You are on page 1of 18

Aralin 3

First Aid Principles

 Layunin
Naiisa-isa ang mga pamamaraan sa
paglalapat ng pangunang lunas sa mga sakuna
tulad ng balingoyngoy, baling buto, hiwa, pasa
at paso.
Pampasiglang Gawain

“Luksong Baka”
Kumuha
  ng (2) dalawang bata na magiging taya. Yuyuko
na ang dalawang kamay ay nakatuon sa tuhod. Ang mga
bata ay tatalon sa ibabaw ng likod ng taya. Kailangang
ituon ang dalawang kamay sa likod ng taya sa pagtalon
dito. Siguraduhin ng guro na masunod ang pamantayang
pangkaligtasan ng larong ito.
Pagganyak

Sa
  larong luksong baka at iba pang
mga maliliksing laro, ano ang dapat
gawin upang mapanatiling ligtas ang
sarili ?
Naranasan na ba
ninyo ang mga
ganitong sakuna?
Paano ito maiiwasan?
 
HIWA
1. Hugasan ng malinis na tubig ang bahagi ng sugat.
2. Balutan ng sterile na gasa o bandage ang sugat.
3. Siguruhing medyo madiin ang pagkatapal o ballot sa
sugat.
4. Balutan ng pangalawang bandage kung tumatagos pa
ang dugo sa unang bandage na nailagay.
5. Itaas ang bahagi ng nasugatan kung nagdurugo upang
mapahina o mapabagal ang pagdaloy ng dugo nito.
PASA
1. Lapatan agad ng malamig: yelo o malamig na bimpo
ang bahaging may pasa.
2. Lapatan lang ito ng malamig sa loob ng 5 hanggang 10
minuto.
3. Naiiwasan nito ang pamamaga at paananakit ng
bahaging nasakuna.
PASO
1. Ilubog sa malamig na tubig ang bahaging napaso sa loob ng 5
minuto.
2. Iniiwasan nito ang pamamaga ng bahaging nasakuna.
3. Pahiran ng aloe vera cream o ano mang antibiotic ointment ang
bahaging nasakuna.
4. Maaring balutan ng tuyo at malinis na gasa ang bahaging may
paso.
5. Siguruhing maluwag lamang ang pagkabalot o pagkatapal dito.
BALING BUTO
1. Iayos ang pwesto o posisyon ng nasakuna, kung
nakaupo o nakahiga ayon sa kung aling bahagi ang
nabalian.
2. Gumamit ng panyo o tela bilang sling upang magsilbing
Alalay sa nabaling buto.
3. Dalahin sa doktor ang pasyente para maisagawa ang
mga sunod na kailangang hakbang na lunas sa nabaling
buto.
BALINGUYNGOY

Gamitin ang hinlalaki at hintuturong daliri para pisilin ang ilong.


 
Huminga sa bibig.
 
Ituloy ang pagpisil sa ilong sa loob ng 5 o 10 minuto.
 
Nakapipigil ito sa pagpigil na umagos ang dugo mula sa ilong.
PANGKATAN
G GAWAIN
Pangkatin ang klase sa 4. Ipagawa ang
mga paglalapat ng pangunang lunas sa
iba’t ibang sakuna na nasa activity card.
Sunding mabuti ang panuto. Ang bawat
grupo ay bubunot ng papel na
isasagawa nila.
Pagtatalakayan

Ano-ano ang mga pamamaraan sa paglalapat ng


pangunang lunas sa ilang mga sakunang nabanggit?
  Paano magiging matagumpay ang iyong paglalapat
ng pangunang lunas sa mga sakuna?
Ano-ano ang mga dapat mong tandaan kung
maglalapat ng pangunang lunas sa isang nasakuna?

You might also like