Professional Documents
Culture Documents
Sample of THESIS - Filipino Requirement
Sample of THESIS - Filipino Requirement
Ozamiz City
Ipinasa nina :
Khryss Mariz O. Origenes
Jessa M. Bacud
Lormae Lou B. Pescones
Irene S. Cabaitan
Jemimah T. Pabriga
Ipapasa kay:
Gng. Eusmel Uy Cericos
PASASALAMAT
Buong pusong pasasalamat ang nais naming ipaabot sa mga sumusunod na
indibidwal dahil sa kanilang pagtulong at kontribusyong ibinibigay nila pati na rin sa
walang sawang pagsuporta upang matagumpay na maisaayos at maisagawa ang
pamanahong papel na ito.
Muli nais naming ipahatid ang aming taos pusong pasasalamat sa inyo.
Kabanata I:
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
a. Panimula
b. Layunin ng Pag-aaral
c. Kahalagahan ng Pag-aaral
d. Saklaw at Delimitasyon
e. Depinisyon ng mga Katawagan
Kabanata II:
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
a. Mga Kaugnay ng Literatura
b. Mga Kaugnay na Pag-aaral
Kabanata III:
Metodolohiya
a. Uri ng Pananaliksik
b. Mga Kalahok
c. Instrumentong Pampananaliksik
d. Lunan ng Pag-aaral
Kabanata V:
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
a. Natuklasan
b. Kongklusyon
c. Rekomendasyon
Panimula
Maraming mga bagong teknolohiya ang naimbento at nagbago sa pamumuhay ng mga tao. Isa na
dito ang Internet, at sa pagdaan ng panahon, nauso ang mga social networking sites. Ang pangunahing mithiin
ng mga websayt na ito ay ang pakikipaghalubilo sa iyong mga kapamilya at kaibigan pati na rin sa ibang mga
tao, nasa malapit man sila o malayo. Masasabing ang mga social networking sites ang pinakadinarayo ng mga
kabataan sa Internet dahil sa maraming salik na nakakapag-udyok sa mga ito. Dumarami ang mga kabataang
sumasali sa mga social networking sites kung saan ang Facebook.com, Twitter.com, at Tumblr.com and
pinaka-popular.
Hindi na lamang ang pakikipaghalubilo o pakikipagkaibigan ang nagagawa sa mga websayt na ito,
malaki na rin ang naging tulong nito sa pag-aaral ng mga estudyante. Dito nagpapalitan ng mga mensahe na
may kinalaman sa pag-aaral ang mga estudyante. Nagiging daan ito para makahabol sa mga aralin ang mga
mag-aaral. Nakakakuha din sila ng mga bagong impormasyon dito na nakakatulong sa kanilang pag-aaral.
Pero, hindi lahat ng nagiging epekto nito ay positibo. Minsan, nagiging sagabal ito sa pag-aaral at
nagiging sanhi ng pagbaba ng grado ng mga estudyante. Nahuhumaling ang ilan sa paglalaro ng mga games at
ang iba naman ay napupuyat sa websayt na ito na nagiging sanhi ng pagliban at pagkahuli nila sa klase.
Ang Social Networking Sites ay bunga ng karunungan na kaloob ng
Panginoon na nararapat na gamitin sa mabuti at maayos na pamamaraan.
Layunin ng Pag-aaral
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang epekto sa pag-aaral ng pagsali sa mga
social networking sites ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Misamis.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa Mga Mag-aaral
Matutulungan ang mga mag-aaral na malaman o maintindihan kung ano ang epekto ng social
networking sites sa kanilang pag-aaral. At dahil sa kaalamang ito, matututunan nilang palawakin ang
paggamit nito o maglagay ng limitasyon sapaggamit.
Sa Mga Magulang
Makatutulong din ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang magabayan nilang mabuti ang
kanilang mga anak sa wastong paggamit ng social networking sites.
Sa Mga Guro
Magiging daan ito upang maging kawili-wili at mas epektibo ang pagtuturo ngmga guro sa mga
kanilang mag-aaral.
Facebook. isang Social Networking Site kung saan nakakatutulong paramagkaroon ng komunikasyon
sa mga taong nais mong kausap na nasa malayo. Isarin itong aplikasyon na naglalaman ng mga laro at
impormasyon tungkol sa iyongmga kakilala. At maaari kang makagawa ng sariling profile. Itinatag ito
noongPebrero 2004 ng Facebook INC.
Social Networking Sites. Ito ay isang sosyal na instruktura na binuo ng isang organisayon, upang ang
isang indibidwal ay matulungan sa iba’t-ibang paraan tulad ng pagkokomunikasyon sa mga
kaibigan , kamag-anak na nasa ibang lugar,paglilibang at pagpapalitan ng mga mensahe.
Tumblr. Ayon kay Jonathan Jarc (www.trendingeducation.com ,2011), ang tumblr ay isang
“microblogging platform”na pinapahintulutan ang mga gumagamit namag pahayag ng kanilang teksto,
imahe, bidyo, link, kasabihan at mga audio sa kanilan “tumblelog”, na isang short-form blog.
Twitter. Ayon sawww.tweeternet.com, ang Twitter ay isang social networking at microblogging service
site na pinapayagan kang sagutin ang tanong ng “Ano ang iyong ginagawa?´ gamit lamang ang maiikling
mensahe na 140 karakter ang haba, o “tweets” sa iyong mga kaibigan.
Internet. Ay isang sistema na pangdaigdigang kung saan ito ay tumutulong sa milyong-milyon tao para
makakonekta sa isang web sayt. Tumutulong ito sa mga tao na nangangailangan ng impormasyon parasa
kanilang mga takdang aralin,proyekto at iba pang mga gawain na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral
at trabaho. Ginagamit din ito upang makausap natin ang mga taong malayo sa pilingnatin.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Kaugnay na Literatura
A. Maikling Kasaysayan ng Social Networking
Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring maging basehan para
sa interaksyong sosyal nacomputer-mediated. Ito ay bunga ng The Network Nation ni S. Roxanne
Hiltz at Murray Turoff na nagdulot ng pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo. Ayon sa
Wikipedia.org, nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng isang social network o
SN na nagngangalang Classmates.com, isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay
makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili
ang komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang media release ngOregon State University(2007), si
Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sakaragdagan, sinabi ng Classmates.com na ng
kumpanyang ito ay pinagkikita muli angmga residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging
kamag-aral o kasama nila noong sila’y nag-aaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa
militar.Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa SN na ito.
Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang daan tungo sama buti at maayos na
pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa negosyo. Hindi lamang ito pangsosyal na
pakikipaghalubilo gamit ang internet kundi isang magandang paraan din ng maayos na pakikipag-
transaksyon sa iba’t ibang sangay ng kalakal o negosyo. Itong networking sites din ay ginagamit sa iba’t
ibang lugar sa mundo kaya di malayong mangyari na magkaroon ng iba’t ibang kasunduan sa mga
bansang nagkakaroon ng transaksyon gamit ito.
Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng teknolohiya, hindi na
mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi ng mganetworking website. Gayun din ang
hindi pag-alam ng kung anong masamangmaidudulot nito sa mga gumagamit depende sa site na
sinalihan.Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang mga malalayongkamag-anak at
kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa mabilis natransaksyon, ngunit pagdating ng
mga epekto nito sa isang estudyante, magbabago ang daloy ng pakikisama nila. Ang networking
websites ding ito ay nagbibigay samga estudyante ng mga akala o masasabi nating sa pamamagitan ng
networking websites na ito ay nagkakaroon sila ng malalayong relasyon o long distance relationship.
Hindi ito maiiwasan ngayong marami ng magandang naidudulot ang teknolohiya sa buhay ng bawat tao.
Kaugnay na Pag-aaral
Ayon kay Young (1996), ang dependent ay gumugugol ng 39 oras sa Internet para sa sosyal na
pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala, ang independent naman ay kumokonsumo ng 5 oras
para sa netsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang mga malungkot, binubukod, o walang
kakahayan sa larangang sosyal ang apektado nga diksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung
anong wala sila sa totoong buhay.
Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal napag-aaral sa 73
pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at
pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D.
sa 13,000 mag-aaral sa kolehiyo sa walong akademikong institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit ng
Internet upang makilala kung paano nito naaapektuhan ang pakikihalubilo at ang akademikong
pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na gumagamit ng
Internet ay kumokonsumo ng 100 minuto bawat araw at ang maliit na grupong ito ang nagsasabing ang
Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang buhay.
Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics: Identity and Community in
Cyberspace (1997), sinasabi na may malaking kahalagahan ang mga kapalit o katumbas ng paglalabas ng
ating kakilanlan sa mga teknolohiya. Ang mga uring teknolohiyang ito ay nagbibigay ng malaking
posibilidad na hindi tayo mawawala (Holmes, 1997).
Sa karagdagan, sinasabi na lubos nating kinokonsumo ang ating oras makabalik sa ating
pinagmulan at hinahanap kung gaano natin kilala angating sarili. Dahil dito, nawawalan tayo ng kontrol
sa pisikal, mental, at emosyunal namundo. Ito ay nababago sa paggamit ng mga kagamitang
komunikasyon.
KABANATA III
Metodolohiya
Uri ng Pananaliksik
Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga impormasyon
tungkol sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng isang “descriptive research
method”. Kung saan ito ay naglalaman ng mga nararapat
n a impormasyong kailangan sa pag-aaral.
Mga Kalahok
Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga respondenteng napili nila ay may
malaking kauganayan sa kanilang pag-aaral. Pinili nila ang kursong BSBA dahil alam ng mga
mananaliksik na madalas itong nasa harap ng kompyuter, hindi lamang para mga-aaral kundi pati narin
mag-libang at malaman kung ang mga ito ba ay apektado sa lumalalang bilang na gumamit ng mga
Social Networking Site.
Alam ng mga mananaliksik na ang kanilang mga respondente ay may malaking maitutulong sa
ginawa nilang pag-aaral upang malaman ang mabuti at masamang epekto ng Social Networking Site.
Ang naturang pagsagot ng mga respondenteng ito sa mga katanungan ng mga mananaliksik ibabase ang
resulta ng isinagawang pag-aaral.
Instrumentong Pampananaliksik
Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang ins trumento
sa pangangalap ng mga datos upang malaman ang damdamin ng mga kalahok sa Epekto ng
Paggamit ng Social Networking Sites sa Pag-aaral ng mga mag-aaral sa mga piling estudyante sa
kursong Business Administration sa Unibersidad ng Misamis.
Lunan sa Pag-aaral
Inilarawan ng pananaliksik na ito ang mabuti o masamang Epekto ng Paggamit ng Social
Networking Sites sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng kursong BSBA sa Unibersidad ng
Misamis taong 2012-2013.
KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos na
nailahad. Sa pag-aaral at ang mga katulong sa paggawa ng pag-aanalisa ng mananaliksik.
Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang daan tungo sa mabuti
at maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa negosyo. Hindi lamang
ito pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang internet kundi isang magandang paraan
din ng maayos na pakikipag-transaksyon sa iba’t ibang sangay ng kalakal o negosyo.
Itong networking sites din ay ginagamit sa iba’t ibang lugar sa mundo kaya di malayong
mangyari na magkaroon ng iba’t ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng
transaksyon gamit ito. Mula sa pag-aaral noong 2007, maganda ang naidulot ng
networking websites sa mga bansang umaangat pagdating sa larangan ng negosyo. At sa
pag-aaral ding ito, na may resulta sa loob ng tatlumpung araw, makikita na higit sa
sampung porsyento ang naidagdag sa pagsulong na pakikipagnegosyo.
Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng teknolohiya, hindi na
mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi ng mga networking website. Gayun din
ang hindi pag-alam ng kung anong masamang maidudulot nito sa mga gumagamit depende sa site
na sinalihan.
Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang mga malalayong
kamag-anak at kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa mabilis na transaksyon,
ngunit pagdating ng mga epekto nito sa isang estudyante, magbabago ang daloy ng
pakikisama nila. Ang networking websites ding ito ay nagbibigay sa mga estudyante ng
mga akala o masasabi nating sa pamamagitan ng networking websites na ito ay
nagkakaroon sila ng malalayong relasyon o long distance relationship. Hindi ito
maiiwasan ngayong marami ng magandang naidudulot ang teknolohiya sa buhay ng
bawat tao.
Isa sa masamang epekto ng social networking sites ay nakagagawa ito ng isa pang
katauhan at maling tala ng isang tao sa isa. Nakatala din sa pag-aaral na ang mga taong
walang masyadong social life ay dinaraan ang pananahimik sa networking. Dahil nga sa
nasabi natin na isa itong daan sa komunikasyon sa mga taong malalayo sa’yo, kilala mo
man o hindi. Mahirap ding makahanap ng privacy dito lalo na sa ibang website na
nakikita ang bawat update mo. (Halimbawa: facebook) Dapat gabayan ng magulang ang
kanilang mga anak sa pagsasali sa iba’t-ibang networking sites ngayon at dapat alamin
nila kung ano ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa kanilang mga anak.
KABANTA V
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Mga Natuklasan
Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao p a r t i k u l a r
a n g m g a e s t u d y a n t e t u n g k o l s a social networking .Marami ang naidudulot na
maganda ang mga social networking sites na ito para sa pakikipaghalubilo sa mundong virtual.
Bagama’t alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng
pakikipaghalubilo sa iba’t ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy parin nila ang pagiging
aktibo sa mga social networking sites na i t o s a k a d a h i l a n a n g n a k i k i t a
n i l a a t n a i p a p a k i t a n i l a a n g kanilang mga sarili sa pamamagitan ng
mga ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social networking bilang isang
“social t r e n d ” n a h u m a h a t a k s a b a w a t e s t u d y a n t e n a g u m a w a n g
k a n i - kanilang sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang pagkakaroon
ng account sa mga social networking sites sapagkat n a w a w a l a ang
seguridad ng mga estudyante at maari s i l a n g masangkot o
mabiktima sa mga di kanais-nais na tao na mayroon ding account sa social
networking sites. Sa lahat ng mga nasabi,m a y r o o n ngang maganda at
m a s a m a n g e p e k t o a n g p a g k a k a r o o n n g accounts sa mga social networking sites ngunit
sa mga nakalap naimpormasyon, mas nakikita ng mga estudyante ang mabuting epekto nito
sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at iba pa.
Kongklusyon
Base sa isinagawang pag-aaral at sa mga nakalap na impormasyonay napag-alaman ang mga
sumusunod:
1. Ang Social Networking Site ay nakakatulong di lang sa
pakikipaghalubilo pati narin sa pag-aaral ng mga mag-
aaral at sa mga taong negosyante.
Sanggunian
http://ivaughnn.blogspot.com/2009/02/thesis-filipino.html
http://www.slideshare.net/faberNovel/social-network-websites-best-practices-
from-leading-services
http://www.corban.edu/studentlife/hilltop/4-7-08/socialnetworking.html