
13 | P a g e

 Ang Website(s) ay isang lokasyon sa internet kung saan

naimimintina ang mga pahina sa World Wide Web.

 Ang Tsanel ay isang daluyan.

 Ang Impluwensya ay ang kapasidad o epekto ng isang

bagay sa tao o epekto ng isang tao sa kanyang

nakakasama.

 Ang Pagkritika ay kagaya lamang ng pamimintas. O

paghahanaap ng mali sa ibang tao.

 Ang Contact Number ay ang numbero ng isang partikular

na tao kung saan maari mo silang makaugnayan,

mapadalhan ng mensahe at matawagan.

 Ang Depresyon ay ang pakiramdam ng pagbaba ng

tingin sa iyong sarili o kawalan ng pag-asa sa mga bagay

bagay.

 Ang Text Message ay ang mensahe na maaring

maipadala sa pamamagitan ng mga telepono.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
14 | P a g e

II. Mga Kaugnayan na Literatura at Pag-aaral

Mga Kaugnay na Pag-aaral:

Kasaysayan ng Social Networking Site

Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na

magkakaugnay ay maaaring maging basehan para sa

interaksyong sosyal na computer-mediated. Ito ay bungang “The

Network Nation” ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na nagdulot

ng pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikipaghalubilo.

Nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng

isang social network o SN na nangangalang Classmates.com,

isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay

makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sa

kindergarden o sa kolehiyo man at mapanatili ang

komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang media releasing

Oregon State University (2007), si Randy Conrads ang gumawa

ng websayt na ito. Sa karagdagan, sinabi ng Classmates.com na

ang kumpanyang ito ay pinagkikita muli ang mga residente ng

Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o

kasama nila noong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
15 | P a g e

ang mga kasama nila sa militar. Noong taong 1995, nagkaroon

ng mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa SN na ito.

Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking

sites ay mga serbisyong Web-based na nagbibigay sa mga

indibiwal para bumuo ng isang pang publikong profile, ang

tawag sa impormasyong pormal na binibigay kapag

nagrerehistro na nakapaloob sa isang sistema, na

makita ang profile ng ibang indibidwal kung saan siya

ay konektado, at para

makita ang mga ibang indibidwal na kasama niya sasystem. Idin

agdag pa g mga manunulat na ang SN ay nagiging

patok sa publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibiwal na

makilala ang ibang tao. Ayon sa kanila, ang pag-

unlad ng Social Networking ay nag simula sa isang websayt. At

sa websayt na ito, nabibigyan ngpagkakataon ang mga tao na

makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-

surf ang listahan ng mga kaibigan. Nakatulong ito sa mga

tao para maka-konekta at makapag padala ng mga mensahe

sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang na engganyo sa

websayt

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
16 | P a g e

naiyon, hindi nila masayadong natatag nang mabuti ang

komersyong ito kaya hindi rin ito nagtagal. Pagkatapos naman

ng Classmates.com at SixDegrees.com, maraming sumunod na

SN tulad ng LiveJournal.com, Friendster.com, Multiply.com,

MySpace.com, Facebook.com, Tumblr.com at Twitter.com

Mga Popular na Social Networking Site

 Facebook

Ang Facebook ay isang social networking website na libre

ang pagsali at pinapagana at pag-aari ng Facebook, Inc.,

isang kumpanyang pribado. Maaaring sumali ang mga

tagagamit sa mga kabalagang nakaayos ayon sa lungsod,

pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta

at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin

ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at

baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-

alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

Tumutukoy ang pangalan ng Facebook na sinasalarawan

ang mgakasapi ng isang kampus na pamayanan na

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
17 | P a g e

binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan sa

Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o

propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na

makilala ang ibang tao sa kampus. Itinatag ni Mark

Zuckerberg ang Facebook kasama ang kaklase niya sa

agham pang

kompyuter at kasama sa kuwartong sina Dustin Moskovitz at C

hrisHughes habang mag-aaral pa siya sa Pamantasan ng

Harvard. Noong una, limitado ang pagsapi sa nasabing social

media sa mga mag-aaral ng Harvard, ngunit lumawak ito sa

ibang mga kolehiyo sa Boston, ang Ligang Ivy at sa

Pamantasan ng Standford. Nang kalaunan,lumawak pa ito at

napabilang ang kahit sinong mag-aaral ng isang

pamantasan, pagkatapos mataas na paaralan at, nang

tumagal pa, kahit sinong nasa gulang na 13pataas. Sa

kasalukuyan, mayroon na ang Facebook ng higit sa 1.02

Bilyon na aktibong gumagamit sa buong mundo

 Twitter

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
18 | P a g e

Ang Twitter ay isang social networking at microblogging na se

rbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na

magpadala at basahin ang mga mensahena kilala bilang

mga tweets. Ang mga tweets ay ang mga text-based na

mga post ng hanggang 140 mga karakter na ipinapapakita

sa pahina ng profile ng may-akda at inihahatid sa mga

tagatangkilik sa may-akda nakilala bilang mga

followers(tagasunod). Maaaring rendahan ng tagagamit ang

pagpapadala sa kanilang mga kaibigin, o sapamamagitan

ng default, kung saan maaaring makita ng lahat. Ang lahat

ng mga user ay maaaring magpadala at tumanggap ng

tweets sa pamamagitan ng website ng Twitter, Short Message

Service (SMS) o panlabas na aplikasyon. Habang ang

mgaserbisyo mismo walang gastos sa paggamit, ang pag-

access nito sa pamamagitan ng SMS ay maaaring

magkaroon ng kaukulang bayad telepono sa service

provider.

 Youtube

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
19 | P a g e

Ang YouTube ay isang sikat na website na nagbabahagi ng

mga video at nagbibigay-daan para sa mga manggagamit

o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video

clips. Ang mga video na ito ay maaaring husgahan o lagyan ng

komento base sa kanyang napanuod.

Ang YouTube ay sinimulan ng dating mga empleyado ng PayPal

na sina Steve Chen, Chad Hurley at Jawed Karin. Noong 2006,

binili ito ng Google at naging sangay ng naturang kumpanya.

Nagsimula ang istorya sa paggawa ng YouTube noong ang

tatlong magkakaibigan ay nahihirapan sa pagpasa ng

mga video ng isang pagsasalo sa bahay ni Chen sa San

Francisco, California. Ang pinakaunang video na nai-upload sa

YouTube ay pinamagatang Me at the zoo na kung saan

mapapanood si Jawed Karim na nasa San Diego Zoo sa San

Diego, California.

 Instagram

Ang Instagram ay isang online mobile na serbisyong photo-

sharing, video-sharing at social networking na nagbibigay-

pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan at

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
20 | P a g e

bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma

ng social networking, gaya ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr.

Ang isang kakaibang katangian nito ay ang pagpipirmi ng

larawan sa hugis parisukat, na kahawig ng mga imahe sa

Kodak Instamatic at Polaroid, kumpara sa 4:3 na aspect ratio na

kadalasang ginagamit ng mga teleponong may kamera.

Maaari ring maglapat ang mga gumagamit nito ng

mga digital filters sa kanilang mga imahe. Ang

pinakamahabang oras para sa mga bidyo sa Instagram ay 15

segundo.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

A. Lokal

Artikulo mula sa GMA News Online tungkol sa labis na paggamit ng

Facebook:

Lumitaw sa isang pag-aaral sa US na mababa raw ang markang

nakukuha sa paaralan ng mga kabataan na nahuhumaling sa

Facebook.

Sa ulat ni GMA News Pia Arcangel sa 24 Oras, sinabing nakitaan sa

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
21 | P a g e

isinagawang pag-aaral ng American Psychological Association ang

koneksiyon ng social networking sites gaya ng Facebook sa

pagbaba ng marka ng mga estudyante doon.

Ayon sa pag-aaral, mas mababa ang grado sa eskuwelahan ng

mga mag-aaral na bumibisita sa Facebook tuwing ika-15 minuto.

Bukod dito, ang mga kabataan na nahuhumaling sa naturang

social networking site ay may posibilidad na magpakita ng

psychological disorder, humantong sa depresyon at maging

mapagsarili.

Bagaman wala pang ganitong pag-aaral sa Pilipinas, sinabi ng

ilang eksperto matagal na silang nagbabala laban sa labis na

paggamit ng Internet.

Ayon kay Dr Bernadette Arcena ng Ospital ng St. Lukes, bukod sa

nawawala ang quality time ng mga bata, lumalawak din umano

communication gap sa kanila at nawawala ang tutok nila sa pag-

aaral.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
22 | P a g e

Dahil may maganda rin naman daw naidudulot ang Internet sa

kaalaman ng mga kabataan, sinabi ni Arcena na kailangan

lamang gabayan ng husto ang mga bata.

- FRJ, GMA News

Artikulo mula “Social Media at Modernong Pilipino”

Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya

ng social media sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lang nito

ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa

pakikipag-ugnayan.

Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan

ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo

chat rooms, pakikipag-talastasan sa mga online forums at sa

pagtambay sa friendster.

Ngayon ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook at iba

pang social networking sites. Basta isang website ang may

komunikasyong maaaring gawin, may Pilipinong dumadayo doon.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
23 | P a g e

Kung kaya’t hindi nakakapagtaka na napakataas ng porsyento ng

mga online na Pinoy sa social networks.

Pang lima tayo sa Asya na pinaka aktibo sa Social Media at ayon sa

balita, 7 sa 10 na Pilipino pa ang may agarang access sa internet.

Ito ang mga taong:

 Para sa akin, ang social media ay isang tulay na

nagdudugtong sa aking nakaraan:

sa mga taong nakapagbigay ng impluwensya sa akin

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
24 | P a g e

sa mga lugar na nagbigay ng masasayang alaala

mga karanasang nagturo ng bagong kaalaman

 Ang social media din, para sa akin, ay tulay na

nagdudugtong sa akin sa kasalukuyan:

sa aking mga mahal sa buhay na hindi ko kasama

mga kaibigang nasa malayong lugar

mga pangyayari sa aking bayang kinamulatan at kasalukuyang

kinaroroonan

kamalayan sa mga nagaganap sa ibang panig ng daigdig

pagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan

 At idinudugtong din ng social media ang kasalukuyan

sa hinaharap sa pamamagitan ng:

Mga impormasyon tungkol sa makabagong teknolohiya

Mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensya sa

hinaharap

mga matututunang kaalaman na makapagpapa-unlad sa aking

kinabukasan

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
25 | P a g e

Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng

komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon. Isang mabuting

bagay ito para sa ating mga gumagamit, subalit gaya ng

kasabihan, “Ang lahat ng sobra ay masama.

Ang social media ay may kaakibat na responsable at maingat na

paggamit upang hindi mapinsala at huwag makapinsala.

B. BANYAGANG LITERATURA

 Sa psycho-social stages of life ni Erikson

Ang isang taong magreretiro na ay nararapat na may masabing siya

ay may nagawa para sa ikabubuti ng buhay ng iba. Ang katangiang

personal na ito ay bunga ng pakikipagkapwa niya na malalaman niya

lamang kapag naabot na niya ang maturity.

Isa ring paniniwala na ang pag-uugali ng isang taong naaapektohan

ay nakalaagak sa Teoryang Atribusyon. Ang Atribusyon ay tumutukoy

sa mga kadahilanan ng pag uugali ng isang indibidwal. Ayon kay

Heider, tayo ay makakakuha ng mabuting pakikipagkapwa kapag

tiniyak natin ang bawat kilos at salitang bibitawan natin.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
26 | P a g e

Ang komunikasyon ay proseso na kung saan ang isang tao o grupo ay

naglalahad ng mensahe sa isang receiver na nagiinterpreta at

nagaayos ng datus upang makalahad ng fidbak. Ang pagbabalik ng

fidbak ay inilalahad lamang kung hindi maayos ang paghahatid ng

mensahe ng receiver.

Sa madaling salita, tayo ay makakakuha ng maraming kakilala kung

makakakuha ng maraming kakilala kung tama ang paglalahad natin

ng mensahe. Ayon kay Crow at Croco ang mga kabataan ay may

mga katangian kaiba sa iba. Ngunit kung meron man silang

pagkakapareha, ito ay ang pagnanais na matanggap ng iba sa

pakikipag kaibigan. Ninanais nyang maging ganap na malaya,

maging aprobado man o hindi ng kanyang guro o magulang ang

ugaling ipinapakita nya. Ginagaya nila ang mga makabagong

pananalita. Ginagaya nila ang mga nakikita nilang ginamit ng mga

personalidad sa television o ng media na lubos na nakakaapekto sa

kanilang o pakikisalamuha sa iba at pati na rin sa kanilang saloobin

ukol sa pagaaral. Ang ibang kabataan ay pumupunta sa pangkat-

pangkat ng kaibigan dahil nais nilang matanggap ngunit ang iba

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
27 | P a g e

naman ay tila yaong mapag-isa na mas nangangailangn ng

attensyon lalo na sa pagkatutu. Dahil ditto ang guro ay nararapat na

may kakayahang matulungan ang ganitong individwal upang

mapagisa ang pakikipagkapwa at pagaaral tungo sa mas mabuting

pagkatutu sa paaralan.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL SA PAKIKIPAGKAPWA:

Ayon sa pananaliksik na ginawa ni Suarz Asper tungkol sa Social

Networking Sites, sinabi niya na lubos na nakakaapekto sa ating

pakikipagkapwa ang mga social networking sites dahil ito ay

nagbukas ng makabagong paraan sa pakikipagkomunikasyon. Ayon

sa pananaliksik niya, lubos na nakatulong ang mga networking sites

upang pagbuklurin ang iba’t-ibang klaseng tao na may iab’t –ibang

pananaw dahil sa: una, ginawang posible nito ang pakikipag-usap

nito sa iba sa tamang oras gaano man ito kalayo. Pangalawa, ito ay

nagbukas ng pagkakataong makonektaang isang tao sa libo-libong

tao sa buong mundo na gumagamit din nito na nagging mabuting

daan upang makipagpalitan ng interaksyong sosyal ang isang lahi sa

ibang lahi. Pangatlo, ito ay nagbukas ng pagkakataong maihayag ng

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
28 | P a g e

isang tao ang kanyang sarili ng may kalayaan sa pamamagitan ng

pagshare, paglike at pagcomment sa mga litratong nakalagayo

inilagay dito.

Ayon kay Wasta Fari (2010), ang facebook ay isa sa pinaka sikat

na Website dahil sa patuloy na gumagamit nito. Hindi matatawaran

ang kabutihang naidudulot nito upang pagbukludin ang ibat ibang uri

ng indibidwal, kasama sa ibat-ibang nakakaengganyong abilidad na

maaring gawin ditto ay ang katotohanang maari kang gumawa g

isang birtwal na pagkatao upang makakilala ng bagong mga

kaibigan. subalit kug pagbabasehan ang katotohanan na ang isang

tao ay maaaring gumawa ng pekeng account upang manira ng

ibang tao, ito ay lubhang nakakapagkuha ng atensyon ng lahat para

sa seguridad. Sa mga inobserbahang estudyante, nalaman ni Fari na

ang mga mag-aaral na lubos na nahuhumaling sa facebook ay

nawawalan ng ganang gumawa ng takdang aralin dahil sa malaking

oras na nagugugol nila sa paggamit ng Facebook. Ayon pa sa kanya,

ang oras na ginagamit ng mag-aaral sa facebook ay sapat na upang

maubus ang dapat nang nakalaan sa mga extra-curricular na

aktibidad sa paaralan. Gayon pa man ang perspektibo ng

paglalahad ng mga epektong ito ay upang maging responsable ang

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
29 | P a g e

isang mag-aaral sa tamang paggamit ng kanyang oras sa

pakikipagkaibigan, paglahok sa mga extra-curricular activities,

limitadong paggamit facebook at kaugaliang paggawa ng takdang

aralin.

Mga teoryang batay sa Pag-aaral:

Ang pag-aaral na ito ay nakabase sa mga teorya nina; Bandura

(Social Learning Theory), Carl Roger (Theory of interpersonal relations)

at ni R. Steinberg (Triarchich) Theory.

 BANDURA (SOCIAL LEARNING THEORY)

Ang teoryang nagsabi na ang isang tao ay natututo sa iba sa

pamamagitan ng obserbasyon, paggagaya (imitation) at

pagmomodelo (modeling) ay ang Social Learning Theory ni

Badura. Ang isang tao ay natututo sa pag obserba sa ginagawa

ng iba. Ipinapaliwanag ng teoryang ito ang pag-uugali ng isang

tao sa pamamagitan ng walang-hanggang pakikipag inter-ak

sa iba. Sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng kaalaman,

nagkakaroon ng malaking impluwensya ang kapaligiran o ang

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
30 | P a g e

mga taong nakapaligid sa isang indibidwal as kanyang pag-

uugali ng isa’t-isa. Ang Reciprocal determinalism o palitan

(bigay-kuha) ng impormasyon ay isang salik sa nakakaapekto sa

kaalaman/ pakikipagkapwa ng isang indibidwal sa kapaligirang

kanyang ginagalawan.

 CARL ROGER (THEORY OF INTERPERSONAL RELATIONS)

Ang CONGRUENCE ay terminong ginagamit upang maaayos na

maipakita ang pagkakapantay-pantay ng karanasan,

kamalayan at pakikipagtalastasan ng isang indibidwal. Ang

karanasan ng isang tao ay naipapakita sa proseso ng kanyang

pag-iisip at pakikipagtalastasan. Lahat tayo ay

nangangailangang maging kapantay ng pag-iisip ng iba upang

lubusan nating maunawaan ang kanilang kalagayan.

Habang lumalaki ang antas ng ating karanasan at kamalayan,

lumalaki rin ang ating kakayanang makipagkapwa at

makipagtalastasan. Ang reciprocal communication o

pakikipagtalastasang pantay sa paglalahad at pagtanggap ng

mga impormasyon ay nagdudulat ng iteraktibong

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
31 | P a g e

pakikipagkomunikasyon na nagiging bunga ng mas malawak na

pagkakaintindi. Sa gayon, ang persepsyon ng receiver ng

komunikasyon ay mahalaga sa interpersonal na relasyon. Ang

pagbigay at pagkuha na pamamaraan ng komunikasyon ay

lubos na mahalaga sa pakikipagkapwa.

 R. STEILBERG (TRIARCHICH THEORY)

Ayon sa triarchich theory ni Steinberg, ang kaalaman ay

nababatay sa kung paano aayon ang isang indibidwal sa

pagbabago ng kapaligiran sa kanyang buong buhay. Ang

paggalaw ng utak ay ibinase niya sa tatlong components. Ang

una ay ang metacomponents na kung saan ang ating utak ay

nagpoproseso sa paglutas sa suliranin at paggawa ng

mahahalagang desisyon. Ang pangalawa ay ang performance

components na kung saan ang proseso ng utak ay gumagalaw

sa ating memorya. Ang paggawa ay nababatay sa kung ano

ang dati nating alam at pag-uugnay nito paggamit nito sa isang

bagong Gawain. Ang pangatlo ay ang knowledge-acquistion

components na kung saan ang utak ay pumipili sa mga bagong

kaalamang ating nakukuha. Kung alin ang tama at mahalaga o

alin ang mali o hindi gaanong mahalaga. Kasabay ng tatlong ito

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
32 | P a g e

ay ang kakayahang makaadap ng isang indibidwal sakanyang

mundong ginagalawan (adaptation) upang siya ay maka-adjust

o makasabay sa mga pagbabagong ito.

IBA PANG PAG AARAL

 May isang pagsusuri mula sa isang pag-aaral ng isang Dutch

noong 2006 na ang networking websites ay nakadadagdag

ng self-esteem ng mga kabataan ngayon. Sa pag-aaral na

ito, sa 881 na kabataan ay 5.6% ang nakitaan ng mga

negatibong epekto, 4.9% ang positibo, 35% ang nakaroon ng

magandang relasyon sa pakikipagkaibigan at 8.4% ang

nagkaroon ng magandang buhay-pag-ibig. Marami na ring

naihahayag na masasamang epekto dito lalo na ang

tinatawag na cyber bullying. Isa itong aspeto ng pagkababa

ng self-esteem ng bata na nadadala sa pagtanda. Ang

teknolohiya nga naman, kahit na maraming nagagawang

mabuti ay marami ring masamang dulot. Sa ngayon, ang

mga magulang ng mga kabataang nagiging hook sa

networking website ay walang kamalayan sa kondisyon ng

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
33 | P a g e

kanilang anak sa pamamagitan ng internet. At, ang mga

magulang na kasapi sa online networking ay hindi

nababahala sa ano mang maaaring mangyayari sa kanila na

katulad ng nangyayari sa kanilang mga anak.

 Ayon kay Young (1996), ang dependent ay gumugugol ng 39

oras sa Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at

pakikihalubilo. Samantala, ang independent naman ay

kumokonsumo ng 5 oras para sanetsurfing o e-mail lamang.

Kadalasan ay ang mga malungkot, binubukod, o walang

kakahayan sa larangang sosyal ang apektado ngadiksyong

ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong wala sila sa

totoong buhay. Samga nasabi ni Young, makikita pa rin na

mas mahina itong adiksyon na ito kung ikukumpara sa mga

gumagamit ng droga o palagiang pag-inom ng alak.

 Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang

longitudinal napag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang

paggamit ng Internet ay may kinalaman sa pagtaas ng

depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at

pamilya. Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime and

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
34 | P a g e

Security (2000), sinasabi na 79%ng mga empleyado ang

umaabuso ng Internet sa Estados Unidos at isa sa mga

abusong ito ay ang pagdownload ng pornograpiya. Sa

karagdagan, sa isang sarbey naginawa ng NOLpoll ng ICM,

sinasabing halos lahat ng respondenteay humihiling

ngkaragdagang control upang maiwasan at panloloko,

pornograpiya at pedopilya.

 Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000

mag-aaral sa kolehiyo sa walong akademikong institusyon. Ito

ay tungkol sa paggamit ngInternet upang makilala kung

paano nito naaapektuhan ang pakikihalubilo at ang

akademikong pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na

gumagamit ng Internet ay kumokonsumo ng100 minuto

bawat araw at ang maliit na grupong ito ang nagsasabing

ang Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang

buhay.

 Ed Frauenhelm sa kanyang artikulong Social Revolution Sinabi

niya na ang Social Networking ay unti-unting sinasakop ang

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
35 | P a g e

iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay at isa na dito ang sa

kalakaran. Ito ay sa ikabubuti at para sa ikasasama nito. Sa

karagdagan, ang pagkakaroon ng di pagkakakilanlan sa

Internet ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng seguridad at

hindi mapanganib naoportunidad sa pagkakaroon ng

relasyon sa Internet (Anderson). Sa kabila ng mga suliranin sa

paglaganap ng social networking, may mga mabubuting

epekto ito. Sa artikulo, sinabi na ang mga ito ay nakakatulong

sa mga kumpanya na pagbutihin ang organisasyong

impormal´ na tumutukoy sa mga hindi opisyal na channels ng

komunikasyon at kolaborasyon na may malaking

kontribusyonsa bisa ng isang kumpanya. Sa karagdagan, ito

ay ginagamit upang makakuha ng mgamagagaling na

aplikante sa isang trabaho. Ito rin ay nakakapabuti ng

pagtuturo atpagpupursige sa mga empleyado at

pagkakaroon ng magandang relasyon sa pagitanng

kumpanya at mga dating empleyado nito.

 Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics:

Identity andCommunity in Cyberspace (1997), sinasabi na

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
36 | P a g e

may malaking kahalagahan ang mga kapalit o katumbas ng

paglalabas ng ating kakilanlan sa mga teknolohiya. Ang mga

uring teknolohiyang ito ay nagbibigay ng malaking

posibilidad na hindi tayo mawawala (Holmes, 1997). Sa

karagdagan, sinasabi na lubos nating kinokonsumo ang ating

oras makabalik sa ating pinagmulan at hinahanap kung

gaano natin kilala ang ating sarili. Dahil dito, nawawalan tayo

ng kontrol sa pisikal, mental, at emosyonal na mundo. Ito ay

nababago sa paggamit ng mga kagamitang komunikasyon.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
37 | P a g e

III. Metodolohiya

DISENYO O ISTILO:

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng tabyular na

pamamaraan. Sa mga pamamaraang ito, ang mga

nakolektang datos at impormasyon sa mga piling estudyante

ng sekondarya at kolehiyo ang masusing inanalisa gamit ang

mabuting interpretasyon, pagsususri, konklusyon at

rekomendasyon.

Gamit din ang makabagong teknolohiya upang mapabilis

ang pagkalat ng survey, gumamit ang mananaliksik ng

“google drive survey form” upang sa gayon mapabilis ang

pagbubuod ng interpretasyon o datos mula sa mga

respondante.

RESPONDANTE:

Ang mga respondante sa ginawang pananaliksik ay binubuo

ng 100 na estudyante mula sa sekondarya hanggang

kolehiyo. Sila ay mga piling mag-aaral ng ibat ibang

eskwelahan o unibersidad na mayroong account sa iba’t-

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
38 | P a g e

ibang social networking sites o di kaya’y may mga kaalaman

o pamilyar sa alinmang Social Media Sites.

PAGHAHANDA NG TALATANUNGAN

Ang talatanungang ng mga mananaliksik na nakalakip sa

konseptong papel ng pananaliksik ay siya ding ginamit na

talatanungang pinasagutan sa mga respondante. Ito ay

magsisilbing pamamaraan upang makalap ang mga datos na

kinakailangan upang masagutan ang mga suliranin na

inihayag.

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
39 | P a g e

KOPYA NG TALATANUNGAN:

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
40 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
41 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
42 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
43 | P a g e

IV. Pagsusuri, Paglalahad, Interpretasyon ng mga

Datos

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
44 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
45 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
46 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
47 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
48 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
49 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
50 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
51 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
52 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
53 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
54 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
55 | P a g e

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
56 | P a g e

V. Paglalagom, Konklusyon, Rekomendasyon

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
57 | P a g e

Bibliograpi

http://www.gmanetwork.com/news/story/228933/news/ulatfilipino/labis-na-

oras-sa-facebook-may-masamang-epekto-raw-sa-pag-

aaral#sthash.zfs9mYnq.dpuf

http://www.bicolshop.com/villa-pena-resort-goa/vicinity_map_450.jpg

http://www.webespedia.com/TERMS/SOCIAL-NETWORKING-SITE.html

http://www.infed.org/thinkers/gardner.html

http://tl.m.wikipedia.org/wiki/komunikasyon

http://www.studymode.com/essay/social networking-499239.html

http://www.studymode.com/essay/social networking-497420.html

http://www.learning-theories.com/social-learning-theory-BANDURA.html

Abelos, Alex V., et. Al. “Compairing Expe riences & Reducing Uncertainty”,

General Psychology. 1st Edition ; Baguio City, Philippines

Valencia Education Supply 2005, 350-351 Ibid Dixon, Priscila: Rex Book Store
2003,

252 Abelos, Alex V. et. al. “choosing friends” General Psychology 1st Edition ;
Baguio City, Philippines;

Valencia Educational Supply 2005, 350 Ibid Mckenzie, Michael D. et. al.

“Social Development” The new Book of Knowledge: Grolier Incorporated, LISA:


1985, 230 Weiner Rebecca,

“Globalization” The new book of knowledge: scholastic Library Publishing Inc.


Connecticut 2006, 238 Croucher, Shiela L. Globalization and Belonging:

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|
58 | P a g e

The Politics of Identity and Changing World. Rowman and Littlefield (2004). pg.10
Dizon, Priscila B.

General Psychology . Rex Books Store (2005) p.367 Castillo, Roberto. Human
Relations, Manila Taft Avenue September-october,

1996 Philippine Journal of Child-youth Development, Vol. 1, No. 1 January-June


1967(NCCSDFCY), Quezon City Crow, L. & A. Crow,

Adolescent Development And Adjustment, New York: McGraw-Hill Book co.,


1958 Dizon, Priscila B.

General Psychology . Rex Books Store (2005) p.367

|De Quito| |HadjiTaher| |Lagadia|


|Misador| |Panotolan|

You might also like