You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino III

III- Cherry

Enero 22, 2016

I. Layunin
1) Maipapahayag kung ano ang kahulugan ng pandiwa.
2) Magagamit ang mga salitang kilos sa pagtalakay ng iba’t ibang
gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan.
3) Magiging masunorin na mamamayang pilipino.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pandiwa
Sangunian:
 https://k12resources.files.wordpress.com/2014/06/filipino-3-tg-draft-4-
10-2014.pdf
Kagamitan: Imahe
Stratehiya: Gawaing pang-grupo

III. Pamamaraan
A. Pannimulang Gawain
1. Pagsasanay
Magpapakita ng imahe at ipapasuri ito sa mga mag-aaral.
Tanong:
Ano- ano ang mga ginagawa nila sa larawan?
2. Pagbabalik Aral
Mabigay ng mga salitang kilos.
3. Pagganyak
Ano-ano ang mga ginagawa sa tahanan, paaralan, at pamayanan?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Ipasuri ang larawan. Pagawain ang mga bata ng pangungusap tungkol
sa kilos ng bawat kasapi ng mag-anak sa larawan.
Tanong:

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

2. Pagtatalakay
Tanong:
 Sino-sino kaya ang kasapi ng pamilya?
 Ano ang ginagawa ng bawat kasapi? Isulat sa pisara ang sagot
ng mga bata.
 Saan nila ito ginagawa?
 Ano ang dapat nating gawin sa mga tungkulin at gawain natin?
 Paano tayo magiging huwaran sa ating sariling tahanan?
Paaralan? Pamayanan?
3. Pagpapahalaga
Ano ang pandiwa?

Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng


kilos o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles.
4. Paglalapat

Ilarawan ang ginagawa ng bata. Gawan ng isang pangungusap at bilogan


ang Pandiwa o salitang kilos.

IV. Pagtataya
Bilogan ang mga salitang kilos na makikita sa kahon.

Sumasayaw Ako Kumakain Lumalangoy

Ang Tumalon Siya Pumunta Tumatawa

Natutulog Kayo Nagsusulat Nangyari lamang

V. Takdang Aralin
Magbigay ng isang salitang kilos na makikita sa iyong tahanan. At gawan ng
pangungusap.

3 2 1
Wasto at malinaw Wasto at malinaw ang Di-malinaw ang
angpaglalarawan; paglalarawan; di wasto paglalarawan gamit ang
angkop ang mga and paggamit ng pangkasalukuan;
panghalip na ginagamit, bantas at malaking titik angkop ang mga
bantas at malaking titik sa pangungusap. panghalip; wasto/di-
sa pangungusap. wasto ang paggamit ng
bantas at malaking titik
sa pangungusap.

Gawa ni:
Lea Mae Ann B. Violeta

Student Teacher

Winasto ni:

Erlinda B. Tejero

Cooperating Teacher

You might also like