You are on page 1of 3

Sumatibong Pagsusulit

sa ESP V
(IKATLONG MARKAHAN)

Isulat ang tama o mali.


1. Tumutulong lamang kung may kapalit na kabayaran.
2. Tumulong nang kusang-loob.
3. Isapuso lagi ang pakikipagtulingan sa kapwa
4. May kagantihang pagpipintay para sa taong matulungin.’
5. Tumulong lang minsan at huwag nang sundan.
6. Tutulong ako sa lahat ng pagkakataon.
7. Pipiliin ko ang taong dapat tulungan.
8. Patutubuan ko ng malaki ang halagang aking naitulog.
9. Tutulong ako ng bukal sa aking puso.
10. Tutulong ako kung maraming taong nakakakita.
11. Tutulong ako kung may kapalit na gantimpala.
12. Magbibigay ako ng ng walang pag-aalinlangan.
Lagyan ng tsek √ kung ang pangungusap ay naglalarawan ng magiliw na pagtanggap ng panauhin at
ekis × kung hindi.
13. Ipaghanda ng meryenda ang mga panauhin sa inyong tahanan.
14. Paupuin at asikasuhin kapag may panauhin sa tahanan.
15. Pagsarhan ng pinto ang mga panauhin.
16. Kapag may dumating na panauhin ang iyong kapatid, hindi mo na ito kailangang asikasuhin.
17. Pakitinguhan nang maayos ang mga panauhin sa ating paaralan.
18. Sasabuyan ko ng tubig ang lahat ng dadalaw na panauhin sa aming bahay.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga katanungan. Itiman ang
bilog ng iyong sagot.
19. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng McDo habang kayo ay kumakain. Madami ang
pagkaing nakalagay sa inyong mesa dahil natanggap ng nanay moa ng bonus niya. Hindi
ninyo makain lahat ang inorder niya. Ano ang iyong gagawin?
a. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang batang gusgusin sa labas.
b. Iingitin ang bata kung paano ka kumain ng hamburger.
c. Hahayaan lang siya na parang walang nakita.
d. Papaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita.
20. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May dala siyang mabigat na bayong. Hirap
na hirap siya sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng traysikel. Ano ang iyong gagawin?
a. Lalampasan ang matanda upang makauwi agad sa bahay.
b. Sisigawan ang matanda dahil naaabala ka sa pag-uwi mo sa bahay.
c. Kakausapin moa ng matanda na ikaw na ang magbubuhat ng dala niyang bayong
hanggang sa sakayan.
d. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.
21. Naliligo ang pamilyang Santos sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si Joshua. Naliligo ang
dalawang anak ng mag-asawa. May batang babae na naliligo malapit sa kanila. Maya-maya
nalunod ang batang babe dahil pinulikat ang paa niya. Ano kaya ang posibleng gagawin ng
pamilyang Santos?
a. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod dahil hindi naman nila kaano-ano iyon.
b. Sasagipin ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano.
c. Tatawagin ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya.
d. Tatawag ng lifeguard na nasa ibang bayan dahil nakaday off sila.
22. Nadapa ang isang bata sa habang siya ay naglalakad. Ikaw lamang an nakakita kasi hindi
matao ang lugar na iyon. Lagi kang may dalang first aid kit sa iyong bag. Ano ang gagawin
mo?
a. Lalampasan lang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa bahay niyo.
b. Aawayin ang bata para umalis sa dinaraanan mo.
c. Lalapitan ang bata at lalapatan ng pangunang lunas ang sugat na natamo sa pagkadapa.
d. Duduran ang sugat ng bata dahil tatanga tanga siya.
23. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa pagsabog ng tangke. Ang bahay ng inyong kaibigan
ay nadamay sa sunog samantala ang bahay niyo ay hindi nadamay. Nakiusap ang pamilya ng
iyong kaibigan na makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang inyong
magiging sagot?
a. Isasarado ang pinto pagkasabi ng iyong kaibigan sa narinig na pakiusap.
b. Sisigawan sila na umalis sila sa tapat ng inyong bahay.
c. Kukuha ka ng tubig at isasaboy sa kanilang pagmumukha.
d. Papatuluyin sila sa bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.
24. May dumating na bisita galing sa ibang bansa.Wala ang iyong nanay dahil namalengke ito ng
ulam at ang iyong tatay ay nasa trabaho pa niya. Ang mga kapatid mo naman ay nasa
paaralan pa para gawin ang proyekto nila. Ano ang iyong gagawin?
a. Papatuluyin sa bahay at hahainan ng meryenda.
b. Babastusin sila dahil magkakaroon ng pabigat sa bahay.
c. Papalayasin sila dahil hindi wala silang karapatan para tumira.
d. Pagsasalitaan siya ng masama upang umalis sa aking harapan.
25. Kadarating ng nobyo ng iyong ate na nagtratrabaho sa Saudi Arabia. Nanirahan siya doon ng
mahigit 20 taon. Ngayon ikaw ang inatasan ng iyong ate na ipasyal sa inyong lugar dahil hindi
rin masyadong alam ng iyong ate ang mga lugar na puwedeng pasyalan ng mga turista. Ano
ang iyong gagawin?
a. Idadahilan ko na may pagsusulit kami sa susunod na Linggo kaya hindi mo
mapapagbigyan ang hiling ng ate mo.
b. Wala kang gagawin dahil wala ka naming narinig sa sinabi niya.
c. Ipapasyal ko sila pero ililigaw ko ang nobyo ng aking ate para mawala ito sa aming lugar.
d. Ipapasyal ko siya sa mga magagandang lugar upang malaman niya ang mga ito.
26. Wala kayong pera sa panahon na may dumating na mga kamag-anak niyo na galing sa inyong
probinsya. Makikituloy muna sila kahit isang Linggo upang mailakad ang kanilang sadya sa
siyudad. Ano ang posibleng gagawin ng iyong nanay?
a. Papaalisin sila sa bahay dahil nakakasikip sila.
b. Sasabihin na wala kayong maipapakain dahil wala kayong pera.
c. Sasabihan sila na papatuluyin sila pero sila ang bahala sa pagkain nila.
d. Papatuluyin sila at igagawan ng paraan para mapakain sila kahit walang pera
27. May dumating na misyonaryo sa inyong lugar at ang iyong bahay ay sobrang laki kaya doon
siya titira. Papaano mo pakikitunguhan ang inyong panauhin?
a. Tatanungin kung ano ang ayaw niyang hayop para lalagyan ito sa kaniyang kwarto para
umalis
b. Papalayasin siya sa bahay dahil wala siyang karapatang tumira doon
c. Papatuluyin siya sa bahay at tratratuhin siya ng maayos
d. Bawat umaga paparinggan siya hanggang sa kusa siyang aalis.
28. May napadpad na di kilalang tao sa inyong bahay. Natagpuan ang taong iyon na sugatan sa
may pampang. Pinatuloy siya ng inyong tatay sa inyong bahay dahil siya ang nakakita. Ano
ang iyong gagawin?
a. Pakikisamahan siya ng maayos at gagamutin ang mga sugat na natamo niya.
b. Papaalisin siya sa bahay dahil hindi siya kabilang sa pamilya.
c. Isusuplong sa pulis para malaman kung sino ang gustong pumatay sa kaniya.
d. Isusuplong sa pulis para malaman kung sino ang ang pamilya niya.
29. May programa sa paaralan ni Rudy at nangangailangan ang kanilang guro ng isang awit.Si
Rudy ay may talent sa pag-awit ngunit siya ay batang mahiyain. Kung ikaw si Rudy ano ang dapat
niyang gawin?
a. Magtatago dahil ayaw mong ipakita ang iyong kakayahan sap ag-awit.
b. Magkukusa na ipakita ang aking talento sap ag-awit.
c. Aawayin ang guro kapag pinilit akong umawit.
d. Papayag pero kapag araw na mismo ng pag-awit ay hindi ako papasok.
30. Ikaw lamang ang may cellphone na may kamera sa iyong pangkat. Kailangan ng cellphone
dahil kukunan ng video ang inyong dula-dulaan na ipapasa kay G. Sadiri. Kapag walang
maipasang proyekto ay walang grado sa asignaturang iyon. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko ipapahiram para damay-damay kami na hindi makakapasa sa nasabing
asignatura.
b. Gagawa ako ng sarili kong video na ipapasa kay G. Sadiri para sila ay babagsak.
c. Itatago ang cellphone at sasabihing nawala ito para hindi kami makakapagpasa
d. Ipapahiram ko ang aking cellphone upang lahat kami ay makapagpasa sa nasabing
proyekto kay G. Sadiri.
31. Sa lahat sa inyong klase ikaw lamang ang marunong mag- edit ng larawan at video gamit ang
kompyuter. Kinakailangan na ang kinuhang video ay ma-edit muna bago ipasa sa inyong guro.
Ano ang iyong gagawin?
a. Tuturuan ang bawat pangkat kung paano mag-edit ng larawan at video.
b. Ituturo lamang sa inyong kapangkat kung paano iyon gawin.
c. Hahayaan sila para hindi sila makapasa.
d. Tuturuan ang bawat pangkat pero mali pala ang ituturo sa kanila.
32. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong gumawa ng presentation gamit ang
MS Powerpoint Presentation. Alam mong marunong si Jest sa paggawa ng binanggit ng guro.
Bilang kaibigan papaano mo maipapalabas ang pagkamalikhain ng iyong kaibigan?
a. Pagsasalitaan ang kaibigan dahil ayaw ipakita ang kaniyang kakayahan.
b. Sasabihin sa kaibigan na panahon na para ipakita ang kaniyang kakayahan.
c. Isisigaw na ang kaibigan ko ay marunong sa sinasabi ng guro.
d. Sasabihin ko na ako ang marunong kahit ang kaibigan ko ang gagawa nito.
33. May proyekto kayo sa paggawa ng isang paper folding. Hindi ipinaliwanag ng inyong guro
kung paano gawin ito. Ano ang puwede ninyong gawin para magawa ito?
a. Walang gagawin para magawa ito kasi proyekto lang naman iyon.
b. Bibigyan na lamang ang guro ng tsokolate upang magkaroon ng grado sa asignaturang
iyon.
c. Magsasaliksik sa internet kung papaano gawin ang paper folding upang makapasa sa
nasabing asignatura.
d. Lalabas na lang sa nasabing asugnatura kasi hindi naman importante iyon.
34. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagkamalikhain?
a. pagguhit lang ng hindi na kinukulauyan c. magsasaliksik sa internet kung paano
inawit ang aaawitin
b. babaguhin ang mga formation sa sayaw d. pagandahin ang iginuhit sa
pamamagitan ng pagkulay nito.
35. May bisita sa inyong paaralan at naatasan ang inyong pangkat na maging usherette sa
pagsalubong ng mga panauhin. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na magiliw ang
pagtanggap sa kanila?
a. Ituturo sa kanila ang maling daan kung saan gaganapin ang pagtanggap sa kanila.
b. Hindi sila babatiin nang maayos.
c. Ituturo kung saan gaganapin ang pagsalubong sa kanila nang at gagamit ng magagalang na
pananalita
d. Sisigawan sila upang sila ay umalis.

You might also like