You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Bisayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lungsod ng Iloilo
PAGSUSULIT DAYAGNOSTIKO SA FILIPINO
Baitang 7

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag.Sa inyong sagutang papel, isulat ang titik ng pinakawastong
sagot batay sa hinihingi ng katanungan.

(para sa bilang 1-3)


I II
Chitchiritchit ,alibangbang Santo Niño sa pandakan
Salaginto at salagubang Putoseko sa tindahan
Ang babae sa lansangan Kung ayaw mong magpautang
Kung gumiri’y parang tandang Uubusin ka ng langgam
1.Tungkol saan ang diwang ipinahahayag ng awiting bayan na nasa loob ng kahon?
a.damdamin b. kaugalian c. karanasan d. pananampalataya

2. Ang awiting bayan na nasa loob ng kahon ay may himig______.


a. panunudyo b. pumupuri c. nananakot d. nagsusmamo

3. Ang sumusunod na pahayag ay pagpapahalaga sa awiting bayan maliban sa ______.


a. Nagpapahayag ng reaksyon o panaginip ng mamamayan.
b.Sumasalamin sa kanilang mga pag-asa.
c Kakikitaan ng kanilang mga saloobin.
d. Makukulay na pamumuhay.
4. Alin sa mga akdang pasalin-salin sa dila mula sa katutubo hanggang sa kasalukuyan ang naglalarawan ng mga
kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan. Maaaring ito ay nagtataglay ng kababalaghan o at di-
kapanipaniwalang pangyayari.
a. awiting bayan b. kwentong bayan c . epiko d. alamat

5. Napabilang sa panitikang tuluyan ang akdang ito na kinasasalaminan ng mga kaugaliang Pilipino at nagsasalayasay ng
pinagmulan ng mga bagay, pook o pangyayari.
a. mito b. alamat c.kwentong bayan d. wala sa mga nabanggit
“ Lolita, Jean Gomez ang pangalan ko.”
6. Suriin ang wastong pagpapakahulugan sa pangungusap kung antala ang pag-uusapan?
a. Ipinakikilala ni Lolita ang kanyang pangalan kay Jean Gomez.
b. Ipinakikilala ni Jean Gomez ang kanyang pangalan kay Lolita.
c. Ipinakikilala ni Lolita at Jean ang kanilang pangalan kay Gomez.
d. Ipinakikilala ni Gomez ang kanyang pangalan kay Lolitan at Jean .
7. Ang epikong Labaw Donggon ay ipinagmamalaking panitikan ng mga ________.
a. Tagalog b. Cebuano c. Bisaya d. Wala sa mga nabanggit
8: “Medyo masarap ang adobong manok na niluto ni Lola kaysa sa nilagang baka ni Ate Maya.
Anong uri ng paghahambing ang naganap sa pahayag?
a. palamang b. magkatulad c .di-magkatulad d. lahat na nabanggit

Pagkat di na makatiis
Timpiin na ang pag-ibig
Ninakaw yaong damit
Ng prinsesang sadyang marikit
9. Suriin ang pag-uugali ni Don Juan batay sa ipinahahayag ng saknong sa itaas.
a. mapagpatawad b. matulungin c. may kapilyuhan d. madasalin

10. Aling bahagi ng elemento ng maikling kuwento ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento? Ito ang nagpapadaloy
at nagbibigay ng interes sa istorya/kuwento.
a. suliranin b. simula c. kasukdulan d. papataas na aksyon
11. “Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may maiinit na
mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong
mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang
pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal.”
-Halaw sa Maikling Kuwentong “Paalam sa Pagkabata”
Anong elemento ng maikling kuwento ang ipinapakita ng pahayag?
a. Suliranin b. pababang aksyon c. kasukdulan d. wakas

“Sa pagsamong anong lungkot


ni Don Juang nakaluhod
ang Prinsesang maalindog 1
ay tinablan ng pag-irog!”
12. Ano ang pinakamatinding kahulugan ng salitang lungkot sa unang taludtod?
a. hinagpis b. pighati c. lumbay d. lunos
13. Batay sa Epiko ni Aliguyon paano natapos/natigil ang laban nina Aliguyon at Dinoyagan?
a.Inawat sila ng isang binata sapagkat pareho lang naman silang magaling sa pakikipaglaban.
b.Inawat sila ng kanilang mga ama sapagkay magkapatid sila.
c. Pinigil ng mga dalaga ang kanilang labanan dahil kapwa sila magaling na binata.
d.Lahat ay tama
14. Sa epiko ni Aliguyon, bakit inihahanda siya ng kanyang ama sa pakikidigma?
a. Upang maipaghiganti siya ng anak sa matagal na nitong kaaway.
b. Para maipagtanggol ni Aliguyon ang kanyang sarili
c. Dahil si Aliguyon ang papalit sa ama sa pamumuno
d. Upang manakop ng ibang nayon.
15. Alin sa mga salitang nakatala sa ibaba ang di-kabilang sa paghahambing na di-magkatulad?
a. di-hamak b. kawangis c. lalo d. higit

Sa lalagyan na'y dinukot na


Yaong tinapay na dala
Inabot nang maligaya
Sa matandang nagdurusa
16. Suriin ang pag-uugali ni Don Juan batay sa ipinahahayag ng saknong sa itaas.
a. mapagpatawad b. matulungin c. may kapilyuhan d. madasalin

17. __________________ ng seremonya ay itinatakda na ang petsa ng kasal na kadalasan ay sinusundan ng anihan.
Alin sa mga pangatnig ang angkop na gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag?
a. Samantalang b. Pagkatapos c. Habang d. Nang
18. Ang yantok ay sumisimbolo sa pagkakasundo ng mag-asawa, ________________ ang pandan ay kumakatawan sa
pagtatagumpay ng pag-iisang dibdib.
Ang pang-ugnay na angkop ipuno sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap ay ______.
a. samantalang b. pagkatapos c. habang d.nang
19. Ang sumusunod na salita ay napabilang sa antas ng wikang balbal. Alin ang hindi?
a. tisoy b. mag-MU c. paki d. kelan

HINDI lamang ang Meralco ang nagababantang magtaas ng kanilang singil, pati na rin ang mga pribadong eskuwelahan
(mapa-elementarya at high school ay magtataas din ng matrikula ngayong school year 2016-2017). Ngunit binatikos ito
ng mga grupo ng mga mag-aaral ang pag-apruba ng gobyerno sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan…
-Halaw sa filmanatics.wordpress.com
20. Anong bahagi ng pananalita ang may salungguhit?
a. pang-angkop b. pangatnig c. pang-ukol d. pang-abay
21. “Ang sarap talaga ng _______ na binili ni Mommy kahapon.” Punan ang patlang ng wastong salitang hiram upang
mabuo ang pangungusap.
a. pitza b. pitsa c. pizza d. piza
22. Hindi nagtagal, nagkasakit ang datung Agamaniyog. Malubha ang sakit nito at ipinaalam kay Solampid.Umuwi si
Solampid at pinuntahan ang kanyang ama. “Oh ama, ano ang nangyari sa’yo?”, ang tanong ng dalaga.
Anong damdamin ang ipinahahayag ng pahayag sa itaas?
a. pagkatakot b. pagkalungkot c. pagkagalit d. pag-aalala

23. Luminga-linga ang magnanakaw kung may nakakita sa kanya habang may isang nakatutok lamang sa
pagkakamasid sa kanya.
Alin sa pagpipilian ang KASALUNGAT na kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng kahon??
a. nakakikita b. nakamamasid c. nakatutok d. nagnanakaw

Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon.Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa kanyang
pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang
pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos
lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa
mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
-Halaw sa Kuwento ni Mabuti
24. Anong elemento ng maikling kuwento ang ipinahahayag ng halaw?
a. simula b. wakas c. pababang aksyon d. kasukdulan
25. Alin sa pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng sanhi at bunga?
a. Pinatawag ng punong guro ang kanyang ina.
b. Malaya siyang umalis sa lugar ng kanyang kapangangakan.
c. Pinarusahan si Bantugan ng kanyang kapatid na si Haring Madali.
d. Lumusob si Haring Miskoyaw sa Bumbaran sapagkat nabalitaan niyang namatay si Bantugan.
2
Malaki man po ang sala
Sa aki'y nagawa nila
Yaon po ay natapos na't
Dapat kaming magkasama
26. Suriin ang pag-uugali ni Don Juan batay sa ipinahahayag ng saknong sa itaas.
a. mapagpatawad b. matulungin c. may kapilyuhan d. madasalin
27. Naglagay ako ng sabon sa batya, bakit hindi bumula?
Ano ang lohikal na kaisipan ang ipinahihiwatig ng palaisipan sa itaas?
a. Hindi bubula ang sabon sapagkat walang paggagamitan.
b. Walang lamang tubig ang batya.
c. Nasira ang pinaglagyang batya .
d. Lahat ay tama.

28. May isang drayber na may limang dilag na pasahero, sa paghinto ng drayber sumakay agad ang apat
na binatilyo, kung tutuusin ay siyam na lahat ang pasahero ng drayber.
Ilan ngayon ang drayber ng dyip?
a. isa b. dalawa c. tatlo d. apat

Umiihip ang malakas na hangin. Nalalaglag ang mga tuyong dahon. Unti-unting dumidilim ang langit. Dali-daling
lumabas si Tess na may dalang basket habang ang bunsong anak at mga kaibigan nito ay masayang naghihintay ng mga
paparating.

29. Ano ang mahihinuhang kahihinatnan ng pangyayari sa itaas?


a. Aaalis si Tess papuntang palengke
b. Nag-aabang ang anak ni Tess sa kanyang mga kaibigan
c. Magluluto na si Tess sapagkat uuwi na ang kanyang bana.
d. Nagbabanta ang paparating na malakas na ulan.

May tinig siyang narinig, “Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!”
“Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para itong karsel!”
“Baka ito’y patibong !” ang isip ng ibon.

30. Anong aral ang nais iparating ng teksto sa itaas?


a. maging matulungin c. huwag maging pabigla-bigla sa mga desisyon
b. matutong magtiwala d. huwag maging mapanghusga sa kapwa

31. “Kung nagkasala si Talangka sa iyo, dapat na isinumbong mo siya dito at bahala akong magparusa sa kanya. May
batas tayo at hukuman para sa pagkakasala.

Ano ang ipinahihiwatig ng salitang nakapahalang sa kaganapang ito ng akda?


a. Wala sa tao ang batas at ang hukuman.
b. Tayo ay hindi batas lalo’t hindi ang hukuman.
c. Ang batas ay batas at may hukuman para sa anumang pagkakasala.
d. Mayroong batas na dapat sundin at hukumang tagapagpasya o hatol sa anumang pagkakasala.
32. “Napakasarap ng hinandang _______ ni Beth para sa aking kaarawan .” Punan ang patlang ng wastong salitang hiram
upang mabuo ang pangungusap.
a. spaghetti b. spaghety c. ispagheti d. spagheti
(Para sabilang 33-35)
Tulang Romansa
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng
mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito sa Pilipinas mulasa
Mexico noon pang 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa imprenta at
pagkatuto ng mga katutubong alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano,
at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na mapalaganap
ang diwang Kristiyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga
nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akdasaBirhen o sa isang santo.
-Isang halaw

33. Batay sa binasang teksto, bakit naging palasak sa Pilipinas ang mga tulang romansa?
a. lumaganap ang mga aklat dasalan
b. lumaganap ang relihiyong Kristiyano
c. likas na mahilig sa mga babasahing romansa ang mga Pilipino
d. gantimpala ito ng Diyos sa mga katutubo na matuto ng alpabetong Romano

3
34. Ano ang karaniwang pinapaksa ng mga tulang romansa?
a. suliraning panlipunan b. pag-ibig c. relihiyon d. kapayapaan

35. Paano sinisimulan ang pagkakasulat ng mga tulang romansa?


a. paglalakbay ng mga tauhan
b. panalangin sa Diyos ng mga tauhan
c. kabayanihan ng mga prinsesa at prinsipe
d. pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa malalayong lugar
Para sabilang 36-37
O, Birhengkaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
Liwanagan yaring isip
Nang sa layo’y di malihis.
36. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang:
a. matunton b. mapahamak c. mawala d. maligaw
37. Batay sa saknong, layunin ng persona na:
a. dinggin ng Birhen ang kanyang mga daing c. gabayan siya sa paglalakbay
b. ipanalangin ang kanyang kaligtasan d. humingi ng gabay sa Birhen

Araw-araw naglalako ng kakanin si Jessica upang makahanap ng perang pantustos sa kanyang pag-aaral at
pagtatagyod ng kanyang mga kapatid sapagkat ang kanyang ina ay namatay noong nakaraang taon at ang kanyang
ama ay tinaguriang lasinggero.

38. Ano ang problemang panlipunan angtinutukoy ng sitwasyon sa itaas?


a. child labor b. kurapsyon c. kawalan ng katarungan d. bullying
39. Alin sa mga sumusunod ang lunas sa sakit ng hari?
a. halik ng sirena b. awit ng isang ibon c. paggamot ng medico d. tinig ng asawa

Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit lamang na bato. Sumunod lahat
ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang
dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang
kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may
pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya kayang ihagis ang kanyang dalang
bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyangmakukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang
lupa. Nang makita ni Abed ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa mga
patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin,
wala siyang magandang kinabukasan.

40. Sa palagay mo, bakit naging sunud-sunuran ang mga nasasakupan ni pinunong Abed sa kanya?
a. takot sa kanilang pinuno
b. nais nilang maging maunlad ang kanilang bayan
c. nais nilang maging matiwasay ang kanilang pamumuhay
d. takot na masuway ang batas na umiiral sa kanilang bayan

41. Talagang hulog ka ng langit sa ‘kin, Bes… Buti na lang nalaman nating marami pala siyang chicks.
Suriin kung anong antas ng wika ang salitang may salungguhit?
a. pambansa b. balbal c. kolokyal d. pampanitikan

42. Uri ng panitikang may walong pantig sa bawat taludtod at ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural.
Ano uri ng panitikan ang tinutukoy sa loob ng kahon sa itaas?
a. korido b. awit c. epiko d. alamat

43. Humanda ka, kapag nahulog ka na sa akin, hinding-hindi na kita pakakawalan pa.
A B C D
Alin sa mga sumusnod na salitang may salungguhit ang pang-ugnay?
a. A b. B c. C d. D
44. Suriin at piliin mula sa mga pahayag ang gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng posibilidad:
I. Baka sakaling dumating ka pa, andito lang ako maghihintay sa ‘yo.
II. Lumaya na ang ibong matagal nang nakakulong sa hawla.
III. Puno ng lungkot ang aking kalooban nang yumao ang aking kaibigan.
IV. Lumipas man ang maraming sandali, maaaring maaalala mo pa rin ako kahit paminsan-minsan.
a. I at II b. II at III c. I at IV d. III at IV

45. Hinihingal na isinugod sa ospital ang isang pasyente _____nabangga ng isang pampasaherong sasakyan.

Alin sa sumusunod na mga pangatnig ang angkop na gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag.
a. sana b. sapagkat c. maging d. kung
4
46. Ang sumusunod na pahayag ay kinapapalooban ng sanhi at bunga MALIBAN SA:
a. Isa sa mga naging inspirasyon niya sa pagtupad ng kanyang mga pangarap ay ang kahirapan sa buhay.
b. Labis na init ang nararamdaman natin ngayon dahil na rin sa walang tigil na pagputol ng mga puno.
c. Dulot ng matinding pag-ulan, bumaha na sa buong Metro Manila.
d. Baka iniiwan tayo ng mahal natin kasi wrong grammar tayo. (baguhin ang pangungusap)

47. Ayaw kung sumama kay Beth ________ pagagalitan ako ni nanay.
Ang pinaka angkop na pang-ugnay na maaring ipuno sa patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag ay____?
a. gawa ng b. sapagkat c. dahil d. kapag

48. Buuin ang analohiya batay sa magkapares na mga tauhan ng koridong Ibong Adarna.
Don Pedro : Donya Leonora- Don Juan : ____________________

a. Donya Juana b. Donya Maria Blanca c. Donya Isabel d. Donya Valeriana

49. Sino ang totoong mahal ni Don Juan sa koridong “Ibong Adarna?”

a. Maria Blanca b. Leonora c. Juana d. Isabel


50. Bakit naging sikat na palayaw ng makata ng Ibong Adarna ang “Huseng Sisiw?”
a. Ang Ibong Adarna ay itinuturing niyang sisiw kaya ito ang kanyang napiling palayaw.
b. Marami siyang inaalagaang sisiw sa kanyang tahanan at hilig niya rin itong kolektahin.
c. Kapag may nagpapagawa ng tula sa kanya, sa halip na pera, sisiw ang ibinabayad.
d. Kamukha ng Ibong Adarna ang sisiw na kanyang nakita’t naging inspirasyon.

Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo’y hihinto.
_____51. Ano ang pangunahing ideyang hatid ng teksto?
a. Sapat na ang magsitsit para bumaba ng jeepney
b. Madaling madaling mapahinto ang dyip kapag sumisitsit
c. Magpakatao at pumara nang maayos upang makasakay ng dyip
d. Ang para ay isang salitang sinasalita ng tao
_____52. Ipinahihiwatig ng buong teksto ang ___________.
a. Mahalaga ang pag-uugali ng tao sa pakikipagalubilo
b. Marami sa mga kababayan natin ngayon ang palaging nagmamadali
c. Nagsisiksikan ang mga pasahero araw-araw
d. Matanto ang tunay na ugali ng tao sa kabiyang pananalita at kilos
_____53. Sa salitang sambit ang diin ay /sam•bit/ samatala sa salitang sambitin sa teksto, alin ang may tamang diin?
a. /sam•bitin/ b. /sambi•tin/ c. /sambit•in/ d. /sambitin/
_____54. Bumuo ng salitang parahan mula sa salitang para sa teksto na ang ibig sabihin ay pagpapatigil sa sasakyan.
a. /parahan/ b. /pa•rahan/ c. /para•han/ d. /pa•ra•han/
_____55. Ano ang wastong diin para sa salitang pito na may kahulugang bilang pagkatapos ng anim.
a. /pi•to/ b. /pito•/ c. /pito/ d. /•pito/

Talaan ng mga pangyayari sa kuwentong “Kuwento ni Solampid”

I. Pagkatapos ng isandaang araw mula ng mamatay ang ama ni Solampid bumalik na siya para sa isang kaugaliang
sinusunod ng kanyang ama.
II. Nagkasakit ang datu.
III. Si Solampid ay naging mag-aaral ni Raja Indarapatra.
IV. Ipinadala si Solampid sa paaralan Antara a Langit para mag-aral ng banal na Qu’ran.
V. Inihulog ni Somesen ang isang sulat namay larawan niya para kay Solampid at kinuha ito ng kanyang ina.
VI. Nagpakasal sina Raja Indarapatra at Solampid.

56. Alin sa mga pangyayaring naganap sa maikling kuwentong “Kuwento ni Solampid” ang nauuna?
a. I b. II c. III d. IV
57.Alin ang pangatlong pangyayaring naganap?
a. I b. II c. III d. IV
58. Ang kahuli-hulihang pangyayari sa kuwento ay ______.
a. III b. IV c. V d. VI
59. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda?
a. II-I-IV-V-III-VI b. IV-II-I-V-III-VI c. I-IV-II-III-V-VI d. V-IV-III-II-I-VI

ANN: Besti, buti na lang and’yan ka, may karamay ako sa lahat ng pagkakataon, lalo na kapag down na down ako
MARIE: Naman… Syempre matiis ba kita? Lakas mo sa akin kaya!

60. Alin sa mga salitang ginamit sa akda ang napabilang sa balbal?


a. besti b. buti c. lakas d. and’yan

5
6

You might also like